Chereads / My Paparazzi (Tagalog) / Chapter 9 - Operation Daniel Dhanes

Chapter 9 - Operation Daniel Dhanes

DANIEL DHANES.

"Ha! At ikaw pala ang lalaking iyon? Napakaliit talaga ng mundo." Bulong ni Yna sa sarili habang hawak ang profile ng lalake. Pinagmasdan niyang mabuti ang whole body picture nito na nakaattach sa hawak niyang papel. Nakasuot lamang ito ng swimming trunks kaya kitang-kita ang mala-adonis nitong katawan.

"Solong anak ng mag-asawang businessmen, hindi na nakapagtapos ng high school dahil agad napasok sa modeling and acting career, maraming na-link na babae, at tinaguriang "Teen Hunk of the Generation"?" Muntik pa siyang masamid sa huling nabasa.

"Ha?! Akalain mo 'yun, "Teen Hunk"? Yuck?! Ang bastos na lalaking 'yun?" Bulong ni Yna sa sarili na inis na inis na kulang na lamang ay punitin ang hawak na litrato.

"E-ehem. Boss, my napili ka na bang subject?" Tila nahihiyang tanong ni Fred, ang makakasama niya sa field na taga-video. Nakaupo ito sa mahabang sofa ng kanilang opisina kasama pa ang ibang member ng entertainment team.

"Ye-yes. I'm sorry kung medjo natagalan ako sa pamimili. Halos lahat sila kasi ay mauugong ngayon. Pero mas interesado ako sa kanya." Nakangisi niyang sabi sabay pakita niya sa picture na tangan niya.

"Oh my, Ma'am?! Si Daniel 'yan?! Ang galing niyo pumili Miss Reyes!" Kinikilig na sabi ni Jasmin na kanyang assistant writer. Nainis naman si Yna sa inakto ng babae.

"Kelan po kami mag-umpisang i-cover siya, Ma'am?" Muling tanong ng babae na kinikilig pa rin.

"Kayo? Ako mismo ang magco-cover sa kanya. I want to do it by myself. Kayong dalawa ang bahala kay Sandy Mhin. Press con niya ngayon kaya please lang go na kayo." Pagpapaliwanag niya dito.

"Pero sinong makakasama niyong photographer, Ma'am?" Tanong sa kanya ni Fred.

"Me, myself, and I." Matigas niyang sabi dito. Nagkatinginan na lamang sina Fred at Jasmin. "O, ano, alis na kayo! Baka dumating kayo tapos na ang press con ni Miss Sandy!" Utos niya sa dalawa. Dali-dali namang nagpaalam ang dalawa sa kanya.

Napangiting muli niyang tiningan ang hawak niyang litrato.

"Makikita mo Mr. Daniel Dhanes. Ilalabas ko lahat ng baho mo para malaman ng mga babaeng nagkakandarapa sa iyo kung gaano ka kawalanang kwentang tao!" Inis na bulong niya sa sarili.

"Hi, Mrs. Reyes." Bungad sa kanya ni Mrs. Corpuz na akto sanang papasok sa opisina niya.

"Yes, Ma'am?" Nakangiti niyang bati dito habang inaayos ang mga papaeles na hawak sabay lapag sa mga ito sa mesa.

"Nakita kong maagang lumakad sina Jasmin. I'm glad you are taking this job seriously." Sa wakas ay nakita niya ang tipid na ngiti ng babae.

"Yes, Ma'am. Actually, I have my appointment of my own para atleast nakakarami kami ng subjects." Paliwanag niya dito sabay ayos sa hawak niyang DSLR.

"Oh! So you are planning to work alone, Mrs. Reyes?" Nagtatakang tanong nito.

"I will just take a glimpse of Daniel Dhanes, Ma'am." Nakangisi niyang sagot dito.