Chereads / My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 23 - Life after the Incident

Chapter 23 - Life after the Incident

Tila umiikot pa ang paningin ni Yna ng imulat ang mga mata. Napahinga siya ng maluwag ng makita na nasa kanya siyang silid. Naalala niyang halos buhatin na siya ng isa sa kanyang security dahil sa kalasingan.

Kinuyumos niya ang hawak na kumot na tila ba kaya nitong tanggapin ang hindi mapigilang galit na nararamdaman ng maalala ang mukha ni Daniel ng huli niyang maalala bago siya tuluyang mapatulog dahil sa matinding kalasingan.

Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman na ngayon ay pakiramdam niya na tila isa siyang preso sa sariling tahanan na ni hindi siya makadalaw sa burol ng dalawa niyang masisipag na mga tauhan.

Matapos mag-ayos ng sarili at makapag-almusal ay agad niyang tinawagan ang ABM Network.

"We can't stop airing news, Miss Reyes. So we have to assign an OIC first." Bungad sa kanya ng kausap sa telepono.

"I understand, Ma'am. So when do I resume my work?" Tanong niya dito. Alam niyang wala pang tatlong buwan ng magsimula siya dito.

"Tiyakin muna natin na you are safe. Mas importante na ma-aasure muna natin 'yan, Miss Reyes." Mahinahong paliwanag nito. "The company's legal counsels are doing their best. The NBI are also keeping your security tight and their track on the possible suspects. They are now on track with Danie Dhanes." Pagpapatuloy nito.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Matapos ang pakikipag-usap niya dito ay si Shine naman ang kanyang tinawagan.

"How's there, Shine?" Tanong niya sa babae sa kabilang linya.

"Ok naman. Guess the OIC on entertainment now?" Tanong nito sa kanya na may malangkap ng saya.

"Who?" Napapaisip naman na tanong niya.

"It's me!" Masayang pagababalita nito sa kanya.

"Then, it's great!" Masaya ring tugon niya dito.

"Mrs. Jimenez told me na since malapit naman daw tayo sa isa't-isa, gamay ko na kung paano ka magtrabaho. Pray for me na while you're on leave, hindi aq pumalpak." Ani nito.

Napatawa naman siya.

"Don't worry, my friend..andito lang ako if you need help. Ingat ka lang din." Sagot niya dito.

"Ikaw ang mag-ingat, Yna. Oh siya, sumesenyas na si Rap. Bye." Paalam nito sa kanya.

Malalim ang iniisip na naupo siya sa sofa. Hidi siya sanay nang nakaupo lang at walang ginawa. Hindi niya alam kung gaano katagal niyang kakayanin na nakakulong sa bahay at bawat galaw ay sinusundan siya ng mga personal bodyguards na binigay ng kompanya sa kanya. Napangiti siya ng may kakaibang pumasok sa kanyang isipan.