Chapter 44: Get Rid Off
Haley's Point of View
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom mula sa likod. Si Kei na kaagad 'yung hinanap ng mga mata ko. But she's still not here.
Wala rin si Harvey, malamang na sa mansion pa iyon at hindi pa tumatayo mula sa pagkakatulog. O baka nga hindi na pumasok 'yun ngayon.
"Haley!" Bungad ni Rose at mabilis akong niyakap, sa gulat ko ay halos itulak ko rin 'yung mukha niya palayo dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin pagkalingon ko pa lang sa kanya.
"Ano ba'ng ginagawa mo?!" Nahihiya kong bulyaw sa kanya pero inilapit lang niya ang mukha niya sa akin at idinikit pa iyon sa pisngi. She's teasing me again!
"Ayaw mo ba sa 'kin at itinutulak mo 'ko palayo?" Parang nagtatampo na tanong ni Rose at bigla na lang ding hinawakan ang dibdib ko. Kumawala ang ungol sa bibig ko lalo pa noong masahiin niya ang aking dibidb. Narinig 'yon ng lahat lalo na ang mga kalalakihan dahilan para mapanganga sila na tila parang mga namangha sa kanilang narinig.
Binato ni Micah-- isa sa mga kaklase ko ang bag niya kay Mark.
Luminya na ang ngisi sa labi ni Rose, tuwang-tuwa sa kanyang ginagawa at kanyang nakikita. "Lumaki yata kumpara nung nakaraan, ah? Mukhang inalagaan mo talaga ng mabut--" Hinagis ko siya palayo sa akin.
"Cut it off!" Pulang pula kong suway, at kahit hindi naman ako tumakbo ay hingal na hingal pa rin ako. Tumaas yata 'yung blood pressure ko dahil sa manyak na babaeng ito!
"Wow! 'Yung signature strength nung dating Haley!"
"Gawin mo nga ulit kay Sir Santos 'yung ginawa mo noon!"
Binigyan ko ng blankong tingin ang nagsabi nung huli.
Inayos ni Rose ang eye glasses niya at tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sahig. "Hindi ko pa tapos I-massage, eh." Nguso niyang sabi.
Pumikit ako para magpigil ng inis. "Y-You know how to die?" Tanong ko sa kanya kasabay ang pagpasok ni Mirriam. Pareho kaming mga napatingin sa kanya, binati siya ni Rose na binati rin naman pabalik ni Mirriam.
"Morning." Pagbati ko naman. Medyo nagulat siya for some reason nang bigla niya akong lingunin 'tapos itinungo nang kaunti ang ulo at humawak sa braso niya.
Nanliit kaunti ang singkit kong mata.
"Mmh. Morning." Patangong bati niya bago pumunta sa kanyang pwesto.
Si Kei naman 'yung pumasok pero hindi mula rito sa back door kundi sa harapan. May dala-dala siyang iilang papers at inilapag iyon sa teacher's table.
"Dumaan ako sa faculty. Wala raw si Sir Santos." Saad ni Kei kaya nagkaro'n ng iilang mga kumento ang mga kaklase ko.
"Wala na bang balak mag klase 'yung adviser natin?"
"Hindi naman natin siya subject teacher, kaya okay na 'yan."
"Hoy." Sita ni Rose sa dalawang kaklase namin na iyon na tinawanan lang din nila.
"Pero may iniwan siya na gagawin natin." Pagtaas niya nung isang pirasong papel na hawak niya kanina kaya mga nagkanya kanyang react ang mga kaklase ko.
Bumuntong-hininga si Rose 'tapos lumapit na nga kay Kei.
"Umupo ka na, Keiley. Ako na ang bahala mag distribute." Alok ni Rose na nginitian naman ng matamis ng kapatid ko.
"Thank you." Pagpapa-salamat ni Kei.
"Huwag ka na, Rose. Si Keiley na lang para talagang maganda 'yung umaga namin." Biro ni John kaya binigyan siya ng nakamamatay na tingin ni Rose.
"Huwag mong pinagbababanggit pangalan ko lalo na kung bukas 'yung zipper mo."
Ibinaba ni John ang tingin niya at dahil sa naging paraan ng pag react niya ay mukha ngang bukas talaga 'yung zipper niya. Tumayo siya at tumalikod sa amin para isara ang zipper niya. Malakas na humalakhak ang lahat.
Ngumiti lang ako saka pumunta sa aking pwesto. Isinabit ko ang bag ko sa sabitan ng bag dito sa desk ko 'tapos napatingin kay Mirriam nakasalong-baba na nagsusulat yata ng assignment namin sa isa naming subject.
Tiningnan ko si Jasper at binigyan siya ng walang ganang tingin. Pinaghihinalaan ko siya sa paraan ng pagtingin ng mga mata ko pero sumenyas siya na wala siyang alam.
"Hindi ba't nasabi mo sa akin na sa inyo nakikitulog si Kei? Kumusta naman siya?" Pangangamusta ni Reed kay Jasper kung saan nakita ko 'yung kaunting paghigpit ni Mirriam sa pagkakahawak niya sa kanyang ballpen.
Binigyan niya ng thumbs up si Reed. "Wala kang dapat na ipag-alala. Okay lang siya, pero huwag mo muna ring sabihin kay Harvey."
Mukha namang tutol si Reed sa sinabi ni Jasper. "Pero…"
"Kahit malaman ni Harvey kung nasa'n si Kei at puntahan siya. I don't think my sister would let him." Pagsabat ko kasabay ang aking pag-upo sa aking upuan. "Hayaan mong sila ang mag-usap-- Oy." Nagulat ako dahil bigla bigla na lang akong niyakap ni Kei. Hindi ko napansin na nandiyan na pala siya.
Lumingon ako sa kanya at sinimangutan siya. "What's wrong with you?"
Ngumuso siya. "Ano'ng pinag-uusapan n'yo? Sali naman ako." Parang bata kung sabihin niya 'yan.
Bumaling ang tingin ko. "It's nothing." Nasabi ko na lang. Hindi rin naman niya magugustuhan kung maririnig niya. There are so many things that she have to think about. Pero nag-aalala ako sa Ray na iyon, ewan ko pero instinct ko na 'to. There's a possibility na mayro'n na talagang nagmamasid sa amin ng hindi namin alam.
Pwede sa loob mismo ng classroom na ito, o sa labas ng skwelahan na ito.
Kung kami nila Mirriam 'yung gusto niyang makuha at gamitin nang dahil sa ginawa ni Harvey sa kanya noon. Hindi malabo na pwedeng magpakita ulit si Ray kung kami-kami lang ang magkakasama at wala sila Harvey, or maybe isa sa mga bagong kasama niya ang kukuha sa amin.
Kinuha namin 'yung inaabot ni Rose na paper. Survey lang actually ito tungkol sa E.U.
Humiwalay sa akin si Kei. "Pwede tayong lumabas pagkatapos nating sagutan 'to." Ngiting sabi ni Kei na nagpatungo sa akin nang kaunti. Hindi dapat ako mag-alanganin kahit medyo risky itong gagawin ko dahil kasama ko sila Mirriam.
Nginitian ko sila Mirriam. "Pwedeng pumunta tayo sa mini forest pagkatapos? Walang masyadong tao ro'n ngayon kaya makakapag relax tayo."
Nag-iba 'yung reaksiyon ni Kei samantalang narinig naman ni Jasper 'yung sinabi ko kaya balak pa sana niyang sumama nang bigyan ko siya ng nakamamatay na tingin.
"Hindi ka namin kailangan do'n." Malamig na sabi ko na halos nagpaurong sa kanyang ulo.
Binigyan ko siya ng tingin. Tingin na nagsasabing intindihin niya 'yung gusto kong mangyari. Napaawang-bibig siya at mukhang nakuha na niya 'yung gusto kong mangyari.
Bagay nga siguro sa kanyang maging psychologist in the future.
Ibinaba ni Mirriam ang tingin niya sa sinusulat niya. "Sorry. Baka hindi ako makasama, may gagawin pa ako pagkata--"
"I hate lame excuses."
Nanlaki ang mata niya dahil sa paraan ng pananalita ko 'tapos dahan-dahang lumingon sa akin. "Haley, you…"
Hindi ako umimik at ibinaling na lamang ang tingin sa survey para makapagsimula ng magsulat. Si Kei naman, napansin kong nakatayo lang sa gilid ko at piniling manahimik.
***
NATAPOS NA rin namin ang sinasagutan naming survey kaya ngayon ay may mga kanya kanya na kaming ginagawa.
Iyong iba mga lumabas at nag-ayang kumain sa canteen, iyong iba ay pinili lang din na manatili rito.
Pero ngayon ko lang napansin,
Lumingon ako sa pwesto nila Trixie. "Wala sila." Sabi ko sa sarili. Inilipat ko naman ang tingin kina Reed.
"Huwag kayo masyadong lumayo, ah?" Paalala ni Reed na hanggang ngayon ay salubong pa rin ang mga kilay. Inakbayan naman siya ni Jasper at kinumbinsi ito kasabay ang malakas na pagtawa.
Tumalikod naman ako kay Reed at umiwas ng tingin. "Para kang tatay kung pagsabihan kami." Bulong ko. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Reed.
"Huh? Ano'ng sabi mo?"
Mabilis akong lumayo sa kanya. "W-wala!" Sagot ko 'tapos hinawakan ang mga pulso nila Mirriam. "T-Tara na, baka may makuha pa tayong virus."
Napikon naman si Reed at naririnig ko pa ang pagreklamo.
Sinilip naman ni Kei 'yung mukha ko. "Kailan ka pa naging ganyan kay Reed?" Taka niyang sabi kaya tiningnan ko siya at pilit itong nginitian.
Mas maganda kung mamaya ko na lang sasabihin sa kanila 'yung lahat at kung ano pa man 'yung gusto kong sabihin.
Sa ngayon, kailangan ko na munang tapusin ang lahat ng 'to.
Harvey's Point of View
Na sa Homeroom office ako ngayon at kaharap ang isang guro na in-charge tingnan ang mga ganap sa E.U. gamit ang CCTV.
Maliban sa mga operator sa Control room , mayro'n din dito sa Homeroom office.
Seryoso itong nakatingin sa akin habang naka-intertwine ang mga daliri.
Naglabas siya ng hangin at ipinakita sa akin ang isang larawan mula sa monitor screen niya. "Alam mo ang ibig sabihin nito, 'di ba?" Tanong sa akin ng gurong ito.
Tumungo ako at hindi nakapagsalita. Nahuli ako sa CCTV kung sa'n hinalikan ko si Kei.
"Hindi mo ba alam kung ano 'yung consequence sa ginawa n'yong ito?"
Umalis ako sa pagkakaupo ko sa upuan at lumuhod kung saan nagulat ang gurong ito sa aking ginawa. "I beg you, kahit ako na lang ang parusahan mo. Ako ang may kasalanan, walang kinalaman si Kei rito."
"Mr. Smith, hindi lahat umaayon sa gusto mo. Kahit na ikaw pa 'yung anak ng sikat na business man na si Alexander Smith. Hindi ko 'to pwedeng palagpasi--"
"Please." Salitang nagpatigil sa kanya. "Kahit ipa-expell n'yo ako sa skwelahan na 'to. Okay lang, huwag n'yo lang parusahan si Kei."
"But--"
"Gagawin ko ang lahat, sir! Please, huwag n'yo na pong babanggitin 'to kay Kei o sa kahit na sino pa man. Tatanggapin ko ang kahit na anong kaparusahan na ibibigay mo." Pakiusap ko at pumikit nang mariin. "Please."