Behind Jessica Morales [TAGALOG]

🇵🇭JO_Arandia
  • 4
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 19.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGO

MASAYA ang lahat ng bisita ng mga Morales dahil ika-32 taon na ang anibersaryo ng kanilang pagsasama. Mga bigatin man ay nakadalo sa okasyon na ginaganap nito. Lahat welcome sa mansion ng mga Morales.

"Daddy, ang init po ng dress na suot ko ngayon." Reklamo ni Jessica sa ama na ngayon ay mayor ng kanilang bayan.

"Sweetheart masasanay ka rin sa ganyang kasuotan at talaga namang kailangan mong masanay dahil ikaw ang anak ng mayor." Pagmamayabang na sabi ni Roberto sa anak.

Sumimangot ang dose-anyos na babae dahil sa tinuran ng ama. Hindi kasi nito hilig ang pagsuot ng ganoong klaseng damit.

"Oh, nandito lang pala kayong mag-ama kanina ko pa kayo hinahanap," sabi ni Mrs. Morales ng matunton kung saan naroroon ang dalawa.

"Ito kasing si Jessica, nag-rereklamo sa suot niyang damit."

Natawa ang ginang dahil alam niyang 'pag ganito ang inaasal ng anak ay gusto lamang nitong kumuha ng atensyon sa kanilang mag-asawa.

Sobra na kasi silang abala sa pag-aasikaso ng mga bisita.

"Jessica, mahal ka namin ng daddy mo, okay? Kaya 'wag ka ng magselos sa iba." Nakangiting sabi ni Mrs. Morales sa anak.

Ang pagkasimangot ni Jessica ay unti-unting napawi hanggang sa mapalitan 'yon ng ngiti sa labi.

"Eh kasi naman po, simula kaninang paggising ko wala na kayo sa tabi ko tapos hindi pa kayo ang namili nitong damit ko at hindi po kayo ang nag-asikaso sa 'kin." Sagot ni Jessica sa mag-asawa.

Natawa ng pagak ang dalawa dahil sa inaasal ng unica hija nila.

"Ay na 'ku Roberto ang anak mo nga naman." Tatawa-tawang sabi ni Mrs. Morales.

Napakunot-noo naman si Jessica.

"Ma'am, Sir, narito lang po pala kayo. Naka-set na po ang lahat at hinihintay nalang po kayo ng mga bisita na lalapitan niyo upang makakuhaan ninyo ng litrato." Magalang na sabi ng photographer sa mag-anak.

"Sige susunod na kami." Nakangiting sagot ni Roberto sa lalaki. "Oh, hinahanap na tayo ng mga bisita." Sabay baling nito sa mag-ina.

"Tara na kung gano'n." Exited na sabi ni Mrs. Morales. " 'Wag ka ng magtampo Jessica, hayaan mo sa lahat ng lalapitan namin ay sisiguraduhin kong kasama ka lagi." Pakonswelo ng ina kay Jessica.

Tumango naman ang bata katibayan na sang-ayon ito sa tinuran ng ina.

Ang pamilya Morales ay isa na yata sa pinaka-angat na pamilya sa bayan ng Nilyedo, bukod kasi sa pagiging mayor ni Roberto ay isa rin ang pamilya niya sa masasabi mong mahihingan mo ng tulong dahil sa ubod nitong kabaitan.

Kaya marami ang naiinggit kay Jessica dahil bukod sa maganda na ito ay nabiyayaan pa ng masagana at mabuting mga magulang. Sa sukat ng mga tagaro'n ay wala ng hihilingin pa si Jessica.

"Mr. Morales, Mrs. Morales at Jessica na 'ko dalaga ka na." Bati ng isang may edad na panauhin sa kanilang mag-anak.

Ngumiti naman si Jessica saka marahang dumikit sa ina dahil natatakot siya sa tingin nito at pati na rin sa boses nito.

"Mr. Cero, kayo pala mabuti't nakadalo kayo," sabi ni Mrs. Morales sa bisita.

"Paano namang hindi kami dadalo, kayo pa... Malakas ata kayo sa 'kin." Sabay tawa nito.

Nagtawanan ang mga nakarinig at maski si Jessica ay nakitawa rin.

"Palabiro ka pa rin Mr. Cero," nakatawang sabi ni Mr. Morales.

"Sa 'yo lang ako natuto." Agad na sagot nito saka nakipag-kamayan tanda ng pakikipag kaibigan.

"Ma'am, Sir, pose ho kayo para makunan ng Camera!" Sigaw ng Photographer na siya namang sinunod nila.

Umayos ang lahat at maski si Jessica ay pinalabas ang isang matamis na ngiti sa labi.

"Okay, 1, 2,---"

Tunog ng isang pagsabog ang gumulantang sa mansion ng mga Morales. Nagkagulo at nagtakbuhan ang mga taong naroroon.

Dama ni Jessica ang paghapdi ng kanyang ulo at pati na rin ang sakit ng kanyang katawan.

Nang magdilat siya'y nakita niya ang kanyang ina at ama na ngayon ay magkayakap na nakahandusay sa sahig at animo'y wala ng buhay dahil ni hindi man lang gumagala ang mga 'to.

Pansin din niya ang bakas ng dugo sa dalawa kaya naman mabilis na naglandasan ang luha sa kanyang mata.

"Mom! Dad!"

Sigaw niya kahit na nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya dahil nakadagan sa katawan niya ang isang babasaging lamesa na pasalamat na nga lang ay hindi nabasag.

Unti-unti siyang nakaramdam ng panghihina hanggang sa dumilim ang kanyang paningin at tuluyan ng nawalan ng malay.

-------------------------------------------------------------------------------

Vote | Comment | Share :)

Copyright ©2015

❤ by J. O. Arandia ❤

•••••••••••••••••

Visit my accounts:

FB page: J. O. Arandia

Dreame: JO_Arandia

Twitter: JO_Arandia