Chereads / Behind Jessica Morales [TAGALOG] / Chapter 2 - KABANATA 1

Chapter 2 - KABANATA 1

TUNOG ng musika ang dumadagundong ngayon sa paligid ni Kaiser, kasalukuyan kasi siyang nasa bar kung saan sila magkikita ng kaibigan niya na may dalang papeles tungkol sa isang kasong kailangan niyang solusyunan.

"Ano po ang sa inyo sir?" Tanong ng bartender.

Napatingin siya rito. Wala siyang balak uminom ngayon pero mukhang kakailanganin niya para hindi siya mainip sa paghihintay niya sa kaibigan.

"Isang margarita." Maikling sagot niya saka inilibot ang tingin sa paligid.

Napako ang tingin niya sa kaliwang bahagi ng bar. Nakita niya ang isang babaeng may hawak na beer at animo'y pinaglalaruan nito iyon dahil pinapa-ikot lamang nito 'yon sa kamay. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kuryusidad sa katawan.

"Sir ito na po 'yung order mo," nakangiting sabi ng bartender kay Kaiser.

Mabilis niyang inabot ang bayad saka muling binalikan ang tinatanaw kanina. Pinapanood lang niya ang babae mula sa kinauupuan niya, ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang supilin ang sarili para ibaling sa iba ang tingin.

Nilagok niya ang alak at ramdam niya ang pagguhit ng mainit na likidong iyon sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang dibdib.

Napadako ang tingin niya sa hapit na skinny jeans ng babae, hakab ang kurba nitong beywang sapatos na may takong at damit na akala mo'y kinapos ang tela dahil labas ang pusod nito. Tulad ng jeans ay fitted din ang damit nito kaya naman madaling makatawag ng pansin ang prisensya nito.

Kaiser, nandito ka para sa isang mahalagang bagay at hindi para maghanap ng ka one night stand. Paalala ng isip niya. Napailing tuloy siya.

Kanina pa ramdam ni Jessica ang dalawang pares ng mata na nakasubaybay sa kanya. Hindi niya magawang ilibot ang kanyang tingin dahil hangga't maari ay ayaw niyang i-entertain ang kung sino man iyon. Gusto lang niyang uminom at mag-isip, ayaw niya ng istorbo.

Agad niyang ininom ang hawak na beer para mapakalma niya ang sarili. Kapag tumagal pa ang ganitong sitwasyon ay aalis na siya rito at lilipat sa ibang bar.

Mas lumakas at bumilis ang tunog ng musika sa loob kaya naman hindi niya maiwasang mapasabay sa beat ng tugtog. Tamang padyak at kaunting sayaw habang siya'y nakaupo ay sapat na, hindi na niya gustong tumayo pa't makigitgit sa dance floor ng bar. Maybe next time kapag nasa mood siya.

Sa kabilang banda naman ay tahimik lang si Kaiser habang pinapanood ang bawat kilos ng dalaga. Kanina pa niya ito gustong lapitan kaso mas kailangan niya ang unang pakay, at iyon ay ang dalang dokumento ng kaibigan niya. Ang tagal naman kasi no'n.

Nakakatatlong baso na siya ng alak, wala pa rin ang kaibigan niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis ang babaeng tinitingnan niya.

Mabilis siyang tumayo ng tuluyan na siyang mainip saka naglakad papunta sa direksyon ng babae.

"Kaiser!"

"Kaiser!" Rinig niyang tawag sa kanya kaya naman napilitan siyang hanapin ang boses ng kung sino man ang tumatawag sa kanya.

Nakita niya ang kaibigan na papalapit na sa kinatatayuan niya.

"Oh? Ba't parang aalis ka na?" Takhang tanong nito sa kanya pero hindi na niya ito sinagot.

"Dala mo na ba?" Tanong niya upang iwasan ang tanong nito.

"Oo, pasensya na pala hindi kasi madali ang pinagagawa mo kaya naman nahirapan akong kunin lahat ng files." Hinging paumanhin nito saka napakamot ng ulo.

"Walang problema ang mahalaga ay nadala mo siya sa 'kin ngayon." Sagot niya rito habang nakatuon ang tingin sa babaeng kanina pa niya sinusundan ng tingin.

Napansin iyon ng kaibigan niya.

"Babae na naman? Tsk! Tsk!" Iiling-iling na sabi nito sa kanya kaya naman napatingin siya rito.

Kita niya ang nakabakas na ngiti nito.

"Loko!" Iiling-iling ding sabi niya.

"Okay lang 'yan tol, may pangangailangan din tayo at siyempre kailangan natin ng pahinga at hindi 'yung puro trabaho lang." Natatawang sabi nito sa kanya sabay tapik sa braso niya.

"Tumigil ka na nga! Ang dumi ng utak mo. Bumalik kana bago pa may makahalata sa pagkawala mo." Pag-iiwas niya sa sinasabi nito.

Tinukso pa siya ng kaibigan bago tuluyang umalis. Nang balikan niya ng tingin ang babae ay mabilis na umaliwalas ang mukha niya dahil hanggang ngayon ay naroon parin ito.

Mabilis na siyang naglakad palapit dito. Naabutan niya itong tinutungga ang bote ng beer.

"Hi, pwede maki-share?" Agad niyang tanong ng makalapit.

Napansin ni Kaiser ang paglibot nito ng tingin na para bang sinasabing marami pa namang vacant seat, bakit hindi siya ro'n maupo.

"I'm sorry, hindi kasi masaya kapag walang kausap habang umiinom." Dugtong niya.

Tumango lang ang dalaga tanda na pumapayag itong makihati sa kanya. Lihim namang napangiti si Kaiser.

Hindi niya mapangalanan ang sayang nararamdaman. Ni hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang makilala ang kaharap. Oo, aaminin niyang may atraksyon sa kanya ang babae, pero may mas higit pa ro'n at iyon ang hindi niya maintindihan.

Tahimik lang si Jessica, ni wala siyang masabi dahil sa binatang nasa harapan niya ngayon. Gwapo ito at may matipunong pangangatawan. Hindi nalalayo ang bultuhan nito sa isang modelong lalaki--- at kailan pa siya nagkaroon ng interes sa isang lalaki?

Madaldal ang binata dahil sa iba't-ibang kwento nito lalo na noong nag-aaral pa ito. Tamang tango at ngiti lang ang naisasagot ni Jessica dahil hindi niya hilig ang makihalubilo sa iba. Kung hindi nga lang nakakabastos ay lalayasan niya ang lalaki at lilipat siya sa ibang bar gaya ng plano niya pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi magawang ilayo ni Jessica ang sarili sa kaharap. May kung ano sa binata na gusto ng pagkatao niya.

"Nga pala, anong pangalan mo?" Natigilan siya ng magtanong ito.

"Jessica," tumango-tango ito.

"Maganda, bagay sa 'yo. Call me Kaiser," sabay abot ng kamay ng kaharap.

Napatitig lang si Jessica sa nakaabang na kamay ng binata. Nagulat siya ng ito na mismo ang kumuha ng kamay niya at saka sila nag-shake hands.

"Ikinagagalak kitang makilala," sabi pa nito.

"Ang weird mo." Nakakunot-noong sabi niya.

Tinawanan lang naman siya ni Kaiser. "Talaga bang tahimik ka? Parang ang tipid mong magsalita." Pansin nito sa kanya.

"Maingay ang paligid, sa tingin mo makakapag-usap tayo ng maayos?" Ngumiti lang ito.

"Hindi naman na gano'n kaingay at nagkakarinigan naman tayo." Totoo iyon.

Kanina lang kasi ay humina na ang musika sa paligid hindi katulad kanina na sayawan talaga. Parang nakaramdam ang dj ng bar.

"May trabaho ka na ba?" Biglang tanong niya kay Kaiser.

Tumango ito. "May business ako at may extra akong work pero hindi ako komportableng pag-usapan iyon. Ikaw ba? Nagta-trabaho kana? O college student?"

Natawa siya rito. "Mukha ba akong estudyante, Kaiser?"

Napansin niyang tinitigan siya nito, titig na nagbigay ng pakiramdam sa kanya para iiwas ang tingin niya rito. Nakakatakot kasi ang mga tingin nito na para bang pinapasok nito ang isip niya at kaya nitong malaman ang pagkatao niya. Napailing tuloy siya.

"Hindi ka naman mukhang estudyante, pero malay ko." Sabay kibit-balikat nito. "Nagta-trabaho ka rin?" Tanong pa nito.

Umiling siya. "Hindi, sa bahay lang ako. Gusto kong mag-trabaho pero saka nalang muna, gusto ko munang mag-enjoy." Sagot niya.

Bigla nalang may eksenang nag-flash sa isip ni Jessica dahilan para kunin niya ang beer saka iyon iinumin kaso nagtaka siya ng pigilan siya ni Kaiser.

"Hey! Beer lang 'to," kunot-noo niyang sabi sa binata.

"I know, pero wala ng laman 'yan."

Napatingin siya sa hawak, tama ito.

"Subukan mo ang ladies drink at 'wag ang beer." Suhestiyon pa nito.

Napansin niyang nag-tawag ng waiter si Kaiser at ito na ang um-order. Hindi rin nagtagal ay mabilis na dumating ang order nila.

Napatingin siya sa lamesa nila, hindi siya pamilyar sa ibang inumin na naroon. Hindi naman kasi siya palainom, nagkataon lang na gusto niyang mag-isip, mapag-isa at aliwin ang sarili kahit ngayong gabi lang.

Nagsimula na silang uminom at pakiramdam ni Jessica ay mas matapang pa itong iniinom niya ngayon kaysa sa beer kanina. Matamis naman ang lasa pero nag-iiba kapag nagtagal sa bibig. Iba ang iniinom ni Kaiser dahil hard daw iyon at hindi niya kakayanin.

Ilang sandali pa ay muli na namang lumakas ang tunog. Pang-disco na naman ang nakasalang at dagsa na naman ang mga taong tumatayo papunta sa dance floor. Nagsisigawan ang mga 'yon, literal na maingay!

"Gusto mong mag sayaw tayo!?"

"Huh!?" Gulat na tanong ni Jessica dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ni Kaiser.

"Ang sabi ko, mag-sayaw tayo!" Doon lamang niya ito narinig.

"Ah, sige. Tara!" Sigaw niyang sabi saka na tumayo kasunod si Kaiser.

Magkaharap sila ngayon ni Kaiser at nagpapagalingan sa pag-indak, natatawa sila kapag nagkakabungguan sila dahil bahagya iyong masakit sa pandama nila. Naro'n kasi ang masisiko nila ang isa't-isa, matatapakan at kung anu-ano pa.

Napatigil si Jessica saka nagtatakang napatingin kay Kaiser ng hawakan siya nito sa beywang. Wala itong sinabi na kung ano bagkus inilapit pa siya nito sa sarili nitong katawan kasabay no'n ang pagpalit ng tugtog na mula sa pang-disco ay naging isang romantikong musika.

Nababawasan ang mga tao sa kanilang paligid at napapalitan iyon ng mga couple na marahang gumagalaw sa himyo ng musika.

Hindi napigilan ni Jessica na hindi mahilig ang kanyang ulo sa lalaking kasayawan niya ngayon pakiramdam niya ang maging malapit dito ay parang isang ligtas na lugar, payapa para sa katulad niya.

Jessica, ihinto mo na 'tong ilusyon mo baka ikapahamak mo lang ito. Paalala ng kanyang isip.

Alanganing napatingin siya sa mukha ni Kaiser at nagtagpo ang kani-kanilang tingin. Sa simpleng tinginan ay nagkasundo sila, unti-unting lumapit ang mukha ni Kaiser sa kanya at sa isang iglap lang ay naglapat na ang kanilang mga labi. Hindi nila pinansin ang mga taong maaring makakita ng ginagawa nila. Kapwa kinakapos ng hininga nang magbitaw sila sa isa't-isa.

"Jessica," masuyong bulong ni Kaiser sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus marahan niyang pinulupot ang braso sa likod ng batok nito at siya na ang kusang lumapit sa mukha nito upang muling magtagpo ang kanilang mga labi.

Kahit isang beses, susuwayin ko ang isip ko. Kung sa'n man 'to humantong ay hinding-hindi ko pagsisisihan. Minsan ko na lamang bibigyan ng kaligayahan ang sarili ko. Pansariling hakbang ika nga nila. Ito ang una't-huling beses kong pasisiyahin ang sarili ko sa pamamagitan ni Kaiser. Taimtim niyang bulong sa sarili habang walang palya niyang tinutugon ang pagkilos ng labi ni Kaiser.

Maya-maya lang ay bumilis na ang beat ng musika na tila ba sinasabing tama na ang ka-sweet-an halina't makisabay tayo sa pag-indak ng musika.

Napilitan silang humiwalay sa isa't-isa dire-diretso hanggang sa makalabas sila sa naturang bar na 'yon.

-----------------------------------------------

Vote | Comment | Share :)

Copyright ©2015

❤ by J. O. Arandia ❤

•••••••••••••••••••

Visit my accounts:

FB page: J. O. Arandia

Dreame: JO_Arandia

Twitter: JO_Arandia