Annie's POV
Naglalaptop ako, walang magawa. E yung mga kaibigan ko offline kaya wala akong kachat. Nanonood lang ako ng paborito kong kdrama hanggang may narinig akong bumukas sa pintuan ng kwarto ko. Wala na akong pake alam dahil alam ko namang isa sa mga kapatid ko iyon.
"Ate anong gina..... What the? Ikaw nanaman!" wika ko
"ha anong... Hayst nagkamali na naman ako!" sigaw nya
"Nagkamali ng pasok o sinadyang maliin ang pasok?!" tanong ko
Ano bang pumasok sa isip ng lalaking to at pumasok sa kwarto ko?
"O edi sorry na! Nagkamali lang naman e. Fuck makalabas na nga!" sambit nya
"What the?!" sambit uli nya
"Oh anong nangyari at hindi ka pa lumalabas dito?!" tanong ko, kanina pa kasi sya kalabog ng kalabog sa pinto
"Kita mo naman diba we're trapped!" sigaw ni Ric
"Oh yun lang naman pala e... Ano?! Trapped?!"
Kalmado na sana ako pero nung nalaman ko na nakulong kami sa kwarto ay bumalik lahat ng stress ko.
Sinubukan ko man buksan ang pinto sa sarili ko ay wala talaga, totoo ang sinabi nya.
"Umatras ka!" dikta nya, ay aba kala nya kung sino sya para magdikta kaya nagtanong nalang ako.
"At bakit naman ako aatras?!"
"Basta umatras ka! Kung hindi natin kayang buksan ang pinto sa normal na paraan pwes sisirain ko nalang to total mayaman naman kayo, kaya nyo namang palitan agad agad ang pintong sisirain ko!" mahabang pananalita ta nya
"Hay nako Richard kahit anong gawin mo di mo yan masisira!" singit ko naman
"Anong ibig mong sabihin?" tanong nya na parang walang alam pero wala talaga syang alam
"Matitibay ang mga pinto dito sa bahay at kahit anong gawin mo hindi mo yan masisira maliban kung pasasabugin mo ang pinto." paliwanag ko
.....
Richard's POV|
Matapos ng paliwanag nya ay nawalan ako ng onting pag asa pero hindi parin ako tumigil bagkus humingi nalang ako ng tulong sa labas dahil mayroon pa namang taong natitira sa labas
" Hey open this! Shit!" yan na lamang ang lumabas sa bunganga ko. Pakiramdam ko wlang gustong tumulong
Habang itong babaeng kasama ko relax lang parang wlang paki alam. Naghanap ako ng terrace o bintana pero pinagtataka ko lang wala akong makita ni isa.
"kung naghahanap ka ng terrace o bintana, wala kang makikita dito sa kwarto ko." tanging sambit nito
Ha! Paano nya yun nahulaan? Sa tingin ko magkapatid talaga sila ni Ate Lou ang tatalino. Pero hanggang ngayon hindi parin sya umi imik kaya nagtanong na ako.
" Hoy! " tawag ko sakanya since nakalimutan ko pangalan nya pero napatingin nalang ito sa akin na para bang naghihintay ng sasabihin ko.
"Kailan ka ba kikilos jan? Kanina ka pa walang imik!" nagsalita na ako dahil sigurado akong naghihintay sya ng sasabihin ko
"May iniisip ako...." tanging sagot nya
Huh! Seryoso ba sya e hindi nga ito ang tamang panahon para mag isip!
"Ano naman iyang iniisip mo?" tanong ko sakanya ng mahinahon
"Iniisip ko lang naman kung sino nag trap sa atin dito.... Wala namang automatic lock iyang pinto." sagot nya
Napaisip tuloy ako kung sino nga ba ang gumawa. E hindi naman talaga sya kasi pakiramdam ko na nagsasabi sya ng totoo.
"Bukas natin malalaman kung sino talaga ang nagpakulong sa atin dito sa kwarto. Matulog muna tayo ikaw bahala kung saan ka matutulog basta hinding hindi tayo magtatabi." she said, the only thing I do is to nod cause I have no choice. Ayaw ko rin naman kasi makatabi ang mayabang na babaeng yan. Buti nalang may sofa kaya dun na ako natulog habang sya dun naman sa kama.
Nakita ko syang may hawak na picture, napangiti sya. Damn! She is so beautiful while smiling. Pero pingtataka ko kung ano ang nasa picture.
(time check) - 2:26
Yan ang oras na nakita ko nang magising ako. Bigla kong naisip ang picture kaya pinuntahan ko ang kama nya. Nang makita ko ang pic ay napaisip ako. 'Teka nandito silang lahat magkakapatid e sino naman ang babae at lalaki dito sa pic...' Yan lamang ang tumatak sa isip ko.
Bigla kong naramdaman na may gumagalaw sa likod. Si Annie.... Oo Annie naalala ko na pangalan nya! Pero grabe she is cute and gorgeous kapag natutulog parang gusto kong halikan ang labi nya. Unti unti akong lumapit sa kanya para humalik....
Napatigil ako.
"Ric! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo! Umayos ka! Fuck!" tanging bulong ko sa sarili
Buti nalang at may control pa ako sa sarili kung hindi yung mayabang na babaeng na yon ang magiging first kiss ko at siguro parang ninakaw ko na first kiss nya.
Aminado akong nahuhulog na ako sa kanya. Ngayon lang ako nabaliw sa isang babae. 'Pero paano ko masisiguro na nababaliw ako sa babaeng to kung onting oras palang ang pinagsamahan namin?' isang katanungan sa isip ko.
Natulog na ako baka mapansin pa ng iba na may eyebugs ako at baka yun pa ang maging dahilan ng pagkakagulo nila sa akin mamaya.
(time check) 6:49 am
"Ano?! 6:49 na ng umaga?! Nako malelate na ako." sigaw ko
"Akala mo ikaw lang ang malelate? Pati rin ako no, swerte ko lang at nandito ako sa kwarto ko, nandito mga damit ko." pag mamayabang naman nya
"tsk" yan na lamang sinagot ko
Ka aga aga pa naman at pinapakulo nya na itong dugo ko.
Teka may napansin ako sa pinto parang...
"Good morning Ate Ann! Kamusta tulog nyo? Masaya ba?" wika ni glaidel
"Ano!" sabay naming salita
"Glaidel sabihin mo nga sa amin, ikaw ba nag lock ng pinto?" tanong ni Annie
So sinasabi nya na itong bunso nyang kapatid ang may pakana ng lahat?
"Maybe?" nakakainis na tanong netong maliit na bunso nya
"Grrrr tang ina! Demonyo talaga sya!!!!!" sigaw ni Annie
"Kahit hindi mo pa sabihin sa gawa pa lang demonyo na." saad ko naman
"tsk, makaalis na nga dito at maliligo na ako sayang lang itong kagwapuhan ko" saad ko uli
"tsk, feeling gwapo" mahinang saad ni Annie
"Ha? Anong sabi mo?" tanong ko naman kahit narinig ko ang sinabi nya
"Hakdog!" nakakainis na pananalita nya
Pati ba naman sya ganyan! Pabayaan ko na nga lang.
........
Louise's POV|
Rinig ko ang mga ingay kagabi lalo na yung kanina.
Hahahha yun pala ang kademonyohang ginawa nya. Bet na bet nya talaga ang dalawa. Kakaiba talaga sya, kahit hindi nya buhay papakialaman nya, feeling nya, sya yung tadhana.
Mautak talaga si Glaidel. Lahat ng problema nya may solution.
*phone vibrate*
*Text Message From Bro Kyle*
¶kamusta na pala dyan yung bunso ko tol hahhahaha¶
¶ayos lang, isang gabi palang ang nakakalipas long story na agad hahahahba¶ reply ko naman
"Ate nandito na ako tara na alis na tayo." sambit netong si Annie
"Anong ikaw lang? Tayong dalawa ang sasabay kay Ate Lou papaalis." sambit netong si Richard
Pansin kong kahit nakulong na sila ay mainit parin ang dugo nila sa isa't isa. Hahanap nalang ako ng paraan na mas maayos kaysa sa kademonyohang ginawa ng bunso namin
.......
Annie's POV
Hayst.... Eto nanaman si Ric. Pasalamat sya medyo good mood ako. Magpapaalam muna ako kay Manang Elizabeth. Si Manang Elizabeth ang tumayong magulang namin habang lumalaki kaming magkakapatid. Kahit hindi namin sya kadugo ay parte na sya ng pamilya.
"Oh, ready na kayo?" tanong ni manang
"Yes manang, actually papaalis na nga kami." saad ni ate
"Eto mga baon nyo.... Iho, eto naman ang sa iyo." ngiti netong saad
"Huh? Pa-pa-paano nyo po nalaman ang paborito ko?" tanong ni Ric
Ha?! Paborito ni Ric ang Caldereta?! Aba himala.
"Iho, madali lang yan hulaan, pero hindi ko sasabihin sa iyo kung papaano....." maikling paliwanag ni manang napangisi nalamang kami
"So aalis na kami manang. Bye!" pagpapaalam ni ate
(time check) 7:43 am
Narating na namin ang campus. Salamat naman at kahit papaano ay magkakahiwalay kami ni Ric
Tiningnan ko ang listahan para malaman kung saang section ako....
"Margaret Evangelista....
Ella Mae Reyes...
Annie Garcia, ayun!" salita ko
"At Richard Walter. 😊" singit ni Richard
Haaaaaaaa!!!!! Talaga naman! Kahit dito sa campus ay sinusundan ako ng kamalasan. Classmate ko pa talaga si Richard!
"Oh sabay na tayo pumasok sa classroom....." pangaasar ni Richard sabay hawak sa kamay ko
Hindi ko na namalayan na hinawakan nya ang kamay ko dahil sa sobrang badtrip na talaga.
Pumasok kaming nagsisigawan at nagbubulungan ang mga kaklase namin. Bigla kong napagtanto na hawak nya ang kamay ko. Inalis ko naman ito kaagad. Hay nako Annie malaking issue ito.....
"Hey what's that earlier?" Marga teased me
"Holding hands with the heartthrob huh?" she teased me again
"Nevermind it, magkasabay lang kami pumasok dito sa campus!" my whisper
"Then, say to us..... Bakit naman kayo magkasabay pumasok sa campus?" tanong nito sa akin
Grrr. Kahit kailan talaga napaka chismosa nitong si Marga
"Mag bestfriend mga kapatid namin. Oh, okay na? Happy?" inis kong sambit
"Hmmm. Baka naman hindi yan ang dahilan Annie?" nakakaasar nitong tanong
"tsk, tumahimik na nga kayo jan!" my whisper that made the conversation stop
........
Richard's POV|
Grrrrrr.
Hanggang ngayon di parin matapos tapos ang bulungan. Malaking issue to kung maaari.
Ewan ko naba sa sarili ko. Parang may sariling utak ang katawan ko. Para bang may nagkokontrol na iba kaya bigla kong nahawakan ang kamay ni Annie.
"Bro. You know that will be a big issue. Hindi lang sa campus kundi sa buong Pilipinas. Alam mo naman na parehas kayong kapatid ng mga sikat at mahuhusay na senador. May pa holding hands pa. Pwede kayong mapagkamalan na nagdedate kayong dalawa. Tingnan mo may picture pa. " mahabang bulong ni Tyler galing sa likuran ko....
(time check) 10:10 am
Break time na namin at hanggang ngayon marami parin ang bumubulong
'Are they dating?'
'Maybe, nakita mo naman diba nagholding hands'
'Sayang naman. Pero sya parin ang asawa ko hahahaha.'
'hahahaha'
Isa lang yan sa mga bulong na narinig ko pero ang ikinabahala ko kung mababalita ba talaga ito sa buong Pilipinas...
.......
Stay Updated! 😉
Xhaw chaw!😎😜