Chereads / My Beast Boss / Chapter 2 - 1. Job Hiring

Chapter 2 - 1. Job Hiring

|| Marsha ||

Hays. Baka tumanda akong maganda sa ka-kawalis. Ayan! Sana kumintab na yung sahig sa maganda kong walis.

Kung may vacuum lang talaga ako kanina ko pa na-murder 'tong sahig eh.

Ano kaya kung sabayan ko ng kanta?

Huminto muna ako sandali sa pag-walis ko sa kusina at inilagay ko sa baba ko yung kamay ko at nag-iisip nang maganda kong kakantahin.

Good idea!

I cleared my throat. Itinapat ko sa bibig ko yung walis tambo na hawak ko at sinimulan ko na ang concert ko.

"O mamimiss kita, o aking sinta. Mahirap man ito o tanggapin 'pagkat ak--"

"ATEHHH!!!!" napatigil ako sa pagkanta at sinimulan ko uling mag-walis. Bigla kasi dumating 'tong si Suzanne. Sana hindi niya narinig.

Napansin kong tumakbo siya papunta sa pwesto ko kaya tumigil muna ako sa pag-wawalis.

"Ate Mars, diba nag-hahanap ka ng trabaho?" Masayang tanong sakin ni Suzanne.

"Uh--bakit? Bibigyan mo ako?"

"Gaga. Naghahanap ka diba? Oh, ito. Basahin mo bilis!" Nakita kong may ini-abot siya sa aking diyaryo at tinignan ko lang.

"Anong gagawin ko jan?" Taka kong tanong.

Napa-kamot siya sa ulo niya at saka bumuntong hininga. "Ang slow mo talaga ate. Natural, babasahin mo. May hiring kasi na trabaho jan kaya naisapan ko na chance mo 'to para magkaroon ka ulit ng trabaho. Basahin mo na kasi!" Gigil at excited niyang sambit, saka hinablot yung kamay ko at pinahawak niya yung diyaryo sakin.

Pagdaka'y, tinaasan pa niya ako ng kilay ng titigan ko yung dyaryo na hawak ko.

"Hays. Baka balita yung hina-hire? Saka--"

"At kailan pa nag-hire ang balita ate! Nako! Ano bang pag-iisip meron ka. Basahin mo kaya muna. Hiningi ko pa kaya yan sa classmate ko."

Nagkibit-balikat nalang ako at saka ko binasa yung nakasulat dun, nang ituro sakin ni Suzanne yung tinutukoy niya.

"Logan Figueroa Empire State Corporation (LFESC). In need for cursory hiring for executive assistant. Preferably for a female. at least 25 yrs old. below and with pleasing personality."

"Oh. A-aplayan mo ba yan ate?" Naka cross arms na sambit ni Dwayne Suzanne.

Tama. Eto na rin ang chance ko para makapag-simula ulit ng trabaho. Hays. Pinasara na kasi ni Mr. Hwuang nung nakaraan yung coffee shop niya na matagal ko nang pinapasukan. Kaya wala na akong trabaho, at baka mas lalo nang wala na kaming makain nito ni Suzanne.

Lumapit ako kay Suzanne at sabay niyakap ko siya. "Peksman, kapag natanggap ako sa aaplayan ko na 'to kakain tayo sa jollibee." Bulong kong sabi sa kanyang tenga. Sabay kumalas na ako sa'king pagkaka-yakap sa kanya at ginulo ko ang buhok niya.

Bigla namang nagningning yung mga mata ni Suzanne ng ibulong ko 'yon sa kanya.

"Talaga?"

"Oo naman, syempre!" Sabay nag-cross sign pa ako at tinaas ko pa ang kamay ko na parang nanunumpa.

"Yehey!" Tuwa niyang sambit.

Kinuha ko na yung walis tambo at saka nag-patuloy ako uling mag-walis. Grabe, wala na bang katapusan yung dumi dito sa sahig. Napapagod na ang ganda ko huh.

"Pero ate, paano kung hindi ka matanggap?" Muntikan ko nang mabato kay Suzanne yung hawak kong walis tambo. Buti nalang at pinigilan niya kaagad ako. Dahil baka pati 'tong dustpan maibato ko rin sa kanya sa gulat ko.

"Sorry sorry. Nagulat lang ako." Pagpapa-umanhin ko.

"Baliw ka talaga ate. Paano kung mabukulan ako sa noo? Eh di, hindi papanget na ako. Huhu. Ayoko pa namang pumanget." Sabay simangot niya.

"Hihi. Sorrey na. Okay? Saka fyi, mas malaki yung standards ng akin. Kaya mas lamang ako sayo. Ilusyunada ka Dwayne Suzanne.." saad ko. Sabay tinap ko pa ng dalawang beses yung ilalim ng baba ko para feel na mas maganda pa talaga ako sa kapatid ko. Ayokong banggitin na diyosa ako. Sa fantasy lang kaya yun. At baka lumaki pa yung ulo ko 'pag nalaman kong diyosa talaga ako.

*********

Naka-tatlong oras na rin akong nagbabad sa laptop kagabi dahil gumawa ako ng application letter at na-istress kaya yung beauty ko sa letseng application letter na 'yon. Ayoko pa namang unang-una sa lahat yung naiistress ako. Kaya pinilit ko nalang ngumiti ng ngumiti kahit na pumupungay na rin yung mata ko sa antok.

Paano ba naman kasi, ang daming tanong. Hays. Pero sabagay, kailangan rin kasi 'yon para sa background ng isang application. Napa-buntong hininga ako.

Matapos ang ilang minuto ay, naligo muna ako at saka nagbihis na ako ng susuotin kong fit and flare dress at ballet flat shoes. Tinignan ko muna sandali ang sarili ko sa salamin at yes na yes. Ang lakas talaga maka-highly standard ng exotic kong beauty. Pak na pak.

"Ate. Pasok na ako. Good luck na lang sa aaplayan mo ha?" Bungad sakin ni Suzanne pagkalabas ko sa kwarto ko.

"Sige. Ingat. Tandaan mo yung sinabi ko ha! No first boyfriend. First study muna. Ayoko munang dumami ang lahi natin. Okay?" Nakapamewang kong sermon sa kanya. At sabay napahalakhalak siya sa tawa.

Tinaasan ko lang siya ng kilay ko dahil parang sinasaniban na si Suzanne sa kakatawa.

"Grabe ka talaga ate. Hahaha!! Ang lakas rin ng hatak sayo ng english no. Haha."

Pipisilin ko sana yung dalawang pisngi niya para tumigil na siya sa ka-abnormalan niya ng bigla naman siya kaagad tumigil sa pagtawa niya. "Hephep. Nadala lang ako." Sambit niya at kasunod ay pumamewang pa siya at saka tinaas niya yung isang kilay niya. "Bakit ikaw ate? Paano kung matanggap ka sa aaplayan mong trabaho at biglang nagka-gusto sayo yung amo mo? Pwede narin naman ako sigurong magka--"

"Shut up! Ang kulit mo talaga Suzanne. Kita mong lumulobo na nga yung populasyon sa bansa dadagdag ka pa. Ayokong mabuntis ka kagad noh." Napansin kong natahimik siya saglit ng sambitin ko iyon. Saka niya inalis yung kamay niya sa bewang niya ng hawakan niya yung holder ng bag niya.

"Hays. Oh siya, baka malate ka na sa pasok mo. Six thirty na kaya." Pagpuputol ko ng katahimikan. Ano kayang nangyari kay Suzanne?

"Hoy, Dwayne Suzanne. Okay ka lang ba? May nasabi ba ako sa'yong mali?" Bigla nalang kasi siyang naglakad palabas ng bahay kaya hinabol ko pa ng lakad yung abnormal kong kapatid.

Nakita kong huminto siya sa paglakad niya habang nakayuko siya.

Nakita kong bigla naman siyang umikot at humarap sakin.

At ang abnormal kong kapatid, humagalpak na naman ng tawa.

Ang sarap talagang pisil-pisilin yung pisngi niya dahil nang-gigigil ako sa ka-abnormal niya e. Nako! Na-iistress na naman tuloy yung beauty ko.

Pinag-masdan ko lang siya sa katatawa niya at halos maluha-luha na siya.

Pinahid niya sandali yung luha niya na nangilid sa mata niya at saka siya nagsalita.

"H-haha. Grabe ka talaga ate. Hindi ko alam kung eng-eng ka talaga oh ano eh. Ano kaba! Hindi lahat ng nag-jojowa nabubuntis. Grabe siya oh! Tsaka kung mer--I mean, nagmamahalan lang ang tawag dun."

Ano daw? Nagmamahalan? Anong klaseng pagmamahal naman yung sinasabi niya? Yun ba yung mga tindang items sa grocery kaya nagkaka-implasyon? Tsaka, Nauusisa ako sa pinutol niya eh. Hays. Ewan.

"Pasok na ako ate! Good luck ulit sayo." Sabay kumaripas na siya ng takbo at hindi ko na tuloy natuloy yung sasabihin ko.

Napa-iling na lang ako at sabay umalis na kagad ako para puntahan yung LFESC na yun.

Inabot ko naman yung bayad ko sa taxi, pagkatapos ay lumabas na ako ng marating ko na 'yong lugar niyon.

Nilapitan ko yung isang personnel na nakatayo dun sa gitna ng glass door na nagbabantay dito para tanungin siya.

"Good morning kuya. Dito po ba yung naghi-hire ng trabaho para sa PA?" tanong ko.

Mukhang naistarstruck ata sandali si kuya sa ganda ko at saka naman siya nagsalita.

"A-ahh sorry po miss. Lalaki po yung hinahanap hindi po babae." Sabay napakamot ng ulo si manong.

Anong pinag-sasabi nitong si manong? Sabagay matanda na kaya mahirap na rin kapag nakakalimot na.

Tinapat ko kay manong yung hawak kong dyaryo na binigay sakin ni Suzanne at nagulat naman si manong sa ginawa ko.

"Ayan ho manong. Paki-basa nalang baka sakaling maalala niyo." Pag-utas ko kay manong.

Napakamot ulit sa ulo si manong at saka nagsalita. "Sorry talaga miss, pero hindi talaga babae ang hinahanap. Lalaki po talaga." Pagmamatigas ni manong.

Aba't ako pa ngayon ang nagkamali? Nako. Ini-stress niya ako. Baka kumulubot nalang bigla yung balat ko dahil lang kay manong.

Binasa ko nang maigi yung nakasulat dun at FEMALE nga talaga ang naka-sulat.

Sadyang niloloko lang ata ako nito ni manong eh. Oh baka gusto niya magdamag lang ako dito nakatayo sa harap niya habang tinitigan ako? Kaloka si manong.

Bumuntong-hininga muna ako saka nagsalita. "Manong may ipis!" Agad naman niyang nilingon yung balikat niya na tinuro kong kunwaring may ipis at saka nagmadali akong pumasok sa loob.

"H-hoy! Miss. Teka lang. Bawal kayo dito! Magagalit po yung boss ko!" Rinig kong sigaw ni manong at hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makapasok ako sa loob ng elevator.

"Mi--"

Hindi ko na narinig pa yung huling sinabi ni manong dahil agad namang nag-sara yung pinto ng elevator.

Woshh! Napa-pahid ako sa pawis ko sa noo ko at saka ako nag-stand straight ng tayo.

Lokong manong na 'yon. Pinagod pa ako.

Sandaling nahagip ng mata ko yung reflection ko sa makintab na pinto ng elevator.

Nilapit ko pa ng kaunti yung mukha ko para kitang-kita ko yung maganda kong mukha at pak na pak talaga. Exotic talaga ang ganda ateng.

Wait..

Tinitigan ko nang mabuti yung repleksyon na tumatama sa makintab na elevator at napa-ayos kaagad ako ng tindig ng tayo ko.

I took a deep sighed at dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko.

"H-hi fans! Este, hello po sa inyo mga kuya" At nag-peace sign pa ako sabay nag bow pa ako ng dalawang beses sa kanila. At binaling ko na ulit sa harapan ko yung atensyon ko.

Namama mawis na tuloy yung kili-kili ko sa kahihiyan na ginawa ko.

And F na F talaga. Puro lalaki ang kasama ko sa loob ng elevator na 'to!

Witwew Marsha. Malamang tunaw ka na niyan pagkalabas mo ng elevator sa katititig nila sa maganda mong mukha at mala kim domingo mong katawan.

Dahan-dahan kong sinuri yung ayos ko ngayon, mula paa, bewang, boobs, flat kaya! At hanggang sa ulo ko.

Naknang! Baka mahalay talaga ako dito ng di-oras eh.

*ting!

Napa-kuripas kagad ako ng takbo palabas ng elevator at inayos ko ulit yung sarili ko.

San kaya ako pupunta ngayon?

Aba malay ko rin. Di ko nga rin alam kung tama ba 'tong floor na pinuntahan ko. Baka mapagkamalan pa ako nitong magandang magnanakaw dito eh.

May nakita akong lalaki na saktong kalalabas lang nang opisina ata at agad ko siyang nilapitan.

"Excuse po kuya. San po ba yung opisina ng applic--"

Bastos si kuya pinutol ba naman yung sasabihin ko. Di pa nga ako tapos e.

"In my heart. I mean dito." Tumango-tango pa ako at akala niya hindi ko narinig yung una niyang sinabi huh. Nagandahan ata sakin si kuya. Ibang-iba talaga yung beauty ko, perfect na perfect!

"Salamat kuya" Napansin kong hanggang ngayon tulala pa rin si kuya sa ganda ko este sakin.

Kung may langaw lang na lumilipad ngayon dito kanina pa pinasukan yung bunganga niya. Naka-uwang kasi eh.

Nagkibit-balikat nalang ako at dinedma ko nalang si kuya. Humakbang na ako para pasukin yung opisinang tinuro niya sakin na pinanggalingan niya kanina. Hindi pa ako nakakahawak ng door knob ng bigla naman akong kausapin ni kuya.

Himala. Akala ko pa naman habang buhay na siyang naka-mannequin style jan.

"Ah, miss. Anong aaplayan mo dito? Sa pagkaka-alam ko kasi, puro lalaki ang nag-tatrabaho dito at walang babaeng magandang tulad mo ang empleyado dito."

Kaya pala puro lalaki yung kasama ko sa elevator at walanjo! ka teh! Ang nipis pala ng fes ko haha.

Hinarap ko si kuya at pak na pak talaga, nagandahan talaga sakin si kuya. Narinig ko eh.

"Ah-eh. Executive assistant po kuya." Magalang kong sabi. Well, gwapo naman si kuya at parang mga nasa 25 below yrs old palang naman siya eh. Pero, di ko siya type. Nag mamanequin siya eh.

Napakamot uli sa ulo si poging kuya, yan na ha! At sabay napa-tawa ng marahan.

"Ahh ganun ba. Pero kasi, lalaki yung hinahana--"

Isa pa 'tong si poging kuya eh. Parehas lang sila ni manong na baliw. Female nga ang hinahanap eh. Ang kulit! Naiistress na naman ang beauty ko eh. Kalma Marsha, kalma.

"Hay. Bahala ka nga sa buhay mo kuya. Sige, maiwan na kita jan." Sabay nag-wave nalang ako kay kuya at agad na akong pumasok sa loob. Mukhang pipigilan pa sana ako ni kuya eh sa nabuksan ko kagad yung pinto.

Nakita kong bumungad sakin ang isa pang kalahi ko. Aba't bakit ba bigla akong dumami? Alam ko, kami lang ni Suzanne ang maganda eh. Hays. Ang bilis namang mag-bago ng ihip ng mundo oh.

Nakaramdam tuloy ako ng panginginig sa tuhod ko at sabay kinabahan tuloy ako bigla.

"What can I help you miss?" Maamong pagbati nung babae sakin habang nakangiti siya ng sinasambit niya iyon.