Chereads / My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 8 - Journalist At Last

Chapter 8 - Journalist At Last

Masayang pinagmasdan ni Yna ang mga kasabay niyang estudyante na nagsipagtapos ngayong araw- ang mahihigpit na yakap nila sa nga magulang at mga kaibigan, ang masasaya nilang tawanan, at ang paulit-ulit na pagbabasa sa natanggap na diploma.

"Congrats, anak!" Maluha-luhang sabi ng kanyang ina sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

"Yna!" Pagtawag sa kanya nina Shine at Jenny. Sinenyasan siya ng mga ito na pagpakuha sila ng litrato sa DSLR na hawak ni Jerry. Matapos magpaalam saglit sa ina ay dali-dali siyang lumapit sa mga ito.

"I don't know what to feel, guys. I'm happy na sa wakas, tapos na ang mga paghihirap natin sa mga projects and reports, pro 'yung fact na magkakahiwalay na tayo..I really feel sad." Wika ni Lora sabay ang pagpatak ng luha nito. Pati tuloy sila ay nadala sa kaibigan at napaiyak na rin

"Kaya nga, mamimiss ko kayo.." Umiiyak na sabi ni Yna sabay ang pagyakap nila sa isa't-isa.

"Uy girls, magpapapicture pa tayo. Mamaya na ang drama, pwede?!" Sangat ni Teddy sa pagiging emosyonal nila. Napatawa naman sila sabay pahid sa luha ng isa't-isa. Pagkatapos mai-set ni Jerry ang camera nito ay patakbo na rin itong umakyat sa stage upang makasama nila sa pagpapalitrato.

Matapos ang iba't-ibang pose na ginawa nila ay malungkot silang nagpaalam sa isa't-isa. Alam ni Yna na hindi ito ang huli nilang pagkikita. Ito pa lang ang simula ng propesyong nais nilang tahakin- ang pagiging journalists.

Ilang lingo pa ang lumipas at sinimulan na nina Yna at ng kanyang mga kaibigan ang pag-aapply sa mga radio at TV stations. Lahat any pinagpasahan nila ng kanilang mga credentials para may mapagpilian sa mga maaring tumawag.

Dahil magna cum laude, agad na tinawagan si Yna ng ABM Network, isa sa pinakamalaking media company sa bansa. Masaya siyang malaman na kasama ding nakuha doon ang kaibigang si Shine. Si Lora at Jerry naman ay natanggap sa isang radio station, si Teddy sa isa pang radio station, at si Gian naman ay sa isang film making firm.

"Shine!!!!" Masaya niyang sabi sabay ang mahigpit nilang pagyakap sa isa't-isa.

"Buti na lang kasama kita, Yna. Kinakabahan ako." May pagaalalang sabi ng babae.

"Pareho lang tayo ng nararamdaman ngayon." Pabulong niyang sabi dito dahil nakita na niyang papasok sa conference hall na kanilang kinaroronan si Mrs. Lea Corpuz, ang kanilang station manager. Kasama nila ang iba pang mga bagong employees.

"Good morning." Pormal na pagbati nito sa kanila. Halata ang pagiging istrikto nito dahil hindi man lamang ito marunong ngumiti. Nagsimula na itong i-orient sila sa mga ginagawa ng kompanya at ng kanilang local station. Umabot rin ito ng tatlong oras dahil sa mga tanong at pagpapaliwanag.

"Miss Reyes, maiwan ka. May pag-uusapan pa tayo. The rest, you may proceed to your respective offices. Thank you." Sabi ng babae saka siya sinensan na lumapit. Napahinga siya na malalim at naupo sa upuan sa harap nito.

"Based on your credentials, you got most of you're A+ grades on subjects related to investigative journalism?" Seryosong pagsisimula nito.

"Yes, mam." Kinakabahan niyang tugon.

"You also received a citation from your university on a documentary you published with your team?" Pagpapatuloy nito. Napatango naman siya na tila nagtataka kung bakit nito sinasabi ang mga achievements na nakamit niya.

"And you were awarded as the Oustanding Journalist of the Year during your graduation ceremony?" Tanong nito na parang sinisgurado kung tama ang mga impormasyong sinasabi nito patungkol sa kanya.

"Yes, Ma'am. You're right." Tupid naman niyang sagot habang patuloy ang pagsalsal ng kaba sa kanyang dibdib.

"I'm telling this because I am expecting a lot from you sa trabahong ibibigay ko sayo. Since kareretire lang ng aming entertainment head, we need someone na tutulong sa station na makakalap ng mga hottest celebrity issues. For now, I'll be assigning you to be the OIC on Entertainment, at kapag naging ok ang performance mo, ako mismo ang magrerecommend sayo sa head office para maging head." Pagpapaliwanag nito. Hindi naman malaman ni Yna kung ano ang kanyang mararamdaman sa opportunity na ngayo'y ibinibigay sa kanya.

"Makakaasa ba ako sayo Miss Reyes?" Pagpapatuloy ng babae.

Tumayo si Yna at pilit na ngumiti.

"Ye-yes, ma'am. I will do my best to help the station." Sagot niya dito ngunit di pa rin rumerehistro sa kanyang utak ang mga sinasabi nito.

"Good. So here are the details of your job. You only have today to study it dahil bukas you have to start already because we need to submit the reports sa main station before Wednesday. Ok?" Ani nito sabay abot sakany ng makapal na bunton ng mga papeles.

"Anjan na rin ang mga profiles ng mga hottest celebrities ng binabantayan namin. You just choose kung sino ang magandang ifeature for this week." Pagpapatuloy nito. Napabuntong-hininga siya habang sinisimulang tingnan ang mga papeles sa loob.