Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 63 - Mirriam and Jasper's ARC

Chapter 63 - Mirriam and Jasper's ARC

Chapter 59: Mirriam and Jasper's ARC 

Mirriam's Point of View 

 

 Malakas na sipol ang aking narinig nang malagpasan ko ang finish line kasabay ang mga hiyaw na nagmumula sa mga kasamahan ko sa Track team. 8k pace per mile ang itinakbo ng mga babae samantalang 12k naman sa mga lalaki. 

Malaki laki rin kasi talaga ang stadium dito sa Baguio at sobrang lawak pa. 

 

 Napatingin ako sa record na nandoon sa bulletin. Kami ang nangunguna at ang ibig sabihin nito ay may maiuuwi kaming pangalan sa E.U. 

 Humarap ako sa mga kasamahan ko't sumuntok sa ere. "Yey!" 

 "Team captain namin 'yan!" Suportadong sigaw ni Jasper sa hindi kalayuan 'tapos kinawayan ako nang ibaling ko sa kanya 'yung tingin. 

 Palihim akong ngumiti saka tumingala upang tingnan ang kalangitan. "Team captain, huh?" Banggit ko sa pagtawag niya sa akin. Jasper and I talked about it already-- his true feelings kaya isinuko na niya 'yung oportunidad na makapag-aral sa Shin Juk Sports University. 

Flash Back 

 

 First day namin sa Baguio. 

 Katatapos lang namin kumain ng lunch at may dalawang oras kami para gawin ang gusto naming gawin bago ang kahuli-hulihang training bago ang last game. 

 

 Nagpaalam ako sa mga kaibigan kong sina Chinky na bibili lang ako ng softdrinks sa vending machine na nasa baba dahil kagagaling ko lang sa napakainit na Jacuzzi at tamang-tama lang ang softdrinks sa katawan ko. "Pasabay naman ako ng Coffee Cola." Ngiting pabor ni Catarina na tinanguan ko saka ako gumamit ng elevator pababa. 

 Naka-check in kami sa hotel ng Smith kaya nagbayad din kami ng malaki-laki. Meaning, naka-reserved na para sa amin 'yung mga rooms. 

 Napapasapo na lang din ako sa mukha dahil mas pinipili ng school ang gumastos kami ng mahal kaysa sa affordable. Ano ba tingin nila sa estudyante? Mayayaman lahat? 

 Kakausapin ko rin talaga si Kei pagkauwi-- Kaso magrereklamo pa ba ako lalo na't ito na rin naman ang kahuli-hulihang taon ng high school namin? 

 Bumukas na 'yung elevator at tumambad sa akin si Jasper na nakasuot ng simpleng white shirt at beige shorts. "Oh. Bababa ka?" Tanong niya. Na sa 4th floor ang ang room ng mga boys samantalang na sa 3rd naman 'yung sa babae. 

 Magkasama na lahat sa Smith hotel ang mga players ng E.U. 

 Pumasok na ako at tumabi sa kanya. Pero may space na namagitan sa amin. "Yeah. Bibili ako ng softdrinks." Sagot ko 'tapos pinindot 'yung ground floor dahilan para magsara ang pinto ng elevator. "Nasa'n sina Harvey?" Hanap ko kina Reed. Magkakasama lang naman kasi sila sa iisang floor. 

 "Na sa mga kwarto lang nila. Hindi pa kami nagkikita ng mga 'yon." Tugon niya 'tapos natawa kaunti. "Magkasama raw si Reed at 'yung kuya mo sa iisang kwarto, eh. Akalain mo 'yun?"

 Nagkibit-balikat ako na may ngiti sa aking labi. "Nag chat nga si kuya sa akin. Nagrereklamo na magkasama raw sila ni Reed." Bumukas na ang pinto ng elevator kaya lumabas na kami ni Jasper. "Siya nga pala, sa'n punta?" Tanong ko naman. 

 Nag pogi sign naman siya. "Maghahanap ng chics." 

 Bumuntong-hininga naman ako 'tapos iniwan na siya. "I see. Bye." Paalam ko pero hinabol niya ako. 

 "Joke lang. Bibili rin ako ng inumin." Bawi niya at sumabay sa akin sa paglalakad. Hindi na siya nagsalita at tahimik lamang kaming naglalakad papunta sa vending machine na 'di naman lalayo mula rito. 

 Palipat-lipat ang tingin ko kay Jasper. Sakto rin kasi na nagkasalubong kami, magandang pagkakataon ito para pag-usapan namin iyong tungkol sa pagtanggi niya sa offer ng school sa kanya. 

 Kating kati lang kasi akong marinig mula sa kanya 'yung dahilan niya kaya niya tinanggihan 'yung oportunidad. Kasi kung hindi ko malalaman, hindi ko pwedeng tanggapin ang pagiging team captain at kunin ang offer ng school. Hindi 'yun fair sa akin lalo na sa kanya lalo na kung sinadya niyang ibigay ang title nang dahil lang sa gusto ko. 

 But in a second thought. Bakit naman niya ibibigay sa akin? Napaka assuming ko talaga kahit kailan. Nakakainis. 

 

 Narating na namin ang vending machine, pinauna na ako ni Jasper na kumuha ng maiinum ko. Habang nag i-insert ako ng pera, tinawag ko na 'yung pangalan niya kaya ibinaba naman niya iyong tingin sa akin. "Wala ka naman bang gagawin?" Kinuha ko na ang nahulog na sofrdrinks. Mamaya ko na bibilhin 'yung Coffee Cola ni Catarina. Nasabi ko namang hindi rin ako makakabalik kaagad dahil gusto ko ring maglakad lakad. 

 "Wala naman." Sagot niya habang namimilog ang mga mata 'tapos taas-noo na ngumiti. "Bakit? Gusto mo 'kong makasama? Free lang ang pogi para sa 'yo, magandang bini-bini." Pagluhod niya ng isang tuhod habang inaabot ang kanyang kamay sa akin. Tinawag talaga niya akong maganda? 

 Nakatingin lang ako sa mga kamay niya nang iangat ko ang tingin sa kanya. Proud pa rin itong nakangiti sa akin. "I want to talk to you." Sambit ko kaya tumaas ang dalawa niyang kilay. Sa hindi malamang dahilan ay namula 'yung pisngi niya 'tapos mabilis na tumayo't tumikhim. 

 "Ah! Alam ko!" 

 Tumayo na rin ako mula sa pagkakayuko. "Ang totoo niyan, may gusto rin talaga akong sabihin, eh." Wika pa niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. 

 "Ano?" Curious kong tanong. 

 "I-Ikaw muna, mahuli na ako." Ba't parang natataranta siya? 

 Humakbang ako palapit sa kanya at hinawakan ang magkabilaan niyang balikat para ibaba siya nang mapantayan ako't idikit ko ang mga noo namin sa isa't isa. "Ayos ka lang? Wala ka namang sakit pero--" 

 "Y-You're too close." Kinakabahan niyang aniya kaya ibinaba ko ang tingin sa mismo niyang mata na nakatingin kanina sa kanyang noo. 

 "What are you talk--" Napatigil ako dahil na-realized kong magkalapit nga kami. Mabilis akong lumayo. "Sorry!" 

 "Whoa. Hindi ko alam na may something kayo." Pareho kaming napatalon sa gulat nang marinig namin ang boses ng isa sa naging kaklase namin noon na si Allenie. Volleyball naman 'yung sports niya. 

 

 Humarap kami sa kanya na ngayon ay na sa tapat na namin. "H-Hindi! Magkaibigan lang kami." 

 Lumapad ang ngiti niya. "Hindi nga?" Sabay tingin kay Jasper. "Ba't hindi mo pa kasi ligawan?" Tanong nito kaya namula na ako. 

 "H-Hindi naman niya ako gusto." Ako na 'yung sumasagot. 

 Ibinaling ulit ni Allenie ang tingin sa akin. "Pero kung gusto ka niya? Okay lang na ligawan ka niya?" Pang-aasar ni Allenie kaya natameme na ako. Tumawa naman siya nang tumawa 'tapos tinapik ang balikat ko bago kumaway paalis. 

 Nakasunod lang ang tingin namin ni Jasper nang lingunin ko siya't sinapok. "Ba't hindi ka nagre-react?!" Hiya't inis kong tanong. Kaso okay na 'yung tumahimik lang siya para kahit sa oras na ito, isipin kong gusto rin niyang inaasar kami. 

 Hinimas niya ang ulo niya. "Eh? Para saan? Kaysa naman sabihin kong, sino magkakagusto sa babaeng pangit na 'yan? Hindi naman ako si Reed." 

 Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. But you used to call me tomboy though. 

 "Saka," Ibinalik ko ang normal kong ekspresiyon samantalang kinamot naman ni Jasper 'yung pisngi niya at matamis akong nginitian. "…napakaganda mo para masabihang pangit." 

 Napaawang-bibig ako at tila parang may mga paru-parong nagliliparan sa paligid ko. 

 Ngunit nagawa kong bigyan siya ng nakakadiring tingin. "Creep." 

 "Grabe! Pinuri na kita, ah!" 

*** 

 NANATILI KAMI ni Jasper sa napakalaking dining room sa Smith Hotel. 

Para lang din kaming na sa fancy restaurant dahil sa sobrang sosyal nung paligid. Red theme cloth ang gamit sa lahat ng mga table sheets. May maliit na dancing fountain sa gitna at nakasuot lahat ng mga employees ng mga formal attire. Parang 'di sila mga nagta-trabaho rito. 

 "O-Okay lang ba talaga na tumambay tayo rito?" Hindi ko siguradong tanong pero napansin ko na lang ako na nakikipagtawanan na si Jasper sa mga magagandang dilag na nagta-trabaho rito sa Smith hotel. Kaya sa inis ko, tinapakan ko ang paa ni Jasper mula sa ilalim ng lamesa. 

 Napasigaw siya sa sakit habang umalis na 'yung dalawang babae na kausap niya dahil dumidilim na ang aura ko. 

 Piningot ko ang tainga niya na binitawan ko rin pagkatapos. "Kung pumunta ka lang dito para mang chics, dapat sinabi mo lang sa akin."

 

 Pilit siyang natawa. "S-Sorry." Hinging paumanhin niya saka kami umayos ng upo. "Saka okay lang naman kung tatambay tayo sandali, nag order naman ako ng ice cream pang himagas natin sa kinain nating lunch kanina. Don't worry, libre ko na 'yun." 

 Sinimangutan ko siya. Softdrinks at Ice cream? Great, hindi sana sumakit 'yung tiyan ko. 

 "Siya nga pala, ano pala 'yung gusto mong pag-usapan?" Tanong niya. 

 "Ah… It's about the offer you rejected." Panimula ko. "Sabi mo pag-uusapan natin 'yung tungkol doon kapag natapos na 'yung problema natin kay Ray." Tumungo ako kaunti. "Gustong-gusto ko lang talagang malaman ngayon bago ang huli nating laro bukas. Nang makapag desisyon ako sa gagawin ko kapag nakauwi na tayo sa E.U." 

 Nakatitig lang din siya sa akin nang ngumiti siya. "Gusto mo talagang makarating sa SJSU, ano?" Sumandal siya 'tapos narinig kong naglabas ng hanign sa ilong. "Tanong ko lang. Paano kung binawi ko 'yung sinabi ko kay Coach at kinuha kong muli ang title ng pagiging team captain para makapasok sa SJSU? Ano'ng balak mong kunin sa college?" Tanong niya. 

 Nagsalubong ang kilay ko. "Does it mean you gave up the opportunity just because of me?" Pagdududa ko na inilingan niya. 

 "No, hindi sa gano--" 

 "Then bakit?" Mabilis kong pagsabat. 

 Nakatingin lang siya sa akin noong dumating na ang ice cream naming pareho. Nginitian niya 'yung waiter at nagpasalamat bago dahan-dahang ibinaba ang tingin sa Ice cream. 

 Kinuha ang kutsara't kumain. "Mahal ko 'yung sports, ako iyong tipong estudyante na ayaw na ayaw mag-aral at gusto lamang na umikot ang mundo sa madaliang buhay." Panimulang litanya niya. "Pero kung iisipin ko, may kapabilidad ako na alam kong mas lalawak kung pagtutuunan ko ng pansin. Gusto kong nakikinig sa kwento o problema ng ibang tao not because I want to brag. Gusto kong pag-aralan ang bawat kilos, emosyon o ugali ng tao-- ang human behavior. Sa madaliang salita, mas gusto kong kunin ang psychology kaysa ang sports track." 

 Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. 

 "Masaya ako kapag may nalalaman akong kwento mula sa iba dahil mayro'n akong natutunan sa buhay. Para sa akin, nafe-feel ko 'yung excitement kapag madali kong mabasa 'yung nararamdaman ng tao, nag e-enjoy ako at ito 'yung nagiging rason para mas maging interesado akong maintindihan kung paano mag function ang tao. Motivation nila, interaction sa isa't isa, kung paano sila mag desisyon sa buhay, at iba pa. Hindi man ako gano'n katalino o kasipag na estudyante, pero gagawin ko ang makakaya ko para matupad 'yung gusto ko para sa sarili ko." Mahaba niyang litanya habang ngiting nakatingin sa kanyang kinakain. Makikita mo talaga sa kanya na talagang masaya siya habang inilalabas niya 'yung nararamdaman niya. 

 Natutuwa lang din ako dahil alam na talaga niya kung ano 'yung gusto niya. And at the same time, naiinggit ako. Kasi may choice siya. 

 Samantalang ako, kung hindi tinanggihan ni Jasper 'yung offer. Ngayon pa lang, mahihirapan na akong mag-isip sa kung ano talaga 'yung kukunin ko sa college at sa kung ano ang gusto ko para sa future. 

 "Isa pa, kahit naman hindi ko kunin ang sports track. May isang tao naman ang makakapagpatupad sa pangarap ko na 'yon." 

 Umangat na ang tingin ko dahil sa sinabi niya. "Eh?" Reaksiyon ko. Tumingala na rin siya para makita ako 'tapos binigyan ako ng ngiti na nagpatunaw sa akin. 

 Anong ngiti 'yan?! Bakit mo 'ko binibigyan ng nakakaakit na ngiti?! 

 "Mirriam. Kung hindi mo pa kakainin 'yung ice cream mo, matutunaw 'yan." Nguso niya ro'n sa Ice cream ko kaya kaagad ko namang kinuha 'yung kutsara't mabilis na sumubo. Tumawa naman siya. 

 "Cute." Simpleng puri niya na hindi ko alam kung bakit. 

 "Jasper, nagiging creepy ka. Tigilan mo 'yan." Nandidiri kong sabi pero tumawa lang din siya nang tumawa. 

 "Pero hindi mo pa nasasagot 'yung tanong ko kanina sa kung ano ang plano mo kapag binawi ko 'yung tungkol sa offer." Pag-alala ni Jasper sa tanong niya kanina. 

 Sinipa ko lang ang kanyang tuhod. "Shut up." 

 

End of Flash Back 

 

 Siniko ako ni Chinky. "Uy, Mirriam. Alam kong masaya ka sa pagkapanalo natin pero huwag ka namang ngumiting mag-isa riyan." 

 Kumurap-kurap naman ako. Na sa pwesto na pala ako. 

 Tumawa ako nang pilit. "S-Sensiya na." Wika ko 'tapos tiningnan ang paligid ko. Mga nag-aayos na pala ang mga kasama ko ng gamit, si Coach naman ay kausap 'yung organizer at nakikipagtawanan. 

 Patakbong lumapit si Jasper sa akin. "Mirriam!" Tawag ni Jasper habang papunta sa akin. 

 Nagtakip ng bibig si Catarina. "Nandiyan na pala si the loves mo." Panunukso ni Catarina habang humagikhik naman si Chinky at siniko-siko ako sa braso. 

 "Maiwan na muna namin kayo." Pang-aasar din nito at mabilis na lumayo. 

 "Oy! Sa'n kayo pupunta?!" Pahabol kong tanong at susundan sana sila nang makarating na si Jasper sa harapan ko't may dala-dalang bottled water. 

 Inabot niya iyon sa akin. "Tubig." Ibinaba ko ang tingin 'tapos kinuha iyon. Naubos kasi 'yung inumin ko at nauuhaw pa talaga ako. 

 "Thank you." Pagpapasalamat ko't binuksan 'yung takip para inumin ito. Pero ilalapit ko pa lang sa bibig ko ang inumin ko ay inihinto ko na. Nakatitig kasi ang lalaking ito kaya hindi ako mapakali. "Why are you looking at me so intensely?" Walang ganang sabi ko sa kanya pero nahihiya lang talaga ako. 

 Ngumiti naman siya. "Ang ganda mo pa rin kasi kahit wet look ka." Bumaba naman bigla ang tingin ko sa damit kong basa nang pawis ko saka ko ini-squish ang bottled water sa mukha ni Jasper para tumalsik ang laman. "Sayang 'yung tubig!" 

 "B-Ba-Bakit ka ba nagkakaganyan? Ang weird weird mo! Pervert! Nagpapa-fall ka ba? Paasa ka, ah?!" Pulang pula kong sabi pero nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan 'yung kanan kong kamay. 

 Napasinghap ako sa ginawa niya lalo pa noong tingnan na niya ako ng seryoso. "Wala kang dapat na ipag-alala kung mahulog ka." Inilagay niya ang kanan kong kamay sa kaliwan niyang dibdib kung sa'n naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso nito. Sa gulat ko, bumuka na ang bibig ko habang nanlalaki ang aking mga matang nagsisimula ng manginig. "Dahil sisiguraduhin ng lalaking na sa harapan mo na sasaluhin ka niya." 

 Tumitig pa ako sandali nang unti-unting umakyat ang dugo sa aking mukha. 

"Alam kong masyado pang maaga, at marami pa akong kailangan na malaman tungkol sa 'yo pero," Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya inangat ko ang tingin sa mukha niya. "…kung bibigyan mo 'ko ng pagkakataon na makilala ka ng lubos, hawakan ang kamay mo, makita ang mukha mo sa araw-araw, gawin ang mga bagay ng magkasama't tumanda," He paused. "Hinihiling kong marinig ang matamis mong oo sa hinaharap." 

 Pagkasabi niya no'n ay sumabay rin ang malakas na pagsabog ng fireworks sa kalangitan. Hiyawan ng mga tao sa stadium ang naririnig bilang pagsasaya sa pagtatapos ng kompetisyon. Napakaingay ng paligid, pero pakiramdam ko. Parang kami lang ni Jasper 'yung tao sa lugar na ito. 

 Makasama si Jasper ng matagal, mahawakan ang mga kamay niya't makita siya araw-araw? 

 Parang kailan lang din noong hinihiling ko 'yan. 

 Nagsimulang lumapad ang ngiti sa labi ko, gayun din ang paunti-unti kong pagtawa. Hindi nagsalita si Jasper at nakatitig lang din sa akin. 

 Sa kakatawa ko, naluha na ako. Pinunasan ko iyon habang hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa. Tears of joy 'to. "Huwag ngang ganyan, hindi pa nga tayo pero parang nagpo-propose ka na sa akin." 

 Unti-unti namang namilog ang mata niya. "Hindi pa nga?" Ulit niya sa sinabi ko at binigyan ako ng napakasayang tingin. "Does it mean--" 

 Tumalikod ako sa kanya. "Nililigawan mo 'ko, tama?" Paninigurado kong tanong nang lingunin siya. Tumango naman siya bilang pagsagot. 

 "In one condition." Pagpikit ko ng kaliwa kong mata 'tapos nginisihan siya. "Kung wala kang palakol na grades this first quarter, papayag akong magpaligaw," Hamon ko sa kanya. Hindi lang 'to para sa akin, para rin 'to sa kanya.

 Sandali siyang hindi nakaimik nang nginisihan din niya ako. "Kapag nagawa ko, dapat may kiss din ako, ah?" Turo niya sa sarili niyang pisngi kaya namula nanaman ako. Ibinaling ko na nga lang ulit 'yung tingin. 

 

 "Tss." Nasabi ko na lang at naglakad na may ngiti sa aking labi. 

 "Hala, iiwan mo 'ko?" Paghahabol ni Jasper. 

 I wonder kung hanggang saan ang kaya ni Jasper para lang mukha ako.