Chereads / So It's You (Tagalog) / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Alex POV (six years old)

Nakahiga ako ngayon sa sofa habang nanunuod ng TV, favorite ko kasi yung cartoons na Miraculous Ladybug, hihi! Kinikilig kasi ako tuwing magkasama si Ladybug at Cat Noir.

Okay naman ang lahat ng nangyayari sa araw ko dahil walang umiistorbo sa'kin at ang sarap pa ng higa ko dito sa sofa namin.

But then.. nakarinig ako ng isang napakalakas na sigaw mula sa labas ng bahay namin. Istorbo talaga kahit kailan eh!

"Alex!! Lumabas ka dyan!!" Boses palang ay kilalang-kilala ko na kung sino ang napaka-ingay na nilalang na iyon.

Kahit kelan talaga hindi na nahiya yung lalaking yun! At dahil nga sinabihan nya na ako na lumabas ng bahay ay sinunod ko yung utos nya upang malaman ko kung anong kailangan nung baliw na nagsisisigaw sa labas.

"Ano bang kailangan mo at nagsisisigaw ka dyan? Andaming kapit-bahay na maiistorbo dahil dyan sa boses mo." Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na huwag tumawa, mukha kasi syang tanga eh. Kalma lang self, wag kang tumawa.

"Ahmm.. paano ba yung hiya?" Aba, pinipilosopo na rin pala ako ng isang 'to, ah!

"Bahala ka sa buhay mooo! Manunuod pa'ko ng cartoons eh!" Akmang papasok na sana ako sa loob ng bahay nang biglang sumigaw nanaman ng napakalakas yung baliw na sadyang nagpatigil sa aking paglalakad.

"Teka laaang! Laro kasi tayo, pleaseeee."

Teka nga! Nasabi ko na ba sainyo kung sino yung baliw na yan? Kung hindi pa, sya nga pala si Kyle Alexander Sanchez, and he is my best friend. Gwapo, matalino, mabait (siguro), at mayaman.

Engineer kasi sa ibang bansa yung daddy nya at mayroon pa silang company doon kaya wag na kayong magtaka kung bakit ang yaman nya.

Pero alam nyo ba? Syempre hindi.

Kahit na mayaman at sosyal yang lalaking iyan ay napaka-dugyot nyan. Daig pa ang baboy damo, mga sistar!

Isa pang teka! Eh yung pangalan ko, alam nyo na ba? Well, my name is Brea Alexandra Flores. Hindi kayamanan ang pamilya namin, nagtratrabaho lang ang nanay ko bilang head-chef sa restaurant nila Kyle pero hindi parin yun hadlang upang mabuhay kami ng maayos at matiwasay.

Kita nyo na! May pagmamay-aring restaurant sina Kyle at hindi lang iyon ang pagmamay-ari nila dahil marami pa silang businesses all over the woooooorld!

Tapos yung tatay ko naman. nasa ibang pamilya na. Ehe, hende nemen mesheket.

Hapon na ngayon at hindi na din naman masyado mainit sa labas kaya ang lakas na ng loob ni Kyle na ipagtulakan ako palabas ng bahay para pilitin akong makipag-laro sakanya. Sayang naman, hindi ko tuloy natapos yung pinapanuod ko, huhu.

*Blaaaaaag!*

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat.

"BWAHAHAHA! Buti nga sayo!" Nakahawak ako sa tiyan ko habang naglalabas ng malakas at mahabang tawa.

Anong nga bang nangyari sakanya? Simple lang. Nadapa sya. HAHAHAHHAHAHA!

"Hindi mo ba ako tutulungan?" May halong pagtatampo ang tono ng kanyang boses.

At dahil may konsenya din naman ako na kahit konti ay nilapitan ko na sya at tinulungang makatayo. Inalalayan ko sya papunta dun sa gripo na nakadikit sa dingding na ginagamit ni mama tuwing maglalaba sya. Gets nyo?

Then nilinis namin ang sugat nya sa tuhod. Nakakaawa naman kasi sya eh.

Syempre joke lang! Ako? Maawa dyan? No way! Highway!

Magkasing-edad lang kami ni Kyle ngunit hindi yan basta-bastang umiiyak sa mga bagay-bagay. Kita nyo naman na hindi sya umiyak nung nadapa sya, hindi ba?

May lahing abnormal + monggoloid kase yan eh. Actually, hindi ko pa nga sya nakikitang umiiyak eh. Never in his life yata syang nakaramdaman ng sakit, manhid ka teh?

Matapos kong linisan ang sugat nya ay nilagyan ko na ito ng bandage na may teady bears na design. Hihi! Ang cute!

"Hala ka! Yari ka sa mommy mo pag nakita nya yang sugat mo sa tuhod." Pananakot ko habang winawave ko pa yung index finger ko pauna then paatras and vice versa.

"Okay lang, hindi naman masakit eh. Ang saya kaya madapa."

Sya lang yata ang kaisa-isang tao na nasisiyahan kapag nadadapa. Monggoloid talaga. =_=

"Anong masaya dun eh nagkasugat ka na nga. Hindi ka ba nasaktan? Kung ako yung nasa sitwasyon mo ngayon, iiyak ako ng napaka-lakas." Ani ko. Yep, that's me, isang batang iyakin.

"Hindi nga masakit, bakit ako iiyak?"

"Hala, ang manhid mo talaga."

"Paano ko ba naman yun mararamdaman eh sa tuwing makikita palang kita.." Bahagya syang napatigil at tumingin sa'kin ng serysoso.

"Okay na okay na ako." Then boom! Ngumiti nanaman sya ng napaka-gandaaaaa. Packin' sheet of paper!

"Edi wow! Dami mong alam." Inirapan ko sya at pansamantalang yumuko para itago ang namumula kong mukha. Alam kong namumula ako ngayon, sino ba namang hindi kikiligin kung ang babanat sa'yo ay isang poging lalaki?

>//////< Yan yung itsura ko ngayon.

Ano ba yan?! Ang dami kong sinasabi ang bata-bata ko pa!

"Bakit ka namumula? Crush mo ko noh? Ayieeeeeee! Crush ako ni Alex, yuhoooo!" Tinusok-tusok nya yung tagiliran ko at umarteng nagpa-party-party.

Spell ASA? K-Y-L-E.

"Alam mo? Ang kapal mo. Ang bata pa natin ganyan agad iniisip mo! Bahala ka na nga dyan, babalik na'ko sa bahay pinaglololoko mo lang naman ako." Tumayo ako then tumakbo hanggang sa makarating ako sa bahay ngunit sa kasamaang-palad ay..

*Booogsshhh!*

"WAAAAHH!" I shouted na parang ako lang ang taong nakakarinig sa sigaw ko. Wala na akong pake kahit makaistorbo ako ng kapit-bahay, basta feel kong sumigaw ngayon.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA! Ano ka ngayon?" Rinig na rinig ko yung tawa nung monggoloid mula sa malayo.

Sino ba namang hindi matatawa.. ehh..

ehh..

NADAPA AKO!! >.<

"Araaaaaaay! Huhuhu, ansaket!" Sigaw kong muli.

Shemsss, nakakahiya! Tinawag ko pa naman syang lampa kanina, eh ako din naman pala.

Iyak lang ako ng iyak habang nakaupo sa kalsada dahil hinihintay kong lapitan nya ako pero wala naman ata syang balak na gawin yun kasi hanggang ngayon tawa parin sya ng tawa.

Nagpunas ako ng luha ko pero balewala din naman yun kasi may panibagong luha nanaman na tumutulo sa mata ko. Bigla akong nagulat nang may naramdaman akong yumakap sa'kin. Tumingala ako upang tingnan kung sino iyon at si Kyle pala yun.

See? Bipolar sya. Kani-kanina lang wala manlang syang balak na tulungan ako pero ngayon? Eto, nakayakap na sya sa'kin.

"Yan kase, hindi ka nag-iingat. Wag ka na ngang umiyak hindi bagay sayo, ang panget mo tuloy." Tinulungan nya akong makatayo at pinagpagan nya ang siko at tuhod ko. Napaka-bait talaga nitong bespren ko.

Sa bahay ko

"Oh Alex, Kyle. Anong nangyari sa mga tuhod ninyo?" Tanong ni mama sa aming dalawa.

"Ahmm.. nadapa po kami, tita." Kamot-ulong sagot ni Kyle at hiyang ngumiti.

"Hay na'ko, napaka-likot talaga nitong dalawang 'to. Kapag ba nadapa ang isa kailangan madapa rin yung isa?" Nakangiting saad ni mama, then she chuckled.

"Tita, gutom, hihi." Pag-segway ni Kyle kaya naman naiba na yung topic namin. Kung makahingi kay mama ng pagkain parang nanay na nya, eno? Nagpapa-cute pa sya hindi naman cute, tsk. Bitter ako, ghorl.

Pinaupo kami ni mama sa sofa at binigyan ng pagkain. Ang pagkain ni Kyle ay chocolate cupcake at iced tea, tapos ang akin naman ay ang napakasarap na mac and cheese and mango juice. Favorite ko kasi yung mac and cheese eh! Lalo na kapag si mama yung nagluto, pang-master chef kaya ang talent nyan in terms of cooking!

Ganito lagi ang set-up namin ni Kyle tuwing hapon, maglalaro kami tapos mag-memeryenda sa bahay namin. Mas gusto nya ditong mag-meryenda dahil mas masarap daw magluto si mama kesa sa personal chef nila sa bahay nila. Syempre, si mama pa!

Kyle's POV

Malapit na mag 5:00 p.m kaya nagpaalam na'ko kay Alex at kay tita na uuwi na ako. Walking distance lang naman yung bahay namin kaya kayang-kaya ko nang umuwi mag-isa.

Ngiting-ngiti ako habang naglalakad pauwi, at hindi ko naman alam yung dahilan. Nababaliw na ata ako.. baliw kay Alex.

Charot.

Naalala ko kasi nung nadapa sya, ang cute nya. Niloloko nya pa akong lampa eh sya rin naman pala.

Nang makarating na ako sa bahay namin ay agad na napansin ni mommy yung sugat ko sa tuhod. "Kyle! Anong nangyari sayo?" Natatarantang tanong ni mommy.

Ever since nung nangyari yung incident dati, mas lalo silang naging protective sa'kin. Buti nalang talaga at niligtas ako ni Alex noon, kung hindi edi sana deads na'ko ngayon. Yun nga din yung dahilan kung bakit naging mag-best friends eh, dun kasi sa scenario na yun kami nagkakilala.

"Nadapa lang po ako, mommy. Pati nga po si Alex nadapa eh, twinning kami." Sagot ko habang nagpapa-cute sakanya.

"Ganun ba? Nakakatuwa naman kayong dalawa." Sagot naman nya. Ngek! Nadapa na nga nakakatuwa pa.

Pero bakit parang ang lungkot ni mommy ngayon?hindi ata effective yung pagpapa-cute ko. Pero ipinasa-walang bahala ko nalang iyon kasi alam ko namang cute ako no matter what happens, haha!

"Kyle?" May halong lungkot ang boses ni mommy. Napatingin naman ako sakanya dahil doon.

"Yes, mader?"

"Okay lang ba sayo kung lumipat tayo sa America at doon tumira for good?" Tanong nya na ikinagulo ng isip ko.

What does she mean? Wow, english.

"Hindi po, ayaw ko po." Diretsong sagot ko. Ayaw kong lumipat ng bahay, ayaw kong mapalayo kay Alex, duhh.

"Magiging mas maganda ang buhay mo doon, Kyle. Makakasama mo na din ang daddy mo." Pagpapaliwanag ni mommy. Nagtanong pa sya eh sya din naman pala ang masusunod, tsk.

Sana naka-relate kayo. HAHAHAHA.

Hindi nalang ako sumagot dahil alam kong wala naman akong laban sakanya, ang bata-bata ko pa ano namang laban ko dyan? Alam kong lilipat kami, at wala naman akong choice. As usual.

Instead of talking to her ay pumunta nalang ako sa kwarto ko at nagpahinga, nakakapagod kasing makipaglaro dun sa lampa kong best friend. Pero kahit lampa yun, love na love ko parin sya. Ayieeeeee, kilig sya oh!

Hmm.. kailan kaya kami lilipat? Pa'no kung hindi na kami bumalik? Paano kaya si Alex kapag umalis ako?

Myghad cassie, ang lalim tuloy ng iniisip ko. Natatakot ako dahil baka magalit sa'kin si Alex kapag nalaman nyang iiwan ko sya dito sa Pilipinas. Mahal na mahal ko yung babaeng yon, ayaw na ayaw kong ma-disappoint sya sa'kin. Siguro...

Mahal ko na talaga sya, more than friends.

Ay engot! Ano ka ba, Kyle?! Adik na ba?

Kasalanan 'to ni Alex dahil masyado syang cute eh!

Hayst, maka-idlip nga muna. Naaaning na yata ako eh.