Chapter 20: Peculiar
Reed's Point of View
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa canteen, nakalimutan kong dalhin 'yung tumblr ko kaya ngayon ay kinakailangan kong bumili ng tubig dahil mayro'n kaming training mayamaya. Subalit sa paglalakad ko, nakikita ko sa hindi kalayuan si Haley, kasama niya si Irish.
Close sila?
Sa una mapapansin mo na parang wala silang problema at magkasabay lang sila na naglalakad pero kung titingnan mo silang mabuti ay malalaman mong may pinagtatalunan sila. Pinapanood ko lang silang pareho nang magulat ako nang pa-simple nilang hilahin ang dulo ng mga buhok ng isa't-isa.
"You know, you shouldn't judged someone based on their age, right? ATE Haley." Pag emphasize ni Irish sa tawag na ate.
Lumingon sa kanya si Haley at halos umangat baba ang kaliwa niyang kilay sa inis.
"I got nothing to say to some brat who doesn't know how to talk properly."
'Tapos mga ini-stretch nila ang mga pisngi nila habang naglalakad. Pinagtitinginan na sila ng mga nakakasabayan nila pero mga wala silang pakielam.
Nakasimangot lang akong nakatingin sa kanila. Ano ba'ng ginawa nila?
***
MATAPOS KONG maiabot ang excuse letter sa adviser kong si Sir Santos ay dumiretsyo na ako ng palit ng damit para makapunta sa Basketball Gym.
Pumasok ako sa E.U ng hindi nakasuot ng varsity uniform. Hindi kasi kami papapasukin kahit pa na sabihin nating P.E ang first period ng estudyante. For security purposes din dahil napasukan na ng isang beses ang school.
Elementary pa lang yata kami no'n nung nangyari iyon.
Medyo pahirapan pero wala, gano'n talaga. Sanayan na lang din.
Nakaupo ako ngayon sa bench habang hinihintay ang iba kong kasamahan. Kaya kami may practice ngayong umaga dahil gagamitin ulit itong covered court mamayang hapon ng mga college.
Saka may darating kaming laban next week kaya excuse kami ng ilang araw sa klase. Kasabay namin sila Harvey, Jasper at Mirriam para sa Provincial game kaya sila Kei at Haley lang ang maiiwan sa klase.
Tumingala ako para tumitig sa kawalan.
Inaalala ang cute na mukha ni Haley, mapagalit, inis, ngiti lalong lalo na ang pagtawa. Nami-miss ko na 'yung normal naming pag-uusap. Ano ba'ng gagawin ko?
Lumalayo kasi siya sa akin kapag tingin niyang lalapit ako sa kanya, kaya 'di ko maiwasang makaramdam ng hiya, eh. Pero ayoko namang dumating ang game namin na mayro'n pa rin kaming issue.
"Hmm... Subukan ko kaya siyang ayain lumabas mamaya?" Bulong sa sarili pero bigla ring napasimangot. "Pero ano naman ang sasabihin ko kung nagsama kami?" Parang nag-aalanganin ko pang tanong sa sarili 'tapos humalukipkip. "Ba't ang hirap? Saka ano nga ba ang problema kaya hindi kami nag-uusap?" Tuloy-tuloy ko pa rin sa pakikipag-usap sa sarili.
"Captain! Watch out!" Tumingin ako sa harapan kasabay ng pagtama ng bola sa mukha ko. Sa lakas ng pagkakatama niyon sa mukha ko ay bumagsak ako mula sa inuupuan ko.
"Ba't n'yo kasi ginawang soccer ball 'yung basketball?!" Nanggagalaiting tanong ng isa kong kasamahan.
Infirmary
Nakahiga ako ngayon sa clinic bed matapos akong lagyan ni Nurse Charlotte ng cotton calls sa ilong. Pinisil ko rin ang nose bridge ko nang kaunti bago ako humiga.
Oo, sa ilong ko nanaman tumama. Hindi na nga ako magtataka kung magiging pango na ako sa susunod.
Itinaas ko ang kamay ko at ibinagsak rin ito, bumuntong-hininga't ibinaling ang tingin sa flower vase na nasa side table. Halatang bagong palit lang ang bulaklak na tinatawag sa Interplant Roses.
"Haley..." Tawag ko sa pangalan na iyon dahil bigla ko siyang naalala sa bulaklak na tinitingnan ko ngayon.
May umurong ng kurtina kaya ibinaling ko ang tingin sa taong iyon, laking gulat nang makita ang nag-aalalang si Haley, napaupo ako mula sa pagkakahiga.
"H-Haley? Ba't nandito ka?" Nauutal kong tanong. You surprised me! Kakatawag ko lang sa pangalan mo dahil naaalala kita sa bulaklak 'tapos bigla kang magpapakita sa 'kin.
Lumakad siya palapit sa akin, umupo siya roon sa edge ng kama ko na sinundan ko ng tingin. "You okay?" Concern pa niyang tanong ng hindi inaalis ang pag-aalala sa kanyang mukha.
I nodded to reassure her. "Mmh. Pero kanino mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kanya.
"Nakasalubong ko 'yung isa sa mga kasamahan mo sa basketball noong magbabanyo sana ako, kaya dumiretsyo kaagad ako rito para i-check ka-- p-pero hindi rin naman sa nag-aalala ako sa'yo, sadyang ako lang kasi ang pwedeng pumunta rito dahil kapag bumalik ako sa classroom, hindi na ako makakalabas." Defensive niyang wika na nginitian ko lang din ng pilit.
Namuo ang katahimikan.
Hindi ko nagawang makapagsalita dahil wala rin naman akong matinong sasabihin, saka ang awkward!
"Reed, pwede ka bang makausap sandali?" Pagbabasag ng katahimikan ni Haley kaya mas ibinaba ko ang tingin sa mukha niya. Namumula ang mga pisngi niya at hindi nanaman makatingin sa mismo kong mata.
"Y-Yeah. Hindi pa naman ako babalik as gym." Sagot ko sa kanya.
Humarap siya sa akin pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa ibaba.
"Did you remember what happened the other night? When I was drunk?" Dire-diretsyo niyang sambit.
Pumasok sa utak ko 'yung ginawa niyang panghahalik nung gabing iyon kaya mabilis kong inilayo ang tingin 'tapos napatingala pagkatapos. Humawak din ako sa batok ko. "Ah! Iyon?" Tukoy ko sa bagay na iyon. "H-Huwag mo na masyadong alalahanin, alam ko namang lasing ka la--"
"Yes, hindi ko iyon sinasadya." Tugon niya bilang pagputol sa sinasabi ko. "Gusto kong kalimutan mo 'yung nangyari sa gabing 'yon." Wika niya bilang pakiusap. Nakabuka lang ang bibig ko nang itikum ko na lamang.
Napaka imposible naman ng sinasabi mo, Haley.
Pa'no ko magagawa 'yang sinasabi mo? Eh, gusto kita. Wala namang problema na kalimutan 'yon kung wala akong nararamdaman sa 'yo, eh.
Siguro para sa 'yo, wala lang 'yung halik na ginawa mo nung gabi na iyon. Kaso napaka big deal din no'n sa akin, eh.
Gustong-gusto kong sabihih lahat ng mga iniisip ko sa'yo, pero pa'no ko naman 'yan gagawin kung alam kong iyon pa ang magiging dahilan ng paglayo mo?
Nakakabaliw talagang ma in love sa'yo. Nawawala talaga ako sa katinuan, noon pa man.
Sumandal ako sa headboard at malalim na bumuga ng hininga.
"Gustong-gusto talaga kita." Seryosong pag-amin ko na nagpabilog sa mga mata niya. "Pa'no kung sabihin ko 'yan sa'yo?" Dugtong ko.
Kumpara kanina, mas namula ang pisngi niya.
'Tapos ay dahan-dahang tumingala para makita ako. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Okay lang ba talaga na sabihin ko 'yon sa kanya? Na gusto ko siya?
Pumaawang-bibig siya. Handa na ba ako sa isasagot niya?
"R-Reed, I also--"
Hindi.
Humalakhak ako para matakpan 'yung nararamdaman ko. "Joke lang!" Bawi ko at umalis sa kama. Bakit ko binawi?
"Hindi tayo bagay 'no!" Sabi ko na may halong pang-aasar. Nasabi ko na, eh... Bakit ko pa binawi?
"Kung ano man 'yang inaalala mo, huwag kang mag-alala. Kalimutan natin 'yan para wala tayong problema." Labas ngipin kong pagngiti 'tapos nilagpasan si Haley. I blurt out the simple words but I can't totally say it out loud. What's wrong with me?
"Mauuna na ako, bye!" Paalam ko at tumakbo palabas sa clinic. I know I love you, but I say it.
Sa pagtakbo ko ay unti-unti rin akong napahinto, naglaho na rin ang ngiti na nakalinya sa aking mga labi at napalitan ng panggagalaiti dahil sa inis.
Kapag ba sinabi ko ang salitang "mahal kita"
Magiging masaya ba ako?
Kapag hinawakan ko ang maliliit mong kamay.
Ano ang gagawin mo?
Tumingala ako't napakagat-labi. Are you even aware?
Haley's Point of View
Nakatingin lang ako sa pinaghigaan ni Reed habang mapait na nakangiti. "I see..." I whispered as I stood up. "Stupid."
If you can't even hold the things you say,
I am asking you to stop it, please don't whisper the hurtful words, and give me hope to love you.
Lumakad na nga ako para bumalik sa classroom pero sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako nang kaunting pagkahilo. Humawak ako sa noo ko't napahinto sa paglalakad. Humawak din ako sa pwedeng paghawakan para hindi ako matumba.
"Kailangan ko na bang magpa check up?" Tanong sa sarili. Baka iba na kasi itong nararamdaman ko.
Dumaan sa balat ko ang malamig na hangin. Kasabay ang pagtawag ng kung sino sa pangalan ko. "Haley..." Nanlaki ang mata ko at dikit-kilay na nilingon ang taong na sa likuran ko. Napasinghap ako noong mapagtanto ko na itong taong ito ang nakita ko kagabi, gayun din nung isang araw na kasama ko si Caleb sa mall. "You..."
Nakaupo siya sa mismong bintana at naka-crossed legs.
Naka-all black siya maliban sa puting maskara na suot niya. Nakaangat din ang hoodie niya kaya hindi ko malaman kung babae siya o lalaki.
"Who are you?" Unang tanong na ibinigay ko sa kanya.
Wala akong ideya kung ano ang ginagawa niyang ekspresiyon.
Pero nararamdaman ko na hindi ito normal.
Pero kung may makakapagsabi sa akin ngayon na isa lang itong prank, sana pakisabi na 'agad. I didn't know if this person was a thief or what, but if someone shows up from a window with a suspicious clothes and aura, they're an enemy.
Noong inalis niya ang pagkaka-crossed lesgs niya ay inaakala kong mayro'n siyang gagawin kaya mabilis ko siyang sinugod. Subalit mataas siyang tumalon papunta sa likuran ko.
Humarap ako sa kanya.
"Listen to me." Malumanay pero mayro'ng awtoridad na tono sa kanyang boses.
Nanliit ang mata ko. Hindi niya boses 'yan!
Para siyang gumagamit ng robotic voice mula sa isang device.
"Alisin mo 'yang hood mo nang makita ko 'yang mukha mo." Muli akong sumugod sa kanya samantalang narinig ko lang ang pag click ng dila niya.
Papalapit na ang kamao ko sa mukha niya nang magulat ako nang tumagilid lang siya upang makaiwas sa suntok na iyon. Kaya ang sinunod kong ginawa ay ang pagsipa sa sikmura niya pero laking gulat ko rin nang hawakan niya ang paa ko at malakas akong ibinaliktad sa ere.
Bumagsak ako sa malamig na simento at napangiwi sa sakit.
Y-You've got to be kidding me!
"Learn how to listen, Haley Miles Rouge." Seryosong wika niya habang dahan-dahan lang akong umaangat sa pagkakadapa sa sahig. "Hangga't maaari, huwag kang aalis sa siyudad na ito, 'wag kang lalayo." Babala niya saka ko siya nilingunan. Nakatayo lang siya sa likuran ko.
"Don't leave." Saad niya kaya tumayo na ako.
Kunot-noo ko siyang hinarap. Hindi ko man makita nang maayos pero magkapantay na ang tingin namin. "Bakit mo 'to sinasabi sa akin? Sino ka ba?" Sunod-sunod kong tanong na ikinatungo lang niya nang kaunti.
"Haley! Nandiyan ka ba?" Boses ni Jasper.
Pareho kaming napalingon doon pero mabilis din siyang tumakbo paalis. Nilagpasan pa niya ako.
Lumabas siya sa bintana na hinabol ko naman, ngunit napanganga ako noong mawala na ito sa paningin ko. Dumungaw-dungaw ako at tumingala. She's gone...
"Hale ~" Patuloy sa pagtawag ni Jasper.
Inalis ko na ang ulo ko sa pagkakadungaw at napatingin sa mga palad ko.
Noong hinawakan niya ang paa ko, nanginginig 'yung mga kamay niya.
I heard the shoes that is squeaking against the tile floor.
Nakapasok na sa infirmary si Jasper. "Hale ~! Kanina pa kita hinahanap-- Oy! Pinuntahan nga kita, eh!" Patakbo akong naglakad palabas ng clinic, nilagpasan ko lang din si Jasper at hindi siiya pinansin.
Hindi pa siya nakakalayo, baka sakaling makita ko 'yung taong 'yun.
*****