Alex PO
Few days later
My eyes are swollen because of crying too much. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin matanggap na wala na sa Pilipinas si Kyle. Aaminin ko, medyo galit ako sakanya dahil hindi nya agad sinabi sa'kin na aalis na sya. Kung sakaling nalaman ko agad, I'll make every second count.
My 7th birthday is on May 17, which is tommorow. And I'll celebrate it without my best friend. Dati, palagi syang kasama sa birthday ko. Kahit sya lang ang bisita ko ang saya-saya ko na. But tommorow, there's nothing but sadness. Ay hala sya! Ang drama!
-----------------------
"Alex, gising na! Kumain ka na ng agahan mo." Agad akong bumangon at bumaba para kumain ng breakfast.
But when I got down.. I got the biggest shock of my life. Wow ha! Ang OA ko ngayon, nafi-feel ko.
"Haluh! Ang daming pagkain! Para sa'kin ba'to, ma?" May halong excite ang boses ko.
"Sino bang may birthday ngayon? Ako?" Malokong tanong ni mama habang tumatawa ng mahina. Aba, namimilosopo na rin pala si mama, huh?
Tumakbo ako papunta sakanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.
"Thank you, mama!"
"Bakit ka nagpapasalamat sa'kin? Hindi naman galing sa'kin ang lahat ng 'to." Saad ni mama with matching makahulugang ngiti. Huh? Ano daw? Kung hindi 'to galing kay mama, kanino naman 'to nanggaling?
"Kanino 'to galing? Kay Papa?" Naguguluhan kong tanong sakanya.
"Hindi, anak." Matipid nyang sagot. Ehe, bitter si mama dahil iniwan kami ni papa. Chos!
"Eh kanino? Wala namang ibang taong nagmamahal sa'kin kundi ikaw at.. Si papa, dati." Tanong kong muli.
"Ilang araw palang ang lumilipas nakalimutan mo na agad ang taong tunay na nagmamahal sayo." Ay graveee sya? Nag-7th birthday lang ako may pamahal-mahal nang nalalaman si mader dear.
"Sino kase, ma? Pa-suspense ka pa eh!" Inip na tanong ko sakanya ngunit hindi parin sya sumagot? Ah, ganon?
"Maaaaa, sino ngaaa?"
"Si Kyle, sino pa ba?"
Teka, tama ba yung narinig ko? Si Kyle? Si Kyle? Palagi nalang si Kyle! Si Kyle na walang malay! Si Kyle na kaibigan ng lahat at kapatid ng bawat girl scout? Hala, anong pinagsasasabi ko?
Okay, back to reality na tayo guys. Masyado na tayong napapalayo sa earth.
Si Kyle? Diba nasa America na yun. "Haaaa? Si Kyle???"
"Oo, anak." Nakangiting sagot ni mama.
"Ahh." Matipid kong sagot. Wala lang. Tampo ako eh, what's your pake?
"Anak, huwag ka nang magalit kay Kyle. Alam kong mahal na mahal ka nya, tingnan mo, kahit wala siya dito sa Pilipinas nagawa nya pang maghanda para sa birthday mo." Pagpapaliwanag ni mama.
At syanga pala. Kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman na sa America na titira sina Kyle, si mama yung nagsabi sa'kin nun. Sinabi daw yun ni Kyle sakanya nung nakatulog ako. Chismosa si mader eh, charot.
"Mama, kain na tayo?" Pang-iiba ko ng topic. Ayaw ko na munang pag-usapan si Kyle. It still hurts. Oha! English yon!
Tumango na lamang si mama at kumuha ng pinggan, kutsara, at tinidor. Malamang!
"Anak, may ibibigay ako sa'yo." Napatingin ako kay mama ng bigla syang nagsalita. Tumayo siya at may kinuha sa cabinet.
"Ano yan, ma? Suhol ni Kyle? He's so pathetic." Saad ko sabay irap sa ere. Attitude ako, ghorl.
Nakakasura naman kasi! Ano bang tingin sa'kin ni Kyle? Materialistic na tao? He's so wrong. Kahit na simpleng pag-uwi nya lang dito sa Pilipinas ay para sa'kin ay the best gift na yon!
Lumapit sa'kin si mama at may ibinigay na paper bag. Mukhang paper bag ng isang jewelry shop. Binuksan ko yun pati na rin yung box (yung lalagyan ng jewelry). At nung makita ko ang laman nung box, ay naramdaman kong may tumulong luha mula sa mata ko.
Nakita ko ang isang gold bracelet na may nakalawit na kalahating heart sa gitna. Gets nyo? With a folded paper.
Alam kong na-sakanya yung kalahati nung puso sa bracelet ko. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung anong klaseng bracelet 'to, duhh.
Binuksan ko ang papel at tinignan ang nakasulat dito..
"Hiii, Alex! Happy Birthday! Sana hindi ka na galit sa'kin. Wag kang mag-alala, babalik ako dyan sa Pilipinas. Sana magustuhan mo yung regalo ko sa'yo! Alabyuuu!" Yan yung nakasulat dun sa papel. Alam kong hand-written yun ni Kyle kase mukhang kinayod ng manok.
Since that day, medyo nabawasan na yung galit ko sakanya. Nagkaroon na rin ako ng pag-asa na huwag magsawang hintayin ang pagbalik nya dito sa Pilipinas.
I know he'll come back, laban lang!
Kyle's POV
We're here on America right now, nagmakaawa lang ako kay mommy na maghanda ng konting pagkain para sa birthday ni Alex, tapos ipapadala nalang a day before her special day.
Ako pa! Hindi ko makakalimutan birthday non!
Nagpasama rin ako kay mommy sa jewelry shop para makabili ng regalo ko sakanya. Pera ko gamit dito ha! Nagpasama lang talaga ako kasi baka sumbatan ako ni mommy na nagpasama na nga ako sakanya sya pa ang magbabayad and chechebureche nyenyenye.
Pagkatapos kong bumili ng bracelet na ireregalo ko kay Alex, gumawa ako ng letter ako inilagay ito sa loob ng box ng jewelry.
Sana magustuhan nya.
-------------------------
Fast Forward
Alex POV
15 Years Old (Haha, ang bilis.)
"Waaaaah! Ang galing-galing mo talaga!!" Sigaw ko nang maka-shoot ang aking Prince Charming sent from above na si Vince. And yes, crush ko sya. Ahihihi! Kilig si ako!
"Grabe ka sistaret, ha! Ang lakas ng sigaw mo, baka mamaya mahalata ka nyan." Paalala ni Thea dahilan para biglang akong matauhan at mapatakip ng bibig.
Ayy, oo nga pala. Ayaw ko kasing malaman ng ibang tao na crush ko si Vince my loves maliban nalang sa mga kaibigan ko, nakakahiya eh, and at the same time baka sugurin ako ng mga fangirls nya.
Teka, sino si Thea? Ahh, sya nga pala ang aking beshy slash partner in crime. Nakilala ko sya dito sa SNU or Sanchez National University simula nung unang pag-transfer ko palang dito.
Mga mayayaman lang ang nag-aaral sa school na'to maliban nalang sa'kin. Scholar kasi ako kaya ako nakakapag-aral dito. Ang talino ko talaga!
Baka naman akalain nyo na nakalimutan ko na si Kyle, syempre hindi noh! Hanggang ngayon hinihintay ko parin sya, kahit sobrang tagal na. Maybe, 8 years? Ewan ko! Medyo naiinip na nga ako eh. Pero laban lang mga, sis!
Every year sumisilip ako sa bintana ng kwarto ko para makita ko kung nakauwi na ba sila, malalaman ko kasi agad yun kapag nakita ko na yung kotse MGA kotse nila.
Oo guys, in-emphasize ko talaga yung word na MGA para malaman nyo na madami silang sasakyan. Sher ko lang.
Kahit si Thea at yung dalawa ko pang alalay- este kaibigan ay alam na yung tungkol kay Kyle, na-cutan nga sila sa story naming dalawa eh. Sana all daw may childhood best friend na pogi.
"Hoy Alexandra! Tulaley ka nanaman. Siguro pinapantasya mo si Vince, 'no?" Saad nya habang winawave ang kamay sa harap ng mukha ko.
Parang si Kyle rin 'tong babaitang 'to eh, parehas silang nakakarindi yung boses. =_=
Freetime namin ngayon kaya nandito muna kami sa gymnasium para panuodin ang paglalaro ng basketball ng aking soon-to-be asawa. Actually, inakit nya nga AKO na manuod eh. Ahihihi, kinikilig nanaman ako.
"Hindi, 'no! Nasa harapan ko na nga si Vince tapos papantasyahin ko pa. May iniisip lang ako, yun lang."
"Ano naman yang iniisip mo, huh?" She stopped then looked at me ng nakakaloko.
"O hindi kaya SINO, ayieeeee!" She tusok-tusok my tagiliran and emphasized the word 'sino'. Ay hala, bakit ganito na'ko magsalita?
Makikipag-debate pa sana ako sakanya ng biglang sumulpot sa kung saan ang aking soon-to-be asawa at kinausap ako.
"Alex, pwede mo ba along samahan sa cafeteria? Nakakapagod kasing maglaro eh." Nakangiting sabi nya. Owemjii, ang gwapoooo!
"H-ha? A-ako ba?" Ano ba yan, Alex? Why are you stuttering?
"Oo daw. Sasama daw sya sayo." Si Thea na ang sumagot para sa'kin at pinagtulakan ako patayo dahilan para mapakapit ako sa braso ng aking soon-to-be asawa. >/////<
"Ahh s-sige, t-tara." Kinikilig na sabi ko. Ayaw talagang makisama nung bibig ko, palagi nalang akong nabubulol kapag kausap si Vince eh!
Ngumiti sya then umakbay sa balikat ko. Huhubels, sana hindi na matapos 'to!
Patago kong nilingon si Thea na ngayon ay naka-thumbs up sa'kin habang naglalakad kaming dalawa ni Vince palabas ng gym.
"Bakit palagi kang nabubulol kapag kinakausap kita? Wag ka nang mahiya sa'kin, magkaibigan naman tayo, diba?" He suddenly asked.
*Gulp*
"Ah-eh, nahihiya pa kasi ako sa'yo eh." Pagpapalusot ko.
Myghad, malalaman nya na talaga na crush ko sya kapag hindi parin nakisama 'tong bibig ko!
"Atsaka, natatakot ako kasi baka sugudin ako ng mga fangirls mo, ang dami pa naman nila." Dagdag ko pa. He chuckled at what I said.
Waaaah~, ang sarap sa ears ng chuckle nyaaa.
"Wag kang mag-alala, akong bahala sa'yo."
Holy mother of my mother!! Pigilan nyo 'ko, baka pakasalan ko 'to!
Nang makarating na kami sa cafeteria ay pumunta sya sa counter upang bumili ng inumin. Ako naman 'tong si kilig na kilig hanggang puwet, ay nagpipigil lang ng ngiti habang inaalala yung sinabi nya kanina.
"Alex, may gusto ka ba? Libre ko na." Bigla akong natauhan ng bigla syang magsalita.
Gusto ko? Ikaw, gusto ko, ahihihihi.
"H-ha? Wag na, busog pa 'ko kain kasi kami ng kain ni Thea habang nanunuod ng laro nyo eh." Sagot ko naman at tumango lang sya.
Bumili lang naman sya ng bottled water at ng nova tapos sabi nya na bumalik nalang daw muna kami sa classroom kasi baka dumating na yung next teacher namin dahil malapit na daw matapos yung freetime.
CLASSROOM
"Blah blah blah blah blah blah blah." Teacher namin yan. Nagbubunganga- este nagdidiscuss pala.
Ako kasi 'tong si tulala habang nakadungaw lang sa bintana eh. Masyadong occupied yung utak ko ng mga nakakakilig na sinabi ni Vince sa'kin kaya wala akong maintindihan sa sinasabi nya.
"Ms. Flores, are you listening in our discussion?" Oh my gulay! Yan ang napapala ng mga lutang!
"Yes po, ma'am." Shet! Yari ako! Get ready self, tatanungin na tayo ni ma'am about dun sa dini-discuss nya!
"Very well." Sabi nya habang.. nakangiti sa'kin?
Isang malaking himala ata 'to! Hindi ako tinanong ni ma'am tungkol sa lesson. Plus, nginitian nya pa ako! Yieeee, alabyu na ma'am.
Kung iniisip nyo na masyado naman akong OA para magpanic in my thoughts. Well, terror kasi yan si Ma'am Catapang. And first time ko syang nakitang ngumiti sa isang istudyante.
Special ata ako para sakanya, ahihihi! Chos!
*Kriiiiiiing*
Yes, finally! Lunch na!
Nagsilabasan na ang iba sa mga kaklase ko habang ang iba naman ay nag-aayos parin ng gamit nila, kabilang na ako dun.
"Hoy, ang swerte mo, ha. Hindi ka tinanong ni ma'am about sa lesson natin kanina." Biglang sulpot ni Thea sa kung saan.
"Syempre, ako pa, duhh." Pagmamayabang ko sakanya habang pinupulot ang mga crumpled paper na tinapon ko kanina sa ilalim ng upuan ko, HAHAHAHA.
"Alex!" Bigla akong napatayo ng hindi oras nang tawagin nanaman ako ng soon-to-be asawa ko. Ang swerte ko naman ngayon! Hindi na nga ako tinanong ni Ma'am Catapang kanina tungkol dun sa lesson tapos kinakausap pa'ko ni Vince.
"Bakit?" Tanong ko. Yiee, hindi na'ko nabubulol.
"Pwede ba akong sumabay sainyo ngayon?" Ay shemaaay! Sasabay daw sya sa'min!
Hindi ako agad nakasagot sakanya dahil hanggang ngayon ay nagwawala parin ang lamang loob ko. Ay wow?
"Hoy, sasabay daw!" Aray, ha. Sumigaw ba naman sa tenga ko ang best friend kong nakalunok ng microphone.
"Sige ba." Nakangiting sagot ko naman. Ngumiti naman sya bilang tugon. Kyaaah! Ang pogii~
Naglakad na kaming tatlo papunta sa cafeteria matapos kong mag-ayos ng aking kagamitan at maglinis ng teritoryo ko. Ito nga pala yung formation namin ngayon:
Si Thea sa left side, ako sa gitna, tas si Tony sa right side.
Syempre, ipapaubaya talaga sa'kin ni Thea yung pwestong yun! Kapag hindi, edi sasapakin ko sya. Chos!
*Bogssshhhhh!!*
"Ayy tanga!" Sigaw ko. May nabangga akong lalaki eh, naglanding tuloy siya sa sahig.
In fairness, pogi si kuyang naglanding sa sahig. Buti nalang hindi din ako naglanding sa sahig dahil sinalo ako ni Vince my loves, ahihihi.
"Hala, sorry." Inilahad ko ang kamay ko upang matulungan ko syang makatayo, tinanggap naman nya ito.
Ngunit bago pa man nya ito tanggapin ay tinitigan nya muna yung kamay ko kung saan nakalagay yung bracelet na binigay sa'kin ni Kyle. Kita ko naman sa facial expression nya na nagulat siya. What's his problem?
"Okay lang, hindi kasi ako tumitingin sa daan eh. Sorry din." Ani nya habang nakangiti. "Zach nga pala." Pagpapatuloy nya at nakipag-shake hands sa'kin.
"Ahh, okay lang din. Alexandra, Alex for short." Ngumiti naman ako pabalik.
Sa oras na sinabi ko ang pangalan ko ay lalong nadagdagan ng gulat yung facial expressions nya. Sino ba 'tong lalaking to? Kung magulat parang may multong kausap. Hindi naman ako mukhang multo, ah. Ang ganda ko kaya. Oh, kumontra pangit.
"Alexandra? As in, Brea Alexandra Flores?" Hala? Kilala nya na pala ako? Ganun ba ako ka-famous?
"Yes, why?" Tanong ko habang hindi parin tinatanggal ang ngiti sa'king labi.
"Ah, wala. Nice to meet you nga pala." Sagot nya at ngumiti din then naglakad na palayo.
Bruhh, you're so effin' weird.