Chapter 56: A Fatal Misunderstanding
Harvey's Point of View
Lumipas ang isang araw matapos ang trahedya. Hindi pa kami umuuwi at tumuloy na muna kami sa Smith Hotel sa lugar ng Bulacan. 'Di nga lang din ako makapaniwala na mapapadpad kami rito.
Tumayo ako sa pagkakaupo mula sa stool dahil binabantayan ko rin si Kei na patuloy pa rin sa pagtulog dala na rin ng stress at pagod. May pinadala rin akong doctor kagabi para I-check 'yung siko niyang nagdudugo kahapon.
Wala naman daw kaming dapat na ipag-alala dahil minor injuries lang naman ang nakuha ni Kei, pero magle-leave raw ito nang peklat ng mga ilang buwan.
Ngunit kung gagamitin ni Kei 'yung ibinigay sa akin ng doctor na ointment. Maglalaho rin naman 'yung peklat niya sa siko.
Nasabi sa akin ni Mirriam na siko raw ni Kei ang ipinanggamit para basagin 'yung bintana ng sasakyan ni Ray. Tingnan mo nga naman kung gaano siya ka-stubborn.
Binuksan ni Mirriam 'yung pinto at pumasok habang kagat-kagat ang tinapak. "May pagkain na sa labas, kumain ka muna. Ako na muna 'yung magbabantay kay Kei, kagabi ka pa nandito." Sambit niya 'tapos umupo sa stool na inuupuan ko kanina.
Nagbuga ako nang hininga. "Mas maganda pa nga." Sagot ko bago umalis sa kwarto na iyon. Pero imbes na pumunta ako sa dining area, pumasok ako sa kwarto ni Jasper. Naabutan ko siyang nakahiga sa kama niya, nandoon din si Haley at nakatayo sa harapan niya't ihahampas sana sa kanya 'yung unan noong mapansin nila ako kaya inihinto nila 'yung ginagawa nila.
Umupo mula sa pagkakahiga si Jasper. " Oh, Harbeh. Bakit?" Ngiti niyang tanong.
Binigyan ko ng walang ganang tingin 'yung dalawa. "Item ba kayong dalawa?" Paghihinala ko dahil madalas na ngang magkasama 'tong dalawang 'to.
"Are you mocking m--" Napatigil sa pagsasalita si Haley dahil bigla siyang hinila ni Jasper para akbayan siya.
"Bro, close lang talaga kami ni Haley dahil mag best friend kam--" Si Jasper naman 'yung hindi nakapagsalita dahil tinulak siya ni Haley sa mukha pagkatapos ay umayo na ng tayo.
Inis na tiningnan ni Haley si Jasper pagkatapos. "H'wag mo 'kong matawag-tawag na best friend, ah? 'Di tayo close." Pagtataray ni Haley at inilipat ang tingin sa akin kasabay ang pagturo niya kay Jasper. "Reed just asked me to wake him up!" Iritable niyang paliwanag at humalukipkip. "I just can't believe na inuutos-utusan ako ng Reed na 'yon. Siya na lang din sana gumising sa lalaking 'to." Sabay sulyap nang masama kay Jasper.
Humagikhik naman 'yung mokong, tila parang natutuwa pa sa ginagawang itsura ni Haley. "Alam mo, ganyan ang mga linyahan ng mga tsundere character-- Pain! Let go!" Nila-lock kasi ni Haley 'yung mga braso niya sa leeg ni Jasper para sakalin ito.
Pasimple akong nagbuga ng hininga. Kulang na lang, iisipin kong masochist 'tong si Jasper at gustong-gustong sinasaktan siya nila Mirriam.
"Pero okay ka na, Haley?" Concern kong tanong sa kanya kaya tumigil na siya sa pakikipagharutan kay Jasper at humarap sa akin.
Pinitik niya 'yung buhok niya. "Yeah, wala naman akong masyadong natanggap na injuries. Siguro headache pwede pa." Pagkibit-balikat niya. "And?" She paused kaya napaawang-bibig ako. "Kakausapin mo ba si Jasper? Aalis na ako."
"No, pareho ko kayong gustong kausapin." Tugon ko kaya pareho silang napatitig sa akin.
***
LUMABAS KAMI ng room namin para maglakad lakad sa swimming area na nasa pinakataas ng building na ito. Tumambay kami sa pinaka gilid katabi ng rails at 'yung babasagin na wall bilang pangharang. Dito ko gustong makipag-usap makita rin 'yung overview mula rito sa itaas. Saka malamig din talaga 'yung simoy ng hangin lalo pa't napakainit din ng panahon ngayon. Makakahinga rin kami nang maayos.
Na sa gitna ako ni Jasper at Haley habang nakabaling ang tingin naming pareho. "Hindi ba't nasabi n'yong kinumpronta n'yo si Ray unang beses na binalak n'yang makipag-usap sa inyo?" Tanong ko at sandaling pinasadahan ng tingin si Jasper. "Wala ba siyang ibang sinabi kaya niya 'to ginagawa?" Tanong ko at iniharap kaagad 'yung tingin ng aking mga mata.
Narinig ko ang paglabas ng hangin sa ilong ni Haley. "Wala, but that should be obvious." Panimula ni Haley at tiningnan ako mula sa peripheral eye view niya. "Ikaw 'yung pinaka kailangan n'ya lalo pa't kasama ka sa fraternity na kinabibilangan niya. But other than that, wala naman na siyang ibang sinabi." Naalala ba niya 'yung sinabi ko noon about sa pagsali ko sa infamous fraternity o sinabi lang din ni Ray sa kanya?
Napatingin naman sa akin si Jasper. "Ay, weh?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Jasper na binigyan ng walang ganang tingin ni Haley.
"Huwag kang magmaang-maangan diyan. 'Di ka cute." Iritableng wika ni Haley na tinawanan ni Jasper.
"Grabe talaga 'to. Para lang may thrill." Ewan ko kung seryoso ba si Jasper sa sinabi niyang iyan.
Tumungo ako kaunti para makita 'yung mga kamay kong nakakapit sa rail. "Hindi tayo nakakuha ng sagot kahapon, pero may idea ako kung ano iyon."
Flash Back
Tinulak ko palayo si Claudine-- 'yung kasalukuyang girlfriend ni Ray nang bigla-bigla niya akong hinalikan sa labi't ipinasok pa ang dila sa bunganga ko.
Matagal ko ng napapansin ang kakaiba niyang pagtingin sa akin pero hindi ko lang din masyadong pinagtutuunan ng pansin sa kadahilanang may boyfriend nga siya. Sadyang 'di ko lang inaasahan na magagawa niya 'to sa likod ni Ray, nang hindi niya alam.
"Stop it, idiot! Hindi ka ba naaawa sa boyfriend mo?" Dikit-kilay kong tanong.
Nawala ang ngiti sa labi niya na nakaguhit kanina. "Naawa?" Ulit niya sa aking binanggit. "Siya ba naawa sa mga taong ginawan niya ng masama? Hindi man lang niya sinabi sa akin na kasama siya sa isang fraternity na matagal ng pinaghahahanap ng mga police sa lugar. Ang kapal ng mukha, 'di ba? Ipinagmamalaki niya 'yung mga ginagastos niya sa akin, galing naman pala sa ibang tao."
Kumunot ang noo ko. "Hindi ko alam kung sa'n mo nalaman 'yang mga bagay na 'yan, but you're just making an excuse."
Tulad ko, nagsalubong din ang mga kilay niya. "No, that is the truth. I'm saying what I'm thinking." Hinawakan pa nito ang pisngi ko't hinimas-himas.
"Kailan mo nalaman 'yung tungkol sa ginagawa ni Ray?" Tanong ko.
"Months ago." Sagot niya kaya umismid ako.
"Months ago?" Ulit ko sa sagot niya. "Kung alam mo naman na pala 'yung tungkol sa mga nangyayari sa boyfriend mo. Bakit patuloy mo pa ring tinatanggap 'yung mga binibigay niya sa 'yo kung labag siya sa loob mo? Ba't 'di mo siya break-an?" Tanong ko na nagpasimangot sa kanya.
Doon ko lang din na-realized na nagtatago si Ray at nakikinig sa usapan namin. Ang pagkakamali ko lang nung panahon na 'to, hindi ko nagawang magsalita dahil mabilis na kinuha ni Claudine 'yung mga kamay ko para ilagay iyon sa kanyang dibdib.
Inalis ko ngunit nagmatigas siyang panatilihin ang mga kamay ko roon, hindi pa nakuntento si Claudine sa ginawa niyang iyon dahil inilapit niya ang mukha niya sa akin at dinilaan ang labi ko. Halos tumaas ang balahibo ko sa ginawa niya, nandidiri ako. Pero 'di ko siya magawang maitulak. Bakit?! Bakit?!
"Please, let's just keep this a secret. I like you, I really do, Harvey."
Sa hindi malamang dahilan, kinorner ko si Claudine sa isang pader. "How immoral, tingin mo 'di niya malalaman 'tong nakakadiri mong ugali?" Tanong ko pero nginisihan lang niya ako't ipinulupot ang mga kamay sa aking batok.
"Sino kaya 'yung mas nakakadiri sa aming dalawa? Mamamatay tao siya, magnanakaw siya." Balewala niyang sagot at inilapit ang labi sa aking tainga para bulungan. "Kaya ano'ng masama sa ginagawa ko ngayon? I'm just trying to seduce the man I like--"
Tinulak ko siya palayo sa akin. Marka sa mukha ko 'yung sobrang galit, 'yung halos 'di ako makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"Nakakadiri ka." I said in a disgusted tone saka umalis sa harapan niya. Kasabay iyon ng pagtulo ng dugo sa ilong ko gawa ng Gynophobia ko. Umalis ako palayo sa lugar na iyon, tumakbo nang tumakbo hanggang sa makarating sa isang eskenita.
Walang tao roon, tanging ako lang.
Iritang irita ako, nandidiri rin ako sa sarili ko dahil sa mga nangyayari, kaya 'di ko napigilan ang mapasuntok sa pader kung saan natuklap ang balat nito't nagsisimula ng magkaro'n ng pasa.
'Di ko rin mapigilan ang mapaluha dahil maliban sa sakit na nararamdaman ng mga kamay ko ay pakiramdam ko. Ang dumi ko, ayokong mabuhay. Gusto ko na lang mawala sa mundong 'to.
***
ILANG ARAW ang lumipas nang mag text ako kay Ray at nagpaalam na aalis ako.
From: Harvey
To: Ray
I quit.
Iyan lamang ang tanging message na nai-send ko sa kanya bago ko tinapon ang phone number ko sa basurahan matapos ko 'yun basain.
Nagpasya ako na iiwan ko 'yung gano'ng alaala sa organisasyon na iyon at hinding hindi na muling babalik pa. Nangako ako na gagawin ko ang lahat para lang baguhin 'yung mga masasamang bagay na nangyari sa akin para sa taong mahalaga sa akin, lalo na si Kei.
Pero kahit lumipas pa rin pala ang panahon, hahabulin ka rin nito kahit pilit mo ng kinakalimot.
Sinampal ako ng realidad, na 'di pwedeng mahiwalay ang nakaraan sa kasalukuyan. Dahil parte pa rin 'yan kung sino ka ngayon.
End of Flash Back
"Hindi na kami nakapag-usap matapos 'yon." Pagtatapos ko sa kwento.
Malakas na umihip ang hangin. "I guess, misunderstanding can be really fatal." Saad ni Haley.
"Pero sigurado rin ako na mayro'n pa siyang isang rason na 'di natin nagawang malaman." Wika ni Jasper na hindi namin inimikan.
Kahapon, gumamit ako ng kotse na galing din sa tatlong tauhan ni Ray. Nakatago 'yung isa pang susi sa pangalawang palapag nung gusali, iyon daw ang susing tinatago ni Ray para kung sakaling may mangyari. Mayro'n pa silang magagamit.
"Susuko na kami sa pulis. Kaya puntahan mo na 'yung mga kaibigan mo ngayon." Naalala kong sabi ni Renzo kahapon na hindi ko lang sinagot. Ang gusto ko lang talagang mangyari, h'wag na silang magpapakita pa ulit sa amin.
Si Ray naman, hinayaan lang namin kung saan siya nawalan ng malay matapos bigyan ng malakas na sapak ni Haley at Reed. Bale tinusukan lang siya ni Haley ng karayom sa batok para 'di siya gumalaw masyado.
Inangat ko ang tingin sa maulap na kalangitan.
Nagpatawag kami ng police na kunin si Ray sa lugar kung saan namin siya iniwanan pero hindi namin binanggit kung sino kami dahil magkakaroon ng malaking issue lalo pa't estudyante lang kami.
"Sabi na nandito lang din kayo, eh!" Pare-pareho kaming mga napalingon nang marinig namin ang boses ni Reed.
Lumapit siya sa amin saka humarap si Haley sa kanya. "Tumawag 'yung pulis sa number ni Mirriam. Sinabing ililipat ng guardroom si Ray simula bukas. Wala na tayong pwedeng ipag-alala. Tapos na talaga." Pagbabalita ni Reed.
Gumuhit ang mga ngiti sa aming mga labi sa naging balita at nagkatinginan bago humagikhik sa tuwa.
Sinundan ko ang tingin sa mga ibon na mabilis na dumaan sa mga harapan namin at pumunta sa direksiyon na ayon sa gusto nilang puntahan. "Balik normal ulit tayo."
Inilagay ni Jasper ang mga kamay niya sa kanyang ulo, samantalang ngiti namang tumango si Reed and Haley.
It's over…
Ray's Point of View
Na sa loob ako ng Transport vehicle ng mga prisoner at on the way na sa airport. Blanko lang ang utak kong nakatitig sa kawalan iniisip kung sa'n ako pupulutin nito.
'Di ko nagawang sumunod sa sinabi ni D-Ger, "Mama… Mama…" Paulit-ulit na tawag ko sa ina ko, halos masiraan ako ng ulo lalo pa ngayong wala na talaga akong pag-asang makita 'yung kaisa-isang mahalagang tao sa buhay ko.
Ba't nga nangyari 'to? Ah, oo nga. Kasalanan nga pala 'to ni Harvey, t*ngina no'ng gag*ng 'yon.
Sa susunod talaga na makikita ko siya, 'di ko na palalagpasin 'yung pagkakataon na patayin siya.
Paunti-unti akong nakakagawa ng hagikhik, mahina iyon hanggang sa pumailanlang ang aking boses.
Malakas akong pinaltukan ng pulis dahil sa sobra nitong pagkairita. "Manahimik ka nga diyan!" Pagpapatahimik niya sa akin na sinuway lang ng kasama niya. "Nakakairita, eh!"
Biglang huminto 'yung sasakyan kaya halos mawalan ng balanse 'yung mga pulis na nagbabantay sa akin. "Hoy! Ba't n'yo biglang inihinto?!" Iritang tanong nung lalaking pumaltok sa akin.
"May humarang sa atin." Sagot nung taong nagda-drive.
"Huh?! Sabihin mong mga pulis tayo!" Mayabang pang wika nung lalaking iyon 'tapos napailing na lumabas para makita 'yung nangyayari. "Bantayan n'yo 'yan, ah!" Tukoy nito sa akin.
Ilang minuto rin akong na sa preoccupied sa sarili kong mundo nang makarinig ako ng mga ingay sa paligid ko. Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin nung una pero dahil sa nakikita ko sa peripheral eye vision ko na isa-isang bumagsak 'yung mga pulis na nagbabantay sa akin, lalo na noong marinig ko ang pangalan ko ay tumingla ako.
Laking gulat nang makita si Cian. "C-Cian." Tawag ko sa kanya habang nakangiti lang siya sa akin.
Lumingon lingon ako sa paligid ko. Taob lahat ng mga pulis kaya hinawakan ko kaagad 'yung mga kamay ni Cian at nagmakaawa. "Cian! Tulungan mo 'ko!
Si Mama! Gusto ko siyang makita! Tulungan mo 'kong puntahan siya!" Halos mangiyak ngiyak kong pagmamakaawa sa kanya na tinanguan niya.
"Oo, pupuntahan natin siya. H'wag kang mag-alala."
Salitang hindi ko dapat pinagkatiwalaan.
FUTURE TIME
Lumipas ang walong buwan nang dalhin ako ni Cian kay D-Ger at malaman ko 'yung buong katotohanan.
Si Cian-- 'yung taong hindi ko kailanman naisipan ng masama ang nagsabi kay Claudine tungkol sa pagsali ko sa maruming organisasyon at hindi si Harvey, inuto niya 'yung babaeng naging parte ng buhay ko para masira ang buhay ko sa kadahilanang wala lang siyang magawa at natutuwa lang siya sa mga nangyayari sa akin--My downfall.
Naalala ko 'yung paraan ng pagkagat-labi ni Cian habang kinukwento niya 'yung mga ginawa niya sa ex ko bago siya paglaruan pa ng iba pa naming kasamahan noon at patayin. "T*ngina, napaka swerte mo rin na natikman mo 'yung Claudine na 'yon. Lasap na lasap ang langit. Akalain mo nga namang may sakit din na
Nabanggit nga sa akin ni Claudine na mayro'n siyang gano'ng klaseng sakit dahil sa madalas na panggagahasa ng tatay niya sa kanya.
Hindi lang pananakit ang ginawa nito sa anak, kaya kung iisipin ko 'yon. Sumisikip pa rin 'yung dibdib ko.
Nakahiga lang ako sa malamig na simento at walang lakas na gumalaw matapos akong paglaruan ni D-Ger. Isinubo niya iyong
Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin sa babaeng wala ng buhay ngayon. "Ma…" Mahinang tawag ko sa kanya nang walang tigil sa pagtulo ang mga luha kong hindi maubos-ubos.
Pinatay ang ina ko sa mismo kong harapan habang walang tigil sa paghiyaw sa sakit si Mama. Pinagsasasaksak siya sa bawat katawan niya, pinasukan ng makapal at malaking metal sa ovary at inilabas pasok dahilan para mag bleed ito habang pinagtatawanan siya ng mga kasamahan ni Cian.
Lumalabo na ang paningin ko kaya naniningkit na ang aking mata, umiikli na rin kasi ang paghinga ko at pakiramdam ko, ito na talaga 'yung oras. Gusto ko na lang magpahinga.
"Sir! May hostage!" Rinig kong saad ng lalaking naka uniporme habang tinatawag yata ang mga kasama nito.
Pumikit na nga ako.
Ang pagkapos ng hininga ko 'yung panahon ng paghuli ng mga SUPT (Superintendent) sa organisasyong kinabibilangan ni D-Ger. Kaya bago ako tuluyang 'di magising. May ngiti pero may pagsising bumahid sa aking mga labi.
Harvey, wala na akong pagkakataon na humingi ng tawad sa 'yo pero sana sa kabila ng mga nagawa ko sa mga kaibigan mo, sana mapatawad mo ako. Pangako, kung pagbibigyan ako ng Diyos na mabuhay ulit.
Mas aayusin ko na 'yung buhay ko. Ngunit sa ngayon,
…hanggang dito na lang tayo.
Time of Death: 3:03 PM