Chereads / My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 6 - The Perverts

Chapter 6 - The Perverts

Mag-aalas dos na ng madaling araw ng marating nila ang gasoline station. Nagpahatid na lamang siya sa kalsada diretcho sa subdivision na tinitirhan niya. Buti na lamang at maliwanag ang mga ilaw sa mga poste ng daan kaya naman nabawasan ang kaba na nadarama ni Yna.

Napakunot ang noo niya ng marinig ang mga paparating na mga motorsiklo at isang magarang kotse na tila nagkakarera.

"OMG!" Sabi niya sa sarili na hindi niya malaman kung saan siya tatabi dahil pakiramdam niya ay maabutan pa rin siya ng mga humaharurot na sasakyan. Napahinto siya sa paglalakad ay niyakap na lamang ang sarili sa takot.

"Hey! Look what we have boys!" Ani ng nakamotorsiklong huminto sa kanyang tabi. Pati ang mga kasama nito ay huminto din. Ang ilan ay sumipol pa at nag-apiran. Bumaba ang lalaki sa motorsiklo nito at hinubad ang shades na suot. Hindi mapagkakaila ni Yna na napakagwapo ng lalakeng ngayo'y nasa kanyang harapan ngunit umiral pa rin sa kanya ang inis sa pambabastos na kanyang nararamdaman ngayon.

"Come with us, honey." Nakangising ani nito sabay akbay sa kanya. Amoy niya ang alak mula dito. Inis na inalis niya ang braso nito sa kanya.

"Don't touch me! I don't know you guys so please go!" Pasigaw na sabi niya habang binigyan niya ng tingin na ma pagbabanta ito pati ang iba pang kasama nito na nakamotorsiklo. Ang driver ng itim na kotse naman ay nanatili sa loob kaya hindi niya alam kung ilan pa ang kasama ng mga ito.

"Wag ka ng maarte, sweetheart…wala pang tumatanggi sa akin." Panunudyo ng lalake na patuloy sa paglapit sa kanya.

"Daniel, humihina na yata ang karisma mo sa babae ah?" Ani ng isa sa mga nakamotorsiklo. Nagtawanan naman ang iba pang mga kasama nito.

"Come here, babe." Malambing na sabi nito sabay akbay muli sa kanya.

"Anu ba?!" Pagpupumiglas niya sabay pag-apak niya ng buong lakas sa paa nito. Napasigaw naman ito sa sakit at napaupo. Sinamantala ito ni Yna upang siya ay makatakbo. Hindi na siya nag-abala pang lumingon.

Laking pasalamat niya na hindi na siya hinabol ng mga ito. Humahangos na narating niya ang bahay. Buti na lamang at hindi niya nakalimutan ang susi ng bahay kaya agad siyang nakapasok. Dumirecho siyang humiga sa kanyang higaan at ipinikit ang ang mga mata.

Hindi niya pa rin niya mapigilang manggalaiti sa galit sa ginawang pambabastos at pananakot sa kanya ng lalakeng nakamotorsiklo kanina.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang itsura nito- ang magandang tikas ng katawan, makinis na kutis, malaartistahing itsura, at matatangos na ilong.

"Ahhhh! Kahit gwapo ka, babasagin ko talaga ang mukha mo 'pag nagkita tayo!" Inis na sabi ni Yna sa sarili saka nagtalukbong ng kumot.