Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 57 - Danger Awaits

Chapter 57 - Danger Awaits

Chapter 54: Danger Awaits

Haley's Point of View  

"Nandito na tayo, gumising ka na riyan." Pang-aalog sa akin nung lalaking katabi ko para magising ako.

Dumilat na nga ako at umalis sa pagkakasandal para luminga-linga. Medyo madalim dito sa pinag park-an nila ng kotse kaya 'di ko rin made-describe kung nasa'n nga ba ako.

Binuksan nung lalaking na sa passenger seat kanina ang pinto ko at yumuko para silipin ako. Nakasimangot lang din siya sa akin.  

"Dalian mo. Nagugutom na ako." Pagmamadali ng lalaking 'yun kaya lumabas na nga ako sa sasakyan nang hindi na sila magreklamo. Naiirita lang ako kapag hindi ako nagkukusa.

 

Ngunit dapat ba tinanong ko 'yung mga pangalan nila? Pero hindi ko rin naman sila makikita pagkatapos nito kaya ano pang saysay? Ah, ganito na lang.

Iyong lalaking driver is boy 1, iyong na sa passenger seat naman ay boy 2 habang boy 3 naman 'yung lalaking katabi ko kanina.

Oh, 'di ba? Mas madali kung ganoon kaysa naman malaman ko pa 'yung mga pangalan nilang kakalimutan ko rin naman balang-araw.   

Lumabas kami sa madilim na parking-an na 'yun at tumambad sa akin 'yung makalumang gusali. Ito 'yung madalas ko ring makita sa pelikula kung saan kini-kidnapped 'yung mga bida-- pero masasabi ko bang na-kidnapped ako kung ako 'yung nagkusang sumama?

Whatever.  

Pero napaka cliche lang siguro talaga ng buhay ko at napupunta ako sa mga common places. Saka bakit wala masyadong tao? Nasa'n iyong ibang kasamahan nila? 'Di ba dapat ngayon pa lang, may mga maririnig akong sigawan somewhere o kaya 'yung iba pang tauhan ni Ray at masamang nakatitig sa akin habang naglalakad ako?

Huminto ako't ibinaba ang tingin. Bigla kasi akong natakot sa thoughts ko na baka maliban sa tatlong bugok na kasama ko ngayon. Pumunta 'yung mga natitira pang kasamahan nila para kunin si Reed.  

Naramdaman ko ang paghinto ng isa sa tatlo. "Hoy, ano pa 'yung tinatayo tayo mo pa riyan?" Takang tanong ni boy 2.  

Inangat ko ang tingin ko para makita silang tatlo, napaawang-bibig, handa ng magsalita nang makarinig ako ng ilang palakpak. "Matatawag ka bang hostage kung 'di ka man lang nakagapos? You're truly amazing, woman." Bungad ni Ray na nakabuka pa 'yung mga braso. Wala pa siyang suot na pang-itaas at naliligo pa sa sariling pawis. Mukhang nag work out pa siya or something. "Nasabi ng mga bata ko na sumama ka ng kusa, ano'ng pumasok sa utak mo't ginawa mo 'yon?" Tanong niya habang naglalakad palapit sa akin.

Nakatagilid lang ako habang 'di inaalis ang tingin sa kanya. "Beats me. Trip ko siguro." Balewala kong sagot.

Nakalapit na siya kung nasa'n ako kaya humarap ako sa kanya kasabay ang pagtakip ng ilong ko. "You stink." Amoy na amoy mo kaagad 'yung namamawis niyang katawan kahit medyo malayo-layo siya sa akin.

Umismid siya. "Siyempre, wala akong ligo ligo ng dalawang araw 'no?" Pagkibit-balikat niya at tila parang proud pa kung sabihin. Lumingon-lingon lang ako sa paligid.

"Nasa'n iyong iba mong kasama?" Hanap ko pa sa mga tauhan niya.

"Wala. Kami-kami lang dito." Sagot niya kaya ako naman itong napatingin kay Ray. Hindi makapaniwala sa naging sagot niya, and for some reason. Nainsulto ako kaya malakas ko siyang binatukan.

"Ara--"

"Minamaliit mo ba kami?!" Bulyaw ko kay Ray. "Ang lakas ng loob mong ma-kidnapped kidnapped ako. Kulang ka pala sa tao!" Dagdag ko pa.

Hawak-hawak niya 'yung ulo niya nang tapunan niya ako ng nakamamatay na tingin. 'Di ako nagpasindak, binigyan ko rin siya ng masamang tingin.

"T*ngina mo talagang babae ka, hindi ko alam kung ano 'yung pumapasok sa utak mo ngayon pero," Gumuhit ng ngisi ang labi niya 'tapos mabilis na ipinulupot ang kanang kamay sa aking beywang para ilapit ako sa kanya. "Gusto kita. Tinu-turn on mo 'ko sa ugali mo." Idinikit pa niya 'yung katawan niya sa akin kaya nararamdaman ko na 'yung bagay na hindi dapat maramdaman.

Kinuyom ko ang kamao ko para magpigil.

In this world, the right approach is to meet the risk head on. But in this kind of situation,

…What will be the best thing to do while I'm waiting for my friends?

Pasimple akong lumunok dahil sa kaunting kaba. Bakit ngayon pa ako nagda-doubt? I should just believe them, they'll come. I know it.

Jasper's Point of View  

Mabilis kong ipinunta sa kaliwa ang sasakyan nang kamuntik muntikan na kaming mabangga ng truck sa harapan. This is like a nightmare, parang nakikita ko na 'yung kamatayan kung magpapatuloy 'to. "Bilisan mo, Jasper! Kapag may nangyaring 'di maganda kay Haley, sinasabi ko sa 'yo! Sasakalin kita!" Utos ni Mirriam na nasa passenger seat at katabi ko ngayon.

Mangiyak-ngiyak ako. "Hindi ba kayo nag-aalala sa akin na baka magka-trauma ako?!" Hindi makapaniwala kong tanong pero nakatuon lang din ang atensiyon nung tatlo na sila Harvey, Kei, at Reed sa laptop.

"As long as you're not leading us to death. You won't." Balewalang sabi ni Harvey kaya mas nakaramdam ako ng takot.

"Jasper. Pumunta ka sa shortcut sa kaliwa pagkarating mo sa susunod na kanto, ro'n pumunta sila Haley kanina." Pagtuturo ni Kei ng direksiyon kaya sinunod ko nga nang marating namin ang kanto. Busina kaagad ang naririnig namin dahil hindi rin talaga ako huminto.

Gusto kong maiyak. Pwede kaming mahuli ng mga police dahil sa ginagawa namin.

"30 minutes, bago tayo makarating." Saad ni Reed 'tapos naramdaman kong tiningnan ako. "Bro, I-full speed mo na."

Napatingin na ako sa kanya mula sa rear mirror. "Seryoso ka ba? Gusto mo bang magka-record ako?!"

"Iyong license ko ang ipapakita ko kung sakali mang mahuli tayo." Sambit niya 'tapos sumeryoso ang mukha nang sulyapan ko ulit siya sa rear mirror. "Kaysa ang mahuli sa pagdating kung nasa'n si Haley."

He actually would have panicked at this moment ngayon pa mang si Haley nanaman 'yung na sa gitna ng life and death.

But I'm amazed na sinusubukan ni Reed maging kalmado ngayon.

Ngumiti ako 'tapos bumaling na nga ang tingin. "Nag mature ka nang kaunti.." Paanas kong sabi kaya pinaulit ni Reed 'yung sinabi ko pero nag full speed na ako kaya halos masubsob ang mga mukha ng mga kaibigan ko. Hindi ko sila nasabihan, eh.

Hinila sandali ni Mirriam ang buhok ko. "Aray, bebe."

"Sabihan mo kami!" Bulyaw niya sa akin.

Inapakan ko pa lalo ang gas para mas bumilis ang takbo ko. "Binilisan ko, ah?"  

Napakapit na ang mga kasama ko sa mga pwede nilang pagkapitan. "You should've told us sooner before kang magpatakbo!" Suway ni Reed.

"R-Reed. Iba na 'yung nahahawakan mo." Nauutal na sabi ni Kei, halata sa boses nito ang hiya kaya napatingin ako sa rear mirror at napangisi.

Tinanggal na ni Reed 'yung pagkakakapit ng kaliwang kamay niya sa dibdib ni Kei samantalang tinakpan naman ni Kei 'yung dibdib niya habang pulang pula ang mukha.

Si Harvey naman, halos manggigil kung tingnan si Reed.

"Isusumbong kita kay Haley." Pang-aasar ko at binaling na ang tingin. Naramdaman ko ang paglingon ni Reed sa akin.

"T*ngina mo." Mura niya sa akin kaya pinitik ni Kei 'yung nguso niya.  

Nag focus na lamang ako sa pagda-drive at sinunod 'yung mga binibigay na direksiyon ni Kei mula sa tracking system ni Reed.

Haley's Point of View  

Sa malamig na metal chair ay nakagapos ang mga kamay at paa ko habang pinapanood ang mga kasamahan ni Ray na kumain sa harapan ko na 'di naman lalayo sa akin.  

Umalis si Ray kani-kanina at may pinuntahan sandali dahil biglang nag ring 'yung phone niya kaya kailangan niya ng space. Plus, inutusan niya ang mga kumag na ito na talian ako kahit wala naman din akong balak na tumakas. Wala rin siyang tiwala sa akin, gusto pa niya akong pahirapan dito't mangalay.

Binigyan ko ng walang ganang tingin 'yung tatlo. "Sarap ng kain n'yo, ah? 'Di uso sa inyo iyong sharing?" Tanong ko sa kanila. Gutom na rin kasi ako, hindi naman ako kumain ng umagahan.  

"Manigas ka riyan. Pagkatapos mo 'kong sampalin sa mukha, may pa-share share ka pang nalalaman?" Walang manners na wika ni boy 2. Nagsasalita kasi siya habang may laman 'yung bibig, eh.  

Umismid ako. "Iba ang sampal sa hampas." Pagtatama ko pero nang-aasar lang din ako. Hinampas ko ang mukha niya pero para na ring sampal 'yung ginawa ko. Sadyang binigyan ko lang din 'yun ng force.

Lumingon na nga 'yung boy 2 na iyon sa akin habang asar na asar ang mukha. "Manahimik ka riyan, ah! Kung hindi lang talaga dahil kay boss, baka kanina pa lang. Nakatikim ka na."

Umirap ako. "Sige nga." Patuloy ko pa rin sa pang-aasar kaya akma siyang tatayo nang pigilan siya ni boy 3.

"Wala ka namang mapapala kung maaasar ka lang. Saka hindi mo siya masisisi kung nagpapapansin siya sa 'yo." Pag comfort nung boy 1 na iyon kay boy 3 na may pagpatong pa ng kamay sa balikat nito.

May pumitik naman na kung ano sa sintido ko. Buwisit, ako 'yung nang-aasar pero parang ako pa 'yung naaasar.

Lumingon na nga lang ako sa kung saan. Naiinis lang ako kapag nakikita ko silang nasasarapang kumain. Mas lalo lang akong nagugutom.

Ibinaba ko ang aking tingin. Kung iisipin ko, walang wala ito sa mga naranasan ko noong hostage ako ng Redecio siblings.

So far, hindi pa ganito kalala 'yung mga naranasan ko kumpara nung araw bago ako mawalan ng memorya dahil sa trauma and stressed. Nakakatawa nga lang isipin na parang sa sobrang dami ng nangyari sa 'yo, namamanhid ka na.  

Parang expected mo ng mangyayari 'yung mga ganitong bagay sa 'yo kaya parang wala ng takot 'yung puso mo.

O baka naman hindi ko lang alam na handa na akong mamatay?

Pero handa na nga ba akong mamatay?  

Hindi ko naman napansin na nakalapit na sa akin 'yung boy 1. Inangat ko ang tingin ko sa kanya kung saan bumaba rin ang tingin ko dahil sa inaabot niya sa aking pagkain. Tumitig pa ako sandali ro'n nang tumingala ako para simangutan siya.

"I appreciate the offer, pero hindi rin ako makakakain kung nakatali ako." Pag-angat ko sa balikat ko kaya napanganga siya.

Tumayo naman si boy 2. "Hoy, h'wag mong bigyan 'yan ng pagkain! Mamamatay rin naman 'yan mamaya o bukas. Sayang 'yung grasya."

Inirapan ko siya. "Well, goodluck." Balewala kong sabi kaya parang mas napikon siya't handa na akong sugurin pero hinawakan na siya ni boy 3. Kawawa naman, parang tuta na pinapakalma ng amo sa kakakahol.

Samantalang nagulat naman ako sa biglaang pag-alis ni boy 1 ng mga taling nakagapos sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay pagkababang pagkababa pa lang nung mga tali. Binuka-sara ko ang aking mga kamay para bumalik sa flow ang dugo ko. "Sana okay ka lang."

Narinig ko ang paglabas niya ng hangin sa ilong at inabot pa lalo sa akin 'yung pagkain mula sa paper plate. "Pagpasensiyahan mo na, 'yan lang 'yung pagkain."

Sabi niya nang hindi pinapansin 'yung sinabi ko kanina.

Hindi kaagad ako nakaimik at namilog lang ang mga mata. Medyo na-surprised lang talaga ako sa ginawa niya.  

May mga kidnapper bang may awa sa mga hostage nila?

"Hoy." Pare-pareho kaming mga napalingon sa tumawag na iyon, papalapit sa amin ang nakadikit-kilay na si Ray at animo'y handang pagalitan itong si boy 1.

Dahil sa ginawa niya sa pagbibigay ng pagkain bilang pagpapakita sa akin ng kabutihan, pumunta ako sa harap niya at hinarang ang kanang kamay senyales pino-protektahan ko si boy 1.

Naramdaman ko ang pagsinghap nung tatlo samantalang tuloy-tuloy pa rin si Ray sa kanyang paglalakad para makalapit sa amin.

Sineryoso ko na ang paraan ko ng pagtingin. "Huwag mong sisihin si boy 1 nang dahil sa pinakawalan niya ako."

"B-Boy 1?" Takang sabi ni boy 1. Eh, sa hindi ko nga alam mga pangalan nila kaya ganyan na lang.  

"Wala rin naman akong balak na tumakas--" Hindi niya ako pinatapos dahil hinawakan niya ang mga braso ko. Mahigpit iyon kaya nasasaktan din ako.

"Sumama ka sa akin." Udyok niya habang naninilim 'yung tingin niya. Galit na galit siya, ramdam ko iyon sa paraan ng pagtingin ng mga mata niya sa akin.  

Sh*t. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito.

Ray's Point of View

Hawak-hawak ko lang 'yung beywang ng babaeng 'to na si Haley nang mag ring bigla ang phone ko. "Tch." Tinulak ko na nga lang palayo 'yung babaeng iyon sa akin para kunin mula sa bulsa ang phone ko't sinagot.  

"Sino 'to?" Maangas na tanong ko dahil unknown number ang sinagot ko.  

Humagikhik ang lalaki sa kabilang linya. Hindi pa siya nagsasalita pero boses pa lang niya, alam na alam ko kung sino ito. "Hindi ko inaasahan na sasagutin mo 'yung tawag." Sambit niya kaya bigla akong natahimik.

Ibinaba ko muna ang hawak ko sa phone at nilingunan sila Francis-- 'yung isa sa mga dumukot kay Haley Miles Rouge. "Itali n'yo 'yang babaeng 'yan." Utos ko kaya inis akong tiningnan nung babaeng 'yon.

"Luh! Talagang itatali mo ak-- Huwag n'yo akong hawakan."

Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at umalis na nga lang para pumunta sa isang lugar na walang tao.  

"B-Boss D-Ger. Paano mo nalaman 'yung number ko?" Magalang pero may halong takot sa boses ko nang tanungin ko iyon. Matagal na rin kasi akong hindi nagpakita sa kanya, at ngayong tinawagan niya ako. Isa lang ang ibig sabihin niyan, may kailangan siya sa akin.

Saka wala akong pinagbigyan ng cellphone number ko kundi sila Cian pati 'yung tatlong nagbabantay lang kay Haley ngayon. Imposibleng ibigay ni Cian 'yung number ko, mapagkakatiwalaan ko siya-- o baka naman!

"Binigay ba ni Francis 'yung number ko? Ni Renzo? Rian?" Banggit ko isa-isa sa mga pangalan nung tatlong bata ko pero mas lalo lamang siyang bumungisngis.

"Talagang hindi mo nakukuha, ano?" Wika niya na nagpakunot-noo sa akin.

Takang-taka sa kanyang nasabi. "Hindi na bale, pero may kaunti akong surpresa sa 'yo." Sabi niya saka ako nakarinig ng malakas na hagulgol ng isang babae.

"Ray!" Malakas na tawag sa pangalan ko. Malakas na tumibok ang puso ko't nanlalaki na ang mata na nakatingin sa kawalan. "Anak! Tulungan mo 'ko!"

"Ma…" Paanas kong tawag sa ina ko't napakuyom ang kamao. "Ano'ng kailangan mo sa kanya, D-Ger?" Hangga't maaari, ginawa ko ang lahat para lang maging kalmado habang tinatanong ko iyon sa boss ng fraternity. Ngunit 'di ko mapigilang manginig sa galit. Naghahalo ang takot at galit, 'yung tipong nawawalan ako ng ideya sa kung ano ang tamang gawin sa mga oras na 'to.

Pero hindi, kailangan kong kumalma hangga't maaari.

Kapag sumabog ako at hindi ko nagawang ma-control ang sarili ko. Manganganib ang ina ko.  

"Wala akong kailangan sa 'yo, Ray. Sadyang gusto lang kitang makitang magdusa. Akalain mo 'yun? Pinagmukha mo 'kong gag*ng hayop ka. Sa tagal mong 'di nagpakita sa akin, 'kala ko nagbabakasyon ka lang. Iyon pala, palihim ka pa lang umalis? Ano tingin mo'ng mangyayari kapag kumalat 'yung mga nangyayari sa loob ng organisasyon natin nang dahil sa 'yo?" Tanong niya sa akin dahilan para ako'y mapalunok ng sariling laway.

"H-Hindi naman ako u-umalis." Pagde-deny ko pero hindi siya naniwala at bumungisngis lamang.

"Maniniwala ako sa 'yo kapag napatay na kita pagkatapos kong iputok 'tong baril ko sa ulo ng nanay mo." Pananakot niya dahilan para sumagot kaagad ako.

"Huwag!" Sigaw ko. Nanginginig pa ang boses ko sa sobrang takot. "Huwag… Parang awa mo na. M-Magpapakita ako sa 'yo, gagawin ko ang lahat, huwag mo lang saktan ang ina ko. Wala siyang kinalaman sa mga 'to." Pinagpapawisan ako ng malamig, tila parang naging isang bula kung maglaho 'yung galit na naramdaman ko kanina.

Para namang namangha si D-Ger sa aking nasabi kaya kumpara kanina, nag-iba ang paraan ng kanyang pagtawa. Muli akong napalunok, hindi yata talaga magandang ideya itong sinabi ko. "Kahit na ano? Talaga lang, ha? Sige, hihintayin kita rito sa lokasyon na ibibigay ko. Dalhin mo na rin 'yung babaeng hostage mo ngayon, interesado ako kung sino siya nang may mapaglaruan naman ako."

Yumuko ako't hindi namalayan na naninilim na ang paraan ng pagtingin ng mga mata ko sa kung saan. Pati ba naman 'yung pagdakip ko kay Haley Miles Rouge, alam niya?

P*tangina, paano? Mayro'n bang nanonood sa akin mula sa malayo?

"Naiintindihan ko." Tugon ko bago niya ibaba ang tawag. Pabagsak kong ibinagsak pababa ang kamay kong hawak-hawak ang cellphone ko bago mapahilamos ng mukha't napaupo sa batong pwedeng pag-upuan.

Losing the girl I really loved was already too much to bear. If I lose my mother too, I… I won't know what to do with myself anymore.