Chapter 22.5: Meddling
Kei's Point of View
Malakas na hiyawan at tilian ang maririnig sa soccer field habang pinapanood ng mga kababaihan na maglaro si Harvey sa practice game nila ng mga athletes sa outside school. Bukas na ang nasabing provincial match game nila kaya napag desisyonan naman nilang maglaro sa home based.
Inangat ko ang camera ko't nagkukukuha ng litrato para sa data ng mga manlalaro na ilalagay namin sa school newspaper. Wala ako sa Journalism at na sa official business ako. Iba pa ito sa ginagawa ng mga miyembro sa mismong journalism.
Kabilang ako sa Information Technology group kaya trabaho kong magkukukuha ng mga litrato sa iba't ibang sports dahil gagawa rin kami ng presentation para sa darating na summit this weekend kasama si Reed.
Inilipat ko ang tutok ng camera kay Harvey, wala siya sa goal keeper position at na sa strikers siya kaya sinusubukan kong i-focus 'yung lens sa bawat paggalaw niya.
Noong maramdaman ko 'yung pagsipa niya sa bola ay na-timing-an ko ang pag click sa shutter button kung sa'n na-goal niya ang bola kaya mabilis kong tiningnan ang LCD lens at laking tuwa na naging maganda kinalabasan nito.
Mas lumakas ang hiwayan ng mga kababaihan kaysa kanina kaya inangat ko ulit ang tingin kay Harvey na kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga kasamahan niya dahil sa huling shot na ginawa niya.
Napangiti na lamang ako bago lumipat sa kabilang sports.
Matapos ang pag-uusap namin ni Harvey tungkol sa break up.
Hindi na kami nagkaroon ng mahabaang conversation. Mukha kaming okay sa harapan ng mga kaibigan namin pero napaka awkward talaga kung kaming dalawa lang. Nagsasabay kami papunta sa E.U tuwing umaga pero hindi talaga kami masyadong nag-uusap.
Tahimik lang kami.
Wala rin akong ideya kung ba't pa ako sumasabay sa kanya pero hindi ko rin ipagkakaila na gusto ko siyang makasama sa ilang sandali na iyon, kahit sa papasok lang.
Wala siyang tinutukoy na kahit na ano sa akin kaya mukha namang naiintindihan niya 'yung gusto kong mangyari, at isa pa, hindi pa ako handa na bumalik sa kanya.
Pero kung tatanungin n'yo ako kung okay lang ba sa akin na magkagusto siya sa iba, sasabihin kong oo. Pero alam ko rin sa sarili ko na hindi. Subalit 'di ko rin siya masisisi kung may makakuha sa atensiyon niya.
Ako ang nakipaghiwalay, at wala na akong kontrol kung mayro'n siyang gugustuhing iba dahil sa naging rason ko. Tutal, iyon naman talaga ang pino-point out ko.
Sa dinami-rami ng mga nangyari, nandoon 'yung pakiramdam ko na hindi pa talaga ito ang tamang oras para sa 'min, o baka nga hindi naman talaga kami para sa isa't-isa.
Kaso nandoon talaga 'yung katanungang hindi mo maiwasang isipin.
Kailan nga ba ang tamang oras? Pa'no mo masasabing handa ka ng ibigay ang pagmamahal mo sa isang tao?
Para nga ba talaga kayo sa isa't isa?
Pumasok ako sa Volleyball Gym, tulad nung kina Harvey. Mayro'n ding pratice match dito.
E.U boys versus outside school.
Pumunta ako sa gilid para makakuha ng angle. Ilang shots ang kinuha ko bago ako makuntento kaya tumayo na ako nang maayos at tiningnan ang mga litratong nakuhanan ko. Tumango ako at handa nang umalis nang may sumigaw.
"Hey! Dodge!" Sigaw ng kung sino habang papalingon ako sa bolang tatama sa akin. Hindi ko 'yon nagawang ilagan kaya malakas na tumama 'yun sa mukha ko't napaupo sa madulas na sahig.
Napasinghap ang lahat, may iba naman na tumawag sa pangalan ko't dali-dali akong nilapitan.
Hawak ko lang ang mukha ko nang ilayo ko ang kamay ko para tingnan ang aking palad. May dugo...
Malakas kasi 'yung pagkakatama sa nose bridge ko.
No wonder, lalaki ang humampas ng bola kaya malakas 'yung impact.
Ibinaba ko ang tingin sa DSLR at nagbuga ng hininga. But I'm glad sinabit ko sa leeg 'yung strap nung DSLR, kasi kung hindi. Baka bumagsak din 'to.
May dali-daling pumunta sa harapan ko. "Y-You're bleeding. Are you okay?" Tanong ng lalaking ito sa akin. Tiningnan ko ang school uniform niya, sa Tortille Academy of High School siya galing. "I'm sorry, nadulas kasi 'yung kamay ko kaya nawala sa kontrol." Pag-aalala pa niya kaya nag gestured ako.
"O-okay lang. Kasalanan ko rin dahil hindi ako umilag." Sagot ko saka kinuha ang kamay niya bilang pag suporta sa pag tayo. "Thank you pala." Ngiti kong pagpapasalamat.
Dito ko nakilala si Dace Ocampo. Siya ang ACE sa Volleyball team.
Mayro'n siyang buhok na matulis-tulis-- spiky hair. Hindi gano'n kaputian ang kulay ng kanyang balat, hindi rin gano'n kaitiman. Kumbaga sakto lang.
Mayro'n din siyang mapupungay na mata.
Medyo naaalala ko siya sa kung sino pero hindi ko maalala 'yung tao.
Labas ngipin niya akong nginitian. "Nice to see you again." He said as he scratches his noses. Dace was the person whom I bumped into when we went in Tokyo Disney Land. At first, hindi ko talaga siya matandaan at pinaalala lang talaga niya sa akin. Kaya ko rin siya natandaan kaagad dahil siya lang naman 'yung katangi-tanging lalaking nabangga ko nung araw na iyon.
Tumalikod na ako saka nagpaalam sa Volleyball team. Akala ko iyon na 'yung kahuli-hulihan na makikita ko si Dace, pero matapos ang provincial game nila at nang pumunta ako sa isang bread shop na may kalayuan nang kaunti sa E.U.
Nabangga ko nanaman siya. Sa lakas nung impact ng pagbangga ko sa dibdib niya ay napaupo ako sa simento. Nagmamadali kasi akong pumasok sa loob ng shop dahil baka mamaya ay maubusan ako ng limited version ng new flavor pudding.
Tumingala ako at laking gulat na si Dace pala ito. Laking tao talaga nito. Ano kaya height niya?
Namilog ang mata niya 'tapos napabitaw sa supot na dala-dala niya para tulungan akong tumayo. Muli ko nanamang kinuha 'yung kamay niya bilang suporta sa pagtayo ko. "Ilang beses na kitang nababangga, pasensiya na." Paghawak ni Dace sa batok niya.
Iwinagayway ko ang dalawa kong kamay sa tapat ng aking dibdib kasabay ang aking pag-iling. "H-Hindi! Okay lang, ako nga dapat humingi ng pasensiya." Sabi ko 'tapos sumilip sa loob dahil transparent naman 'yung glass door at hindi tinted.
"A-Ang daming tao."
"Bibili ka rin ba ng bagong flavor ng pudding nila?" Tanong ni Dace kaya ibinalik ko 'yung tingin sa kanya.
"Oo, kaya mauna na ako." Pagmamadali ko at papasok na sana sa loob.
"Ubos na." Habol ni Dace dahilan para hindi ko na ituloy ang paghawak do'n sa handle ng glass door.
Isang bangungot na narinig ko sa araw na ito.
Hindi ko na nga hinintay sila Haley para rito pero mauubusan lang ako?
Umupo ako sa tabing stool at nanlumo. "Wala na talaga?" Nalulungkot kong sabi kaya pinuntahan ako ni Dace saka kumuha ng dalawang pudding.
"Ito na lang. Lima naman itong binili ko." Alok niya kaya tumingala ako't tinanggihan siya.
"O-Okay lang, hahabol na lang ako sa susuno--" Hindi niya ako pinatapos at kinuha lang ang pulso ko para ilagay ang dalawang pudding sa kamay ko.
Kamuntikan pa 'yon mahulog kaya ginamit ko na 'yung isa ko pang kamay para mahawakan iyon nang maayos. Halos kuminang ang mata ko nang makakita ako ng strawberry and blueberry on top sa pudding. 'Tapos mayro'n pa silang souvenir sa loob na polar bear dahil nakasupot iyon sa transparent covered plastic.
"T-Thank you--" Ibinaling ko ang tingin sa kamay niya na nakalahad na animo'y mayro'ng hinihingi. Kumurap-kurap ako't awkward na natawa.
Kinuha ko 'yung wallet sa bag ko saka inilabas ang pera. "Magkano?" Tanong ko.
"P159 isa." Sagot niya kaya naglabas na ako ng P500.
Inabot ko 'yun sa kanya. "Wala akong barya, kunin mo na lang'yan--" Naglabas siya sa ng wallet niya at kumuha ng barya. Binigyan niya ako ng sukli na P23. Kinuha ko naman iyon habang pinipitik-pitik ni Dace ang perang inabot ko sa kanya.
Tumangu-tango siya. "Yeah, malutong. Less gastos." Tukoy niya sa pera at binigyan ako ng thumsbs up. "Salamat."
Marahan akong tumango. "Y-Yes. Thank you rin." Tugon ko saka siya tumalikod at nag wave pero hindi niya inaalis ang tingin niya't nakalingon para sa akin.
"Oh, siya. Kailangan ko ng umuwi dahil baka hinahanap na ako ng kapatid ko." Paalam niya kaya inangat ko rin ang kamay ko para kumaway.
"Mag-iingat ka." Wika ko saka siya lumakad paalis.
Nanatili lang ang tingin ko sa imahe niyang papalayo hanggang sa ibaba ko na ang kamay kong nakakaway kanina't natawa.
Madalas kong makita si Dace mag-isa rito sa bread shop at kumakain ng Cheese roll bread sa pinakadulo ng upuan sa lugar na ito. Binabati naman niya ako kapag nakikita niya ako at minsan pa nga'y yayain ako para kumain
Hindi ko naman magawang tumambay dahil may mga taong naghihintay sa akin.
At isa pa, hindi ako madalas sumama sa mga taong hindi ko naman gano'n kakilala. Though hindi rin naman niya ako pinipilit at ngiti lang din niya akong kakawayan kapag nagpapaalam na akong umalis.
Pero iyon 'yung unang beses na pumukaw siya sa atensiyon ko kaya kapag may oras ako, tinitingnan ko siya sa hindi kalayuan pagkatapos kong bumili ng pudding para panuorin 'yung ginagawa niya kapag mag-isa lang siya.
Wala naman siyang partikular na ginagawa at nakikinig lang siya sa musika na nagmumula sa MP3. Same time, same place.
Ngumingiti siya kapag kinakausap siya pero pagkatapos niyon ay mabilis na lamang maglalaho ang ngiting iyon. Malayong malayo sa madalas niyang ipakita sa mga taong nakakasalamuha niya.
***
THERE WAS this one time na na-late talaga ako ng uwi dahil marami akong ipinasa na files sa E.U. Wala akong kasabay dahil pinauna ko si Reed kaya magko-commute na lang sana ako kaso nakita ko nanaman si Dace na naglalakad sa side walk.
Wala akong ideya kung bakit napapadalas na 'yung encounter ko sa kanya at hindi ko rin alam kung bakit tahimik ko siyang sinusundan na parang isang stalker. Papunta siya sa madilim na eskenita na hindi naman lalayo mula sa Enchanted University pero nag-aalanganin na ako ng mga oras na 'yon.
Nandoon 'yung katanungan ko kung susundan ko pa ba siya o hindi pero ilang minuto rin nang makarinig ako ng ungol sa lugar na pinasukan niya. Inaakala kong may nangyari kaya inilabas ko kaagad 'yung cellphone ko para buksan ang ilaw at patakbo siyang pinuntahan. "Dace?!" Nag-aalala kong tawag sa kanya at nang maitutok ko 'yung ilaw ng phone ko kung saan ko narinig ang boses niya,
...halos mabitawan ko 'yung cellphone ko. Umatras ako habang gulat na gulat pa rin na nakatingin sa kanya. Nakaluhod siya sa harapan ng isang lalaki, nakababa ang shorts nito habang nakasubo ang pagkalalaki nito sa bunganga ni Dace.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko't medyo matagal-tagal din bago ako makabalik sa wisyo.
"S-Sorry, excuse me." Natatarantang pagmamadali ko upang umalis sa lugar na iyon. Iba ito sa mga nakikita o nae-encounter ko noon kapag may pinapa-rape si Haley sa mga bakla.
Sa pagkakataon na ito, parang pumasok ako sa sitwasyon na hindi dapat.
Napagtanto ko rin na magkapatid si Irish at Dace nang makita ko silang pareho na kumakain sa isang resto, nag-aya kasi sina Jasper na kumain bilang late celebration sa pagkapanalo nila sa provincial game.
"Siya nga pala, he's my brother." Pagpapakilala ni Irish sa Kuya niya na pasimpleng nagpagulat sa akin.
Ngumiti ako ng pilit. "I see, your brother..." Marahan kong inilipat ang tingin kay Dace na nakangiti rin sa akin. Medyo kinilabutan ako kasi hindi maganda 'yung pakiramdam ko sa ngiti niya.
"Nagkita na kami ni Keiley sa Volleyball Gym ng E.U noon. 'Di ba, Keiley?" Tanong ni Dace sa akin na parang sinasabi niyang sang-ayunan ko.
Ibinalik ko ang ngiti sa kanya. "A-Ah, oo." Nauutal kong sagot, napansin ko pa 'yung paglipat ng tingin ni Harvey sa akin.
Kinabukasan matapos ang pagkikita namin na iyon, ginawa ko talaga ang lahat para hindi na ulit makita si Dace hindi dahil sa nandidiri o nagkaro'n ako ng maling impresiyon sa kanya pero may pakiramdam ako na walang magandang maidudulot kung magkikita pa kami.
Subalit hindi ko inaasahan na gagamitin niya 'yung isa sa mga estudyante sa E.U para lang palabasin ako sa campus.
Nakaatras ang kaliwa kong paa habang gulat na gulat pa rin na nakatingin sa kanya. Samantalang seryoso lang ang tingin niya at mas naging malayo sa pagkakakilala ko sa kanya na palaging nakangiti sa panlabas.
There are things that people doesn't want to tell and doesn't want to show. No matter what the situation is, whether you like it or not. Once you meddle in to someone's business, even if it's unintentional. You have no choice but to be involved with them.
Sa gano'ng paraan kami mas nagkatagpo ni Dace Ocampo. Wala akong ideya kung saan ako pupulutin nitong pagkakamali ko,
Naramdaman ko ang presensiya ng kung sino sa likod ko. "Ano'ng kailangan mo sa kanya?" Tanong ni Harvey kaya nilingon ko siya. Naramdaman ko rin ang paglipat ng tingin ni Dace.
...pero hinihiling ko na hindi ako mapunta sa napaka komplikadong sitwasyon.
*****