Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 17 - Sentimental Crisis

Chapter 17 - Sentimental Crisis

Chapter 17: Sentimental Crisis 

Haley's Point of View 

Nakatingala lang ako sa pinto ng Music room, nag-aalanganing pumasok.

Binuksan ni Jin-- ni Caleb ng pinto saka bumungad ang Piano na kung tatawagin ay Grand Digital Piano. Nakabukas din ang bintana kaya pumapasok 'yung hangin na nanggagaling sa labas dahilan para umangat ang manipis na kurtina. 

Nanliit ang tingin ko. "Bakit tayo nandito?" Tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa harapan. 

Nakita ko sa peripheral eye vision ang ngiti niyang paglingon sa akin. "I want to hear you play." 

Nanlaki ang mata ko pero kaagad ding ibinalik. "Play...?" Ulit ko sa kanyang binanggit saka siya naunang pumasok. 

He stopped right in front of me. "The first time I heard you play was kind of sad, the music that you're creating was giving something desolation, a melancholy." He stated and turned around to look at me. "I don't know why you felt so much pain and loneliness that day-- or maybe every time you're waking up. I was not able to have a chance to ask you." 

Napaawang-bibig ako. "You can tell just by hearing it?" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya na nagpangiti sa kanya. 

"Hailes, if it comes to you, I will know, I will try to figure it out even if you don't let me." Biglang bumigat ang dibdib ko. This is stupid. Is he trying to make me open up? 

Huminga ako nang malalim saka ibinuga iyon. Pagkatapos ay lumakad na nga papasok. Isinara na ni Caleb ang pinto saka ako ulit nagmartsa papunta sa Piano. Umupo ako sa Piano Bench habang pinapakiramdaman ang mood. 

Inangat ko ang mga kamay ko upang tingnan ang aking mga palad. Binuka-sara ko ito pagkatapos ay nilingon si Caleb na ngayon ay na sa tabi ng bintana't ngiti akong pinapanood. 

"Ngh." Ibinaling ko na ang tingin sa mga keys at pinosisyon ang mga daliri ko ro'n. 

Matagal na akong hindi nakakapagpatugtog nitong PIano, pero wala naman siguro akong kailangang ipag-alala. Kabisado ko pa ang bawat nota, at ang maganda sa mga oras na ito ay ang mag go with the flow. 

Huminga ako nang malalim saka tumugtog. 

Maliban sa tunog ng mga nagbabanggaang dahon mula sa puno na nasa labas ay mararamdaman mo rin 'yung kaunting mapayapa sa kwartong ito. 

Pero napalingon ako kay Caleb nang magsimula siyang kumanta. 

"I started talking to the doll I've always been playing with, 

but there was no answer. Thus I'm drawing a picture

with my bright red paints, singing all the while.

I'm still on house-watching duty

The world within my dreams

is filled with broken junk."

Isinara ko ang nakaawang-bibig ko't ibinaling ang tingin, hinayaan ko siyang kumanta. 

"It's getting so lonely that I start to call out.

Hello? Hello? There's no one to answer me.

I don't like this. Don't like it. The doll is sinking into the swamp of loneliness.

Thus I sing of my loneliness.

The adults have gone somewhere far away,

leaving me behind." 

My music and his voice are starting to synchronized.

It's like, he's embracing the loneliness of the song with his gentle voice. 

 

Labas sa ilong akong napangiti. 

*** 

TAHIMIK KAMING LUMABAS ni Caleb sa Music Room matapos kong tumugtog.

Pero itong katahimikan na ito, hindi ko masasabing awkward, hindi ko rin masasabing uncomfortable. 

In fact, parang may nawalang tinik do'n sa dibdib ko at parang medyo nawala 'yung pagod ko sa hindi malamang dahilan. 

Alam kong nakaka-relax ang magpatugtog pero 'di iyon mangyayari kung hindi dahil kay Caleb. 

"Caleb, ahm..." Lumingon siya sa akin samantalang tumungo ako. "Thank you." Pagpapasalamat ko kaya humagikhik siya. 

"Wala naman akong nagawa pero, ano naman nararamdaman mo?" Tanong niya sa akin kaya nilingon ko siya't tinanguan. 

"Namangha ako kasi parang medyo na-relax ako." Sagot ko sa kanya ngiti siyang tumango. 

"Kung may pagkakataon ulit sa susunod, sasamahan kitang magpatugtog. Kakanta ako at ikaw ang gagawa ng musika. 'Di ba, ang sweet niyon?" Sambit niya at labas ngipin na ngumiti. 

Tumitig lang ako sa kanya 'tapos iling na inilipat ang tingin sa harapan. 

Hindi na niya ako tinanong tungkol sa kung bakit ako nakakagawa ng gano'ng tunog. I guess he's pretty heedful and considerate. 

"Siya nga pala, kumusta 'yung party n'yo?" Simpleng tanong lang iyon pero pumasok nanaman sa utak ko 'yung kagagahan na ginawa ko kay Reed nung gabing iyon. 

Huminto ako kaya tumigil din si Caleb sa paglalakad upang lingunin ako. "Haile--" 

"W-Wala! Walang nangyari!" Hindi ko namalayan na napalakas na pala 'yung boses ko. 

"W-Wala?" Patanong niyang tugon pero hindi ko nagawang imikan at mas lalo lamang napayuko. Gusto kong tumalon sa napakataas na building para matapos na itong kahihiyan ko. 

"Hailes, look at me." Hinawakan niya ang balikat ko kaya ako naman itong tumingala para makita siya. "What happened?" Seryosong tanong niya. Ang lapit din nung mukha niya. 

Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko. Hindi ko siya matingnan sa mata. 

"A-ah... Ano!" Inalis ko ang kamay niya sa aking balikat para tumakbo paalis. "M-May gagawin muna pala ako, see yah!" Paalam ko. 

"Sagli--!" Habol niya pero hindi ko na siya nagawang lingunin. 

Hindi naman talaga iyon ang first kiss namin ni Reed pero hindi ko masasabing nangyari iyon by accident! Ako gumawa! Ako gumawa! 

Walang excuse iyon! Kahit pa na lasing ako, hinalikan ko siya! 

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. 

This sucks! 

Pero kailangan kong gumamit ng banyo! Kailangan ko ng ban--! Pakshet! Ang tanga tanga ko talaga para mabunggo sa taong ito.

"Haley." Seryosong tawag niya dahilan para tumingala ako.

Labi niya kaagad 'yung tumuon sa atensiyon ko kaya mabilis akong umalis sa harapan niya't tumakbo palayo. "Hoy!" Tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. 

Oh my gosh! Ano ng nangyayari sa akin? 

Medyo okay naman ako sa kanya kahapon, ha? Bakit ngayon-- 

Teka, epekto ba ito ng pagtugtog ko? 

"Haley! Watch out!" Sigaw ni Reed kaya inangat ko ang tingin. At bago pa man ako makaiwas ay tumama na ako sa pintong nakaharang. Kaya sa huli, dinala ako sa clinic ni Reed.

Kasalukuyan niya akong nilalagyan ng cold compress sa noo, habang nakalayo lang din ang tingin ko. Tanga mong babae ka! 

"Ano ba kasing nangyayari sa'yo? Wala ka sa sarili." Iritable niyang tanong na nakaupo sa stool kaharap ko. 

Samantalang nakaupo naman ako sa edge ng kama.

"Back off" Hindi niya lang pinansin ang sinabi ko at nilagyan lang ako ng band aid sa kanan kong noo, may kaunting galos kasi iyon dahil sa may nakalawit na kung anong bagay sa pintong iyon.

Naiinis talaga ako sa sarili ko. Bakit kailangang mangyari 'to sa akin?! 

"10 minutes na lang bago mag time, papasok ka pa ba sa klase?" Tanong niya sa akin na hindi ko inimikan.

Nakatuon lang ang tingin ko sa hindi kalayuan. "Haley." hindi ko pa rin ito pinansin. "Oy, Haley? Tinatawag kita, alam mo ba 'yon?" Sabay silip sa akin dahilan para manlaki ang mata ko't itulak siya.

"O-Oo na! Nakikinig naman ako, eh!" Bulyaw ko. 

Kinuyom ko ang kamao ko dahil gusto ko na talagang sumabog.

"Ano ba'ng problema mo?" Naguguluhang niyang tanong pero tumayo lang ako habang hindi pa rin siya tinitingnan sa mata. 

"I'll ditch." Simpleng tugon ko at umalis sa harapan niya. 

"Hoy! Hoy! Haley, saglit nga" Hinawakan niya ang kamay ko 'tapos dinala sa pader para corner-in ako. Inangat niya ang kamay ko para idikit sa tabi ng ulo ko. "Bakit ka ba nagkakaganyan, ha? May nangyayari talaga sayo na hindi ko alam, eh. May ginawa ba si Jin? O baka naman may ginawa ako kaya hindi ka makatingin sa mata ko?" Naguguluhan at sunod-sunod niyang tanong. 

Wala, wala kang ginawa. Ako ang may ginawa, pero parang wala lang sa'yo. 

"Let go..." Mahina kong pakiusap.

Kinuha pa niya ang isa kong kamay para idikit din iyon sa pader. "Kung hindi ka titingin sa mata ko, hindi kita bibitawan... Kung hindi ka magsasalita, mas lalo mo 'kong bibigyan ng rason para hindi ka pakawalan" Naramdaman ko ang pagka-tense. Kinakabahan ako, 'tapos 'yung paghinga ko bumibigat. 

"Hale--"

"Hoy! Ano'ng ginagawa mo sa kapatid ko?!" Kaagad akong binitawan ni Reed noong marinig namin ang sigaw ni Kei, pagkatapos ay lumapit ito sa amin. 

Laking gulat ko noong batuhan niya si Reed. N-Ngayon ko lang siya nakitang mambatok. And she seems irritated. 

"Reed, umayos ka! Na sa loob ka ng campus!" Suway ni Kei na magkasalubong ang kilay.

"W-wala akong ginagawang masama!" depensa sa sarili. "May ginawa ka man o hindi, mali pa 'yung actions mo." Suway pa ni Kei at nilingon ako. Akmang may sasabihin nang magpaalam kaagad ako. 

"Aalis na ako" Kinuha ko ang bag ko at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

Binilisan ko talaga ang takbo para hindi nila ako maabutan kung sakaling sumunod ulit sila. 

Hanggang kelan ba ako magiging ganito? Reed?

Reed's Point of View 

Nakaangat lang ang kamay ni Kei dahil balak din sana niyang habulin si Haley nang hindi na lamang niya itinuloy.

Nilingon niya ako pagkatapos. "Reed, ano ba kasing ginawa mo't nagka-gano'n iyon?" Panghihinala niyang tanong na ikinatungo ko. 

"Hindi ko rin naman alam, eh, Gusto ko ring tanungin." Nalulungkot kong sagot. 

Habang tumatagal, parang lumalayo 'yung loob niya sa akin. Akala ko, okay kami kahit may mga oras na nag-aaway kami. 

Humawak ako sa dibdib ko. 

...pero bakit ko 'to nararamdaman? Bakit ang distant niya? 

"Her face was kind of Red." 

Tumingala ako noong banggitin iyon ni Kei. 

Nakaiwas lang din siya ng tingin. "By the looks of it, you did something that made her uneasy." 

"I didn--" 

Pumasok sa isip ko 'yung gabing nagkalapat ang labi namin dahilan para mapahinto ako sa sinasabi ko. 

Hindi kaya dahil do'n? 

"Mukhang mayro'n nga." Pumunta siya sa medicine cabinet at may kinuha roon. Wala kasi rito si Nurse Charlotte at pumunta raw yata sa kabilang clinic. "Go talk to her immediately, mahirap na kung patatagalin mo." 

Tumango naman ako kahit hindi niya ako nakikita. Kumukuha kasi siya ng gamot. 

"Ano pa lang masakit sa'yo?" Tanong ko sa kanya. 

Pumunta siya sa dispenser at kumuha ng baso ro'n. 

"Masakit lang 'yung ulo ko kaya matutulog ako sandali." Sagot niya at nginitian ako. "Tee hee." Paraan ng pagtawa niya 'tapos pumunta sa kama na ginamit ni Haley. 

"Pakisabi na lang sa susunod na titser natin." Ngiti niyang bilin 'tapos inurong ang kurtina. Kumurap-kurap ako 'tapos napatingala. 

Lumabas ako ng infirmary para bumlik sa classroom, sa paglalakad ko ay ang sakto ng pagsalubong ni Jin. 

Nakapamulsa siya nang iangat niya ang tingin sa akin. 

Huminto siya gayun din ako. 

Pareho kaming nagsusukatan ng tingin, walang balak magsalita sa amin. 

Subalit ngumiti lang siya't naglakad, nilagpasan din niya ako ng hindi man lang ako tinitingnan. 

...na parang sinasabi niyang panalo siya sa laban. 

***** 

  1. The lyrics came from the song of Vocaloid.