Chereads / My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 21 - Sad News

Chapter 21 - Sad News

"May kapapasok lamang pong balita, dalawa pong mamamahayag ng ABM News ang nasawi kanina lamang bandang alas siete imedya ng umaga matapos na tambangan ng isang hindi pa nakikilalang lalake sa Don Felipe Highway. Christopher Muan, pasok?"

Nabitawan ni Shine ang hawak na baso na marinig ang ulo ng balita. Agad siyang napatakbo patungo sa telepono at nag-dial. Ilang beses niyang inulit ang pagdadial ng sa wakas ay may dumampot na nito sa kabilang linya.

"Hello, this is Rocel of ABM News, may I help you?" Sagot mula sa kabilang linya.

"Rocel! Si Shine to! Alam niyo na ba ang balita?!!! Diyos ko!!! Si Yna!!! Ano na??!!! Gumagaralgal ang tinig niyang tanong. "Kasabay ko sana siyang papasok ngayon kaso sumakit ang tiyan ko kaya pinauna ko na lang siya. Tapos sinundo siya nina Fred at Jasmin. My God!!!" Pagpapatuloy niya habang sinusubukang iparing ang cellphone ni Yna ngunit putol ang linya nito.

"I've heard ok naman si Yna. Umalis na actually si boss para sunduin siya. Maya-maya siguro andito na siya." Paliwanag ng babae sa kabilang linya.

Tila nabunutan naman ng malaking tinik sa dibdib si Shine ng marinig na ayos lang ang mga kaibigan.

"How about Jasmin and Fred?" Tanong niyang muli.

"Nasa Funeraria Paz na sila. Haay, nakakalungkot talaga." Buntong-hiningang sagot nito.

Napapikit si Shine kasabay ang pagpatak ng mga luha. Matapos na makipagusap dito ay tinawagan pa niya sina Gian, Jerry, Lora at Terry para ibalita ang mga nangyari. Sabay-sabay silang nagtungo sa presinto na pinagdalhan kay Yna. Punung-puno ito ng mga press na nagsisiksikan sa pintuan.

"Excuse me po.." Ani ni Gian na pilit na nakipagsiksikan at makapasok. Tumambad sa kanya ang tila tulalang si Yna kasama ang head ng ABM News.

"Gian! Shine! Guys!" Napatayo si Yna at nagmadaling lumapit sa mga ito na tila humihingi ng saklolo.

"It's better to take her home to rest for a while. She has given the police na naman her statement so pwede na siya magpahinga. Don't worry, may sasama sa inyo na security team na magbabantay sa place ni Yna at kay Yna mismo while they are still on manhunt operation sa gumawa nito." Paliwanag ng boss ni Yna saka siya niyakap.

"Wag mo munang isipin ang work mo Yna. You take a rest muna habang inaayos namin ito at ng management. Everything will be fine, ok?" Pagaalo nito sa kanya saka ito sumenyas sa mga kaibigan ni Yna ng ilabas na siya. Gaya ng inaasahan, agad silang binulaga ng media ngunit agad naman silang nakasakay sa sasakyan.

Magkayakap na umiiyak sa kotse sina Yna at Shine na nakaupo sa bandang likuran. Hanggang sa makarating sila sa apartment ay hindi pa rin maubos ang luha ng dalawa.

"Yna, honey.." Malamlam ang mga matang ikinulong ni Gian sa mga palad ang mukha ni Yna na punung-puno ng luha ang mga mata. "Come here." Nagaalala nitong niyakap si Yna. Ang babae naman ay tila bata na sumiksik sa mga matitipunong braso nito.

Si Lora ay nasa tabi naman ni Shina na umaalalay din sa kaibigan kasama nina Gian at Yna sa sala habang abala sa pagkontak sa ina ni Yna sina Jerry at Terry.

"Papunta na dito si Tina Myla, Yna. Bili muna kami ni Terry ng makakain natin." Paalam ni Jerry.

"Ok, pre. Thanks!" Ani naman ni Gian habang hinahaplos ang likod ni Yna dahil wala pa ring tigil ito sa paghagulgol.