Chereads / My Beast Boss / Chapter 7 - 6. Something Weird

Chapter 7 - 6. Something Weird

"You're fired!"

Umuwang ng kaunti ang aking bibig ng pumaram ang kaninang ngiti sa aking labi. Hindi ko magawang kumilos at halos nakatayo lang ako ngayon at ang tagal mag-sink in sa utak ko yung sinabi niya.

You're fired!

You're fired!

You're fired!

You're fired!

You'r--

Pinukpok ko ng mahina yung ulo ko at saka naman nag-100% yung loading at mabilis nang nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.

"You may go. I don't need t--"

Tinakpan ko yung bibig niya at saka nagsalita ako.

"Sshh. Hindi na mabenta sakin yung joke niyo sakin sir. Luma na ya--"

Kinabig niya yung kamay ko at sabay nagsalita rin siya. This time, naging halimaw na naman yung aura ng mukha niya.

"And do you think I'm joking? Go out before I'll drag you out of my office now."

"Hahahahahahaha!!" Sabay napahawak pa ako sa tiyan ko habang hindi parin ako maawat sa pagtawa. "Hahahaha!! G-grabe! Hahaha!".

Napansin kong nagtaas-baba yung kilay niya at mukhang nag-uusok na naman yung tenga niya sa inis.

"O-kay o-kay...hahahha!!!"

Kinalma ko na yung sarili ko dahil naramdaman kong namimilipit na sa sakit sa katatawa yung tiyan ko.

Nag-pause muna ako saglit at saka tinap ko yung balikat niya.

"Alam mo sir, next time kapag mag-jojoke ka sakin, dapat nakasuot ka ng pang-clown. Aba! Malay niyo po, bumenta sakin at malaking tulong na rin 'yon para mawala yung pagiging halimaw niyo. Anong masasabi niyo sir?" Aniya ko sabay binigyan ko siya ng malapad na ngiti. Sabay napakagat ako sa labi ko para pigilan ulit yung tawang gustong ulit kumawala ngayon sa bibig ko. Natatawa talaga ako sa kanya.

Napansin kong tahimik lang siya at hindi manlang niya nagawang kumibo o magsalita. Pansin kong blanko lang yung expression ng mukha niya at nakatingin lang siya sakin.

Kumaway-kaway ako sa kanya pero hindi pa rin siya kumikibo.

Hala! Baka na-istroke ata siya?

"Sir ayos lang po ba kayo? Sabihin niyo, naistroke po ba kayo? Ay mali! Umusli po ba yung dila niyo? Sabihin niyo palang po para dalhin ko kaagad kayo sa mental ay hindi! Mali-mali! Sir? An--"

Dahan-dahan akong napa-atras ng napansin kong humakbang siya papalapit sakin.

"S-sir! M-may problema po b--"

Sumilay ang malaking ngisi sa kanyang labi. Hindi lang basta ngisi ang nakikita ko sa kanyang mukha dahil may half itong pagka-halimaw at parang mala-demonyo yung ngisi niyang 'yan.

Sa kaaatras ko, naramdaman kong may humarang na palang malaking pader sa likuran ko ng lumingap ako saglit. Pagka-harap ko, biglang bumilis yung tibok ng puso ko at parang gusto nang kumawala ngayon ss dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

Halos isang dipa nalang ata yung lapit ng mukha namin sa isa't-isa at parang mahihimatay na ako ngayon sa posisyon ko ng maamoy ko yung mabango niyang hininga ng magsalita siya.

"Do you really think I'm joking?" Nakaka-kilabot niyang sabi.

Sabay nilapit pa niya lalo yung mukha niya ng kaunti sa akin at halos nadadangkal ko na ngayon na kalahati na ng 1 inch (Tantsahin niyo nalang) ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. At sabay napa-lunok ako.

Jusko, lord! Alam kong gwapo siya at nakaka-akit yung...yung...l-labi niya pero ayoko pa sa ngayon..Baka hindi na ako makikilang Maria Clara kapag nagkataon.

"What if I prove it to you now?" Aniya at lumapad pa lalo yung ngisi niya.

Okay, alam kong hindi maganda yung posisyon naming dalawa pero ayos lang. Ang ganda kaya ng view!

Ayyy! Erase erase!

Tinakpan ko yung bibig ko ng kamay ko at sabay napa-pikit ako.

Bakit hindi ko manlang naisip kagad 'yon? P-pero..alam kong hahalikan niya ako..

Nag-sign of the cross nalang ako habang nakapikit yung mga mata ko at tinatakpan ko parin yung bibig ko ng kamay ko.

1 second...

2 seconds...

3 seconds...

"Pft! Hahahaahaha!!"

Dinilat ko ng dahan-dahan yung isang mata ko at nakita kong tawa siya ng tawa. Tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig ko at dinilat ko na rin yung isang mata ko.

Bakit siya tumatawa? Ayan ba yung epekto kaya hindi manlang siya maka-kibo kanina?

Pina-mamewang ko siya at sabay nagsalita ako. "Sir, kailangan na ata kita sigurong idala ngayon sa mental. Hindi ko alam na may saltik pala kayo. Sorry sir, pero kailangan nating agapan para hindi na lumala pa yung pagka-baliw niyo."  Nag-aalala kong sabi at sandaling napahinto na siya sa pagtawa niya.

Nakita kong tumalikod siya sakin at saka tumungo dun sa swivel chair at saka umupo.

Pinag-masdan ko lang siya sa ginawa niyang 'yon at agad kong kinilos yung dalawa kong paa patungo sa pwesto niya.

"Sir, hindi manlang ba kayo iimik?" Sabay nag-cross arms ako at tumingin ako sa kanya. "Oo nga po pala sir, wala manlang po ba kayong ipag-uutos o a--"

Bigla siyang napatayo at saka tinaasan niya ako ng boses.

"You don't really understand? I said you're fired! Get out now in my office!" Galit niyang sabi.

Napa-bagsak ang balikat ko at itinuwid ko ang tayo ko. Suminghal muna ako bago ako nagsalita. "Okay fine. Pero wag kayong magtataka kung makikita niyo parin ako dito. Dun nalang ako mag-tatrabaho kay ma'am Roxie dahil mukhang wala naman akong mapapala sa halimaw na katulad niyo." Saad ko. At napansin kong napa-taas  ang kilay niya at sabay napa-iwas siya ng tingin sakin.

Nag-pause muna ako saglit at akmang ibubuka na sana niya ang bibig niya pero inunahan ko na siya.

"Kung sasabihin mong 'what the', wag mo na pong ituloy. Kainis lang kasi kayo sir! Hindi pa nga ako nakakapag-simulang magtrabaho fired na kagad ako. Ang dami ko pa namang pangarap para sa kapatid ko pero mukhang hindi ko na maikakamit 'yon dahil hindi manlang ninyo ako pinakinggan ang hinaing ko. Alam niyo, gwapo sana kayo at gusto ko pa naman sanang maging secretary niyo pero binigo niyo yung oportunidad na 'to. Sige, aalis na ako. At tandaan niyo, wala po kayong karapatan sir na palayasin ako sa lugar na 'to dahil pinapalabas niyo lang ako sa opisina niyo. Dun nalang ako magtatrabaho kay maam Roxie at least siya madaling pakisamahan. Hindi katulad ng halimaw niyong ugali. " Pahayag ko at sabay binigyan ko muna siya ng isang ngiti bago ako lumabas ng office niya.

Tama naman yung sinabi ko diba? Sa totoo lang, hindi naman ako nagagalit sa kanya. May dahilan naman siguro siya kaya hindi ko rin naman siya masisisi. Masaya na rin ako dahil kahit papaano, may napatunayan ako sa halimaw na 'yon. Type ko pa naman siya. Hays.

"Oh, Marsha. Why are you here? Is there anything wrong? May ginawa bang masama sayo yung mokong kong kapatid."

Napa-tawa nalang ako sa sinabi niya. "Paano niyo po nalaman?" Nagtataka kong tanong. Hindi pa nga ako nagpapaliwang alam na kagad niya. Siya na talaga!

Lumapit sakin si Roxie at bakas sa mukha niya ang galit. Ngayon ko lang nakita siyang nakitang ganyan yung aura ng itsura niya. Sabagay, hindi pa naman kami masyadong nag-sasama minsan.

"Let's go!". Matinis niyang sabi. Mag-rereact pa sana ako kaso bigla nalang kasi niya akong hinila palabas ng office niya.

Napansin kong tahimik lang siya at halata kong bakas parin ang galit sa mukha niya.

Bakit kaya? Tanungin ko kaya siya?

Bumuwelo muna ako bago ko simulang magsalita. "R-roxie..okay lang ba? Bakit parang nagagagalit ka?" Mahinahon kong tanong sa kanya. Sabay bumuntong-hininga siya at tumingin sakin.

"Mukha ba akong galit?" Sabay sumilay naman kaagad ang ngiti sa labi niya.

Loka-loka rin 'to minsan si Roxie eh. Akala ko kakainin na niya ako ng buhay dito dahil sa aura niya kanina.

Bumuntong hininga rin muna ako at tumugon ako sa sinabi niya. "Bakit? Hindi ba?" Suhestyon ko at bumangisngis lang siya ng marahan.

Ay! Baliw! Bakit ba 'yon yung sinabi ko? Baka tuloy pag-isipan niya ako ng masama. At sakin pa ibuntong yung galit niya. Hays. Ako rin 'tong loka-loka e.

Sa halip na kausapin ko pa siya ay sakto namang bumukas yung pinto ng elevator at sabay hinawakan niya ako ulit sa braso ko at sabay hinila ako palabas.

Halos magkanda-tapilok na nga ako sa paghila niya sakin. May lahi ata 'tong cheetah eh, mas mabilis nga lang yung cheetah kesa sa kanya.

Dinala niya ako sa isang kwartong opisina at sabay sinarado niya muna yung pinto pagkapasok namin sa loob.

Eto na naman yung mga eye catcher ko, nagsisimula na namang mag-tour sa loob.

Sisimulan ko sanang mag-libot ng pinigilan naman ako ni Roxie.

"You don't need to tour here yourself. From now on, this is your office." Sambit niya na ikina-uwang ng bibig ko at ikinatuwa ko.

"T-talaga po? Baka niloloko niyo lang po ako?" Pag-sisigurado ko.

Bigla tuloy sumagi sa isip ko habang nandun ako sa office ni Logan kanina.

What the..Bakit hindi pa niya kasi tinuloy yung balak niya? Ay! Erase mali 'to! Na-loloka na tuloy ako.

Napatawa siya saglit ay saka nagsalita. "I'm not joking. Well, by the way. You may start now your work. But, before you'll start, I have something to give you."

Nakita kong naglakad siya dun sa table at may kinuha siyang isang pirasong papel. Pagkatapos ay, iniabot naman niya iyon sakin.

"Get this. Read all written here and don't you forget if what was written there. Okay?" Saad niya sabay kinuha niya yung kamay ko at pinahawak naman niya sakin yung papel na 'yon.

Imbes na tignan ko muna ito ay kinausap ko muna siya.

"H-huh? Teka, para san p--"

"You'll know what was I told to you. And before I leave you here, I'll be back here later to have some launch with you okay?" Ani niya at tinungo na niya ang pintuan at sabay binuksan na niya yung pinto. Pero, bago pa siya makalabas, nagsalita uli ako.

"Pa--"

Ano ba yan. Palagi na lang niya pinuputol yung sasabihin ko.  Pagbigyan na nga lang.

"And by the way, don't you said 'po' to me again. Baka, tumanda kagad ako ng maganda at hindi ko na masisilayan yung pamangkin ko sa inyo ni Logan."

"P-po? Este, Ano ulit sinabi niyo?"

Umiling siya at sabay tumawa. "Nevermind. Just do your task now and you can tour your self here as much as you want. Bye my soon sister-in-law!" Pagkasabi niya niyon ay agad naman niyang sinarado yung pinto. Hindi na tuloy ako nakapag-salita dahil umalis na siya kagad.

Pero saglit, may sinabi siya sa dulo eh...sister..ano ba yun? Hays. Ang slow ko talaga. Wala na nga akong pictographic view tas wala pang laman yung utak ko. Maganda naman.

Paulit-ulit kong binasa yung mga nakasulat dito sa binigay na papel ni Roxie at iilan pa lang yung pumapasok sa utak ko.

At ang nakaka-lola pa, english pa yung mga nakasulat na lalo ko pang ikana-nosebleed! Wala bang translation 'to! Malapit ko na talaga 'tong mapunit eh. Joke lang. Tsaka naalala ko, eto lang ba 'yong gagawin ko magdamag? Kung gayon..Edi maganda! Malaya akong magreyna-reynahan dito sa loob. Tas si Logan ang hari.

Nangalum-baba ako at ngumiti ako habang nag-dadayream ako dito.

Ayy! Erase! Bakit ko ba siya inaalala? Wala naman siyang pake sakin. Natural! Boss siya at sekretarya ka lang niya, ay hindi pala. Tanggal ka na nga pala kaya wag ka nang mag-ilusyon na may pake siya sayo.

Sarap tanggalin yung utak ko sa ulo ko! Kung ano-ano nalang kasing pumapasok ng hindi manlang nag-papaalam sakin. Hays, makapag-basa na nga lang.

Ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa papel na 'yon at saka binasa at hinimay isa-isa.

The listed above is are the following duties of an CEO Executive Assistant/Personal Assistant:

*Handling incoming and outgoing communication.

*Filling and clerical work

*Might be charge in scheduling meetings

*Maintaining complex filling systems and databases. And;

*Document review and preparation and possibly other seeing stuff.

Hays! Ang dami naman nito. Wala namang idadagdag dito?...Ibig kong sabihin, wala manlang magaan na trabaho? Ay nag-assume pa! Kung gusto mong kumita, mag-hirap at magtiyaga ka! Kaloka.

Ni-relax ko muna yung sarili ko at naalala ko naman na hindi pa pala nalilibot 'tong loob.

Tumayo ako sa kina-uupuan ko at sinimulan ko namang maglibot. Grabe! Kahit medyo maliit lang 'to kumpara sa opisina ni Logan..speaking of him..kamusta na kaya siya dun? Buhay pa kaya siya dun? Hindi na ba siya mukhang halimaw dun?..haist bakit ko pa ba siya inaalala? Sa pagkaka-alam ko, wala naman siyang pinakain sakin 'yon? Naloloka ako huh!

Bumuntong-hininga muna ako ng malalim at sinimulan ko uling maglibot. Ang aliwalas at ang linis..may paintings na naka-display ..naka-align ng maayos yung mga mahahalagang papers sa pagkaka-lagay nito. At simple lang talaga siya kung susumahin ko.

Hays. Bigla tuloy akong napangiti, paano kaya kung ako ang naging boss dito at hindi si Logan? Siguro tadtad na 'to ng mga mukha ko, mga pina-pantasya kong mga paborito kong singers..mga gwapong hollywood actors..Hays. Siguradong hindi ako nun makakaramdam ng pagod sa trabaho kapag 'yon ang lahat ng nakikita ko dito.

"Marsha!"

"Ay! Anak ka ng tikbalang!" Napasambit ko at halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ngayon ng bigla nalang kasing sumusulpot si Roxie.

Napaisip tuloy kung paano siya nakapasok dito ng hindi ko manlang naririnig yung pagbukas ng pinto.

Nagkibit-balikat nalang ako at nilapitan ko nalang siya.

"Are you done with your tasked? Then, let's go! We will now take a launch together!" Masaya niyang sabi.

Bakit kanina lang nagagalit siya? May saltik rin siguro siya katulad ni Logan. Ay! Ano ba! Bakit ba siya palaging bukam-bibig ko? Hays. Sabagay, hindi rin naman sinabi ni Roxie na galit talaga siya kanina. Baka meron lang ata siya ngayon? Haist. Grabe talaga 'tong period na 'to. Ang lakas rin maka-stress. Ma-Ma-iistress ang beauty ko eh.

"Hey! Kanina ka pa tulala jan huh? Okay ka lang ba?". Napukaw ang diwa ko ng kausapin ako ni Roxie.

"A-ahh oo. May iniisip lang ako. Tara na?"

Bigla nalang lumapad yung ngiti niya ng sabihin ko 'yon. Bakit kaya? Hays, ewan.

Kinuha ko muna yung baon ko sa bag ko at sabay hinila niya ulit ako palabas ng opisina.

"Take a sit." Excited niyang sabi at umupo na ako pagka-upo niya.

Hindi ko akalain na may nag-eexist palang dining room dito. Sigurado akong mayaman talaga ang may-ari nito. Teka, sino ba ang may-ari ng building na 'to? Hindi kaya si Logan? Ay! Malamang! Kaya, nga siya ang boss dito e.

"Hey! Why don't you eat? Oh.. I see, don't worry! We're just only two here. Kumuha ka nalang ng ulam dito. Don't be shy, treat ko na yan sayo."

Tinignan ko naman yung ibaba ng lamesa at namilog ang mga mata ko sa dami ng mga pagkain na nakahain. Hindi ko napansin na may mga pagkain na pala ditong nakahain. Ang mukhang sasarap at mamahalin pa ata 'tong mga pagkain e. Nanliit tuloy yung baon ko.

"Um..salamat nalang huh pero kasi may baon na akong dala. Sorry. Dapat kasi hindi kana na--"

"And its not okay for me. Sige ka, magtatampo ako sayo kapag hindi mo ginalaw ni-isa yung mga pagkain dito." sambit niya. Sabay napa-pout naman siya. Ang cute niya talaga.

"S-sige. Pero hays. Sige na nga."

Binuksan ko muna yung baunan ko at sabay nag-sandok naman ako ng mga ulam na nakahain sa lamesa. Mas mabuti na sigurong 'wag tanggihan ang grasya, baka lumayo pa eh. Sayang pa naman kapag ganun.

"Oh excuse Marsha. I forgot that I have some works to do. Okay lang ba sayo kung maiwan muna kita dito?"

"Sige. Pero paano..'wag mong sabihing ipapa-ubos mo sakin lahat 'to?" Pagbibiro ko na ikinatawa naman niya. Sakto namang katatapos ko ring kumain at ramdam kong mukhang hindi pa ako nabubusog. Baka tumaba na ako nito kapag nakapang-limang sandok pa ako. Pero, kumakain naman ako araw-araw. Bakit hindi parin ako nabubusog?

"If you want. But, just leave it here kapag babalik ka na sa trabaho mo huh." Tumango nalang ako at nagsimula naman siyang mag-martsa papunta sa pintuan.

"Salamat pala dito. Bye!"

"Bye!" Sabay sinarado na kagad niya yung pinto. At naiwan naman ako ditong mag-isa sa loob.

Niligpit ko muna yung mga pinag-kainan namin at pagkatapos ay lumabas na rin ako.

Ilang hakbang lang naman ang layo ng office ko dito at buti nalang at hindi na ako mahihirapan pang maglakad pabalik sa office ko.

Nang nasa tapat na ako ng office ko. Agad ko naman hinawakan yung door knob at nakangiting kong  binuksan ang pinto.

"Where do you go? Why don't you answering my calls?"

"Ay! Halimaw ka!". Napasambit ko at sabay napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa pagkakagulat. Parehas talaga sila ni Roxie, ganyan ba sila mag-approach minsan ng tao? Nang-gugulat?

"What  the--"

Ayan na naman si what the what the niya. Tsaka, ano daw? Tinatanong niya ako kung bakit hindi ko sinasagot yung tawag niya? At nakakatawa lang huh, san daw ako nag-punta?

"Sa heaven bakit? Gusto mong isama kita? Ay hindi ka pala pwede dun, sa hell ka pala. Wala kasing halimaw d--"

Bigla na naman siyang lumapit sakin at si atras na naman ako. Ano na namaan bang kalokohan ang ginawa nitong halimaw na 'to?

"H-hey! W-wag mo a-kong lalapitan. I-susumbong kita kay satanas, ayy hindi. I-papahi--ahh.."

Hindi ko na naituloy pa yung sasabihin ko ng bigla akong natapisod at na out of balance ako. Sabay napapikit nalang ako habang hinhintay ang pagbagsak ko sa sahig.

Pero bakit ganun? Diba dapat sasakit yung pwet ko sa pagkaka-bagsak ko? Pero, bakit hindi ko manlang naramdaman?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bigla nalang nag-kalabugan sa bandang dibdib ko. At, parang may nagliliparan ring paro-paro sa tiyan ko ng masaksihan kong magkalapit ulit yung mukha namin sa isa't-isa. Pero, nakapag-tataka. Mas lalong kong naramdaman na umiinit ang pisngi ko dahil sa posisyon naming dalawa ngayon.

Ngayon ko lang namalayan na kanina pa pala ako naka-titig sa kanya. Para niya akong nilagyan ng mahika na titigan nalang siya.

Hindi ko maipag-kakaila na ang isang halimaw na katulad niya ay gwapo..ang tangos ng ilong, ang haba ng pilik-mata niya..at halos lahat na ata nasa kanya na eh. Lalo na ng mapatingin ako ng di-sinasadya sa labi niya.

Ano ba 'tong iniisip ko? Nahihibang na talaga ako. Gusto ko nang umalis sa posisyon na 'to pero ayaw naman kumilos nang katawan ko. Wag mong sabihin, pati katawan ko nakiki-ayon rin?

"Aray!" Bigla nalang niya kasi akong pinitik sa noo ko kaya naudlot na tuloy yung pag-iilusyon ko. Ay! Ano ba 'tong pinag-sasabi ko? Nababaliw na ata ang magandang beauty ko sa kanya eh.

Bigla naman niya akong binitawan at halos mapasalampak ako sa sahig. Na kanina ko pa inaabangan.

"Stand up! Follow me now and you need to settle your duties." Sambit niya at nakita ko namang tumalikod kaagad siya at saka lumabas ng office.

Stand up? Pagkatapos niya akong ibagsak sa sahig papatayuin niya ako ng ganun-ganun na lang? 'Tas, hindi manlang siya nag-sorry. Mahahalikan ko na yung halimaw na 'yon e. Mali mali! Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Hays. Nababaliw na ako sa kany--sa sakin. Tama! Ako yung nababaliw.