Chereads / My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 12 - Well Done

Chapter 12 - Well Done

"Well done, Yna!" Bati sa kanya ni Mrs. Corpuz pagbungad nito sa opisina niya habang abala siya sa pag-aaral ng susunod na misyon niya kay Daniel.

Nakangiti siyang tumayo at sinalubong ito.

"You are welcome, Ma'am." Natawa niyang sabi.

"Tumaas ang rating ng station natin dahil sa balitang nakuha mo kahapon, Yna. That's why we have to maintain that." Paalala ng babae.

"I know, Mrs. Corpuz. I'll have a follow-up report on that." Ani niya sabay taas ng kanyang kamay na may hawak ng mga papeles.

"Good. I count on you, Yna! O siya, I'll go back to my office. Just see you around." Nakangiting sabi ng babae saka siya iniwan. Nangingiti namang siyang umupo sa kaniyang swivel chair. Maya-maya'y iniluwa sa pinto si Fred at si Jasmin na nakasimangot.

"Miss Reyes.." Nagkukunwaring umiiyak na ani ni Jasmin saka tila batang naglupasay sa sahig.

"Uy, Jasmin! Tumayo ka nga! Nakakahiya kay Miss Reyes!" Saway ni Fred na tinulungan tumayo ang babae.

"What happened?" Nagtataka niyang tanong.

"Kawawa naman po si Papa Daniel ko. Ang dami na pong nanggbabash sa kaniya ngayon dahil sa report kagabi! Huhuhu!" Malungkot na sabi ng babae.

Galit na hinampas ni Yna ng malakas ang mesa ng ikinagulat ng dalawa sa loob.

"Jasmin, for God's sake- pakinggan mo nga ang sarili mo! Yung iniidolo mo, walang kwentang tao! Ayun, at grabe kung makapanakit ng tao!" Singhal niya dito.

"Ayan, napagalit mo tuloy si boss!" Bulong ni Fred kay Jasmin. Nanlulumong napayuko na lamang si Jasmin.

"Haaay! Ano na palang balita sa press con ni Miss Sandy?" Pag-iiba ni Yna ng usapan.

Siniko ni Fred si Jasmin upang ito ang magpaliwanag. Nahihiya namang humarap ang babae.

"Ok naman po, Ma'am. Eto na po 'yung report namin." Sumisinghot-singhot na sabi ng babae sabay abot sa kanya ng isang folder. Binuksan niya ito saglit na binasa.

"Good. Ok, Jasmin. Ikaw ang ipapadala ko kay Daniel para mag-interview sa kanya." Ani niya sa babae. Biglang napatitig naman ito sa kanya.

"A-ako po, Ma'am?!" Nagtatakang tanong ng babae.

"You heard me. Bakit, ayaw mo? Ibigay ko na lang sa iba." Ani niya.

"Hindi po, Ma'am. Ako na po. Ahhhh!" Nagtitili ito at pareho silang nagtakip ng tenga ni Fred.

"Ano pong gagawin namin, Ma'am?" Tanong naman sa kanya ni Fred. Napangiti siya habang pinaglalaruan ang ballpen sa kaniyang daliri.