Chereads / So It's You (Tagalog) / Chapter 9 - Chapter 8: Back?

Chapter 9 - Chapter 8: Back?

Someone's POV

*Flashback*

Fvck! Nasaan si Keanna? Sabi ko mag-stay lang sya dito sa bench because I'm going to buy her some water. Pero pagbalik ko wala na sya! Shit! I need to find her now, or mom is gonna kill me.

------------------------

Ughh, nasaan na ba yung batang 'yon?! Ang dami ko nang natanong na tao pero ni isa ay walang nakakita kay Keanna! I can't just go home and forget about my sister, for sure papagalitan ako nina mom and dad.

*Tap tap*

I looked back to see who the hell tapped my back.. And I saw Keanna carried by a beauti- err.. by a teenage girl who's about the same age as mine.

"Hi, ito ba yung kapatid mo? Nakita ko kanina umiiyak eh." The teenage girl said while smiling at me. She's cute.

I immediately took Keanna from her arms and hugged my sister.

"Keanna, where the hell did you go? I'm so fvcking worried." Sabihin nyo nang palamura ako pero always remember, that I don't fvcking care.

"Uhmm, mind your words, please. Baka nakakalimutan mo bata yan. Next time kasi wag mong pababayaan para hindi nawawala."

Pake nya ba eh kapatid ko'to? Atsaka sino ba sya para pagsabihan ako? Tsk.

"Why do you care? And who the hell are you, I don't even know you." Nakita ko namang nagsalubong ang kilay nya sa sinabi ko.

"Excuse me, ako ang nakakita dyan sa kapatid mo. Pasalamat ka nga at nakita ko pa."

Blah blah blah blah, nakakarindi yung boses nya. Para syang nakalunok ng megaphone.

"Tsk, just get lost." Pagtataboy ko sakanya. She turned her back against me at nagsimula nang maglakad palayo. Thank God at nilubayan nya na ako.

"Ateng maganda at mabait!"

Holy shit.

Dahil tinawag sya ni Keanna na 'ateng maganda at mabait' nilingon nya ulit kami. Tsk, ang feeler nya, ha.

Pero, totoo naman na maganda sya. Ewan ko nalang kung mabait.

So ayon na nga, nag-usap na silang dalawa and I don't fvcking care parin. What kind of attitude ba ang meron sa babaeng 'to? Ang lakas ng loob nyang sagot-sagutin ako ng ganun-ganun lang. Hindi ba sya natatakot sa'kin, huh?

"What's your name po?" Tanong ni Keanna dun sa babaeng magand- este dun sa babaeng nakakita sakanya.

"My name is Alexandra. Alex for short. Nice to meet you." Ha? Alexandra? Alexandra ang pangalan nya?

Dahil sa narinig ko, agad kong tiningnan yung braso nya to see kung meron ba syang suot na bracelet, but I can't. Nasa likuran nya kasi yung dalawa nyang kamay.

Baka naman kapangalan lang, hindi lang naman sya ang Alexandra dito sa mundo, diba diba?

Nang tuluyan na syang makaalis, bigla kong naalala na may babalikan pa nga pala ako. Someone whom I really love.

*End of Flashback*

Alex POV

Nakatitig ako ngayon sa harap ng salamin nang biglang may nakita akong babaeng cute at maganda. Syempre ako yun! Ahihihi.

"Bakit ba ang ganda at ang cute mo?" Tanong ko sa sarili ko. Wala lang, trip ko lang. Wala kasi akong magawa eh.

Hmm? I-text ko kaya si Thea? By the way, bati na kami ni Thea since yesterday pa. Hindi ko lang agad napansin yung text nya kasi nasa amusement park pa kami ni Zach nun.

Pumunta ako sa contacts ko dahil ite-text ko si Thea para papuntahin dito. Habang nag-iiscroll ako sa phone book ko ay nakita ko yung unknown number na nag-text sa'kin. Huhubels, naalala ko nanaman tuloy yung kababalaghan na nangyari sa'kin kaninang madaling araw.

MESSAGES

To: Altheatot :>

Ako: Pssst! Althea!

[Thea: Oh?]

Ako: Naiinip ako dito sa bahay.

[Thea: I'm guessing that you want me to come over.]

Ako: Bakit, pupunta ka ba?

[Thea: Oo naman. Naiinip din ako dito sa bahay eh.]

Ako: Bilisan mo, pumunta ka na!

[Thea: Oo na, maliligo lang ako. Byee! See you!]

Ako: Yaksss, hindi ka pa pala naliligo.

[Thea: Ganun talaga kapag maganda, sis ;)]

Ako: Weh? Bat ako naliligo palagi pero maganda parin?

[Thea: Nasa lahi mo na yan kaya wag ka nang magtaka!]

Ako: Hayss, naamoy ko yung baho mo hanggang dito =_= Chos!

[Thea: Babaho ka rin!]

Ako: Sige na, maligo ka na. Baho moooo!

[Thea: Nyenyenye.]

END OF CONVERSATION

Yuhooo! Hindi na'ko maiinip dito sa bahay!

Makaligo na nga din, baka kasi sabihin ni Thea hindi pa'ko naliligo.

[Time check: 3:15 p.m]

Why is Thea so matagal, I've been waiting for her for 30 minutes. Arghh, I'm so bored na.

"Anak! Bumaba ka na, nandito na si Thea!" Sigaw ni mama mula sa baba. Agad naman akong bumaba at pinagbuksan si Thea ng gate.

"Tara sa kwarto, may ikwekwento ako sa'yo!" Saad ko habang higit-higit si Thea papunta sa kwarto ko.

"Teka, bat basa pa yung buhok mo? Kaliligo mo lang, 'no?" - Thea. Hala, nabuking na 'ko!

"Nabasa lang yan kanina ng tubig dahil naglalaba si mama." Pagpapalusot ko. Jusko, sana maniwala.

"Talaga lang, ha?"

"Oo nga, ano ka ba."

So ayon, matapos nya akong usisain ay kinwento ko na sakanya ang mga nangyari kahapon including yung lalaking masungit at yung mystery texter ko. Pero mostly, yung tungkol sa mga ginawa namin ni Zach sa Amusement Park.

"Hala, sis! Nakakakilig naman kayo ni Zach! Sana all!" Sigaw ni Thea habang nangingisay na sa kilig. Ewan ko ba pero mukha talaga syang bulateng binudburan ng asin pag kinikilig, HAHAHAHA.

"Pero Alex, may ishashare din ako sa'yo. My opinion about dun sa lalaki na masungit." Pagpapatuloy nya, this time seryoso na sya.

"Ano naman yon?"

"Diba sabi mo saakin nagulat yung boy nung nalaman nya yung pangalan mo? Nako! What if sya si Kyle? Keanna yung pangalan nung sister nya, diba? Parehas 'K' yung first letter nung pangalan nilang dalawa so may possibility na sya nga yun. Pero what if lang naman, ha." Pagpapaliwanag nya. Pero parang imposible naman na si Kyle yun.

"Imposible, hindi naman ganun kasama ang ugali ni Kyle 'no! Kahit papaano alam ko ang ugali ng best friend ko! Atsaka kung sya talaga yun, edi dapat sinabi nya agad sa'kin." Depensa ko.

"Pero malay mo hindi ka lang nya na-recognize. For 8 freakin' years hindi kayo nagkita. And especially, wala kayong communication. And malay mo, sya din yung mystery texter mo." Depensa nya pabalik. Pero may point naman sya, malay natin hindi lang talaga nya ako na-recognize kaagad.

"Ayaw ko namang mag-expect. Pa'no kung hindi naman talaga sya si Kyle? Edi umasa ako sa wala." May halong lungkot ang aking boses.

"Change topic na nga! Baka maiyak ka pa eh. Eto nalang, balita ko inaway ka nanaman daw nung demonyitang si Katy." Langya! Lalo akong maiiyak pag ito yung topic eh!

"Bwisit ka naman eh! Lalo akong maiiyak pag yan yung topic!" Pagmamaktol ko.

"Ayy sorry. Ibahin ulit natin, tungkol naman kay Zach. Ayieeeee." Ayan nanaman, kinikilig nanaman sya. Abnormal talaga.

"Ano namang pag-uusapan natin tungkol dun?" Tanong ko.

"Ang cute nyo kaseeh. Humahawak sa waist, nagholding-hands, nag-hug, and especially nag-date." Nakita kong may makahulugang-ngiti ang nag-form sa kanyang labi. Loko 'tong babaeng to ah.

Pero teka, date? That was just a bonding, hindi date.

dhjzndhsksshdjsknsd! Yawaaaa!! Mukhang date nga! Sino ba namang gagawa nun na magbest friend lang? Okay na sana kung wala yung mga holding-hands, hug, etc. Pero meron eh! WAAAHH!!

"Hep! Ang lalim ng iniisip mo ah! Narealize mo na siguro na date yung ginawa nyo at hindi bonding na bilang MAGKAIBIGAN LANG." Saad nya emphasizing the word 'Magkaibigan lang.'

"Ughh! Bat hindi ko agad yun narealize!? So ibig sabihin mukha kaming magjowa dun sa amusement park?" Pagmamaktol ko ulit. Mukha nanaman akong bata.

*Tiiiiiiing!*

"Ehem, speaking of Zach.." Saad ni Thea habang winawave-wave yung cellphone ko...

From: Zachyyy

Agad ko itong kinuha mula sa kamay nya at agad ding nagreply. Pero agad din namang nakiusyoso si Thea sa conversation namin.

MESSAGES

[Zach: Ganda? Anong gawa mo?]

Ako: Kasama ko si Thea ngayon, nagbobonding lang dito sa bahay.

[Zach: Ahh okay. Enjoy ka, ha.]

Ako: Ikaw ba, anong gawa mo?

[Zach: Eto, iniisip ka.]

Ako: Grrr! Kahapon ka pa.

[Zach: Totoo naman eh, kanina pa naman talaga kita iniisip.]

Ako: Bahala ka na nga dyan.

[Zach: Sige, labyuuu, mwuaah!]

"Yieeee! Kinikilig ako sainyo!"

Nakakakilig na ba yon? Ang babaw nya naman.

"Tara na nga sa baba, kain tayo." Pang-iiba ko ng topic. Ayaw ko nang pakiligin si Thea, nakakaawa naman. Kanina pa nangingisay eh.

"Akala ko 'di mo na ako aakitin eh! Miss ko na yung luto ni tita." Ang takaw talaga ng best friend ko.

"Oh, anong gusto nyong kainin? Ipagluluto ko kayo." Tanong ni mama with a smile nang makababa na kami. Ganda mo talaga mama! Kaya ang ganda ko din eh, mana-mana lang.

"Lasagna po, tita!" Sigaw ni Thea. Tsk, parang patay gutom. Ay wala na palang 'parang', patay gutom talaga.

"Yung paborito ko, ma." Kahit yan lang ang sabihin ko, alam na ni mama ang ibig kong sabihin. Ano pa ba? Edi carbonara!

Inakit ko muna si Thea sa labas para makapaglibang muna habang naghihintay sa pinapaluto namin kay mama, umupo muna kami dun sa bench na nasa ilalim ng puno kaya hindi mainit sa pwestong 'yon.

Kaso..

Biglang nahagip ng paningin ko ang bahay nila Kyle. May mga tao doon at may kotse sa harapan, may mga naka-uniform ng pang-bodyguard atsaka meron ding isang middle-aged na babae, isang little girl, isang middle-aged na lalaki, at isang teenager na lalaki. Siguro mga kasing edad ko lang, ganun.

Ang yayaman ng mga suot nila at mukhang sobrang yaman talaga nila. Sumakay sila dun sa kotse pero medyo malayo 'yon kaya hindi ko sila namukhaan. After a few minutes, umalis na yung kotse at yung mga bodyguard. Sina Kyle kaya yun? Kung sila yun, bakit hindi manlang nya ako pinuntahan o binisita? Oh baka naman ibang pamilya na ang nakatira dyan, siguro binenta na nila yang bahay na yan tutal marami naman silang bahay eh.

"Alex, Thea! Luto na ang pagkain nyo!" I immediately got back to reality when my mom shouted. Inakit ko na si Thea sa loob ng bahay para kumain.

"Bat ba ang lalim lagi ng iniisip mo? Hindi mo pa ginagalaw yang carbonara mo ah." Thea asked out of blue habang kinakain ang lasagna nya. Samantalang ako, nakatulala sa kawalan.

"Ewan ko nga din. May nakita kasi akong tao sa bahay nila Kyle kanina." Kwento ko.

"Hala, baka mamaya sina Kyle na pala yun. Makikita mo na ulit yung childhood best friend mo!" May halong excite ang kanyang boses habang nagsasalita.

"Kung sila nga yun, bat hindi manlang nya ako pinuntahan or sinabihan? Magkalapit lang naman yung bahay namin, hasel pa ba yun?" Depensa ko. What if nakalimutan nya na ako? Or maybe ayaw nya talaga akong balikan. Hmmm.. Posible.

Ano ba namang mapapala nya kapag binalikan niya ako? Wala.

Yun siguro ang naisip nya kaya hindi nya manlang pinaalam na bumalik na sya.

Move on, Alex! Friends come and go at hindi pang-forever si Kyle. Atsaka marami na rin naman akong kaibigan ngayon ah. Si Thea, si Sia, si Kayla, atsaka si Zach. Okay na yun kahit hindi na bumalik si Kyle.