Chereads / So It's You (Tagalog) / Chapter 7 - Chapter 6: Ferris Wheel

Chapter 7 - Chapter 6: Ferris Wheel

Alex POV

[Time check: 9:00 a.m, Saturday]

*Mulat. Blink. Blink. Blink.*

9:00 na pala, kaya pala kanina pa kumakalam yung tiyan ko. Kagigising ko lang ngayon, late kasi akong nakatulog kagabi DAHIL KAY ZACH. Chat kasi ng chat si Zach sa'kin sa messenger, ayaw magpatulog.

*Tiiiing!*

Tumunog yung phone ko dahilan para kunin ko ito sa side table ng kama ko. Siguro si Thea yung nagmessage sa'kin, hanggang ngayon kasi hindi parin kami okay. Naaalala nyo naman siguro yung nangyari kahapon, sinigawan ko kasi sya.

Naisip kong makipag-bati na rin sakanya mamaya kasi hindi ko talaga matiis yung babaeng yun.

Agad kong kinuha yung phone ko at tinignan kung ano ang dahilan kung bakit ito tumunog, may nagmessage nga (sa contacts hindi sa messenger) pero unknown number sya.

[???: Good morning, ganda.]

Ako: Uhmm.. Sino po ito?

[???: Yung pinaka-gwapong lalaking nakilala mo, the one and only Zach :>]

Jusko, biglang lumakas yung hangin.

Ako: Ahh, ikaw pala yan. Kagigising ko lang dahil pinuyat mo'ko kagabi!

[Zach: Sorry naaaaa, huhu. Busy ka ba mamayang 1:00?]

Ako: Hindi naman, bakit?

[Zach: Tara, magkita tayo! Please!]

Ako: Dale lang.

[Zach: Sunduin nalang kita, ha?]

Ako: Okay. Teka nga, pa'no mo nalaman yung number ko?

[Zach: Kinuha ko.]

Ako: Paano??

[Zach: Nung busy sa pagsasagot sa P.T natin, kinuha ko yung phone mo. Wala namang password kaya kinuha ko na yung number mo.]

Ako: Nangingialam ka ng gamit, huh!

[Zach: Kasalanan ko bang walang password yung phone mo?]

Ako: Tsk. Sige, kitakits nalang mamaya. Magbre-breakfast muna ako.

[Zach: Okay, eat well! Alabyu!]

Ako: Ay hala sya? HAHAHA, byee.

[Zach: Bye, ganda!]

Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Pagkatapos kong kumain ay nagpa-cute muna ako kay mama para payagan nya akong gumala ngayon. Buti nalang at good vibes sya dahil pinayagan nya na akong sumama kay Zach. Kapag effective yung pagpapa-cute ko it means cute talaga ako, ehe.

Nung nakuha ko na yung 'go' sign ni mama ay masaya akong umakyat upang maligo. Pagkatapos ay naglagay lamang ako ng powder, lipbalm at maskara, pero slight lang.

Tapos yung damit naman na isusuot ko ngayon ay off-shoulder na naka-tucked in sa silk skirt na hindi naman ganun kaikli. Pinatuyo at sinuklay ko yung medyo wavy kong buhok at nilagyan ng clip sa side then viola!

I looked at the mirror to check my final look.

Waaaaah~ ang ganda ko nanaman.

-------------------------

[Time check: 12:50 p.m]

Nakadungaw ako ngayon sa bintana ng kwarto ko habang hinihintay ko si Zach.

Sa sofa nalang kaya ako maghintay? Oo nga, sa sofa nalang mas trip ko dun.

"Hi po, tita!" Habang pababa ako ng hagdan ay may narinig akong pamilyar na boses. Boses ni Zach yun ah.

Mamaya na pala ako bababa, papakinggan ko muna yung usapan nila ni mama. Ahihihi.

"Ay iho, nandito ka na pala. Pumasok ka muna. Ikaw ba ang sundo ni Alex?" Tanong ni mama tsaka pinapasok si Zach sa loob ng bahay. Agad naman akong nagtago sa pinaka-taas ng hagdan. Bilis ko 'no?

"Opo, tita."

"Napakagwapo mo naman, iho. Baka sa susunod na dalaw mo dito sa bahay namin ay magkasintahan na kayo ng anak ko." My jaw dropped at what she said. Oh my gulay!

Bababa na sana ako dahil dun sa narinig kong hindi kanais-nais ng biglang nagsalita ulit si Zach.

"Sana nga po, tita."

'Sana nga po, tita.'

'Sana nga po, tita.'

'Sana nga po, tita.'

WAAAHHH!! Bakit ba nag-rereplay sa utak ko yun!?!

"Hep! Wala nang magsasalita!" Sigaw ko dahilan para maagaw ko ang atensyon nila. Kailangan ko nang paglayuin si mama at si Zach, baka magkagulo pa.

"Anak, ang gwapo naman ng kaibigan mo. O baka naman kai-bigan. Ahihihi." Kinikilig na sabi ni mama. Sabing wala ng magsasalita eh. Makulet?

"Mama, naman eh." I maktol-maktol like a bata. Hoho!

"Tita, ang ganda naman ng anak niyo." Zach uttered sabay kindat sa'kin. Deputa, kailangan ko na talagang higitin yan palabas ng bahay.

"Zach, tara na nga!" I quickly grabbed his wrist and pulled him outside the house.

"Bye, ma! Labyu!" Sigaw ko habang naglalakad palapit sa napakagandang Lamborghini ni Zach. And as usual, pinagbuksan ulit nya ako ng pinto. Yieee, ang gentleman talaga.

Hinintay ko muna syang makapasok sa driver's seat tsaka ko sya binatukan.

"Aray! Bakit mo naman ginawa yun?" Pagrereklamo nya habang nakapout, ang cuteee.

"Kung ano-ano kasi yung sinabi mo kay mama!" I exclaimed. Sa susunod hindi ko na papuntahin si Zach sa bahay namin, baka ma-inpluwesyahan nanaman ng kabaliwan ni mudrakels.

"Bakit? Totoo naman yung sinabi ko ah. Ang ganda mo naman talaga eh." Ano bang nakain ne'to? Kinikilig tuloy ako. Luh?

"Bahala ka sa buhay mo, mag-drive ka na." I commanded him like a boss and he obliged. Ang kapal talaga ng fez ko.

*Drive, usap*

*Drive, usap*

*Drive, usap*

"Nasaan tayo?" Tanong ko sakanya nang makarating na kami sa parking lot.

"Sikretong malupet."

=_= Edi wow.

Saktong pagkababa ko palang ng kotse nya ay nasa harapan ko na agad si Zach, bigla naman nyang hinawakan yung waist ko at dinala na ako sa paglalakad nya. Tinignan ko siya ng masama dahil dun pero hindi siya nakatingin sa'kin, nakatingin lang siya sa malayo. Hindi nalang ako nagreklamo kasi gusto ko rin naman. Oh syet!

Nung nakapasok na kami sa entrance, agad akong namangha sa nakita ko.

"Waaaaah~ Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito!" Sigaw ko na parang bata. Nag-chuckle lang naman siya dahil sa inakto ko.

"Cutiee." He said while pinching my cheeks.

Kung nagwo-wonder kayo kung nasaan kami. Well, nandito kami ngayon sa amusement park which is ngayon ko nalang ulit napuntahan ever since nung umalis si Kyle. Lagi kaming dinadala dito ng mommy nya everytime na may special occasion.

Memories bring back, memories bring back you~ chos!

"Tara na, sakay na tayo sa mga rides!" Hinila ko yung kamay nya papunta sa 'Anchors Away' na ride. Hindi ko na binitawan yung kamay nya habang nasa pila dahil madaming tao ang nagsisiksikan at baka magkahiwalay pa kami. Mahirap pa namang maghanapan dito lalo na kung maraming tao.

"Ang sweet mo naman." He said out of blue habang nakangiti sa kawalan.

I looked at him at confusion and I just saw him smirking at me.

"Huh? Bakit naman?"

"Ikaw ha, hino-holding hands mo na 'ko." Sagot nya at hindi parin tinatanggal ang ngiti sa labi.

Teka nga, magkaholding-hands kami?

Tiningnan ko yung kamay namin na magkahawak at nagulat nalang ako dahil magka-holding hands nga! Homayghad!

Akala ko nakahawak lang ako sa kamay nya pero hindi ko ineexpect na naka-intertwine pala ito! Agad ko namang binitawan yung kamay nya at nakita ko syang sumimangot.

"Bakit ka nakasimangot dyan?" Tanong ko habang pino-poke ko yung pisngi nya. Ang lamboooot!~

"Eh bakit mo tinanggal?" Tanong nya sa'kin pabalik pero nakasimangot padin.

"Wala lang, trip ko eh." Simpleng sagot ko at itinuon ang atensyon sa pila.

"Hmp, bahala ka. Hindi kita papansinin." Saad nya na parang bata.

-----------------------

Halos lahat yata ng rides nasakyan na namin pero hindi parin nagsasalita si Zach. Pinapanindigan talaga nya yung sinabi nya kanina, HAHAHAHAHAHA.

"Zach, gutom na 'ko." Saad ko habang nakahawak sa tiyan Kong kanina pa kumakalam dahil hindi talaga ako pinapansin nitong tukmol na 'to.

Kinuha nya ang phone nya at may kinutingting doon. Sinilip ko ito at nakitang nagfa-face book lang naman pala sya. =_=

"Zach, gutom." This time, niyuyugyog ko na sya. Pero hindi parin nya ako pinansin.

"Zach, gutom na 'ko. Kapag pinansin mo'ko ihu-hug kita." Saad ko. Pero syempre joke lang yung sinabi ko, way ko lang yun para pansinin nya na ako. ^___^

Napatigil sya sa pagce-cellphone at napa-ngiti with matching pamumula. Kinikilig rin pala 'to?

"Ano bang gusto mo?" Tanong nya habang nakangiti sa'kin. Biglang nag-iba yung mood ah.

"Kahit ano basta pagkain." Sagot ko naman. Inakit nya naman ako sa isang kainan at umorder sya para sa'kin.

Habang naghihintay ako sa table ay nilibot ko muna yung paningin ko sa mga makukulay na ilaw. It's almost dark kaya nabubuhay na ang amusement park with colorful lights. Si Zach nabili pa ng pagkain tapos ako nandito lang sa table namin nakaupo. Naisipan kong i-check yung phone ko para malaman kung anong oras kaso biglang pumasok sa isip ko si Thea. Miss ko na yung best friend ko. Huhuhu.

Walang pag-aalingang minessage ko sya at nagsorry ako sa ginawa ko kahapon. (Chapter 5: Saved)

"Sinong ka-text mo?" Nakabalik na pala siya, this time, with foods! Yummy!

"Si Thea. Nagsorry lang ako sakanya." I simply answered tapos kinuha ang isang hamburger with fries at lemon juice.

"Bakit? Nag-away ba kayo?" Tanong ni Zach at kinuha nya na rin yung pagkain nya sa tray.

"Nasigawan ko kasi siya kahapon, alam kong nagtampo yun sa'kin kaya nagsorry ako sakanya." I answered as I started eating. Tumango nalamang siya at nagsimula na ding kumain.

Enjoy na enjoy ko na sana yung pagkain ko kaso may tatlong mukhang clown ang lumapit sa table namin. And what I mean by clown is sobrang kakapal ng mga make-up. Ang papangit pa ng suot, ang iikli, dapat 'di nalang sila nagdamit kung ganyan rin lang ang isusuot nila.

"Hi, handsome. Pwede bang mag-papicture?" Sabi nung isang malandi kay Zach. Ang sasagwa ng mga itsura ng mga babaeng 'to! Nakakasuka.

"Anong pangalan mo, pogi?" Yung isang malandi naman yung nagsalita. Hindi naman sumagot si Zach sa tanong nya at nagpatuloy lang kumain. HAHA! Buti nga sainyo!

"Are you alone, cutie? Gusto samahan kita?" Sabi pa nung isa. What the? Hindi ba nila ako nakikita or naliliitan sila sa'kin, ha?

"Sorry I'm with my girlfriend, she's actually right here in this table." Zach coldly said. Nilingon naman ako nung tatlo at sabay-sabay nag 'tsk' tapos umirap at umalis. Buti naman at naisipan na nilang umalis.

Magpapatuloy na sana ako sa pagkain ng biglang magreplay sa utak ko ang sinabi ni Zach dun sa tatlong babae kanina.

'Sorry I'm with my girlfriend, she's actually right here in this table.'

'I'm with my girlfriend'

'With my girlfriend'

'My girlfriend'

'Girlfriend'

WAAAAHH! Girlfriend!? Bakit girlfriend!?

"Huy! Bakit bigla kang natulala dyan." Agad naman akong bumalik sa reyalidad nang pitikin nya ang noo ko. Aray.

"Aray!" Reklamo ko habang hinihimas-himas ang noo ko.

"HAHAHA! Sorry, nakatulala ka kasi eh." Then he laughed. Ang cute nung tawa nya.

"May iniisip lang ako. Tapos ka na ba kumain? Tara na, rides uli tayo." Sumegway na agad ako, baka kasi tanungin nya pa kung ano yung iniisip ko eh.

"Agad? Baka masuka ka nan." Paalala nya.

"Sa Ferris Wheel lang naman. Pleaseeee." Pagmamakaawa ko with matching pa-cute.

"Sige na nga, hindi kita matiis eh. Pero pag nasuka ka hindi ko na yon kasalanan ha? HAHAHAHA." He laughed which caused me to laugh too. Nakakahawa yung tawa nya, ang cute naman kasiiiii! 'Di makaget-over, ghurl?

Naglalakad na kami papunta sa Ferris Wheel nang biglang nahagip ang mata ko mula sa hindi naman kalayuan ang lalaking mukhang adik. Not literally, pero dahil nakatitig siya sa legs ko, mukha na talagang adik! Maybe around the age of 25 or above. Like hello? I'm just 15 years old. Alam ko namang napansin din iyon ni Zach dahil agad nyang hinubad yung jacket nya at itinali ito sa bewang ko sabay humawak ulit siya sa waist ko at hinila ako palapit sakanya.

Oh and one more thing, nakita kong binigyan ni Zach yung guy ng death glare. HAHAHAHA.

Hindi gaano kahaba yung pila sa Ferris wheel kaya nakasakay kami agad. Para sa ibang tao boring ang Ferris Wheel pero para sa'kin, ito ang pinaka-magandang ride sa lahat. Habang umiikot yung Ferris Wheel ng mabagal tapos pabilis ng pabilis, bigla kong naalala yung time nung palagi kaming sumasakay ni Kyle dito sa ride na'to nung mga bata pa kami. Ito yung ride na paborito naming sakyan, kahit maka-ilang beses pa man kaming sumakay dito, hinding-hindi kami magsasawa.

He even said na yung mga babaeng mahal lang nya ang sinasakay nya sa ride na'to, and i'm one of them. I smiled at that thought.

*Whoooossshhh.*

Dahan-dahang umihip ang hangin, I can feel it caressing my skin gently. Ang sarap sa feeling, lalo na kapag nasa pinaka-taas ka na ng Ferris wheel kasi makikita mo yung mga ilaw na bumubuhay sa Amusement Park na'to. This is so relaxing.

Zach POV

Gusto kong bugbugin yung lalaking tumititig sa legs ni Alex kanina, kung hindi ko lang napigilan yung sarili ko baka nasuntok ko na yung adik na 'yon. Bakit kasi nag-shorts pa 'tong kasama ko, lakas makaakit sa mga lalaki eh, pati ako naaakit. Arghhh! Ang ganda mo talaga, Alex!!

Habang nakasakay kami sa Ferris Wheel, nafi-feel ko na nasusuka na si Alex. Paano ba naman, kanina pa hindi nagsasalita eh. HAHAHAHA.

I just stared at her flawless face, her brown and wavy hair, her pink and plump lips, her beautiful eyelashes, her fair skin, and her hazel colored eyes. Everything in her is just beautiful, I can't help myself from staring at her.

"Zach." She said out of blue.

"Oh?" I immediately replied.

"Wag mo'kong iiwanan, ha?" Bigla akong nagulat dahil sa sinabi nya.

Sino bang nagsabing iiwanan ko sya?

"Sino namang nagsabi na iiwanan kita?" Tanong ko.

"Wala lang, baka kasi iwanan mo din ako tulad ng ginawa ni Kyle." Aytt oo nga pala, iniwan nga pala siya ni Kyle noon.

"Hindi kita iiwanan, promise." I uttered pero binigyan nya lang ako ng pilit na ngiti.

"But promises are meant to be broken. Katulad nung promise ni Kyle na babalikan niya ako, pero hanggang ngayon wala parin siya." Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang nagsasalita. Nag-eexpect kasi sya na babalikan sya ni Kyle, at alam kong matagal na rin syang naghihintay.

"Don't worry I won't break my promise. Wag kang mag-alala." I said which brought a little happiness in her eyes.

She immediately sat beside me and rested her head on my shoulder.

"Salamat, Zach." She said na biglang bumuhay sa buong katawan ko, I felt a smile creeped on my lips. For such a small thing, napapangiti nya ako.

DUG DUG. DUG DUG. DUG DUG.