Chapter 41: The Situation that must not Enter
Mirriam's Point of View
Palinga-linga akong naglalakad dito sa cafeteria pero lumabas din noong hindi ko makita ang mga mang-iiwan kong kaibigan.
Mga letse, saan naman nagpunta iyon at basta't basta na lang ako iniwan?
"H-hoy, ang bilis mo namang maglakad." Paghabol-hininga ni Reed nang makahinto sa likuran ko. Hawak niya ang mga tuhod niya at hinihingal pa rin nang humarap ako sa kanya.
Nagpameywang ako. "Nasa'n ka ba at pati ikaw, iniwan din ako?" Nakasimangot kong tanong pero inis niya akong binulyawan.
"Ako nga 'tong habol nang habol sa 'yo! Saka sa'n ba kayo nagpupupunta?!" Inis niyang tanong. Ako dapat 'yung nagtatanong niyan, eh.
Tumalikod ako sa kanya habang iginagala-gala ang tingin. "Naiintindihan kong wala si Harvey at Kei, pero bakit pati sila Jasper, wala?"
Hindi ko nga rin kamo gets kung ba't bigla silang nawala habang naglalakad kami sa hallway papunta sa Canteen. Si Reed, ewan ko rin kung sa'n napunta basta nauna na ako noong mapansin kong wala na 'yung mga kasama ko.
Bumuntong-hininga si Reed. "P'wede bang mauna na lang muna tayong kumain kaysa maubos 'yung oras natin kakahanap sa kanila? Nagugutom na talaga ako, eh." Paghimas niya sa tiyan niya. "Makikita naman natin sila sa classroom mamaya."
Naglabas ako ng hangin sa ilong at lumingon sa kanya. "You're right."
***
SIMANGOT KONG isinubo ang kinakain kong beef with young corn sa bunganga ko. Nakatingin 'yung mga estudyante sa amin at ginagawan na kami ng isyu nitong si Reed.
Napahawak ako sa noo ko. "Gusto mo bang bumalik sa classroom?" Tanong ko sa kanya.
Uminum na muna siya ng softdrinks niya bago sumagot. "Hayaan mo sila. Sila lang naman 'yung gumagawa ng malisya."
"That's not what I'm talking about. Hindi ako makakain kasi nga nakatingin sila sa 'tin." Rason ko naman. Hindi ako kumportable na may nanonood habang mukha kang tanga na sumusubo ng pagkain mo.
Ipinatong ni Reed 'yung dalawa niyang kamay sa side niya bilang suporta. "Masanay ka na kaya? Isipin mo na lang na si Jasper 'yung mga nakatingin sa 'yo--" Binatukan ko na siya.
I blushed. "I'll smack you."
Hinimas-himas niya 'yung ulo niya. "Ano ba'ng balita sa inyong dalawa?" Pangangamusta niya na mas nagpasimangot sa akin. Kinuha ko 'yung juice ko at animo'y nilagok iyon.
"Wala namang bago sa 'min. Ganoon pa rin." Naiirita kong sagot 'tapos ibinaba ang iniinum ko. "At bakit mo ba ako tinatanong, huh?" Inis kong tanong.
"B-Bakit ka nagagalit sa akin?" Naguguluhan niyang tanong 'tapos napatingin na lamang kami kay Irish na biglang nagsalita sa tabi.
"Hello." Bati niya kaya umangat ang tingin ko para makita siya. "P'wedeng makitabi sa inyo?" Ngiti niyang tanong sa 'min.
Namula naman nang kaunti si Reed 'tapos medyo natataranta na inayos ang bag. He's hopeless.
"P-Pwede naman." Nauutal na sagot ni Reed saka masayang tumabi sa kanya si Irish kaya wala ako nagawa kundi ang ubusin kaagad ang kinakain ko at tumayo dala-dala ang tray na hiniram ko.
"Mauuna na muna ako." Paalam ko.
"U-Uhm!" Ibinaba ko ang tingin kay Irish. "H-Hindi mo ba ako gustong makasabay?" Parang nalulungkot na tanong ni Irish kaya mabilis naman akong napailing.
"Hindi! It's not like that. Naiirita lang talaga ako diyan sa katabi mo." Tukoy ko kay Reed kaya itinuro naman niya ang sarili niya.
"Wala naman akong ginagawa sa 'yo, ah?!" Taas-kilay na sabi ni Reed.
Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at nginitian lang si Irish. "Babalik na rin ako sa classroom dahil may kailangan pa akong gawin." Sagot ko naman. Pero ang totoo, gusto ko rin talagang kumuha ng gamot sa infirmary dahil medyo sumasakit nanaman yata 'yung ulo ko.
Eh, tamad itong si Reed at wala yatang balak na samahan ako kaya ako na lang.
"Ah, sige…" Parang hindi sigurado na sagot ni Irish pero tumalikod na ako at kumaway bilang pagpapaalam.
Ipinatong ko na muna 'yung tray sa dapat nitong paglagyan saka lumabas ng Canteen para dumiretsyo sa infirmary. Nakasalubong ko pa 'yung mga ka-team ko sa Track and Field.
"May practice raw mamaya sabi ni Coach. Saka ia-announce na yata kung sino 'yung magiging Team Captain." Saad ni Catarina, isa sa mga ka-team ko.
Bumilog ang mata ko. "Bakit naman biglaan? Wala akong dalang sports uniform."
Inakbayan naman ako ni Chinky at ginulo ang buhok ko. "You can borrow mine." Wika niya at ngumisi. "Or pwede rin kay bebe mo." Pang-aasar niya kahit hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.
"Who are you talking about?" Taka kong sabi.
Sinundot naman ni Catarina ang tagiliran ko. "Sus, kunwari hindi alam" Patuloy nila sa pang-aasar kahit hindi ko alam kung sino ang tinutukoy. Baka kasi hindi si Jasper, 'di ba? Saka maliban kila Haley, wala pa namang nakakaalam na gusto ko si Jasper.
"Si Jasper." Banggit ni Chinky kaya inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin.
"Ano'ng pinagsasasabi mo?! H-Hindi, ah!" Tanggi ko.
Ngumisi si Chinky. "Hindi raw, pero bakit ka namumula?" Tanong niya sa akin. Umurong ang ulo ko dahil sa lapit nung mukha niya.
Humalakhak sila 'tapos nagsimula ng maglakad. "Support!" Cheer ni Catarina habang humiyaw naman si Chinky kasabay ang pag-angat baba niya ng kanyang kamay. I tsked. Ugh! Makapunta na nga lang sa Infirmary.
Malapit na ako sa dapat kong puntahan. Na sa harapan na rin ako ng sliding door ng infirmary at handa ng buksan ang pinto nang marinig ko ang boses ni Jasper.
"Hala, Haley. Huwag kang magalaw." Suway ni Jasper.
"Nakakainis ka naman! Ayusin mo kaya 'yung pagkakalagay mo niyan?!" Naiirita na sabi ni Haley kaya umangat na ang tingin ko.
"Hindi naman madali, eh! Ma'am! Bakit kasi ako?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jasper na medyo nate-tense base sa tono ng kanyang boses. Bakit kaya?
Humalakhak naman 'yung school nurse sa loob na si Nurse Charlotte. "Okay lang 'yan. Balak mong mag Psychology, 'di ba?" Tanong nito.
"Hindi naman trabaho ng Psychologist maging Therapist!" Bulyaw ni Jasper. "Haley naman! Magsalita ka riyan!"
"Humph." Sabi lang ni Haley.
Sumilip ako sa window glass nung pinto para makita 'yung loob. Buti nga wala pang nailalagay na kurtina.
Tumingkayad ako para makita pa 'yung ginagawa nila. Nanlaki ang aking mata at halos malaglag ang panga nang makitang nakababa kaunti ang uniform ni Haley habang nilalagyan ni Jasper ng kung anong ointment ang maputi niyang likod.
Nanginginig si Jasper at halos mangiyak sa sobrang hiya. "Wala tayo sa Ecchi anime!"
Namumulang nilingon ni Haley si Jasper. Sa pagkakataon na ito ay napaawag-bibig ako, ngayon ko lang kasi nakita 'yung ganitong mukha ni Haley lalo na sa harapan ni Jasper. Ano ang ibig sabihin ng mga tingin niyang 'yan?
"Hindi naman ito 'yung first time na nakita mo 'yung likod ko. Ano 'yung kinahihiya mo?"
What should I say? Is she always trying to seduce people like this?
Tumayo na ako nang maayos, dahan-dahan na tumungo. Hindi maintindihan kung ano 'yung biglang bumigat sa dibdib ko.
Umalis na nga lang ako sa harapan ng Infirmary para bumalik sa classroom.
Haley's Point of View
Napatingin ako sa pinto nang maramdaman kong parang may sumisilip. Pero wala naman akong nakita kaya ibinalik ko ang tingin kay Jasper at hinampas palayo ang kamay niyang dadampi sana sa balat ko. "Wala kang kwenta." Inangat ko na nga lang 'yung polo ko at isinara ang mga buttones nito. Inalis ko na rin muna ang school blazer ko at isinabit na muna sa balikat ko.
Ang totoo niyan, pinagti-trip-an lang talaga kami ng School Nurse.
Hindi na ako umangal dahil sumasakit na 'yung likod ko at kating-kati na akong pahiran ng ointment. Kaso ano ba'ng klaseng school nurse 'to na ipapasa 'yung trabaho niya sa estudyante para lang matuwa-tuwa siya.
"Nurse Charlotte, p'wede bang kumuha na lang muna ako ng pass slip? Uuwi na lang po ak-- Aww." Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla nanamang sumakit.
Inalalayan naman ako ni Jasper na umupo.
Ngiti namang tumango si Nurse Charlotte. "Mas maganda nga, pero pumunta ka rin ng ospital para I-check ka." Sambit niya at lumapit sa akin. "Lalo na't bumalik na nga 'yung mga alaala mo." Dugtong niya at lumingon kay Jasper. "Ikaw, bumalik ka na sa classroom mo. Ako na bahala kay Haley."
Tumango naman si Jasper at ipinatong ang kamay sa balikat ko. "I-text mo kaagad ako kapag may kailangan ka."
"What a couple with good chemistry" Biglang pang-aasar ni Nurse Charlotte dahilan para mamula ako.
"No, that's not it. We're just best friend." Sagot naman ni Jasper 'tapos napatingin sa akin. "Why are you getting embarrased? Don't tell me--"
Humawak ako sa noo ko. "Shut up, I'll punch you."
***
LUMABAS NA NGA si Jasper sa Infirmary samantalang nanatili lang ako rito sa kama at nakaupo lamang sa edge nito. "Fill up-an mo muna 'to saka kita bigyan ng pass slip. Sino ba susundo sa 'yo?" Tanong sa akin ni Nurse Charlotte.
"Baka 'yung guard sa mansion." Tukoy ko ro'n kay manong na madalas naming kasama kapag nag a-out of town kami.
Dahan-dahan akong tumayo at isinulat ang contact number ko sa form ganoon din ang kaunting information ko.
"Habang naghihintay ka, gusto mo ba munang bumili ng pagkain mo?" Tanong niya sa akin kaya napahawak ako sa kalamnaman ko. Hindi pa ako kumakain kaya sakto.
Tumango ako. "Babalik din po ako." Sambit ko at nauna ng naglakad.
"Okay lang ba na mag-isa ka? Dapat pala hindi ko muna pinauna si Jasper." Tinulak ko na muna ang sliding door bago siya lingunin.
"I'll be fine, thank you." Sabi ko bago lumabas ng Infirmary. Naglabas ako ng hininga 'tapos humawak sa noo ko.
I'm feeling a little a dizzy dahil sa biglaang pagbalik nung mga memorya ko. Medyo nawalan din talaga ako sa mood dahil sa mga nakita ko sa nakaraan, kaya kakain na muna ako para ma-lighten up 'yung pakiramdam ko. 'Tapos matutulog pagkauwi ko sa mansion. Saka na ako magpapa-check up kapag naka-recharge na 'ko.
Bumaba ako ng hagdan patungo sa Canteen. Pero dahil nakita ko si Kei sa hindi kalayuan na mukhang nagmamadali at mukhang may hinahanap ay sinundan ko siya nang palihim.
Ever since na nag break sila ni Harvey, iba na talaga 'yung kinikilos niya lalo na ang paraan ng paggalaw ng mata niya.
Nakarating ako sa school park malapit sa exit gate 3, habang iginagala ko ang tingin ko ay nagsasalubong din ang aking kilay. "Ano naman kaya 'yung gagawin ni Kei rito? Saka wala naman masyadong estudyante, gusto niyang mapag-isa?" Tanong sa sarili at napabaling ang tingin nang marinig ko ang kaunting pagsigaw ni Kei sa kausap niya sa may palikong parte.
Huminto ako para magtago 'tapos sumilip. Laking gulat noong makita si Ray.
"Ano pa'ng kailangan mo sa akin? Hindi ba't nagawa ko naman na 'yung gusto mo? Nakipag break na ako kay Harvey."
Namilog ang mata ko. "What?" Reaksiyon ko pagkarinig ko niyon. Ba't kasama niya si Ray?
Tanong ko sa aking isip at tumungo nang ma-realize at maalala ko 'yung ginawa ni Jasper noong nakipagkita siya kay Ray. You've got to be kidding me.
Ba't ba pare-pareho kayong ganito?
"Akala mo ba sapat na 'yung ginawa mo? Kulang pa 'yun, Keiley." Wika ni Ray at hinawakan ang hibla ng buhok ni Kei para amuyin ito.
Kumulo ang dugo ko sa ginawa niya pero hinawakan ko lang 'yung kamay ko para magpigil sa kung ano man ang gagawin ko.
"Be my woman."
Parehong nanlaki ang mata namin ni Kei sa naging saad ni Ray. Balak ko sanang lumabas sa pinagtataguan ko pero dahil biglang pumitik ang ugat ng ulo ko ay hindi ko na nagawa. Damn it!
"Ipakita mo sa gag*ng 'yon na may iba ka na."
Tinutukoy niya yata si Harvey. "Pero kung magmamatigas ka na hindi gawin 'yong simpleng bagay na gusto ko, 'di talaga ako magdadalawang-isip. Ipapakita ko sa 'yo how I will rape your friends, and make them suffer as they will slowly die."
Napasinghap na si Kei samantalang galit na galit naman akong napatingin sa humahalakhak na si Ray na mukhang nasisiraan na rin ng bait. I see, nakikita ko na 'yung sitwasyon.
Sumandal ako sa pader, pumikit at huminga nang malalim para mag-isip. Pagkatapos ay unti-unting inangat ang tingin noong makapag pasya ako sa pwedeng gawin.