Alex POV
Kapapasok ko palang ng classroom namin nang mahagip ng mata ko si Zach. Pati narin sina Thea, Sia, at Kayla na hinaharot si Zach. Homayghad, my eyes!
Nakooo! Kawawa naman sya, dinumog na ng mga maligno.
Teka nga, bakit napunta sa classroom namin sina Sia at Kayla?
"Uyy, Alex. Nandiyan ka na pala!" Sigaw ni Thea nang mapansin nya akong nakatingin sa kanila na may bahid na pandidiri. And luckily, tinigilan na nila si Zach. Mabuti naman.
"Good morning, Alex." Automatic akong napangiti nang marinig ko ang boses ng nilalang na iyon. Akala nyo si Zach 'no? Well, nagkakamali kayo! Si Vince kaya! Ahihihi.
"Good morning rin, Vince." I gave him a smile. Kyaaaah~ ang gwapo nyaaaa!
"Ang cute-cute mo talaga." Saad nya habang pinipisil ang aking pisngi.
Nasaktan ako dun sa pisil nya pero hindi ko lang pinahalata. Ganun talaga kapag mahal mo, chos!
And as usual, ang mga nanlilisik na mata ng mga babae dito sa room ay nakatutok nanaman sa'kin. Siguro dahil sinabihan akong cute ng napaka-gwapong si Vince o baka naman dahil ako yung tinabihan ni Zach kahapon at hindi sila. Bleeeeh! Asa kayo!
Nag-ring na ang bell dahilan para magsibalikan na ang mga istudyante sa kanilang sari-sariling upuan at classrooms. Kailangan mo talagang pumasok ng maaga kung ayaw mong mapahiya, dahil for sure ipapahiya ka ng teacher kapag na-late ka.
Physics ang subject namin ngayon. Medyo mahirap yung topic pero, keri din naman.
Humarap ako sa kanan ko upang tingnan kung ano na ang kalagayan ni Zach, at nung tumingin ako ay halos mapahalakhak ako ng napakalakas dito sa room, mabuti nalang ay napigilan ko.
Kase naman.. yung mukha ni Zach problemadong-problemado na, halatang hindi nya nage-gets yung lesson, BWAHAHAHAHAHAHAHA.
"Okay, class. Is that clear? Now I am giving you a Performance Task about this lesson. You need to answer the following questions I will give to you with your partner. Your partners will be your seatmates and I want you to submit it tommorow at my period." Ani ng professor namin bago lumabas ng room.
By partner daw, so it means partner ko si Zach kasi sya lang naman ang katabi ko. Unless gusto nyong i-partner ko yung bintana, pwede din naman. Chos!
"Hii, Zach! Partner kita!" Kinalabit ko sya para lang sabihin 'yon. Ngek!
"Oo nga eh. Ang swerte ko. So, saan tayo gagawa? Sa bahay ko? If okay lang sayo." Nakangiting bigkas naman niya. Hmm? Okay lang ba? Gagawa lang naman ng P.T eh. Sige na nga! Papayag na'ko.
"Sure, okay lang. Later after class?" Paninigurado ko.
"Yep, ihahatid na rin kita pag tapos na tayo." Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya, free ride nanaman ako, hihi!
Naputol ang pag-uusap namin ni Zach dahil dumating na yung next teacher kaya nagklase na ulit kami.
30 minutes lang ang nakalipas ay nag-ring na ang bell
"You may take your lunches."
"Alex, pwede ba akong sumabay?" Lumingon ako para tingnan kung sino yung nagsalita, at si Zach iyon.
"Sure, pwedeng-pwede." Sagot ko. Naghanap kami ng free table sa cafeteria at umorder na ng foods, syempre Carbonara ang sa'kin. Favorite ko yun eh!
"Hoy, Alex! Hinay-hinay lang baka mabulunan ka nyan." Paalala sa'kin ni Thea. In fairness, hindi sya conyo magsalita ngayon.
"This is my favorite so you don't have any pake." Saad ko at umarteng nagtataray.
"Favorite mo pala ang carbonara?" Biglang tanong ni Zach, hindi ba obvious? Kasasabi ko lang, diba?
"Yes! Super favorite nyan ang carbonara!" Ako yung tinanong ni Zach pero si Thea yung sumagot. Si Alex ka, ha?
Pagkatapos naming kumain ay inaya ko na silang bumalik sa room dahil mas magandang tumambay doon dahil may aircon kaysa naman mag-stay kami sa cafeteria kung saan maingay na nga mainit pa dahil sa halo-halong hininga ng mga istudyante.
----------------------
"Blah blah blah blah blah blah blah." Yan lang yung naririnig ko sa discussion ni Sir. Ang boring kasi eh, nakakaantok! Kung pwede nga lang matulog sa klase ay kanina ko pa sana ginawa.
"Hmm? Kailan ka kaya babalik?" Bumulong ako ng napakahina habang nakatingin sa labas ng bintana, as in yung mahina talaga para walang makakarinig.
Bigla kasing sumagi sa isip ko si Kyle, na hanggang ngayon hindi parin bumabalik dito sa Pilipinas. Kung sabagay, ano ba namang aasahan ko? Dihamak na mas maganda ang buhay doon sa America kaysa dito sa Pilipinas. Sigurado akong mas gugustuhin nya pag manirahan doon kaysa dito.
"Nakakaasar, ang tagal mo bumalik." Bumulong akong muli, katulad lang nung bulong ko kanina.
Then suddenly...
"Hooy! Kanina pa umalis si Sir nakatulaley ka parin dyan!!" I got back to reality when Thea shouted directly at my ear. Langya!
"Masakit alam mo yon? Umalis ka nga dito!" Sigaw ko tapos inirapan ko pa sya, hmp.
Minsan ko na nga lang maisip si Kyle may iistorbo pa? Nakakainis!
"Sorry." Narinig kong humingi ng tawad sa'kin si Thea ngunit hindi ko namang sya hinarap. Nahalata nya siguro na badtrip ako ngayon, aba dapat lang na mahalata nya! Badtrip talaga ako, istorbo kasi sya eh!
At imbis na makipag-usap ako sa kahit na kanino ay hinintay ko nalang na dumating yung next teacher at nakinig nalang sa lesson nya without me looking at her even once.
DISMISSAL
Wala akong kasama ngayong naglalakad sa hallway dahil hindi nga kami okay ni Thea. Siguro umuwi na yun ng maaga, ganun kasi siya everytime na nag-aaway kami. Tapos sina Sia at Kayla naman, hindi ko mahagilap sa kung saan.
Habang naglalakad ako sa hallway, ay may nadaanan akong bruhita kasama ang kanyang mga dwendeng alagad.
"Well, well, well. Nandito pala ang babaeng lansangan. And why so lonely? Bakit wala kang kasama? Iniwan ka na ng mga friends mo dahil narealize nila na isa kang squatter?" Siya nga pala si Katy, my one and only enemy. Oh, rhyme yon!
Maglalakad na sana ako palayo kaso bigla nyang hinigit yung braso ko dahilan para mapaharap ako sakanya, saktong pagkaharap ko ay sinampal nya ako.
"Don't ever ignore me when I'm talking to you! Have respect for people like me na mayaman. Hindi tulad mo na nakatira lang sa kalye!" Sigaw nya. At sa oras na iyon ay hindi ko na napigilang tumulo yung mga luha ko dahil sa mga sinabi nya. Kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko ay alam kong maraming tao na ang nakapansin sa'min, rinig na rinig ko pa yung mga bulungan nila.
Damn, ang iyakin ko talaga.
"Hala, kawawa naman si Alex."
"Tss, wala na talagang magawa sa buhay yan si Katy, dinadamay nya pa si Alex."
"Yan, buti nga sakanya."
"Yes, kill that fvcking slut."
Iilan lang yan sa mga narinig kong bulungan nila. Bakit ba ganito yung tingin sa'kin ng mga tao? Porket mayayaman sila gaganitohin lang nila kaming mahihirap? This is the major problem of our society, puro pataasan ng antas sa buhay kaya nakakalimutan na ng mga tao ang salitang humanity.
Hinayaan ko nalamang si Katy sa mga pinag-gagagawa nya dahil alam ko namang hindi ko kayang lumaban. "Ano? Bakit hindi ka na makasagot ngayon? Dapat lang yan sa'yo." Hirit pa ni Katy.
"Nasa lahi pala talaga yung pagiging malandi, 'no? Tulad ng nanay mo, sakanya ka nga siguro nagmana. Kaya siguro sya iniwan ng daddy mo kasi ubod sya ng kalandian." Dagdag nya pa. Bakit nya dinadamay si mama dito? Inaano ba sya?
At dahil sa sinabi nya ay naramdaman kong kumuyom ang aking kamao dahil sa paninira nya sa nanay ko.
"Shut the fvck up, Katy!" Kung inaakala nyo na ako yung sumigaw, well nagkakamali kayo.
Hindi ako nakatingin ngunit alam kong lalaki ang nagsalita dahil sa boses nya, kusa naman nyang naagaw ang pansin ng mga tao dahil sa malakas nyang boses.
"At bakit mo naman sya pinagtatanggol, huh? Nilandi ka rin ba nya? Tingnan mo nga naman, ang dami nang nagayuma nitong babaeng 'to!" Katy exclaimed.
"No, she will never do that. Hindi naman sya katulad mo na malandi at walang respeto sa ibang tao. And you know what? Ang panget mo, HAHAHAHAHAHA!" Saad nung lalaki sabay halakhak ng napaka-lakas, dahil sa sinabi nya ay nagtawanan din yung mga istudyanteng nanunuod sa eksena.
"How dare you?! This is a fvcking shit!" Sigaw ni Katy.
"Shit your ass, Katy. It's so ironic that your IQ is high but your EQ is so damn low." Depensa nung lalaki.
"At sa susunod wag na wag mo na ulit sasaktan si Alex, kung ayaw mong ako mismo ang gumawa ng paraan para kasuklaman ng mga istudyante dito sa University na'to." Dagdag pa nung lalaki. Halata namang napahiya si Katy kaya sya nanahimik. Matapos magsalita nung lalaki ay ramdam kong may yumakap sa'kin at bigla akong hinigit sa braso.
Nang makalayo na kami ay pinunasan nya ang luhang kanina pa tumutulo mula sa mata ko. Ang finally, I saw who he was. It was Zach, si Zach pala yung taong tumulong sa'kin kanina.
"Okay ka na ba? May ginawa pa ba syang masama sayo?" Nag-aalalang tanong nya.
Nandito kami ngayon sa field dahil dito ako dinala ni Zach, tahimik at masarap ang simoy ng hangin dito dahil medyo late na rin kaya wala na masyadong tao. At ito ang perpektong lugar para ilabas ko lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko ngayon.
Umiling na lamang ako bilang sagot sa tanong nya at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. There was silence, ang tahimik ng atmosphere until naisipan kong magsalita.
"Zach?" I said out of blue.
"Hmm?" Sagot naman nya.
"Can I tell you something?"
"Of course, what is it?"
"Alam mo, mukha lang akong palaban o matapang pero I'm actually defenseless. Sa totoo nga nyan ay simula nung umalis yung best friend ko naging sobrang duwag ko na, parang hindi ko na kayang ipagtanggol yung sarili ko nung iniwan nya 'ko." I said bitterly. Well totoo yun, simula nung umalis si Kyle naging ganito na'ko, walang kalaban-laban.
"Sino naman yang tinutukoy mong best friend?" Tanong nya pero nakatingin sya sa malayo.
"He's name is Kyle. Kyle Alexander Sanchez, he's my childhood best friend na ngayon ay naninirahan sa America." I simply answered.
"Ewan ko kung ano yung dahilan kung bakit nya ako iniwan dito sa Pilipinas, pero hanggang ngayon nagbabakasali parin akong babalik sya, kahit parang sobrang labo na." I continued without even noticing na tumutulo na pala ulit yung mga luha ko.
Zach POV
It's already dismissal time at hanggang ngayon hindi ko mahagilap si Alex. Hinahanap ko sya kasi gagawa pa kami ng P.T sa bahay namin, kailangang-kailangan ko sya ngayon kasi sya lang yung naka-gets nung lesson sa aming dalawa.
Nilibot ko na ang bawat kanto ng University na'to pero hanggang ngayon hindi ko parin sya makita.
Saan ka ba pumunta, Alex?
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa mapadpad ako sa hallway, naisipan ko magtanong nalang sa mga estudyante dito kaysa magpakahirap ako sa paghahanap. Kilala naman siguro nila yun, famous yun dito eh!
"Hoy nerd, kilala mo naman si Alex, diba? Si Brea Alexandra Flores. Nasaan sya?" Tinanong ko yung nerd habang hawak-hawak ko sya sa kwelyo nya dahilan para lumutang sya sa ere, trip ko lang manakot ngayon. Eto namang si nerd, takot na takot agad.
Mukha ba akong serial killer, ha? Ang gwapo ko naman para maging isang serial killer eh. Waaaaahh! Ang lakas ng hangin!
"K-kasama si Katy. Nag-aaway a-ata." Dahil sa sinabi nya ay parang bumagsak sa'kin ang langit at lupa. May umaaway kay Alex?
"Saan!?" Nanggigil kong tanong dun sa nerd, kasalanan nitong nerd kapag napagalitan ako ni boss.
"D-dun sa may h-hallway." Nabubulol na sagot nya. Ang tanga naman nitong kausap ko, nasa hallway na nga kami eh wala naman sila Alex.
"Kawawa naman yung girl, sis. Sinampal pa nung aswang na Katy." Rinig kong pagbubulungan nung dalawang babaeng napadaan. HAHAHAHA, chismoso lang ang peg.
Agad naman akong kumaripas ng takbo at pumunta sa direksyong pinaggalingan nung dalawa. Pagkaliko ko sa isang pasilyo ay nakita kong maraming istudyanteng nakapalibot sa dalawang babaeng nag-aaway. At yung nerd? Wala, binitawan ko kaya ayun nalaglag sa floor.
Napamura nalang ako sa nakita ko.
F*cking son of a b*tch.
Si Alex yung isang babae dun at sinasaktan sya ni Katy!
Walang pag-aalinlangang lumapit agad ako at pinagtanggol si Alex dun sa bruhitang umaaway sakanya.
Tangina ne'to, awayin mo na lahat wag lang ang babaeng iniingatan ko.
Medyo humaba ang pakikipag-sagutan ko dun sa bruha dahil ayaw nyang magpatalo, may pa witch craft pa syang nalalaman, tsk.
Nung natalo at napahiya ko na yung bruhita ay dinala ko si Alex kung saan walang tao para dun sya makapag-relax. Tinanong ko sya kung may iba pa bang ginawa sakanya yung panget na yun at umiling lang naman sya. Alam kong masama parin ang loob nya kaya hindi na muna ako nagsalita.
"Zach?" She said out of the blue.
"Hmm?" I answered.
"Can I tell you something?"
"Of course. What is it?" Doon sa puntong 'yon, nagkwento na sya.
May nabanggit pa nga syang iniwan sya ng best friend nya eh, tinanong ko naman sya kung sino yung tinutukoy nya kahit hindi ko parin naman makilala kahit malaman ko pa yung pangalan. And she said...
"He's name is Kyle. Kyle Alexander Sanchez. My childhood best friend na ngayon ay nasa America." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi nga. Oh my gulay! Si Kyle!?
"Ewan ko kung ano yung dahilan kung bakit nya ako iniwan dito sa Pilipinas, hanggang ngayon nagbabakasakali parin akong babalik sya, kahit parang sobrang labo na." She continued.
Sadness is visible in her eyes, gusto ko syang i-comfort in some way pero hindi ko magawa. Grabe lang, ha! Hindi ko alam na ganito pala ang pinagsamahan nila ni Kyle, shet.
"Alam mo, Zach? Kung hindi ka dumating, siguro tuluyan na'kong nilamon ng kahihiyan. Salamat kasi pinagtanggol mo'ko." She sincerely said and smiled at me kahit na kitang-kita parin ang lungkot sa mga mata nya.
"No problem. Basta ikaw, gagawin ko ang lahat." Hindi ko na pinag-isipan pang sabihin sakanya ang bagay na 'yon, kahit na isipin nya pang may gusto ako sakanya dahil sa sinabi ko, bahala na.
Siguro nga may gusto na'ko sakanya..
dhjglajdjsksjjaka.
Ano ba naman yan, Zach! Ano ba 'tong iniisip mo! Umayos ka self, wag kang marupok.
"Can you be my best friend? Alam kong masyado namang mabilis pero sana um-oo ka." She asked.
Best friend lang? Ayaw mo ng boyfriend? HAHA, joke!
"Of course. Thank you for giving me the opportunity, I promise hinding-hindi kita papabayaan." I happily replied. After that, she hugged me tightly and I hugged her back.
DUG DUG. DUG DUG. DUG DUG.
Hayysss, ganito pala yung feeling kapag kayakap mo yung babaeng muling nagpatibok ng puso mo.
Ang rupok ko talaga.