Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 55 - Seized

Chapter 55 - Seized

Chapter 52: Seized 

Haley's Point of View

Lumabas si Kei sa isang cubicle habang naghihilamos ako ng mukha. Inaantok pa rin ako kahit nabasa na 'yung mukha ko ng malamig na tubig. Humph, kung sabagay hindi rin naman naging maayos 'yung tulog ko kanina.

Kei asked me to sleep on her lap pero naging isturbo 'yung dibdib niya sa pagdikit no'n sa mukha ko nung nakakatulog siya. Kaya imbes na matulog ako sa kandungan niya, iyong ulo na lang niya ang ipinatong ko sa balikat ko pagkaayos ko ng upo.

Idagdag mo pa 'yung maingay na paghilik nila Jasper at Mirriam sa likod.

Tumayo na ako nang maayos samantalang nag-unat naman si Kei nang makatabi siya sa akin. "Hahh… Sumasakit 'yung likod ko." Ngiti pero inaantok niyang sambit bago buksan ang gripo para hugasan ang kamay ganoon din ang kanyang paghilamos.

Sumimangot ako.

Sumakit pa 'yung likod mo. Eh, ang sarap na nga nung tulog mo.

"Sis." Tawag bigla ni Kei habang nakatungo kaunti kaya tiningnan ko siya mula sa malaking salamin. Winisik wisik niya 'yung kamay niyang basa. "You aren't going to meet that guy, are you?" Tanong niya na may halong panghuhula 'tapos tiningnan din ako mula sa salamin.

Seryoso na 'yung paraan niya ng pagtingin. "I mean, him. Ray." Napalingon na ako sa kanya.

B-Bakit niya bigla 'tong natanong sa akin?

"Bakit ako makikipagkita sa kanya?" Pagmamaang-maangan ko.

Ang totoo ko kasi talagang pakay, kapag nagkaroon ako ng contact kay Ray, I will meet him and be the bait. Malaki kasi ang chance na papahirapan niya ang mga kaibigan ko para lang mahanap ako. Kumbaga sa game, ito na 'yung last stage.

Kung mahahanap kaagad ako nila Harvey sa pamamagitan ng tracking system ni Reed. Mas madali na lang naming makuha si Ray at magkakaroon din kami ng advantage kung sakali mang may mga bagong tauhan ang lalaking 'yon. Kasi kung iisipin ko, maaaring ipadala ni Ray 'yung mga tao niya sa lokasyon na sasabihin niya kina Kei kaya mababawasan 'yung mga tao kung sa'n man niya ako dadalhin.

Kaso may kaunti akong problema.

Paano kung hindi pumasok sa utak ni Reed 'yung dahilan kaya ako humingi sa kanya ng tracking device?

Hindi ko rin kasi sinabi sa kanya 'yung iniisip kong plano dahil paniguradong hindi siya papayag sa gagawin ko, lalo naman sa iba ko pang kasama?

So, I will do this alone.  

 

Umiling si Kei na may ngiti sa labi. "Nothing, bigla lang pumasok sa isip ko." Sagot niya 'tapos nilagpasan ako. "Tara na, balik na tayo." Yaya niya sa akin at lumabas na ng banyo habang punas punas ang kanyang mukha. Nanatili lang ako sa pwesto ko't walang imik na tiningnan ang mga kamay ko.

Napakalaki ng risk na ito, pero hindi ko 'to pwedeng atrasan.

Kung ito 'yung realidad na hindi pwedeng maging isang panaginip na lang, much better if I'm going to do the same thing. Gagawin ko kung ano 'yung pwedeng gawin para lang matapos na 'tong mga 'to.

***

LUMABAS NA NGA ako sa banyo kung saan nakasalubong ko pa si Reed na mukhang gagamit din ng banyo. Nagkatinginan lang kami sandali bago ko ibinaling ang tingin sa dadaanan ko.

Tumigil lang ako noong tinawag niya ako. "Umagang-umaga, ang pangit pangit mo." Tama, umagang-umaga pero binu-buwisit na niya kaagad ako.

Lumingon ako sa kanya habang nagpipigil ng inis. Wala akong maayos na tuloy at ayokong ini-stress sarili ko ngayon lalo na't marami akong kailangang isipin. "Don't talk to me."

Humarap siya sa akin at nginisihan ako. "Now, don't be so rude. I'm just teasing you a bit."

Huh?

Bumaling na nga lang ulit 'yung tingin ko kung nasa'n banda iyong sasakyan. Kapag talaga si Reed itong kausap ko, wala talaga kaming matinong usapan. Kung magkakaroon man, minsan lang. "Don't worry, it's pretty effective." Pumikit ako. "Just by thinking of you already pissed me off."

Humagikhik siya. "Atleast naiisip mo 'ko, 'di ba?" Tanong niya na nagpamula sa akin.

Kinuyom ko ang kamao ko para uminahon. Pagkatapos ay bumuntong-hininga para mawala 'yung bigat sa dibdib ko. "Be grateful I don't sue you into the ground, bastard." Mura ko.  

"You're so uncute." Rinig kong sabi niya.

Umismid ako nang hindi pa rin siya tinitingnan. "It's not like I care what you think about me." I lied. Siyempre gusto kong malaman! Pero hindi sa ganitong paraan!

Nakakainis ka, Reed Evans!

"Fine." Sagot niya kaya namilog ang mata ko 'tapos nilingon siya. Nakasandal siya sa pader habang nakapamulsa't nakangisi. "Actually, I think you are really cute."  

Napaawang-bibig ako, at kumpara kanina ay pakiramdam ko mas namula pa ang mukha ko. Nawala lang iyon nang magsimula siyang tumawa nang tumawa.

"S'yempre, joke lang. Nakakadiri naman kung ako magsasabi niyon." Bawi niya sa papuri kanina at bumelat pa sa akin bago siya mabilis na pumasok sa banyo ng mga lalaki. Magkatabi lang kasi 'yung banyo ng boys sa girls.

Sandali pa akong nanatili sa kinatatayuan ko nang pumitik na ang ugat ko sa galit. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang hilig hilig mong asarin ako…" Nanggigigil kong sabi kahit hindi naman naririnig ni Reed 'yung sinasabi ko.

"Huwag ka ng magtaka." Sinundan ko ng tingin si Harvey na biglang nagsalita dahilan para tawagin ko ang pangalan niya. Nakalagpas na siya sa akin noong tumigil siya sa paglalakad para lumingon sa akin. "Guys like to tease the girls they like. No wonder kung ba't madalas ikaw 'yung asarin niya para lang mapansin mo."

Medyo hindi pa nag sink in sa utak ko 'yung sinabi niya pero imbes na matuwa ako. Na creepy-han ako for some reason. "Quit saying stupid stuff, will you?"

Humarap siya sa akin at parang nainis sa sinabi ko. "Don't you get it? I just told you that he liked you, stupid woman."  

Hinakbang ko ang isa kong paa para makalapit sa kanya. "Si Reed ka ba para sabihin 'yan sa 'kin?!" Inis kong bulyaw sa kanya 'tapos tumalikod na nga lang. "Whatever. Babalik na ako." Naglakad na nga ako't hindi na hinintay ang kung ano man ang sasabihin niya.

Ngunit habang naglalakad ako pabalik sa sasakyan, hindi mapigilan ng puso ko ang umatake sa sobrang lakas nitong tumibok.  

Hahh… Stupid Harvey, is he trying to kill me? Paano kung mag expect ako sa sinasabi niya na gusto ako ni Reed?

Buwisit siya.

Kakaliwa na sana ako but suddenly, may itim na sasakyan ang huminto sa likod ko't binuksan ang pinto. Mga nakasuot sila ng cloth mask para hindi rin makita ang mga mukha nila.

Nakasunod sila sa 'min?! Kaagad-agad?!  

"Kaasar." Mabilis akong humarap sa lalaking hahatak sana sa akin paloob nang bigyan ko siya nang napakalakas na hampas sa mukha dahilan para mapaupo siya paloob sa sasakyan. Nagulat ang dalawa pa niyang kasama pero mas ikinagulat pa nila 'yung kusa kong pagpasok sa sasakyan nila.

Hinatak ko lang palabas 'yung pinatumba ko para ro'n siya umupo sa passenger seat.

"Sa harapan ka! Nakakasikip kang letse ka!" Inis kong utos.

"Ano--" Pinutol ko 'yung sasabihin nung driver nang tingnan ko siya.

"Kasabwat kayo ni Ray?" Mainahon kong tanong na marahan naman nilang tinanguang tatlo. Nakapasok na rin kasi 'yung lalaking lampa at nakaupo na rin sa passenger seat.

 

Nilingon ko ang lalaking driver. "Dalhin n'yo ako sa kanya." Sambit ko't tukoy kay Ray na nagpaawang-bibig sa tatlong lalaking ito. Sa inis kong hindi sila nakapagsalita kaagad, tinapunan ko sila ng masamang tingin. "Kikilos ba kayo o hindi?!" Irita kong tanong kaya mabilis naman silang sumunod at pinaharurot na nga 'yung sasakyan.

Nalagpasan na rin namin 'yung sasakyan namin at nakita ko pa 'yung pabalik nila Mirriam dala-dala ang mga inumin nila.

Nagbuga ako ng hininga. But,

…I guess I'm lucky na nakakabit na 'yung tracking device sa batok ko just in case biglaan ngang mangyari 'yung ganito.

"Hoy, babae. Hindi ka talaga tatakas, ah?" Tinakot pa ako ng katabi ko ngayon sa pamamagitan nung pagdikit ng patalim sa leeg ko. Hinampas ko 'yung kamay niya kaya nabitawan niya 'yung kutsilyo.

"Bobo ka rin, eh 'no? Papasok ba ako rito kung tatakas din naman ako?" Pamimilosopo ko kaya hindi siya makapaniwalang napatingin sa akin.  

Ipinagkrus ko ang mga paa ko't humalukipkip. Inaatake ako ng mood swing ko, sakto rin pala na nagkulang ako sa tulog. Imbes na matakot ako sa mga ganitong sitwasyon, nababanas lang ako sa mga pangit na 'to.

Tama, I should also stay calm. I don't think may gagawin sila sa akin for now ng walang pasabi si Ray kaya magiging okay lang ako, I think? 

Pabagsak akong sumandal. "But it's a waste that you're doing this stuff and let that guy control you." I said and shrugged. "May mga sarili naman kayong buhay pero hinahayaan n'yong magpaalila kayo sa lalaking mukha ring aso." Idinikit ko ang hintuturo ko sa panga ko. "Wait, does that make you guys his puppy? I mean, 'di ba? Bata niya kayo?" Ngiti kong pang-aasar.  

Naasar 'yung lalaking nakaupo sa passenger seat pero ikinalma lang nung lalaking nagda-drive. "Kumalma ka lang." Suway nito.

The guy beside clicked his tongue. "Hindi ako sigurado kung bakit bigla kang sumama ng walang pag-aalinlangan. Pero kapag may nakita kaming kahina-hinala, hindi kami magdadalawang-isip na patayin ka." Babala nito na hindi ko kaagad inimikan.  

Sa halip ay sumalong-baba lang ako't tumingin sa labas ng bintana. "Sure." Sagot ko na lang habang sinusundan ang araw na papaakyat na.

I'm just hoping na wala ng ibang ipinadala si Ray para kunin sila Kei.