"Uh, mag-aapply po sana ako ng trabaho bilang assistant executive. May bakante pa po ba para sakin?" Direkta kong tanong. Napansin kong napa-halakhak siya ng marahan ng sambitin ko iyon.
May mali ba sa sinabi ko?
"Uh. Yes yes. Come here. Take a sit first". Madali kong tinungo yung upuan at sabay umayos ako ng upo.
Tumigil muna siya sandali sa paghalakhak niya ng nagsalita siya. "Well, actually, we're looking for it. And in fact, M--"
"Ma'am beauty. Lalaki po ba talaga ang hinahanap? Sayang naman kasi yung pamasahe ko dito kung lalaki yung hinahanap. Tignan niyo po." Sabay nilapag ko sa table niya yung diyaryo at nakita kong tinignan lang niya. "See? Babae po talaga ang hinahanap. Baka nagkamali lang sila ng pandinig na lalaki ang hinahanap kahit na magandang katulad ko talaga ang hinahanap para maging...Wait, kayo po ba ang magiging amo ko? Kung ganun, tanggapin niyo na po ako. Siguradong hindi niyo ako pagsisihan na ialok yang trabaho sakin. At saka, ayaw niyo po yun, mag-iistunning ang beauty natin. Pero mas malaki nga lang po ang standards ng akin." Sabay kindat ko kay maam beauty. Actually, mukhang magkasing-edad lang kami.
Sinuri ko muna ng maigi yung si maam beauty at, check na check. Makinis at maputing balat, slim body, brown eyes, blondeng buhok. Sige. Pak na pak na talaga.
Napansin kong hindi na nagsasalita si ateng beauty at blanko lang ang ekspresyon ng maganda niyang mukha.
Winave ko sa kanya yung kamay ko ng dalawang beses dahil hindi pa rin siya nagsasalita. Ang dami dami ko kayang sinabi. Napagod rin ang beauty ko dun ha!
"Ateng maganda, okay lang po ba kayo? May sakit po ba kayo? O baka nagagalit kayo sa mahabang sinabi ko? Ateng ma--"
"You're hired." Natigilan ako sa pangungulit ng matauhan ako sa sinabi ni ateng maganda.
Kung ganun? Hired na talaga ako? Pero, ano pang silbi ng application letter ko? Kaya pala hindi na nila binanggit dun sa diyaryo kung may natapos ba ako? Wow. Eh di, hindi na maiistress ang beauty ko.
Sinubukan kong kumurap ng limang beses dahil baka nananaginip lang ako.
"You're hired miss, congrats". Napa mannequin tuloy ako na titig style dahil hindi pa rin nag-sisink sa utak ko kung hired na ba talaga ako.
"Are you okay? Oh, I forgot, may I see your application letter?". Napukaw ang atensyon ko ng banggitin niya 'yon sakin.
"Ahh. Akala ko po katulad niyo rin si manong. Eto po. Swak na swak! walang labis, walang kulang po yung laman niyan." Nakangiti kong sabi sabay iniabot sa kanya yung folder. Napansin kong nakangiti siya habang binabasa niya yung resume ko. Sabay sinarado na niya yung folder at lumingon naman siya sakin.
"Okay. As I've done reading your resume, you'll now proceed to 25th floor. Your boss now is waiting there. Good luck". Nakangiti niyang sambit.
Huh? Akala ko siya yung boss ko? Eh di, ma-seseparate tuloy yung ganda namin. Ay hindi pala, exotic yung akin ordinary lang yung kanya. Kaya, pwede na rin siguro.
Kinuha ko yung folder ko nang iabot niya sakin pabalik at saka ako tumayo at tumungo sa pintuan.
Pero, hindi pa ako nakaka-labas, nakalimutan kong magpasalamat kay ateng maganda. Kaya lumingon ako sa kanya.
"Ay pasensiya na po. Nakalimutan kong mag-pasalamat. Salamat po ulit."
"You're welcome. I know that you'll boss will accept you. Well, good luck again." Ang cute rin pala niyang ngumiti. Ngayon ko lang napansin.
Wait, kung hindi siya yung boss ko..eh ano ginagampanan dito ni ateng maganda? Aba malay ko ba. Baka kakuntsaba niya yung magiging boss ko. Hays ewan.
Sinimulan kong hawakan yung door knob at pinihit ko ito hanggang sa umuwang ito at bumukas ng unti.
Tumalikod ulit ako at sinulyapan ko ulit ng atensyon si ateng maganda.
"Ateng maganda, anong floor po ito? Tsaka anong floor po ulit 'yong susunod na pupuntahan ko?" Nakalimutan kong sambit. Napakamot nalang ako sa ulo at ngumiti na naman si ateng maganda. Sige na. Maganda na talaga siya. Magiging diyosa na siya kapag ngumiti pa siya ulit sakin. Matatalo yung beauty ko sa kanya eh.
Napatawa ng bahagya si ateng maganda at saka nagsalita. "This is 20th floor. You'll proceed to 25th floor. You'll just find out his office if you'll reach that floor. And by the way, don't saying po and ate to me. I'm just 24 yrs old. Just call me nalang Roxie."
Grabe na nonose-bleed na ako sa ka-eenglish niya. Pilipinas kaya 'to hindi naman ibang bansa.
Napa kibit-balikat nalang ako. Sabagay, bagay naman sa kanya mag English kasi maganda siya. At speaking ng sinabi niyang 'yon, isang taon lang pala ang agwat namin sa edad. Pero, mukha pa siyang 20 yrs. old sa itsura niya. At napansin kong ang bait pa. At, Roxie pala ang pangalan niya. Bagay na bagay rin sa kanya kaya.
Oh sige, siya na maganda. Diyosa nalang ako. Hindi na siya ngumiti eh. Joke lang 'yun syempre, maganda nalang. Lumalaki ulo ko kapag sinasabihan ko ng diyosa yung sarili ko eh. Paano pa kaya kung ibang tao na ang nagsabi nun sakin? Eh di, baka magmukha na akong alien nun. Huhu, baka pumangit ang lahi ko noh. Ini-ingat ingatan ko pa naman yung ganda ko.
"Ahh. Sorry po, este, salamat ulit." Sabay nag-bow pa ako sa kanya parang korean style lang. At saka lumabas na ako ng opisina niya.
Grabe rin pala yung laki nitong building na 'to. Buti nalang at may elevator, baka hindi pa ako nakakarating ng 25th floor mamatay na ako. What? No way highway. Hindi pwede 'yun noh! Malalagas yung lahi ko. Okay lang pag-pawisan, mabango naman ako eh. Hihi.
Buti nalang at mag-isa ako ngayon dito sa loob ng elevator kaya nakapag-ayos pa ako ng sarili ko.
Chineck ko yung dress ko...check na check.
Yung flat shoes ko... Check na check.
Yung ngipin ko, hindi naman masyadong naninilaw. Sabi kasi nila kapag dilaw daw yung ngipin mo, matibay raw 'yon. Eh naninilaw yung ngipin ko kaya ibig sabihin, matibay 'to. Check na check.
At ang huli, yung maganda kong mukha. Malaking check! Approve na approve na kapag nakakita ulit ako ng mga gwapong lalaki dito. Lalo na siguro yung boss ko. Lalaki pa naman yun. Maghanda siya, maglalaway siya sa ganda ko. Smirk ngiti smirk.
*ting!
Nang makita ko nang maayos na yung sarili ko ng tignan ko sa makintab na repleksyon ng pinto ng elevator, ay sabay lumabas na kaagad ako at hinagilap ko kagad yung opisina na papasahan ko pa uli ng resume ko.
Eto na ba yun? "Logan Figueroa Office". Nakita kong nakalagay dun sa itaas ng glass door sa harapan ko.
Ayos rin pala. Mukhang sound proof yung office na 'to ha. Plastered yung dingding ng glass at kakaiba.
Nakita ko na naman tuloy yung sarili ko sa makinis at makintab na dingding nang mapansin ko.
"Ako si Bell Haha. Ang ganda niya kasi kaya maganda rin ako. Magpinsan nalang tayo Bell! Para hindi na ako lamang sayo. Haha!" Bulong ko sa sarili ko at pakindat-kindat pa ako sa salamin. Hays. Ang lakas talaga maka-bell kuno.
Huminga muna ko ng malalim at saka huminga ako palabas. Inhaled exhaled ulit. Bigla kasi akong kinabahan eh. Pero, carry lang yan! Maganda ako kaya maglalaway sigurado yung boss ko dahil sa napakaganda ko at siguradong tanggap na tanggap na rin niya ako kaagad at mawawala na yung kaba ko.
Malakas kong kinatok yung glass door at walang bumubukas. Kinatok ko ulit yung pinto ng ilang beses at wala pa ring epek yung katok ko. Baka tulog yung boss ko sa loob? O baka nag-cocencert? Sabagay, sound proof nga pala 'to. Pero, mas okay sana kung ako ang nasa lugar niya ngayon kung nag-coconcert siya jan sa loob. Aba! Talented kaya ako sa pagkanta. Naalala ko tuloy yung nag-wawalis ako, dumating lang kasi nun si Suzanne eh, kaya hindi ko na natuloy yung concert ko.
Nilapit ko yung tenga ko sa pintuan para pakinggan kung may nangyayari ba talagang concert niya sa loob. Hindi ko pa masyadong nadidikit sa pintuan yung kanang tenga ko ng bigla namang bumukas yung pinto.
"What the--"
Bigla tuloy akong na-out balance at buti nalang at hindi ako naka-sandals. Ganun kasi minsan yung nababasa ko sa mga romance stories eh. At hindi sa diyaryo na binigay ni Suzanne, hindi kasi ako nagbabasa nun eh. Kaya ang bagsak, sinalo ako ako ng gwapong nilalang na tumambad sa akin na nanggaling sa loob pagbukas niya ng pinto.
"How do you entered here?! Get out in my office before I'll call a guard to drag you outside!"
Bigla naman niya akong binitiwan kaya ang sunod kong bagsak, sa sahig. Pero, buti nalang at may malambot na carpet siya at hindi nasaktan yung puwet ko.
Ang sama niya! Binagsak niya ang magandang tulad ko sa sahig. Buti pa si Bell, niyakap pa ni beast. Beast ba yung pangalan nun? Ah basta! Beast kasi yung prince charming niya kaya beast nalang ang tawag ko sa kanya.
Aba't ang sungit rin pala nito. Para rin siya yung prince charming ni Bell eh, baka magmumukhang beast siya niyan sa kasungitan niya.
And speaking of this, syempre, marunong rin akong mag-english noh. Ayoko pa namang may nanghihimasok na masungit sa magandang tulad ko. Katulad nitong lalaking 'to. Gwapo nga kaso mukhang may PMS (Premenstrual period ba yun? Tama ako diba? Whahaha!) ata dahil sa kasungitan niya eh. Baka maistress ang beauty ko sa kanya. Inaasahan ko pa naman na mag-lalaway siya sa alindog ng ganda ko. Pero, mukhang ako pa yung naglaway sa kanya eh.
Bumuntong-hininga muna ako ng malalim at saka ako nagsalita. "Excuse me po sir. Bakit niyo naman po ako kaagad pinapalayas? Grabe naman po kayo. Mag-aapply pa sana ako sa inyo bilang assistant executive pero mukhang fired na kagad ako. Huhu. *sob* Namasahe pa ako ng singkwenta pesos papunta dito 'tas *sob* hindi niyo man lang i-hihire yung magandang tulad ko *sob*"." Sabay kinurot ko pa yung siko ko para halatang umiiyak talaga ako. Paraan ko kasi 'yon para lumabas talaga yung luha ko. Pero syempre, acting lang 'yon. Kapag ako nakapasa sa drama scene ko na 'to pwede ko na sigurong palitan si Marian Rivera. Haha!
Pinahid ko yung tumulong luha ko sa pisngi at saka tinignan ko naman yung reaksyon nung gwapong nilalang na 'to. Akalain niyo yun, nandito lang pala karamihan nagtatago yung mga gwapong lalaki sa buong mundo. Kanina kasi sa elevator, puro gwapo yung fans ko dun eh, tas may nakasalubong na naman ulit akong isang gwapo kanina pagkalabas ko ng elevator. Tapos ngayon, ito na naman, may gwapong nilalang na naman akong nakita, hindi lang mismo nakita, boss at may-ari pa ata siya dito.
Naisip tuloy ako bigla, kaya pala kumokunti yung mga gwapong nakikita ko sa labas kasi dito karamihan sila lahat nagtatago. Aba! Kumalat naman sila! Paano dadami yung lahi ng magaganda at gwapo kung nagtatago lang sila. At isa na ako dun, syempre. Pero nag-eexpose naman ako noh. Hindi ako nagtatago. Baka malanta yung beauty ko. Exotic at high standard pa naman 'to.
Back to realidad tayo. Napansin kong nanlilisik na pala sa kasungitan yung gwapong boss na 'to at akala ko pa naman pasado na ako sa iyakan drama scene ko na 'to. Fine. Ipapasa ko na kay Marian Rivera yung korona pag uwi ko. Akala ko pa naman mahihigitan ko siya. Syempre, labas na sa usapan yung usapang ganda noh. Ang totoo niyan kase, mas maganda talaga ako kay Marian. Walang bawian!
"Do you think I'll be carried out of your dramatic ugly? Tsk. And excuse me miss who ever you are, I'm hiring for a MALE not FEMALE. So, better just leave now."
Ouch. Na hurt ako dun sa sinabi niya huh. Parang nawalan tuloy ako ng guts ko. Pero hindi pa rin ako mag-papatalo, aja! Fight fight fight! Maganda ako kaya malalampasan ko 'to.
Tsaka wait lang ha, kung hired ako dun kay Roxie ganda...di ba dapat hired na rin ako sa kanya? Ahhhh! Ang gulo ha. Na guguluhan rin kaya ang beauty ko. O baka chossy lang si boss na gwapo? Ahh, yun siguro 'yon? Haha. Sabagay, naattract lang ata siya sa beauty ko. Ngiti ngiti ngiti.
Nilapitan ko siya at pinahawak ko sa kanya yung diyaryo, yung folder ko at yung purse ko.
"What the--"
"Watch and learn. Ipapakita ko sayo na karapat-dapat mong i-hire ang magandang tulad ko at hindi lalaki..."
"Eto? Gusto mo ba ng sexy na assistant executive?.." Pinakita kong bahagya sa kanya yung balikat ko at nanlaki yung mata niya.
"What the...what are you doing?"
"Eto pa. Kaya rin kitang masahiin. Kaya ko ring hilutin. San ba masakit? Sa ulo mo? Sa batok? Kayang-kaya ko po lahat sir. Hindi lang ako basta one in all, All in all po ako." Halos napagod rin ako dun ha. Napapahid naman ako ng kaunti tagaktak ng pawis ko sa noo at pagkatapos ay kinuha ko na sa kanya yung purse, folder at dyaryo na pinahawak ko sa kanya.
"A-no sir? Hired na po ba ako? Oh. Eto po yung resume ko, paki check nalang para siguradong sigurado na rin po yung desisyon niyo." Sabay pa-cute ko sa kanya.
Pinagmasdan ko muna siya at sa kamamasid ko sa kanya. Wow. Ngayon ko lang napansin na ang perfect ng broad shoulders niya...yung physiques niya..yung brown eyes at tangos ng ilong niya. Siya na! Perfect na perfect na talaga siya.
Pero ba't ganun? Biglang kumabog yung puso ko? Hinawakan ko at biglang bumilis? Hala! Hindi kaya...
"I'M NOT INTERESTED TO HIRE YOU. GET OUT OR ELSE, I'LL DRAG YOU NOW!"
Grabe. Nag-mukha na tuloy siyang lucifer na gwapo sa ka-sungitan niya. Mas lalo tuloy akong na-gaganahan sa kanya.
Nag-cross arms ako at inirapan ko lang siya. "Paano kung ayaw ko?"
Kakaladkarin ba niya ako in mala-prinsesa? O kaya ibang kaladkad yung sinasabi niya? Hmm...di kaya..
Nakita kong binuhat niya ako na parang ikakasal at halatang umuusok at namumula na yung dalawang tenga niya sa galit at kasungitan niya.
Napangiti lang ako at mukhang enjoy na enjoy ko pa yung buhat niya ha. Mukhang hindi naman siya nabibigatan sakin? Ilan na ba yung weight ko? 600 ba yun? Ay hindi, ang taba ko na nun. Hays ewan.
"Enjoying huh!". Galit niyang sabi. Ngayon ko lang napansin na bagay rin pala sa kanya ang kasungitan niya. Mas lalo pa siyang gumagwapo.
Pero ganun ulit? Bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko? Whaaaa!! Na-abnormal na ata 'to. Naku, wag naman sana. May pangarap pa ako. Tsaka, paano na si Suzanne? Whaaa!! Wag naman po sana lord.
"Logan?" Napatingin ako dun sa nagsalita at nakita ko na naman yung magandang mukha ni Roxie. Ang ganda niya talaga.
Pangatlo na 'to ha. Binitiwan na naman niya ako kaya ang bagsak, ang sakit na naman ng puwet ko. Tumama kasi sa sahig, pero buti nalang at tiles yung sahig. Kaya hindi naman masyadong masakit.
"What did you do to her Logan?" Tanong ni Roxie.
"What? The hell she worth it and she's ruining me. And the hell sh--"
Hindi pa man ako nakakatayo ng makita kong binatukan siya ni Roxie sa ulo.
"You're really out of your mind Logan. Well, I'll hired her as your secretary an--"
"WHAT?" Gulat na sabi ni Logan.
"Why? Are you complaining? Well, I will never change my mind. And that's final. Period."
Nabigla ako ng bigla nalang akong hinila ni Roxie at dinala niya ako sa loob ng opisina ni Logan. Habang naiwan naman dun si Logan na tulala at mukhang hinahamon niya rin mag-mannequin challenge yung sarili niya dun.