Chereads / Behind Jessica Morales [TAGALOG] / Chapter 3 - KABANATA 2

Chapter 3 - KABANATA 2

PAGKALABAS nila ay dumitetso sila sa isang simple at classic na bar. Iyong hindi masiyadong crowded at hindi rin maingay, saktuhan lang para sa mga gustong uminom ng tahimik.

Pang-broken hearted ang ambience ng lugar pero kibit-balikat nalang si Jessica dahil dito mas makakapag-usap sila ng maayos ni Kaiser.

At anong pag-uusapan n'yo, aber? Tanong ng isip niya. Naikot niya ang mga mata, heto na naman ang isip niya.

Sa may sulok sila umupo, iyong lamesang may pang-dalawahan lang ang pinili nila para walang makikisalo sa kanila. Medyo malayo rin ito at hindi pansinin, sakto para kung sakaling makagawa sila ng ingay ay hindi sila mapapansin.

At anong ingay ang iniisip mo, Jessica? Napabuntong-hininga siya. Kanina pa siya binabara ng isip niya.

Bago palang siya sumama kay Kaiser ay may naisip na siyang gawin at heto ang isip niya na kanina pa siya pilit na inililigtas sa desisyong siya mismo ang gumawa.

"Anong kurso ang tinapos mo?" Biglang tanong ni Kaiser.

"Political science," tipid niyang sagot sa kaharap.

Tumango-tango ito. "Iba rin, may plano ka bang pumasok sa gobyerno?"

Umiling siya. "Hindi ko sigurado kung kakayanin ko, mas gusto ko iyong sa maliliit lang na lugar para matutukan ko sila. Iba na kasi kapag masiyadong mabigat ang trabaho, okay na sa akin na pagsilbihan ko ang bayan ko."

"Maganda kung gano'n, ba't hindi mo simulan sa barangay?"

"Naisip ko na rin iyan, pero gaya ng sinabi ko kanina. Gusto ko munang mag-enjoy."

Tumango-tango si Kaiser. "Sabagay, medyo mahirap din ang tatahakin mong daan kaya mas mabuting mag-enjoy ka muna para handa ka."

Ngumiti lang naman si Jessica kasabay no'n ang pagdating ng waiter para kunin ang order nila. Matapos no'n ay umalis din kaagad ito at mabilis ding nakabalik dala ang order nila.

Napaisip si Jessica, matagal na niyang plinano ang buhay niya at itong sitwasyon niya ngayon ay wala sa plano niya. Magkagayon man, hindi siya natatakot kung ano man at kung saan man sila dadalhin ni Kaiser sa gabing ito. Sinulyapan niya ang kaharap, mukha namang hindi masamang tao itong kasama niya dahil iyon ang sinasabi ng pakiramdam niya.

"Hey, tahimik ka na naman. Gusto mo na bang umuwi? Baka hinahanap kana sa inyo."

Napakurap si Jessica. Nawala sa isip niya ang pag-uwi, nang tingnan niya ang pambisig na orasan ay pasado alas-dos na ng madaling araw!

"Ano? Ihahatid na kita?" Tanong ni Kaiser.

Umiling siya. "Hindi na, wala pa naman akong planong umuwi. Ngayon lang ako umabot ng ganitong oras at siguro naman hindi na ako pagagalitan dahil hindi naman ako estudyante." Nanunukso niyang sagot sa binata.

Ngumiti ito. "Bad girl, baka hanapin ka sa inyo," sabi nito.

"Ikaw? Ano bang tinapos mo?" Pag-iiba niya ng topic dahil totoong wala siyang balak na umuwi.

Ngumisi ito, "Secret."

"Madaya ka!" Inis niyang sabi.

Naisahan siya nito! Sinagot niya ang mga tanong nito samantalang ito...

Nagkibit-balikat ang kaharap niya. "Hindi naman ako madaya dahil una sa lahat, hindi tayo naglalaro."

Sa itsura nito ay hindi alam ni Jessica kung nang-iinis ba 'to o kung ano ang itinatakbo ng isip nito. Natitigan niya tuloy ito.

"Natahimik ka ata?" Tanong nito sa kanya ng mapansin siguro nito ang titig niya. 

"Wala naman hindi ko lang alam kung trip mo ba ako o kung sadyang epekto lang 'yan ng alak," sabi niya dito.

Nagpigil ito ng tawa. "I like you."

Napakurap si Jessica dahil sa tahasang pagsabi nito. Oo, marami na siyang karanasan sa ganitong pag-amin ng lalaki sa kanya lalo na noong college days niya. Ang hindi niya maintindihan ay bakit nang si Kaiser na ang nagsabi no'n ay para iyong musika sa pandinig niya? Nakakainis! Hindi niya alam kung anong isasagot.

"Lasing ka lang," sabi niya rito.

Hindi niya dapat paniwalaan ang kung anong sasabihin nito, lalo na sa sinabi nitong gusto siya nito. Ngayon lang sila nagkita for petes sake! Maniniwala pa sana siya kung sasabihin nitong attractive ito sa kanya.

Tinitigan siya ni Kaiser, titig na hindi niya kayang salubungin ng tingin kaya naman binalingan nalang niya ang inumin nila sa lamesa.

Hindi na siya nito sinagot pa at iniba nalang nito ang topic. Dinaldal siya nito nang dinaldal habang patuloy lang siya sa pag-inom ng alak kahit na nga ang iba nitong sinasabi ay hindi na niya maintindihan, oo nalang siya nang oo at sabay ngingiti.

"Tingin ko kailangan na nating umuwi. Masiyado ng late at maya-maya lang ay sisikat na ang araw," sabi nito saka tumayo.

"Ayoko pang umuwi. Ikaw, umuwi ka kung gusto mo. Iwan mo 'ko sanay naman akong mag-isa."

Kusang natigilan si Jessica sa huling sinabi. Kaya ng tingnan niya si Kaiser ay agad niyang napansin ang nakakunot na noo nito.

"Lalaki ako, Jessica. Hindi ko naman kayang iwan kang nag-iisa dito lalo na sa ganyan mong suot. Ihahatid na kita sa inyo, mas mukha ka pang lasing kaysa sa'kin." Iiling-iling na sabi nito.

Magrereklamo pa sana siya kaso mabilis ang kilos ni Kaiser. Nagawa siya nitong maitayo saka na siya inalalayan palabas.

Kasalukuyan na silang nasa kotse ngayon, tahimik lang si Kaiser at gano'n din naman siya. Kanina pa niya hinihintay na paandarin nito ang kotse kaso mukhang wala itong balak na umalis sa lugar. Mga ilang minuto pa bago ito nagsalita.

"Anong address mo?" Tanong nito.

"Ayoko pang umuwi, Kaiser." Nakita niyang nilingon siya nito.

Paano ba niya sasabihin sa binata na gusto niyang sumama rito? Gusto niya pa itong makasama--- gusto niyang dalhin siya nito sa lugar nito. Gusto niyang pagbigyan ang sarili sa kakaibang desisyon katulad ng kanina pang tumatakbo sa isipan niya.

Binalingan niya ng tingin si Kaiser. "Take me,"

Dahan-dahan siya nitong nilingon at napansin kaagad ni Jessica ang kakaibang tingin nito sa kanya.

"Kaya kong magpigil, Jessica pero sa oras na makarating tayo sa condo ko, wala ng bawian. Anong address mo para mahatid na kita sa inyo?"

"C'mon, Kaiser! Hindi na tayo bata." Wala sa sariling sabi niya.

Yes! Desperada na siya dahil ito na ang una't-huling pagkakataon na pagbibigyan niya ang sarili.

Bago pa man makasagot si Kaiser ay mabilis niyang hinaklit ang batok nito saka niya sinalubong ang labi nito. Mapusok ang halik na 'yon kagaya kanina ng paraan sa kung paano siya hinalikan ng binata. Ramdam niya ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya. Hindi rin naman nagtagal ay tumugon din si Kaiser.

Sinadya niyang padausdusin  ang kamay niya mula sa matipunong dibdib ni Kiaser, pababa sa may katigasang tiyan nito at bago pa mas bumaba ang kamay niya ay mabilis siyang pinigilan nito saka bumitaw sa halik niya. Nagtataka man ay pinilit ni Jessica na manahimik. Parehas nilang habol ang paghinga. Ilang sandali pa'y mabilis na pinasibat ni Kaiser ang kotse paalis sa lugar.

WARNING! 

Read at your own risk.

Isa-isang nahuhulog sa sahig ang kasuotan nila dahil simula pa lamang na makapasok sila ng pinto ay agad ng sinandal ni Kaiser si Jessica at do'n na pinakawalan ang nag-uumalpas na damdamin. Hindi nila makuhang magbitiw sa isa't-isa at dahan-dahang naglalakad patungong silid ni Kaiser.

Nang magbukas ang pinto ay ang malambot na kama ang sumalo sa hubad nilang katawan. Doon ipinagpatuloy ang mainit na sensasyong namamagitan sa kanila.

Alam na ni Jessica ang kahahantungan sa kamay ni Kaiser at nag-aalala na ang isip niya sa kanya dahil kanina pa pumapasok sa isipan niya na mali itong ginagawa niya pero hindi niya magawang pigilin ang sarili. Gusto niya ito, aminado siya ro'n. Saka na lamang niya iisipin ang susunod na maaring mangyari pagkatapos nito.

Ginagawa niya 'to para paligayahin ang sarili, para sa sarili at pagkatapos ay lahat na ng susunod niyang gagawin ay para sa magulang niya.

Kaya naman ng maramdaman niya ang pagdampi ng labi ni Kaiser sa kanyang katawan ay hindi niya ito sinaway, maging ang malikot nitong kamay na halos lahat na ng parte ng katawan niya ay nahaplos na nito. Maging ang mainit na bibig nito sa dibdib niya'y wala siyang kahit na anong pagsuway na ginawa.

Ilang sandali pa'y naramdaman na ni Jessica ang kahandaan nito sa bungad niya. Kapansin-pansin ang nag-uumapaw na pagnanasa sa mga mata ni Kaiser. Muli nitong ginawaran ng halik ang labi niya na siya namang binigyan niya ng pagtugon.

Unang pagkakataon na pagtangka ni Kaiser ay kaagad ng naramdaman ni Jessica ang kakaibang sakit na 'yon, maging ang binata ay natigil sa balak nitong gawin.

Naguguluhan itong napatingin sa kanya. "U-unang beses---"

Pinigilan niya itong magsalita gamit ang daliri niya.

"Please, go on." Mahinang usal niya.

Hindi kaagad nakakilos si Kaiser, bakas ang pag-aalala nito sa kanya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi niya sinabing ito ang unang pagkakataon niya, ayaw niyang mag-alala ito at tanggihan siya.

Bago pa man magbago ang isip nito ay kaagad na niyang kinabig ang batok nito para sugurin ng halik. Tumugon naman si Kaiser at maya-maya lang ay nagpatuloy na itong kumilos sa ibabaw niya. Dahan-dahan na para bang tinatansya kung anong magiging rekasyon niya.

Pigil ni Jessica ang kanyang paghinga ng muli niyang maramdaman ang kirot na iyon. Salamat na lamang at hindi binitiwan ni Kaiser ang labi niya dahil nakakatulong iyon para mawala ang atensyon niya sa sakit.

Hanggang sa sakit na 'yon ay napalitan ng kakaibang kiliti, at ng sa pakiramdam niya'y kaya na niya ay sinalubong niya ang pagkilos ni Kaiser na siyang nagpasabik dito habang pabilis nang pabilis ang pagkilos nito. Kapwa sila naghahabol ng hininga ng marating nila ang hangganan. 

Lahat ng ito ay bago lang sa pandama ni Jessica at wala siyang pinagsisisihan sa nangyari dahil unang-una, siya ang may gusto nito at siya ang nagbigay ng motibo.

Naramdaman niya ang pagsandig nang ulo ni Kaiser sa balikat niya, hindi nito pinaghiwalay ang katawan nila at mabuti iyon dahil may mga kaunting kirot pa siyang nararamdaman.

"K-Kaiser." Sambit ni Jessica.

Marahan niyang hinaplos ang likod ng binata.

"Hmmm?" Tila pagod na tanong sa kanya ni Kaiser.

"Magpahinga kana."

"Mahal kita Jessica."

Natigilan siya sinabi nito. Eh, kung 'yung kanina nga na sabi nitong gusto siya nito ay ayaw niyang paniwalaan, iyong mahal pa kaya?

"Mahal kita, Jessica." Ulit na sabi ni Kaiser sa kanya pero hindi pa rin niya magawang makapagsalita.

Umangat ang ulo nito at nagtama ang kanilang mga tingin.

"Matututunan mo rin akong mahalin, Jessica."

Matatag na sabi ni Kaiser saka ito muling kumilos at ang pagkilos na 'yon ay binigyang pagtugon muli ni Jessica. At kahit mapailang beses pa siya nitong inangkin ay kailan man hindi siya tumutol.

----

Naalimpungatan si Kaiser ng wala siyang makapa sa tabi niya. Agad siyang napabangon mula sa pagkakahiga. Wala na do'n si Jessica, siya nalang ang mag-isang nasa ibabaw ng kama. Napansin niya ang kulay pulang marka na nakabakas sa kulay puting sapin ng kama niya.

Birhen pa siya, pero bakit pa siya pumayag? Nasa'n na siya? Mga tanong ni Kaiser sa sarili.

Bumaba na siya ng kama saka inabot ang towel na nakasampay sa upuan upang ibalot sa kanyang hubad na katawan saka na siya lumabas sa silid na kinaroroonan niya.

Litong-lito siya at naro'n ang panghihinayang kung bakit wala na ang babaeng kanina lamang ay katabi niya sa pagtulog.

------------------------------------------------

Vote | Comment | Share :)

Copyright ©2015

❤ by J. O. Arandia ❤

•••••••••••••••••••

Visit my accounts:

FB page: J. O. Arandia

Dreame: JO_Arandia

Twitter: JO_Arandia