Chereads / My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 26 - We're Even

Chapter 26 - We're Even

"I know na seryoso sa'yo ang apo ko, Iha. Kilala ko ang apo ko." Pasimula ng matanda na magpaalam muna sandali si Daniel na may kukuning gamit sa kwarto nito sa itaas ng mansion kaya sila na lamang ang naiwang dalawa ng lola nito sa garden nito.

"Nagkakamali po kayo, lola..hindi po.."

"Alam kong mahirap intindihin ang apo ko, iha..pero sweet na bata iyan. Halos dito na sa akin lumaki ang apo ko. Nung nagkaisip at maghanap ng magulang then pinilit ko ang mommy't daddy niya na isama na siya…At ayan, nagkaganyan..kaya sana hindi ko lang ipinaubaya sa mga magulang niya.." Malungkot na paliwanag ng matanda. Napakunot naman ang noo ng dalaga at napatitig sa matanda na pilit ang ngiti at nilalabanan ang emosyon.

"Pareho kasing busy ang parents niya sa negosyo kaya hindi na nasubaybayan pa ang apo ko. Hindi niyan talaga hilig ang pag-aartista pero sa nakikita ko, paraan niya lang iyon para mapansin ng mga magulang niya." Pagpapatuloy ng matanda na para bang nababasa ag katanungan sa kanyang isipan.

"Wag mong isipin iha na kaya sinasabi ko ito ay para kaawaan mo ang apo ko o wag mo siyang iwan. Ang sinasabi ko lang ay maraming pinagdadaanan ang batang iyan. Ang kailangan niya ay pangunawa." Wika nang matanda saka seryosong tumunghay sa kanya.

"La, ano na naman 'yan?" Tanong ni Daniel na nakangiting lumapit sa kanila at nagpameyawang na matiim na tumitig kay Yna na blangko ang ekspresyon sa mukha.

"Well, sinasabi ko lang dito kay Yna na habaan pa ang pasensya sa'yo!" Natatawang sagot ng matanda. Pilit naman ang ngiti na ibinigay ni Yna dito.

"Ang sabihin niyo La, ako dapat ang magpasensya sa kanya!" Pabirong ani ni Daniel.

"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ng ginang na napatitig kay sa tahimik na si Yna. Nagkibing-balikat lamang ang dalaga saka nakipaglaban ng titigan kay Daniel.

"Joke lang,La. O paano, hindi na rin kami magtatagal lola. Tawagan na lang kita pagbalik sa condo. May date pa kasi kami." Nakangising sabi ng lalake saka kinindatan ang matanda.

Natatawa naman silang sinundan ng tingin ng matanda sa kanilang pag-alis.

"Now, we're even. Just call it quits, Miss Reyes." Matatag na wika ng lalake ng ibaba siya nito sa kanto malapit sa paradahan ng jeep na sasakyan niya pabalik ng kaniyang apartment.

"Wow! Ang babaw mo pre. Pinatay mo ang mga kaibigan ko!" Singhal niya dito na tila napapantiskuhan sa pagiging cool ng lalakeng kaharap.

Napabuga naman ito sa hnagin at inis siyang tiningnan.

"Minsan ko pang marinig ang paratang na 'yan Miss Reyes, kakasuhan na kita ng defamation at libel." Giit nito.

Isang matalim na irap ang ibigay nito sa lalake at mabilis itong tinalikuran.

"See you soon, Miss Reyes!" Pahabol na sigaw ng lalake ngunit nagkunwari siyang hindi ito narinig at mas pinabilis pa niya ang lakad patungo sa paradahan ng jeep.