Chereads / My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 27 - Back to Work

Chapter 27 - Back to Work

Matapos ang libing ng mga kasamahan ay balik sa trabaho si Yna. Laking pasalamat sa kaibigan niyang si Shine na ito ang tumayong OIC habang naka-leave siya at hindi napabayaan ang iniwan niyang trabaho.

"Kailangan na palamigin muna natin ang isyu kay Daniel Dhanes habang on-going pa rin ang investigation, Miss Reyes. For the mean time, hindi ka na muna pwede na mag-field. Don't worry dahil ire-retain ko si Shine sa department mo. Kinausap ko na rin si Jayson." Paliwanag ni Mrs. Corpuz.

Matapos ang ilang pang mga importanteng detalye sa pagbabalik niya bilang Entertainment Head ay naiwan ng mag-isa sa opisina niya si Yna. Nasapo niya ang noo dahil parang hindi pa rin siya bumabalik sa realidad matapos ang pawala ng kanyang mga itinuring ng mga kaibigan na si Fred at Jasmin.

Napaiktad siya sa pagtunog ng telepono.

"How are you, babe? I've heard bumalik kana sa ABM. Hindi na kita inihatid jan." Masiglang bungad ni Gian sa kanya sa kabilang linya.

"Please Gian, don't call me babe. Hindi mo ako GF." Diretchang ani ni Yna. Parang pakirandam niya ay lalong sumakit ang kanyang ulo.

"Wow! Congrats Yna! You're back!" Natawang sagot nito. Napabuntong-hininga naman siya at napangiti sa tinuran ng lalake. Tama. Bumalik na siya sa realidad na ang lalakeng kausap niya ay ang kaibigan na matagal ng patay na patay sa kanya. Ngunit bakit biglang rumehistro sa utak niyaang nakangising mukha ni Daniel. Napabuga sa hangin ang dalaga.

"Well, I called you hindi para sirain ang araw mo, babe. Baka interesado ka lang na bumisita dito sa set. Balik ulit kami sa taping with Daniel Dhanes." Parang may bombang sumabog sa utak ni Yna ng marinig ang pangalang binanggit ni Gian.

"Daniel Dhanes?" Parang wala sa sarili na pag-uulit niya.

"Yes. Daanan kita diyan ngayon sa ABM. 15 minutes anjan na ako." Pagpapatuloy ni Gian.

Natagpuan nga ni Yna ang sarili sa set nina Gian. Naka-ready na naman ang hidden camera niya para sundan ang bawat galaw ni Daniel. Sinuot din niya ang kanyang shades at inilugay ang mga buhok at bahangyang tinakpan ang kalahati ng kanyang mukha para hindi siya makilala ng lalake sa sandaling mapatingin ito sa gawi niya.

Napahinga siya ng malalim ng maalala ang bilin ni Mrs. Corpuz na mag-stay na lang muna siya sa opisina. Ngunit kahit kailan ay hindi niya kayang gawin ang isang bagay na hindi siya sanay gawin kya matapos bilinan si Shine at ang bagong ksama nila na si Jayson ay agad na siyang umalis ng istasyon.

Napukaw ang atensyon ni Yna sa isang seksing babae na halos nakapulupot sa braso ni Daniel habang kinakausap ito. Naririnig niya ang usapan ng mga katabi na ito ang personal assistant ng lalake. Maya-maya pa ay maarteng naglakad ito palayo kay Danile at naupo sa upuang nasa harapan niya katabi ang baklang manager ng lalake. Nagsimula na ang taping ni Daniel ngunit sa pagkakataong iyon ay wala na sa lalake ang atnesyon ni Yna kundi sa dalawang naupo sa harapan niya na tila may masinsinang pinaguusapan.

"Don't worry, Hernan. Malinis ako magtrabaho. Everything is under control." Naririnig ni Yna na bulong na babae sa katabi nito. Sinimulan na ni Yna na i-on ang kanyang hidden camera na mismong ballpen na kanyang ginagamit.

"Are you sure wala ng magli-leak?" Balik na tanong naman ng bading na katabi nito.

"Ofcourse. Pinaligpit ko na si Kaloy. Matukoy man nila kung sino ang gunman, hindi na nila makakausap pa ang patay." Pagpapatuloy ng babae.

Napaawang ang bibig ni Yna. Ramdam niya ang panginig ng kanyang katawan. Alam niyang may hindi tama sa naririnig na usapan.

"Nasaan na si Kaloy? Nasaan?!!" Napatiktad si Yna ng marinig na sigaw ni Daniel na bahagi sa eksenang ginawa nito.

"Patay na si Kaloy! Patay na ang kapatid mo!" Sigaw naman ng may edad ng babae na kasama nito sa eksena.

Malalakas na palakpakan ang umalingawngaw sa set ng matapos ang eksena ngunit hindi pa rin mawala ang malakas na tibok ng puso ni Yna habang pinagmamasdan ang dalawang haharap na nagbigay ng kakaibang tingin sa isa't-isa.