Chereads / So It's You (Tagalog) / Chapter 5 - Chapter 4: Boss

Chapter 5 - Chapter 4: Boss

Zach POV

Hallway

As of the moment, nagpapahinga ako dito sa sahig dahil kanina pa ako nag-uuli dito sa University na'to dahil may hinahanap akong babae. Pinagtitinginan nga ako ng mga dumadaan dito eh, umupo ba naman sa sahig kung pwede namang umupo nalang mismo sa cafeteria.

Pero wala kayong pake, gusto kong umupo sa sahig.

Pansamantala ko ipinikit ang mga mata ko sa sobrang pagod at minulat din naman agad ito. Sa oras na iyon ay nahagip ng paningin ako ang isang babae kasama ang mga kaibigan nya.

Teka nga, baka sya na yung hinahanap ko. Kamukha kasi nung batang nasa picture na binigay sa'kin ni "boss", picture daw nila yun nung bata pa silang dalawa. Pinapunta pa talaga ako dito sa Pilipinas para lang hanapin yung "mahal nyang best friend", owss?

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at nagsimulang maglakad habang nag-cecellphone. Plinaplano kong banggain sya para magkaroon ako ng opportunity na makipagkilala at para malaman ko yung pangalan nya. See? Ang talino ko talaga. Yung mga taong katulad ko kailangang i-keep, chos!

Ang weird naman kasi kung bigla-bigla nalang akong susulpot galing sa kung saan tapos tatanungin ko yung pangalan nya, diba? Kung hindi lang yon weird edi sana kanina ko pa yun ginawa, duhh.

*Blaaaagg!*

Sucess! Nabangga ko sya! Kaso yung cellphone ko nabagsak sa sahig, huhuhu, mahal pa naman yun. (╥﹏╥)

Hindi ko naman kasi inakala na ganun kalakas yung impact kapag nag-bangga kami, naglanding tuloy ako sa sahig. Ang sakit nga ng pwet ko eh.

Buti pa sya, may sumalo sakanya eh sa'kin wala. Pero okay lang, sanay na ako.

Nun ngang na-fall ako kay crush hindi din nya ako sinalo. Ay hala! Anong pinagsasasabi ko?

Okay, back to reality.

"Hala, sorry." Paghingi nya ng tawad at inilahad nya ang kamay nya para tulungan akong makatayo.

Bago ko pa man matanggap ang kamay nya ay may napansin akong kakaiba.

Bracelet sya, parang familiar sa'kin yung istura eh. Teka lang, iisipin ko lang ha.

Ahmm.. parang nakita ko na yon dati eh.

AHA! Kamukha nung bracelet ni boss! Feeling ko ito na yung babaeng pinapahanap nya, feel na feel ko na. Pero sana sya na nga, pagod na'ko maghanap eh. Ikaw ba naman yung papuntahin sa napakalaking University para lang hanapin yung babaeng hindi mo naman kilala.

Bakit kasi hindi nalang si boss mismo yung pumunta dito tapos sya nalang yung maghanap. Inuutos pa sa'kin, tsk. Charot! Baka bugbugin ako nun kapag nagreklamo ako, takot si ako eh.

"Okay lang, hindi kasi ako tumitingin sa daan eh. Sorry din." Paghingi ko din ng tawad. At ngayon, se-segway na ako, haha!

"Zach nga pala."

"Ahh, okay lang din.. Alexandra, Alex for short."

Hala, sya na nga yung pinapahanap ni boss!

"Alexandra? As in, Brea Alexandra Flores?" Tanong ko. Um-oo ka please, please!

"Yes, why?" Sinagot nya yung tanong ko gamit ang tanong. Oh, pak na pak!

"Ah, wala. Nice to meet you nga pala." Ngumiti ako atsaka tuluyan ng umalis. Sa wakas na hanap na rin kita!

Alex POV

Ang weird talaga ni Zach. Zach nga ba o Jack? Ewan ko. Hindi ko matandaan.

Pero ang gwapo nya, ahihihi.

Ngunit dahil nga kasama ko ngayon ang aking prince charming sent from above ay tinanggal ko nalang yun sa isip ko at kumain nalang sa cafeteria. Kilig nanaman si ako!

"Alex, sino yung lalaking nabangga mo kanina? Paano nya nalaman yung pangalan mo? Ang gwapo nya, ha!" Tanong ni Thea. Ayan nanaman sya, dumadale nanaman ang pagiging fangirl nya sa mga gwapo.

"Malamang nagpakilala ako eh." Pabalang na sagot ko naman sakanya. Bakit? May mali ba sa sagot ko?

"Araaay! Bakit mo naman ginawa yun?" Inis na tanong ko habang nakahawak sa batok. Batukan ka ba naman ng baliw.

"Ang pilosopo mo kasi! Ang ibig kong sabihin ay paano nya nalaman yung buo mong pangalan!" Gigil na sabi nya. Ay saya talagang inisin nito, maliban nalang dun sa part na binatukan nya 'ko.

"Ikaw pa galit dyan, hindi mo kasi inaayos yung tanong mo eh." Sumbat ko naman. Nyenyenye.

"Ewan ko nga din, ngayon ko nga lang nakita yung mukha nya dito sa University pero kilala nya na agad ako. Ganun ba 'ko ka-famuos? AHAHAHAHA, charot." Mahabang sagot ko. Ayan okay na po, madame? Ayos na yung sagot ko, ha. Wag na po magreklamo.

"Ang weird naman no'n. Siguro may crush yun sayo. Ayieeeee!" Pangangantsyaw nya ngunit tiningnan ko lamang sya ng sarkastiko bilang tugon.

Naputol ang pagde-debate namin ni Thea nang mapaubo si Vince.

"Okay ka lang? Tubig gusto mo?" Pang-aalok ko.

"No, thanks." Ay wow!Nosebleed si ako.

"Hmm, okay."

Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay bumalik na kami sa classroom. Btw, magkaka-section lang naman kami kaya hanggang classroom ay nagbu-bungangaan parin kaming tatlo. Pake ko sa mga kaklase namin? Edi mag-ingay din sila, duhh.

Thea POV

Ayieee, may POV na din ako! Thanks you, Author! Muaaah.

(A/N: Ikaw pa. Malakas ka sa'kin eh.)

Ahihihi, pinapakilig ako ni Author!

Nasa cafeteria kami ngayon nag-chichikahan about dun sa boy na nabangga ni Alex kanina.

"Ang weird naman non. Siguro may crush yun sayo. Ayieeeee!" Sa oras na sinabi ko 'yon ay biglang napa-ubo si Vince.

And yeah, I know it's a fake cough, hindi naman ako tanga para hindi 'yon ma-notice. Siguro he's jealous dahil may crush yung boy kay Alex! Yieeeeeee, magkaka-lovelife na ang sistaret ko!

Kaso nga lang, may ubo din sa utak si Alex. Naturingang top student pero may pagka-tanga padin. Hindi ba naman narealize na fake yung ubo ni Vince, it's so obvious naman na nagseselos sya eh.

Inalok pa talaga nya ng water kasi akala nya nabulunan si Vince. Ang tanga mo talaga, Alex.

Alex POV

Hmp, nakakaantok naman. Ang tagal kasi dumating nung last teacher namin. Kaunting minutes nalang dismissal na! Wag ka nang dumating, Sir para diretso next subject na kami.

"Good Afternoon, class." Ay, dumating pa nga, dapat hindi ko nalang binati.

"Sorry na-late ako, may inasikaso kasi akong documents nung magtra-transfer na student here in this section." Pagpapaliwanag nya.

Ano daw? May magtra-transfer?

"Sana handsome na boy sya." Malandi 1.

"Sis, sana sya yung lalaking nagtanong ng pangalan natin kanina!" Malandi 2.

"What the hell? Bago nanaman?" Reklamador 1.

"Ang sikip na nga dito sa classroom eh, dadagdag pa." Reklamador 2.

Tologo ba? Andami pa ngang empty seats eh.

Yan nga pala yung mga bulungan ng mga students dito sa classroom. May lilipat lang na istudyante nagkagulo na.

"Please, come in Mr. Ramirez." Rinig kong tawag ni sir sa istudyanteng nasa labas.

Pumasok naman ito agad at.. wait..

Sya yung..

Yung..

Nabangga ko kanina? Ano ngang pangalan nun? Jack?

I looked at him and stared at him deeply. Nakita kong parang may hinahanap yung tingin nya hanggang sa mahagip ako nito. Ngumiti naman sya sa'kin and I just awkwardly smiled back.

Ang cute nung smile nya, ahihihi.

"Hi, my name is Zach Avery Ramirez. I hope we can be friends." Ahh, Zach pala, akala ko Jack. Sorry na agad.

Pagkatapos nyang magpakilala ay nagtilian naman yung mga babae dito sa classroom namin. Ang lalandi talaga nila, tsk.

"Okay, Mr. Ramirez. You may look for a empty seat. And class, please welcome your new classmate." Sabi ni sir kay Zach.

Habang naglalakad si Zach upang puntahan ang napili nyang upuan ay hindi naman nya naiwasan ang mga "hi", "nice to meet you", "Let's be friends" ng mga kaklase namin.

Juice colored! Palapit na ng palapit si Zach dito sa kinauupuan ko. Mukhang may plano ata syang tumabi sa'kin.

"Hi!" Pagbati nya sa'kin nang makaupo na sya sa tabi ko.

"Ahmm.. h-hello." Shems, ang awkward naman.

Lalo namang naging awkward nung nakita kong sinasamaan na ako ng tingin ng mga babae dito sa room. Inggit siguro kasi hindi sila tinabihan ni Zach. Bleeeehhh, mamatay kayo sa inggit.

"Ikaw yung nabangga ko kanina, diba? Sorry ulit." -Sya.

"Ahh, o-okay lang yun. Kanina pa n-naman yun eh." Bakit ba ako nabubulol, ha? Umayos ka nga, Alex. Hindi naman yan si Vince para mabulol ka kapag kausap sya.

------------------------

Dismissal

Nandito kami ngayon nina Thea, Sia, Kayla, at ako sa tabi ng field ng University namin. Dun kami palaging tumatambay tuwing dismissal. Meron kasing malapit na foodtripan dito at meron ding mga pwedeng tambayan na hindi nasisikatan ng araw dahil sa mga puno.

"Alex! Sa'yo tumabi si kuya pogi kanina! Crush ka nga siguro!" Sabi ni Thea habang niyuyugyog ako ng walang sawa.

"Simpleng tumabi lang sa'kin crush agad, ikaw nga katabi mo yung nerd crush ka ba nun?" Pabalang na tanong ko. Nanahimik naman sya dahil do'n. Burnnnn!

"Sino naman yang lalaking pinag-uusapan nyo? Si Vince?" Curious na tanong ni Sia. Hindi kasi namin ka-section sina Sia at Kayla kaya wala talaga silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa'kin sa classroom. Malalaman lang nila kapag chinismis na ni Thea.

"Hindi, sis! May iba pang lalaking nagkakagusto kay Alex." Sagot naman ni Thea. Hayyy, bahala na nga silang mag-usap-usap dyan.

"Sino naman yan? Ang haba talaga ng hair mo, Alex! Idol na kita!" Sabi sa'kin ni Kayla. Syempre ako pa? Chos!

"Si Zach Avery Ramirez!" Kilig na kilig na sagot ni Thea.

"Owemjii! Si Zach Avery Ramirez?" May halong kilig din ang tono ng boses ni Sia. Pag ba sinasabi yung pangalan nya kailangan kinikilig? Ganun ba dapat?

"Oo sya nga!" Sagot naman ni Thea na kinikilig din. Para silang mga bulateng binuhusan ng asin.

"Ang pogi kaya nun! Ahihihi!"

Yung lalaking yun, pogi? Yaks! (Oo, pogi nga siya. Pero wala akong pakeeee!)

"Hoy, Alexandra! Baka mamaya ipagpalit mo na si Vince, ha."- Kayla.

"Hindi 'no! Never kong ipagpapalit ang prince charming ko! Atsaka dun sa lalaking yun? Yak! Dihamak na mas pogi pa si Tony kesa dun sa stalker na yun!" Depensa ko.

"Teka lang, ha. Bakit ang defensive mo? Ayiieee!" Isa pa 'tong si Sia.

Pero oo nga, bakit nga ba ang defensive ko? Waaaah!~

"Alex!" Rinig kong may tumuwag sa pangalan ko mula sa malayo dahilan para hindi mapakali ang ulo ko sa kakahanap sa taong tumawag sa'kin, nagmukha tuloy akong tanga.

At sa oras na nahagip sya ng paningin ko ay tanging gulat nalang ang naramdaman ko. Bakit nandito pa yan?

"*Cough*, speaking of Zach." Nakangiting bigkas ni Thea. Edi wow!

Hinintay ko lang hanggang sa makalapit si Zach sa kinaroroonan namin. "Pauwi ka na ba?" Tanong nya, with matching gwapo na smile.

"Ahmm, hin-" Naputol yung sasabihin ko ng biglang nagsalita sina Thea.

"Sistar, uwi na ako ha! Byee!" Saad ni Thea habang kumakaway-kaway pa.

"Ako rin, Alex. Byeeee!" Sumunod naman si Sia.

"Tara na, Kayla." Hinigit-higit nya yung uniform ni Kayla at pilit syang hinihila patayo.

"Huh? Akala ko ba hanggang 5:00 pa tayo dito- hmphmhp." Biglang tinakpan ni Sia ang bibig ni Kayla at pinanlakihan ng mata.

"Ahh, oo nga pala. Pinapauwi nga pala ako ni Mommy ng maaga ngayon. Byee, Alex! See you tomorrow!" Saad ni Kayla at naglakad na palayo kasama si Sia. Mga traydor!

Habang papalayo na sila ay nakita ko ang nakakalokong ngiti nilang tatlo nang humarap sila sa'kin. Sabi ko na nga ba eh, this is a scam.

"Pauwi ka na ba, Alex?" Muling tanong ni Zach.

"Hindi pa sana, kaso iniwan na'ko ng mga kasama ko eh, so I guess uuwi na rin ako." Ngumiti ako sakanya bago tumayo sa kinauupuan ko at naglakad.

Ang usapan kasi talaga namin hanggang 5:00 kaming tatambay dito kaso ayon, pinag-taksilan na ako ng mga kaibigan ko. =_=

Hindi pa ako nakakalayo ng bigla ulit syang magsalita. "Sabay na tayo. Ihahatid kita sainyo." He offered dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at humarap sakanya. Free Ride? Yuhoooo!

"Okay lang ba sayo?" Tanong ko sakanya. Nakakahiya kasi eh, hindi pa naman kami ganun ka-close tapos makikisabay na agad ako sakanya.

"Of course. Kaya nga kita inaalok, diba?" Oo nga naman. Ang bobo ko rin eh.

"Ahh, oo nga noh? Hihi, sorry." Kamot-ulong saad ko habang naka-pout.

"Haha, ang cute mo." Ang cute ko daw, ahihihi. Alam ko.

"Let's go?" Nagsimula na syang maglakad kaya naman sumunod ako, nagmukha tuloy akong aso. Hmp. Sinundan ko sya hanggang sa parking lot at tumambad naman sa'kin ang isang napakagandang black na Lamborghini.

Holy mother of my mother! Sakanya ba'to?!

"Sa'yo to? Waaahh~, ang ganda." Manghang tanong ko habang ina-analyze ang bawat detalye ng kotse nya. Ang ganda talagaaaa!~

"Hindi, ninakaw ko lang." He chuckled after answering my question sarcastically. Pati tuloy ako napatawa.

After that, pinagbuksan nya ako ng pinto at pinapasok sa loob. Nung nakapasok na ako ay umikot sya papunta sa kabilang side at pumasok sa driver's seat.

He started the engine and started driving.

"Famous ka na agad sa University ah?" I started the conversation.

"Talaga? Haha, hindi ko alam eh." Sabi nya habang tutok na tutok ang tingin sa daan.

"Panigurado ang dami mo na agad kaibigan." Saad ko.

"Actually, wala pa nga eh." Nahihiyang ani nya.

Sya? Wala pang kaibigan? Sa gwapo nyang yan?

"Di nga?"

"Oo nga."

"Edi consider me as your first friend." Nakangiting saad ko kahit alam kong hindi naman nya yun nakikita dahil sa daan sya nakatingin.

"Salamat." He sincerely smiled.

Wala naman kaming masyadong ginawa buong byahe, puro chikahan, nagtatanungan kami ng mga bagay na hindi pa namin alam sa isa't-isa. Just a normal conversation with a friend.

And you know what amazes me? Is the fact that he already knows my address. "Pa'no mo nalaman address ko? Hindi ka naman nagtanong sa'kin ah." Naguguluhan kong tanong sakanya.

"Sinabi sa'kin nung mga kaibigan mo." Sagot naman nya. Grabe talaga yung mga yon!

"Ahh, ganun ba? Thank you nga pala sa paghatid." I smiled at him.

"No problem." Ngumiti sya pabalik sa'kin. Ang cute nya talaga ngumiti. Hihi.

Lumabas na ako ng kotse nya at binuksan ang gate ng bahay namin. Dahil sobrang tinted yung kotse nya ay binuksan nya din ang bintana sa front seat na inuupuan ko kanina at nag-wave na kami sa isa't-isa tsaka ako pumasok sa loob ng bahay.

Zach POV

*Tiiing!*

Narinig kong tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko..

Nagmessage si boss.

[Boss: Kamusta si Alex?]

Ako: Kahahatid ko lang sakanya sa bahay nila.