Chereads / So It's You (Tagalog) / Chapter 8 - Chapter 7: Unknown Number

Chapter 8 - Chapter 7: Unknown Number

Alex POV

Pagkatapos ng ride namin ni Zach sa Ferris Wheel ay inakit ko na syang umuwi. Malapit na kasi mag 8:00 p.m eh hanggang 8:00 lang ang paalam ko kay mama, baka tsinelasin pa'ko nun eh.

Palabas na sana kami ng amusement park kaso may nakita kaming batang umiiyak na walang kasamang adult o guardian. Dahil do'n ay nilapitan ko ito agad. Syempre, mabait ako. ^___^

"Hi, bakit ka umiiyak? Nasaan yung kasama mo? What's your name?" I softly asked the cute little girl.

"I-i can't f-find my brother. M-my name is K-keanna po." She said while still crying. I immediately picked her up and tried to make her calm.

"Shhh, gusto mo tulungan ka naming hanapin yung kapatid mo?" Tanong kong muli sakanya and she just nodded as a reply.

Nagsimula na akong maglakad at maghanap kasama yung bata. Nakakaawa naman kasi, ang ganda pa naman nung bata, baka kunin ng puting van. Kakainin lang ako ng konsensya ko kapag pinabayaan ko 'to.

"There he is!" Sigaw nung bata habang may tinuturo na lalaking mukhang may hinahanap. May mga tinatanong syang mga tao tapos may pinapakitang picture. Hinahanap siguro si Keanna, palibhasa kasi pabaya sya masyado.

Si Zach naman, bumili nanaman ng pagkain. Nagugutom PA daw sya eh, kaya sinabihan ko syang hintayin nalang ako sa parking lot. Mahirap kasing maghanapan dito, masyadong madaming tao ngayon.

Lumapit naman ako dun sa lalaking itinuro ni Keanna at kinuhit ito. "Hi, ito ba yung kapatid mo? Nakita ko kaninang umiiyak eh." I said while smiling at him.

"Keanna, where the hell did you go? I'm so fvcking worried." Kinuha nya mula sa bisig ko yung bata at tsaka niyakap. Idagdag nyo na rin yung minura. =_=

"Uhmm, mind your words, please. Baka nakakalimutan mo na bata yang kausap mo. Next time kasi wag mong pababayaan para hindi nawawala." I annoyingly said.

"Why do you care? And who the hell are you, I don't even know you." Aba! Nagsususungit ka pa? Pasalamat nga sya at nakita ko yung kapatid nya, tsk.

"Excuse me, ako ang nakakita dyan sa kapatid mo. Pasalamat ka nga at sinauli ko pa sayo." Pagsusungit ko din sakanya pero sinamaan nya lang ako ng tingin.

"Tsk, just get lost." He uttered.

Edi aalis na, kahit hindi nya pa sabihin aalis na talaga ako dahil ayoko nang makita yung pagmumukha nya.

Akmang maglalakad na sana ako nang biglang tawagin ako nung bata.

"Ateng maganda at mabait!"

Nilingon ko ito at tiningnan, HAHAHAHA. Tawag do'n, feeler.

"Yes?"

Narinig ko namang nag 'tss' yung kuya nyang ubod ng sungit.

"What's your name po?" She asked while smiling sweetly at me. Ang cuteee!

"My name is Alexandra, Alex for short. Nice to meet you." I smiled at her back.

"Nice to meet you too, Ate Alex!" Buti pa yung bata mabait, hindi tulad nung kuya nya.

And speaking of kuya, tumingin ulit ako ng panandalian dun sa kuya nyang ubod ng sungit at napansin kong gulat ang mukha nya. Ano nanaman problema nung masungit na yun? Bipolar, tsk.

Matapos 'kong mag-wave dun sa bata ay tuluyan na akong umalis at pumunta sa parking lot kung saan naghihintay si Zach.

"Oh, bakit ang tagal mo?" Tanong ni Zach nang makalapit na ako sakanya.

"Nahirapan kasi akong hanapin yung kuya nung bata eh." Pagpapalusot ko, pero ang totoo nun nakipagbungangaan pa ako dun sa kuya ni Keanna.

"Hmm, sige." Halatang hindi sya naniwala sa palusot ko, oh well. Pinagbuksan ako ni Zach ng pinto ng kotse nya tsaka ako sumakay. Umikot naman sya mula sa front seat papunta sa driver's seat at sumakay na din.

"Ganito ka ba talaga kabait sa mga babae?" Tanong ko sakanya habang sya ay busy sa pagdri-drive.

"Actually, masungit talaga ako. First time ko nga ngayon na may makasama akong babae." Sagot naman nya.

"Talaga? So, ibig sabihin ako yung unang babaeng naka-bonding mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko and he just nodded as a reply.

"Talaga? Bakit?" Tanong ko habang nagwawala sa tuwa.

"Kasi best friend kita." Sagot naman nya.

"Halaaaa, thank you, Zach!" Pagpapasalamat ko na parang bata.

"Cute." He murmured.

----------------------

We arrived at our house ngunit hindi parin ako lumalabas ng kotse nya.

"Thank you ulit, Zach." Sabi ko and gave him a smile.

"No problem. Ang saya ko nga ngayon eh, kasi nakasama kita." Grrrrr, kanina pa bumabanat 'tong lalaking 'to ah.

"Ewan ko sa'yo. Bye na nga." Bumaba na ako ng kotse nya kaso bumaba din sya.

Naguguluhan ko syang tiningnan at tinanong. "Oh, bakit bumaba ka pa, gusto mo ba munang pumasok sa loob?"

Ay shet wag na pala, baka mahawa nanaman sya sa kabaliwan ni mama.

"Hindi na, gagawin ko lang 'to.." Hindi na nya tinapos yung sasabihin nya dahil bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Hinug ko din naman siya pabalik.

Hoy, wag kayong ma-issue dyan! Friendly hug lang 'to!

Siguro mga 2 minutes na kaming magkayakap pero hindi parin kami kumakalas sa isa't-isa. Ewan ko ba dito, ayaw pa bumitaw eh.

"Gusto mo hanggang bukas na tayong ganito?" I chuckled and he chuckled as well at tsaka sya kumalas sa yakap namin.

"Mamaya ka pumasok, Alex. May ibibigay pa'ko sa'yo." Pumasok sya sa kotse nya at may kinuha sa backseat nito.

Paper bag sya, pero hindi sya common na paper bag, dahil ang ganda ng design nito at halatang mamahalin ang nasa loob no'n.

"Oh, para sa'yo." Inilahad nya sa'kin ang paper bag na hawak nya ngunit nakatitig lang ako dito.

"Hala, ano yan? Para sa'kin ba talaga yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ay hindi, hindi." He sarcastically answered.

"Basta kunin mo na, binili ko yan para sa'yo." Saad nya. Kinuha ko naman ang paper bag sa kamay nya at nag-thank you.

"Mamaya mo na buksan sa loob ng bahay nyo." Dagdag nya pa.

"Sige. Ingat ka pag-uwi, Zach." Saad ko at nginitian sya.

"Bye, ganda! Alabyu!" Saad nya sabay nag-wave at pumasok na ulit sa kotse nya. Ngumiti naman ako at nag-wave din sakanya at pumasok na sa loob ng bahay.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa bahay namin ay bumati na agad ako kay mama at binuksan ang regalo sa'kin ni Zach.

Pagkabukas ko palang ay namangha nalang ako sa nakita ko. It's a Gucci Shoulder Bag.

Diba mahal 'to? Binili ba talaga ni Zach 'to para sa'kin? Waaaaaaah! Ang ganda!

Dahil sa tuwa ay naisipan kong i-message sya para mag-thank you ulit.

To: Zachyyy

Ako: Zach! Salamat talaga sa regalo mo! Ang gandaaaaa, huhubelss.(╥﹏╥)

Alam kong hindi agad sya makaka-reply sa text ko dahil malamang ay nagdri-drive pa 'yon pauwi kaya pumunta nalang ako sa kwarto ko upang magbihis ng pajamas dahil gusto ko ng matulog.

---------------------------

[Time check: 4:25 a.m]

Pisteng yawa, 4:25 a.m na hindi pa rin ako nakakatulog! Kasalanan 'to nung lalaking masungit sa amusement park kanina eh, ayaw kasing mawala sa isip ko.

Lord, parang awa nyo na gusto ko nang matulog.

Hmm? Baka makakatulong ang gatas. Oo nga, iinom nalang ako ng gatas sa baba.

I went down stares para uminom ng gatas pero as usual, binuhay ko lahat ng ilaw kasi baka kidnapin ako ng mga multo. Takot si akoo, huhuhuhu.

Kumuha ako ng gatas sa ref namin at nagsalin sa baso tapos ininom ko agad 'yon.

*Tiiiiiiing!*

Sa kalagitnaan ng pag-inom ko ng gatas ay biglang tumunog yung phone ko dahilan para mapanglaw ako lalo. Wrong timing naman oh!

Dahan-dahan kong kinuha yung phone ko mula sa table and holy mother of my mother! Halos mahimatay na'ko sa takot dahil sa nakita ko, huhu.

May nagmessage sa'kin na unknown number.

Hindi sana nakakatakot 'yon kaso 4:25 a.m na eh! Sino ba namang magmemessage sa'kin ng ganitong oras, ha? Baka si Momo, halaaaaa.

MESSAGES

[???: Hey, why are you still awake? Ang liwanag ng bahay nyo oh.]

Dahil sa sobrang takot ay walang pag-aalinlangang blinock ko ang number na 'yon. Shuta namaan, ang creepy nung message.

Paano nya nalaman na gising pa'ko? Paano nya nalaman na buhay na buhay yung ilaw ng bahay namin?Baka nakasilip lang sya sa bintana, uwaaahhh!

Ayaw ko na, aakyat na'ko. Masyado na'kong napapanlaw dito sa baba.

Kumaripas ako ng takbo papunta sa hagdan at umakyat. Nang makarating na'ko sa second floor ay dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko at dali-dali ko ding binuhay yung ilaw at nilock yung pinto.

Babalik na sana ako sa kama ko nang maalala kong nakalimutan ko palang patayin yung mga ilaw sa baba.

Bumaba ulit ako at mabilis na tumakbo papunta dun sa light switch, ini-stretch ko yung katawan ko para pag napatay ko na yung ilaw tatakbo agad ako pabalik sa kwarto ko.

*Tiiiiiiing!*

Huhubelssss, tumunog nanaman yung cellphone ko.

MESSAGES

[???: May pa-block-block ka pa jan.]

Uwaaaaaaah! Sino ba 'to?! Lord, tulungan mo akooo!

Kaya mo'to Alex, wag lang duwag. Malaki ka na, huh.

Ako: Sino ba 'to?! Prank ba'to, ha!? Kapag hindi ka pa tumigil ire-report kita sa pulis!

[???: Sige, wala namang laban ang mga pulis sa'kin though. 😉]

Shet! Shet! Shet! Kailan pa nga naman nagkaroon ng laban ang pulis kay Momo, huh? Ang bobo ko talaga. Ayaw ko pang mamatay!

Ako: Si Momo ka ba? Shet! Ayaw ko pang mamatay, pleaseeee! Marami pa akong pangarap sa buhay, iba nalang ang biktimahin mooo!

[???: Momo?? What the- No!]

Ako: Eh sino ka ba!? Akala mo ba natutuwa ako, ha?!

[???: Hindi ako si Momo, wag kang praning.]

Ako: Bakit mo ba'ko minemessage? Ano bang kailangan mo sa'kin!?

[???: Nothing.]

Ako: Wala naman pala eh, bakit mo pa'ko minessage ng madaling araw, ha!? Mamamatay ako sa nerbyos ng dahil sa'yo eh.

[???: Eh bakit kasi gising ka pa? Matulog ka na nga.]

Ako: At bakit ako susunod sa'yo? Teka nga, pa'no mo nakuha yung number ko?

[???: Secret. Matulog ka nalang.]

Ako: Stalker ka'no?! Pa'no mo pati nalaman na gising pa'ko!?

[???: Nope. I wouldn't stalk an ugly girl like you. Sa gwapo kong 'to? Atsaka buhay na buhay yung mga ilaw ng bahay nyo kaya alam kong gising ka pa.]

Aba, nilait pa ako. Ang ganda ko kaya!

Ako: Paano mo nalaman na buhay yung ilaw nung bahay namin, ha?! Nasa labas ka ba ng bahay namin?! Sinisilip mo ba 'ko sa bintana, ha?! Iblo-block ko na talaga 'tong number na'to!

[???: Wait, please don't. Hindi na kita guguluhin wag mo lang iblock number ko.]

Ako: Bahala ka na, tutulog na'ko.

[???: Goodnight, Alex.]

Uwaaaaaah! Paano nya nalaman yung pangalan ko?

Ako: (No Reply)

END OF CONVERSATION

I'm so scared right now, kung alam nyo lang. Isipin nyo yun, alas kwarto ng madaling araw may mag-memessage sa'yo tapos unknown number pa? Ughhhh, lalaki yung eyebags ko nito.

*Yaaaaawnnnn*

Hay salamat, makakatulog na rin ako.