Chereads / So It's You (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 2: Promise

Chapter 3 - Chapter 2: Promise

Alex POV

Kanina ko pa napapansin na palaging nakatulala at hindi nagsasalita si Kyle ngayon. Isang malaking himala!

Masama ba ang pakiramdam nya? O baka naman kulang lang sya sa tulog?

Kung hindi ko nga siguro yan pinuntahan sa bahay nila kanina ay baka hindi ko na nakasama yan buong araw, wala naman kasi ata syang balak na puntahan ako ngayon eh.

Ano ba talagang nangyayari dyan sa lalaking yan, huh?

"Kyle? May lagnat ka ba?" May halong pag-aalala ang tono ng aking boses.

"Ha? ahh.. wala ah." Halatang ang lalim ng iniisip. Napaghahalataan, mga bes!

"Bakit ang tamlay mo ngayon kung talagang okay ka lang? Magpahinga ka nalang kaya muna sa bahay nyo, okay lang naman sa'kin eh." Saad ko.

"Wag mo na yun pansinin atsaka hindi masama ang pakiramdam ko, may iniisip lang ako." Sagot naman nya.

Paano ko namang hindi papansinin yung inaasal nya ngayon eh halos hindi na sya nagsasalita eh!

"Ano naman yung iniisip mo?" Tanong ko naman.

"Secret, walang clue." Ani nya. Ay hala sya, may pa ganon?

"Ahh sige. Ganyan ka na, huh?" I murmurmed the last sentence at siniguradong hindi nya iyon narinig.

Wala lang, tampo-tampuhan muna ang peg nati ngayon. May pa-secret-secret oa syang nalalaman ngayon, ha?

After 5 minutes of silence at panibagong 5 minutes nanaman ang dumating na katahimikan. Ano, ha? Wala palang magsasalita challenge, ha? Hindi ako magpapatalo sayo, boi! Hindi kase sa'kin sinasabi yung iniisip nya eh, hmp. Bahala sya sa buhay nyaaa!

"Alex?" Finally! Sa wakas nagsalita na rin si Kyle. Ibig sabihin, panalo ako sa! Yeyy!

"Hihintayin mo 'ko ha? Wag kang maiinip. Magtatampo ako pag naghanap ka ng iba.." Pagpapatuloy nya na kusang ikinabusangot ng mukha ko. What does he mean by magtatampo sya pag naghanap ako ng iba? Nakakastress sya, myghad.

"Ayy teka! Mali! Maghanap ng ibang best friend pala!" Nagpa-panic na saad nya.

"Ang weird mo. Saan ka ba pupunta? Sa mars?" Naguguluhang tanong ko.

"Wala, basta. Wag mo nang alamin." And as usual, yan nanaman ang sagot nya. Ganito ba talaga ang epekto sakanya pag nadadapa sya? Next time pala sasaluhin ko na yan.

"Basta mangako ka na hihintayin mo'ko at hindi mo ako kakalimutan." Ang demanding naman nya, samantalang hindi nya sa'kin sinasabi yung bagay na bumabagabag sa isip nya.

Ano ako? Utus-utusan, ha? Hakdog.

Kyle's POV

Halatang-halata na naguguluhan na si Alex sa mga pinagsasabi ko. Lalo na dun sa part na sinabihan ko sya na wag naghanap ng iba, namali kasi yung sentence ko eh. What's your pake?

Hindi ko kase talaga mai-diretso sakanya na aalis na kami bukas, pati nga ako nagulat eh! Kasi alam nyo, katatanong pa lang sa'kin ni mommy kung okay lang sa'kin na sa America na kami tumira, tapos bukas agad kami aalis. Excited much, ganun ba mader?

And at the same time, kinakabahan din kasi ako na baka magalit sya sa'kin kaya hindi 'ko agad masabi. Ayaw kong umalis pero wala naman akong magagawa, huhu.

*Flashback*

Pagkagising ko palang ay tumambad na agad sa'kin ang mga salita ni mommy. Ayaw ko syang pakinggan kaso hindi ko mapigilan yung tenga ko, ayaw makisama eh.

"Anak, I'm sorry pero we need to go to America, doon na muna tayo titira. I know you're sad kasi ayaw mong iwanan si Alex dito sa Pilipinas, but we really need to go. We will be leaving the tommorow so kailangan mo nang magpaalam kay Alex today. Makakasama na din natin yung daddy mo, anak!" Yan! Yan yung mga sinabi sa akin ni mommy kanina.

Nakakainis! Okay na nga yung buhay namin dito sa Pilipinas eh, wala namang problema dito. Pero sa America ang laki-laki ng problema ko!

Sino ba namang hindi mamomroblema dun eh nakaka-nose bleed yung mga tao na nakatira dun! Arghhh!

"Okay, mom." I have no choice but to agree to her. Kasi kung tumutol ako, for sure mabubungangaan nanaman ako and chechebureche and stuff.

*End of Flashback*

"Kyle? Huy! Earth to Kyle, can you hear me?" I immediately got back to reality when I heard her shouting voice. Winawave pa nya yung kamay nya sa harapan ko habang sumisigaw.

"Ha? Ano? May sinasabi ka?" Patay-malisya kong tanong.

"Sabi ko, maglaro na tayo! Tulalang-tulala ka kase dyan eh!" Sigaw nya, with matching palo-palo sa braso ko. Aray ha.

"Tara na, let's go." Pagse-segway ko. Wow ha, may tara na nga, may let's go pa! Ganun talaga, guys. May pa-sobra, dahil special ka, rebisco! Ay tangek, ano bang pinagsasasabi ko?

Nagpout muna sya bago nya hinigit yung braso ko at lumapit dun sa ibang bata na naglalaro ng habulan.

"Hiii! Pwede ba kaming sumali sainyo?" Hanlaa, ang kyuuuut! Ang tinis kasi nung boses nya, naiinlove ako. Ay wow?

Naglaro muna kami ng ilang minuto, siguro mga 30 minutes bago kami pumunta sa bahay nila at kumain nanaman ng meryenda. Wala akong magagawa, ang takaw kasi nya eh.

Habang nanunuod ako ng cartoons sa TV nila ay napa-igtad ako sa nagulat dahil may sumandal na ulo sa balikat ko. Tiningnan ko iyon at napansing nakatulog na pala si Alex.

Pinagmasdan kong maigi ang kanyang napakagandang mukha. Oo, maganda sya, inaamin ko na. Mahilig lang akong manglait pero maganda talaga sya, ehe. Kilig sya oh!

I will miss this girl so much.

"Sorry kase iiwan kita. Sana wag kang magagalit sa'kin kapag nalaman mo." Bumulong ako ng napaka-hina para hindi ko maistorbo ang kanyang pagtulog. At nung naubos ko na ang pagkain ko ay inihiga ko na si Alex sa sofa at nagpaalam na kay tita.

Alex POV

*Mulat. Blink. Blink. Blink.*

Haluhh, gabi na pala. Hindi na tuloy nakapagpaalam si Kyle sa'kin. Ang unti lang ng napag-bondingan namin ni Kyle ngayong araw na'to, palibhasa kase palaging tulala! Pati dun sa habulan namin kanina tulala din sya, kaya nga palagi syang natataya eh. Ang engot nya talaga ngayon, promise.

Well, engot naman sya palagi pero sobra na yung ngayon.

THE NEXT DAY

Kyle's POV

Nalulungkot ako. After this, we will be leaving. Iiwan ko na si Alex at hanggang ngayon wala parin syang kaalam-alam. I have decided to tell her today. Before we leave.

"Alex!!" Sigaw ko mula sa labas ng kanilang bahay.

"Ano nanaman ba? Just leave me alone!" Sigaw nya pabalik ngunit hindi manlang lumabas at nagpakita sa'kin. The tone of her voice sounded mad, bigla akong kinabahan dahil doon.

"Alex, lumabas ka ng bahay nyo. Please." Dahil nagmakaawa ako ay sumunod naman sya sa utos ko at lumabas ng bahay nila, with her swollen eyes.

Teka, teka, teka. Umiyak ba sya?

"What do you need?" Tanong nya with matching mataray na boses and taas ng isang kilay. Galit nga sya sa'kin.

"I just need to tell you something.." Itutuloy ko na sana yung sasabihin ko nang nagsalita syang muli.

"Na ano? Na iiwan mo na ako? Then leave, I don't need you!" Dahil sa mga sinabi nya ay parang sinaksak ng maraming kutsilyo yung puso ko.

Paano nya nalaman yung tungkol dun sa pag-alis ko?

"I-I'm sorry." Yumuko ako para itago yung mga mata ko and at the same time, nahihiya ako sakanya. Nahihiya ako kasi nasaktan ko yung babaeng minamahal ko.

Pinipilit kong wag tumulo yung luha ko but, I failed.

"Umalis ka na! Get lost!" I looked at her and I saw her eyes were teary, wala na akong ibang nagawa kundi ang yakapin sya, I don't want to let her go. Boom! Daig kayo!

"S-sorry, Alex. Wag ka nang m-magalit sa'kin." I said with my tears continuously falling.

"Kyle!" At that moment I heard my mother's voice calling me. I knew that we needed to leave, I knew that I needed to leave her.

"Sorry. Kelangan ko nang umalis. Please don't cry, babalikan kita, I promise. Hintayin mo lang ako." I wiped my tears at the back of my hand and then left.

Habang umaandar ang kotse na sinasakyan namin ay nakikita ko sya sa binatana na umiiyak at sumisigaw.

"Hihintayin kita! Promise me na babalikan mo'ko!" She shouted with her palms surrounding her mouth.

I never wanted to leave you, Alex. Hintayin mo'ko. Babalikan kita, I promise.