Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 58 - The Fear of Taking Risks

Chapter 58 - The Fear of Taking Risks

Chapter 54.5: The Fear of Taking Risks

Reed's Point of View 

Inihinto na ni Jasper 'yung sasakyan sa isang lugar katapat ang isang gusali na mukhang abandonado na. Mukha ring hindi na natapos 'yung pagpapagawa sa ipapatayong project sa gusaling ito lalo na't marami pa ang kailangang ayusin at ilagay. 

Bumaba na nga kaming lima 'tapos iginala ang tingin sa paligid. Grabe, napakatago rin ng lugar na ito, may nagbalak kayang pumasok dito? Halos walang sasakyan 'yung area na 'to, eh. 

"Dito kaya?" Tanong ni Mirriam habang dahan-dahang naglalakad sa kaliwang bahagi. 

Buhat ko ang laptop ko't tiningnan ang screen. Naka-pin point na ang pulang ilaw kung sa'n naka-locate si Haley kaya seryoso kong ibinaling ang tingin sa gusaling na sa harapan ko ngayon. "Nandito na talaga tayo." Sambit ko at inabot kay Kei 'yung laptop. 

Tiningnan ko si Harvey pagkatapos. 

"Paano natin sisimulan?" Tanong ni Harvey at humarap sa akin. "Baka marami sila sa loob." Dugtong niya saka lumapit si Jasper na kalalabas lang din ng kotse. 

"Hindi, mas malaki 'yung posibilidad na kaunti lang sila kumpara nung nakaraan. Pero kung sakali mang marami pang natirang tauhan si Ray, mas maganda siguro kung maiiwan na lang si Kei at Mirriam dito." Saad niya kaya napatingin na nga sa kanya 'yung dalawang babae. 

"What? You guy are going to leave us?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Mirriam. "No, 'di ako papayag. Sasama ako." Pagmamatigas ni Mirriam kaya kunot-noo siyang tiningnan ni Harvey. 

"Sasama ka? Ano ba'ng magagawa mo kapag na sa loob ka na?" Tanong ni Harvey na nagpaatras kay Mirriam. Yumuko at napahawak sa sariling mga kamay. 

"Kaya kong gawin…?" Paanas pero sapat lang para marinig namin 'yung sinabi ni Mirriam. 

Umismid si Harvey. "You'll be a nuisance. It's better if you stay out of the way." Cold na wika niya dahilan para manlaki 'yung mata ni Mirriam. Humakbang naman ng isa si Kei at dikit-kilay na tiningnan si Harvey. 

"You don't have to saut y it that way. It's true na wala kaming magagawa kapag na sa loob na kami. Pero hindi namin kayo hahayaan na pumunta kayo na kayo lang. Pwede naming alisin si Haley sa pagkakabihag kung sakali mang nakagapos siya." Ideya ni Kei na nagpaliit sa paraan ng pagtingin sa mata ni Harvey. 

Naglabas ako ng hangin sa ilong. "Hindi ako sang-ayon, dito na lang kayo." Pagsabat ko kaya napatingin na nga si Kei sa akin, hindi rin siya makapaniwalang nakatingin sa akin. 

"Reed." Pasita niyang tawag sa pangalan ko. 

"Dito lang kayo at hintayin n'yo kami. Pero, kung hindi pa kami makakalabas ng mahigit isang oras. Umalis na kayo, kung pwede nga lang din. Humingi na kayo ng tulong sa mga police." Bilin ko na nagpaawang-bibig sa kanilang dalawa. Hindi nila inaasahan na lalabas iyon mula sa bibig ko. 

Lumapit ako kila Mirriam at Kei, ipinatong ko 'yung dalawa kong kamay sa mga balikat nila. "Ito na lang 'yung paraan." Wika ko na nagpatitig sa kanilang dalawa. Mayamaya pa noong ngumiti sila't tinanguan ako. 

"Got it." Sabay na sabi nila kaya ngumiti ako 'tapos tiningnan sila Harvey at Jasper. Tinanguan lang din nila akong pareho kaya lumapit na nga ako sa kanila saka ko nilingon sila Mirriam. 

"Tawagan niyo kaagad kami kung mayro'n man kayong mapansing hindi maganda. Doon lang kayo maghintay sa loob ng kotse." Huling bilin ko bago kami magsimulang umalis nila Harvey para hanapin 'yung pwedeng entrance sa gusali. 

Tahimik kaming naglalakad habang hinahanap ang entrance nang mapalingon ako bigla kung nasa'n sila Kei. "Maganda bang ideya na iniwan natin silang dalawa?" Tanong ko na may pag-aalinlangan. 

"Sandali lang 'to. Babalik din tayo." Pagpapanatag ni Jasper kaya humarap ako para makita siya. Tutal ay na sa harapan ko lang talaga siya. "Kung hindi ka mapanatag, gusto mo bang isa sa 'tin 'yung bumalik?" Tanong niya. 

Umiling ako. "Hindi, mas maganda kung magsama na tayo para mas mapabilis 'yung pagkuha natin kay Haley." Sagot ko saka kami kumanan. Nakakita na kami ng entrance na gawa sa makapal na alambre ngunit nakakandado ito. 

Ngunit kung titingnan naman ay madali namin itong akyatin dahil hindi naman gano'n kataas itong nakaharang. 

Pumunta si Harvey sa harapan nung gate na iyon at nag semi-squat na pumaharap sa amin. "Iaakyat ko kayo." Sabi niya at inihanda ang mga kamay, doon kami tutuntong para makapasok sa loob. 

Tinanguan namin siya ni Jasper bilang pagtugon saka kami bumwelo. Bale si Jasper na 'yung pinauna ko, tumakbo siya papunta kay Harvey saka siya tumuntong sa mga palad nito kung sa'n binigyan ito ng lakas ni Harvey para buhatin siya't mapatalon si Jasper sa loob. Pa-tumbling niya iyon ginawa. Nagtagumpay si Jasper kaya sumunod na ako. 

Nakapasok na rin ako sa loob pero hindi tulad ni Jasper na matagumpay ang paglapag sa lupa dahil sa ngayon ay pagulong-gulong ako sa lapag dahil 'di naging maganda 'yung pagtalon ko. Takteng 'yan, ang bobo! 

"Uy, ang ingay mo!" Pabulong na sita ni Jasper nang ibaba ang tingin sa akin, pero hindi ko siya pinansin dahil ang sakit nung tuhod ko. Iyon kasi ang unang tumama sa lupa. 

Nakatalon na rin si Harvey at sa ngayon ay pinapagpagan niya ang mga palad niyang narumihan. Bale umakyat lang siya sa mga alambre, doon siya magaling dahil madalas siyang sumabit sa bakal ng soccer nets nila. Maliban sa strikers si Harvey, goal keeper din siya. 

"Tara na." Aya ni Harvey saka sila nauna ni Jasper. P*tangina n'yo. Talagang iniwan n'yo ako, ah?

Tumayo na nga ako para sumunod sa dalawa. 

Ray's Point of View 

Hila-hila ko pa rin 'yung babaeng 'to habang papalabas kami sa lugar kung sa'n kami nagtatago para pumunta kung nasa'n iyong ina ko. Nasabi na ni D-Ger 'yung lokasyon kung nasa'n sila at kahit hindi ako sigurado sa pwedeng mangyari, itutuloy ko pa rin 'tong pagpunta ko kung nasa'n sila. Kailangan kong makita si Mama, gusto kong malaman kung talaga bang ligtas siya. 

Nagpupumiglas si Haley sa mga hawak ko kaya inis ko siyang nilingunan. "Ano ba?!" Iritable kong sigaw sa kanya. "Kung hindi ka talaga titigil, papatayin kita rito!" Hindi ako makapagtimpi ng inis. 

"Sa'n mo 'ko balak dalhin?" Kalmado niyang tanong pero naninilim ang mga mata kung tingnan ako. 

I clicked my tongue, wala akong pwedeng masagot sa kanya kaya hinila ko na lang ulit siya. Pero nang bigla niya akong sipain ng malakas sa aking likuran ay napabitaw na ako. Napaluhod ako dahil sa sakit gayun din sa biglaang pagkawala ng balanse ng katawan ko. 

"Sabi ko ngang hindi ako tatakas, 'di ba?!" Naiinis niyang sambit sa akin habang nanatili lang akong nakahiga sa malamig na simento. 

Wala na talaga akong choice, napakakulit ng babaeng 'to at nagawa pa niyang sipain ako ngayon pa mang nagmamadali ako. P*tangina talaga. 

Kinuha ko 'yung bottled spray mula sa aking bulsa kung saan may laman itong pampatulog. Mabilis kong ini-spray iyon sa mukha ni Haley nang yumuko siya para silipin ako. 

Mabilis siyang umatras palayo sa akin pero unti-unti ring tinatablan ng gamot dahil napapailing na siya para labanan ang kanyang antok. Kinuha ko lang talaga 'tong sleeping drug kay Cian na nakuha lang din niya sa organisasyon. 

Nawawalan na ng balanse si Haley habang hawak-hawak ang noo niya, pagewang gewang na rin siya kung tumayo. "Anong…" Hindi na niya nagawang makapagsalita dahil natumba na siya sa simento. Mabilis ang epekto nung drugs na ini-spray ko sa kanya. 

Hinintay ko muna sandaling mawala 'yung sakit ng likod ko at lumapit sa babaeng 'yon na natuluyan ng nakatulog. "Mas pinapahirapan mo pa 'kong babae ka." Nanggigigil kong wika at binuhat siya na parang isang sako. Dinala ko na siya sa sasakyan kong na sa labas. 

Pasipa kong binuksan 'yung pinto at lumabas na nga, sa likod ako dumaan.

Tumambad sa akin 'yung sikat ng araw na sa sobrang tirik ay dinadagdagan nito 'yung init ng ulo ko. 

Kinuha ko na nga 'yung remote key sa bulsa ko para pinindutin ang alarm nito. 

Naka-park lang siya sa lilim ng mga puno kaya pumunta na nga ako nang makaalis na ako, pero napatigil ako sa gitna ng paglalakad ko dahil parang may nakita ako sa kanan kong bahagi. 

Wala namang tao pero may naka-park na sasakyan. Ngayon ko lang 'to nakita. 

Talaga bang nandiyan 'yan? 

Tanong ko sa aking isip. Hindi ko na nga lang pinagtuunan iyon ng pansin at binuksan na lamang 'yung pinto sa likod ng kotse para ihiga ro'n si Haley Miles Rouge. Inayos ko lang 'yung higa niya bago ako pumunta sa harapan at paandarin ang sasakyan. 

Mirriam's Point of View 

Limang minuto na rin bago nakaalis sila Reed at sa ngayon ay na sa loob nga kami ng sasakyan ni Kei at naghihintay na makabalik 'yung tatlo kasama si Haley. 

Ang totoo niya, 'di talaga ako nakaimik pagkasabi ni Harvey na magiging nuisance lang ako. 

Nakakainis pero hindi ko maipagkakaila na tama rin 'yung sinabi niya. Ano nga ba namang magagawa ko kapag nandoon na ako? Magiging pabigat lang ako, wala rin akong pwedeng maitulong. 

Pero hahayaan ko na lang ba na ganito na lang? Mananatili rito't maghihintay sa pagbalik nila ng walang ginagawa? 

 

"I know you're worried, but we can't do anything but to stay here." Nalulungkot na sabi ni Kei na nasa tabi ko. Nakaupo lang kami rito sa center row ng sasakyan. "We should just believe in them, na babalik sila ng ligtas." 

Tumungo ako nang kaunti. "Ayokong isipin ito pero paano kung 'di mangyari 'yung gusto nating mangyari?" Tanong ko, puno ng negatibo ang isip ko ngayon dahil sa sobrang pag-aalala. "Posibleng hindi sila makabalik, Kei. Mapanganib na tao 'yung kinakalaban natin ngayon. Kung nakakalimutan mo, may sinaksak ng tao 'yung isa sa mga tauhan ni Ray, pwedeng mangyari 'yun kina Reed." Pag-iling ko habang nanginginig ang mga katawan. "Paano kung--" Hindi ko naipagpatuloy 'yung sinasabi ko dahil bigla na lamang akong niyakap ni Kei. 

Hinimas-himas niya 'yung likuran ko para patahanin ako. Wala siyang sinasabi pero alam kong naiintindihan niya 'yung nararamdaman ko. Kasi tulad ko, nanginginig din 'yung katawan niya. Sa takot? Sa pag-aalala? 

Malamang, halo-halo rin 'yung nararamdaman niya ngayon, lalo na't kapatid pa niya 'yung na sa loob. 

"They'll be fine… Everything's going to be alright." Sinabi niya iyan kahit hindi rin niya sigurado 'yung pwedeng managyari kina Haley. Damn it, Mirriam. What are you even doing? 

Natatakot at nag-aalala si Kei pero pinipilit niyang maging matapang para sa akin, samantalang ako? Heto, mukhang nagle-lean pa rin ako sa kanilang lima. 

Palagi na lang ganito, 

…simula nung una pa lang. Palagi na akong dumedepende sa kanila. Palaging sila 'yung madalas na protektahan ako.

Napahawak ako sa noo ko 'tapos labas sa ilong na napangiti. "I'm sorry, Kei. Thank you." 

Humiwalay naman siya sa akin 'tapos laking gulat ko nang makita kong umiiyak na pala siya. Nataranta ako kaya hinanap ko kaagad 'yung tissue. "H-Huwag ka ngang umiyak d'yan." Udyok ko at kinuha 'yung tissue roll na nandoon sa likod para kumuha ng iilang tissue paper 'tapos inabot sa kanya. 

Pinunasan naman niya 'yung mata niyang nagbabasa. "S-Sorry, hindi nga pala dapat ako umiyak." 

"Baliw ka ba--" Napatigil ako sa pagsasalita dahil may naaaninag ako sa peripheral eye view ko. Hinarap ko 'yung tingin sa front glass shield ganoon din si Kei. 

May lalaking naglalakad sa hindi kalayuan habang mayro'n siyang buhat-buhat na tao sa kaliwa niyang balikat kaya nagtago kami ni Kei. 

"M-May tao." Ani Kei na hindi ko lang inimikan at sumilip lamang para titigan 'yung lalaki. Nang mamukhaan ko ay laking gulat ko noong malamang si Ray ito! 

Ibig sabihin lang nito… 

Humarap si Ray sa kotse na nasa harapan niya kaya nakikita ko na kung sino 'yung babaeng buhat buhat niya sa kanyang balikat.

Nanlaki ang mga mata kong walang malay si Haley. "S-Si Haley!" Napasigaw ako kaya mabilis na tinakpan ni Kei 'yung bibig ko't mas iniyuko ako dahil napansin din namin ang biglaang paglingon ni Ray. 

Naghintay kami ng ilang minuto at nakiramdam. "Nakita kaya niya tayo?" Tanong ni Kei. Hindi ako sumagot, maliban sa nakatakip nga 'yung bibig ko. Hindi ko rin sigurado kung nahuli nga kami ni Ray. Pero tingin ko naman, 'di niya kami maririnig dahil na sa loob kami ng sasakyan. Nakasara rin mga bintana kaya kulong 'yung boses namin. 

Unti-unting sumilip si Kei kasabay ang pag-alis niya nung kamay sa bibig ko. "Mukhang wala naman siyang napansing kakaiba." Sambit ni Kei kaya sumilip na rin ako. 

Inihihiga na ni Ray si Haley sa back seat at inaayos ang pwesto nito. 

Sumeryoso ako at huminga ng malalim. You leave me no choice, I guess. 

Nakakatakot itong iniisip ko, pero desidido na ako sa pwede kong gawin ngayon. Susundan ko 'tong sasakyan na ito. 

'Di ko kadugo si Haley o kung ano pa man, pero noong dumating siya sa buhay ko at naging kaibigan siya. Marami siyang naitulong sa akin, kaya sa pagkakataon na ito. Ako naman ang kukuha sa kanya sa dilim. 

"Kei." Tawag ko sa pangalan niya nang hindi inaalis ang tingin sa gawi nila Ray. "Susundan ko sila Haley. Bumaba ka muna at hintayin sila Reed." 

Napalingon siya sa akin. Nakikita ko sa peripheral eye view ko 'yung pagkunot ng noo niya. "Ano'ng sinasabi mo?" Naguguluhan niyang sambit. 

"Alam mo ang pwedeng mangyari once na makaalis tayo sa lugar na ito para sundan ang kotseng sinasakyan nila Haley. Maaaring mapunta nanaman tayo sa disgrasya, or worse. DEATH." Paliwanag ko na nagpabuka sa bunganga niya. Na-realized niya iyon. 

Lumipat ako sa driver's seat at kinuha 'yung susi na iniwan ni Jasper kanina sa key engine. "Pero wala na akong pwedeng maisip pa. Kung papasok tayong pareho sa gusali kung nasa'n sila Reed, 'di natin malalaman kung saan dadalhin si Haley. At napaka risky rin kung ikaw lang ang papasok sa loob." Tukoy ko sa abandonadong gusali.

"Kaya maghintay ka rito at pumunta sa isang lugar kung sa'n ka pwedeng magtago. Kapag nakita mo si Reed, sabihin mo kaagad 'yung nangyari. Iiwan ko sa 'yo iyong laptop niy--" 

"Ano ba'ng gusto mong mangyari? Kapag sinundan mo nga sila Haley, walang kasiguraduhan kung pareho kayong magiging ligtas." Nag-aalalang wika ni Kei. 

Ngumiti ako ng pilit. "May kaunting chance, pero sobrang risky. But I want to try." Litanya ko. Narinig ko mula sa labas 'yung pagpapaandar ni Ray ng makina sa kanyang sasakyan kaya lumingon na ako kay Kei. "Bumaba ka na." 

Sandali pa siyang tumitig sa akin bago umiling. "Sasama ako." Walang pag-aalinlangan niyang tugon kaya napaawang-bibig ako. 

Tinikom ko rin pagkatapos. "You know what will happen after this. There's no assurance that we're going to be alive." Nanghihina kong sabi. Hindi ako makapaniwala na darating 'yung araw na talagang magagawa ko 'yung mga ganitong bagay dahil sa napaka delikadong pangyayari. 

Ngumiti rin ng pilit si Kei, pero nangingilid ang mga luha niya. "Mmh." Tango niyang sagot. Gumalaw na nga 'yung sasakyan ni Ray kaya pinaandar ko na rin 'yung makina ng sasakyan na 'to. 

"Sandali lang." Hintay ni Kei at mabilis na bumaba ng kotse dala-dala 'yung laptop ni Reed. Ipinatong niya iyon sa ibabaw ng malaking gulong sa kaliwang bahagi 'tapos pumasok din kaagad. "Tara na."