Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 49 - S H U T

Chapter 49 - S H U T

Chapter 47: S H U T

Haley's Point of View

Iritable akong nakatitig kay Reed na ngayon ay nakalayo lang ang tingin. Nakaupo ako sa edge ng kama niya habang hawak-hawak 'yung pagkain niya. Handa na siyang subuan nang ibaba ko na lang ang kutsara't pasimpleng nagbuga ng hininga.

Naaasar talaga ako. Pinagti-trip-an nanaman ako nila Kei kaya sa akin pinaasikaso 'tong si Reed. Tuwang-tuwa siguro sila ngayon na kaming dalawa lang ang nandito.

Hahh… Mabuti na lang may assembly meeting nanaman ang mga teachers ngayon kaya wala ulit kaming pasok. Pero magkakaroon kami ng Saturday class.

"Bakit kasi ako pa." Mahinang daing ko na narinig pala ni Reed.

"Well, I'm sorry. Kung kaya ko namang gawing mag-isa, hindi naman kita iisturbohin, eh." Tugon niya habang namumula ang tainga niya.

Nakatingin lang ako sa kanya nang mabilis kong isubo sa kanya 'yung pagkain sa bunganga niya.

 

Halos mabilaukan siya sa ginawa ko kaya asar nito akong tiningnan. "Papatayin mo talaga ako, ano?!" Bulyaw niya sa akin pero inirapan ko lang siya. Hindi na ulit ako nagreklamo at pinakain na lang siya nang matapos na ito.

Kaso hindi mapigilan ng mga kamay kong hindi manginig. Aba, siyempre. Si Reed itong na sa harapan ko.  

Geez, bakit nga ba ikaw 'tong nagustuhan ko despite na napaaka immature mo and all?

Mapaglaro nga siguro talaga ang pag-ibig. Walang pinipili, basta kung ano na lang ang magpatibok sa puso ng tao. Kahit makakita ka pa 'yan ng mali, tatanggapin mo at mas lalo mo pang mamahalin.  

"Uy, Ree--"

"I'm sorry." Biglang paghingi niya ng tawad kaya umangat ang tingin ko sa kanya. Nakatungo lang siya't malungkot ang tingin. "Sa sinabi ko kahapon." Dugtong niya.

Tinutukoy siguro niya 'yung pagtutol niya sa pagbabantay sa amin ng mga police. But speaking of, may dalawa rin sa labas ng kwartong ito. Nagkaroon naman kami ng kasunduan na babantayan lang nila kami pero wala silang babanggitin na kahit na ano sa magulang namin.  

Mabuti nga't wala naman sila Mama kaya wala rin kaming dapat na ipag-alala tutal nasabi naman nilang matagal-tagal pa ulit bago sila makauwi. Si Jasper naman, sa pagkakaalam ko ay pinagalitan siya nung ate niya at bina-blackmail nga raw ito na isusumbong siya sa magulang nila. Si Kei lang din nagsabi dahil hindi pa nga siya bumabalik dito sa Smith Mansion.

Si Mirriam, hindi ko pa nako-contact simula noong makauwi kami kahapon.

Medyo nag-aalala nga rin ako dahil baka mamaya ay hindi na siya payagan ng mga magulang niya na sumama sa amin.  

Naglabas ako ng hangin sa ilong 'tapos inilapit sa kanya 'yung kutsara na may lamang pagkain na isinubo rin naman niya. "It's no big deal. Gusto ko ring mag sorry, dapat ako rin ang umiintindi sa 'yo pero pinili kong sigawan ka sa inis ko." Bumaba ang balikat ko. "Naiintindihan ko na ayaw mo ng umasa sa mga police ngayon, pero--"

"Naiintindihan ko." Sabat ni Reed na may ngiti sa labi. "Mali ko iyon. Sadyang pinapangunahan lang ako ng galit ko kaya ko rin 'yun nasabi. Hindi dapat ako gano'n mag desisyon, dapat iniisip ko rin kayo hindi lang ang sarili ko. Kaya pasensiya na." Pag-iwas niya ng tingin sa hiya.

Muli lang akong tumitig sa mukha niya nang ilapit ko ang mukha ko sa kanya. Namilog naman ang mata niya samantalang namula naman buong pisngi niya. "Ngayon ko lang napansin pero habang tumatagal naman, nagma-mature ka." Sabi ko 'tapos itinaas kaunti ang magkabilaan kong kilay kasabay ang mapang-asar kong ngiti. "Utak mo lang 'yung hindi." Dugtong ko kaya mas namula pa siya kaysa kanina.

"Ano'ng ibig mong sabihin diyan?!" Napipikon nitong sambit. Ibinaba ko lang sa kandungan ko ang plato.

"Mas mature pa ngang mag-isip si Jasper sa 'yo." Tuloy ko pa rin sa pang-aasar hanggang sa may kumatok sa pinto. Pumasok si Mirriam na may dala-dalang paper bag, kasama rin niya 'yung kapatid niyang si Jin.  

What is he doing here?

"Haley!" Malakas na pagtawag ni Jin at hinawakan kaagad ang dalawa kong kamay pagkalapit pa lang niya sa harapan ko. Buti na lang pala, inilapag ko kaagad 'yung plato sa kandungan ko. "Okay ka lang ba? Walang masakit sa 'yo?"  

Umurong naman ang ulo ko dahil ang lapit na rin kasi nung mukha niya. "I-I'm fine."

Inalis ni Reed 'yung kamay ni Jin na nakahawak sa akin. "Bakit ka nandito?!" Asar na asar na tanong niya na tiningnan naman ni Jin.  

"Ah. Nandiyan ka pala? 'Di kita napansin." Plain pero may halong sarkastikong sabi ni Jin na nagpapikon kay Reed.

Inilapag ni Mirriam ang dala niyang paper bag sa side table ni Reed at nginitian ako. "Nagdala kami ng cup cake. Nag bake si ate Jean."

Namilog ang mata ko. "Marunong siyang mag bake?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi halata sa kanya.

"Culinary talaga 'yung kinukuha ni Ate." Tugon ni Mirriam kaya ngumiti naman ako.

"Thank you kamo." Pagpapadala ko ng mensahe saka ko tiningnan ang pinto bago ibinalik kay Mirriam. "Nasa'n nga pala 'yung nagbabantay sa 'yo?" Tukoy ko sa mga police na naka-assign sa kanya.

Humalukipkip siya't ngumuso. "Nandoon sa labas. Ayoko nga sana silang sumunod-sunod sa amin, eh. Pinagtitinginan kami ng mga tao."

Ngumiti lang ako ng pilit. "I feel you." Tatango-tango kong sabi 'tapos tiningnan si Jin. "Kumusta naman pala sila Tita? Ano'ng sabi nung malamang kailangang bantayan si Mirriam ng mga police?"

"May business trip sila Papa ng 5 days. Kaya wala silang alam at wala rin kaming balak sabihin." Pagbibigay niya ng thumbs up sa akin. Tumingin naman ako sa kung saan.

Kahit naman 5 days sila kung hindi pa nila nakikita si Ray, baka matatagalan pa ang pagbabantay ng mga police.

"Oh, siya. Mauuna na rin kami at pupunta muna ako kina Jasper. Dadalhin ko rin 'to kay Kei, eh." Pag-angat pa ni Mirriam sa isang paper bag. Dalawa iyon, malamang, kay Jasper iyong isa.

Lumuhod naman bigla si Jin at kinuha ang kamay ko para halikan ang likurang palad ko. Kahit madalas niya talaga itong gawin, nagugulat pa rin ako sa tuwing ginagawa niya ito sa akin.

Inangat na niya 'yung tingin niya para bigyan ako ng gentle niyang tingin. "I'll see you again, Hal--"

Binato na siya ni Reed ng libro sa mukha. "Umalis ka na rito! Papakainin pa ako ni Haley!"

Mirriam's Point of View

Isinara ko na ang pinto at sinundan ang kapatid ko na hawak-hawak ang ilong niya. "Napaka gag* talaga ng lalaking 'yon. Sa susunod talaga, magde-date kami ni Haley." Sinabi 'yan ni Kuya Jin with full of determination.

Humagikhik ako 'tapos sumabay sa kanyang paglalakad. "Sorry, kailangan mo pa akong samahan."

Ibinaba niya ang tingin sa akin at ipinatong ang kanyang kamay sa aking ulo.

Kei's Point of View

Pareho kaming nakaluhod ni Jasper sa harapan ni ate Yiah na patuloy pa rin sa pag sermon sa amin. Wala na talaga kaming naiintinidihan sa ginagamit niyang lengguwahe pero pakiramdam ko talaga hindi pwedeng magsalita ang isa sa amin.

Tinuro ako ni ate Yiah. "It's good that you didn't end up with my stupid brother!"

Namula naman si Jasper 'tapos inis na tiningnan ang ate niya. "Nakakainsulto ka sa part na 'yan, ah?!" Dahan-dahan naman siyang binigyan ng intimidating look ni ate Yiah pagkatapos ay inis niyang pinisil at ini-stretch ang pisngi ni Jasper.

"Don't talk back to me, you little rascal! Do you want me to talk to mom and tell about this, huh?!" Galit na galit na sermon ni ate Yiah na mukhang nagparamdam din ng takot sa isang police na nagbabantay sa amin.

Binitawan ni ate Yiah ang pisngi ni Jasper at nagpameywang. "I don't know what's going on, but please. Take care of yourself, both of you." Isa-isa niyang tingin niya sa amin na ikinayuko lang namin ni Jasper.  

May nag doorbell kaya napatingin kaming pareho sa labas. "Who is it this time?" Si Ate Yiah na ang nag check kung sino iyon. Binuksan ang pinto at sumilip bago lumingon sa amin. "It's your friend."  

***

"Cup cake." Pag-abot ni Mirriam ng paperbag sa amin na kinuha naman namin ni Jasper. Tig-isa kami niyon. "Gawa ni ate Jean." Dagdag niya na inangatan kaagad ng tingin ni Jasper.

"M-Marunong pa lang mag bake 'yon?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jasper, hindi niya namalayan na sobrang lapit na nung mukha niya sa mukha ni Mirriam. Unti-unting namula ang mukha ni Mirriam kaya lumayo na ako at mayamaya lang nang sapakin na niya ito.

Figured.

Hinawakan ni Ate Yiah ang mga kamay ni Mirriam. "You're Mirriam, right? I like you. You're a strong girl."  

Umupo sa pagkakahiga si Jasper habang hawak-hawak ang ulong nauntog sa simento. "Masakit."

Humalukipkip si Jin 'tapos tumingin sa mga police na naka-standby lang sa isang tabi. "I don't think magtatagal itong pagbabantay nila sa inyo."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?" Taka kong sabi habang busy sila Mirriam sa pakikipag-usap.

Ibinaba niya ang tingin sa akin at sumeryoso lamang ang tingin.

Haley's Point of View

Kumatok ako sa pinto ni Harvey, siya naman ngayon ang papakainin ko dahil hindi pa raw siya lumalabas ng kwarto simula noong makauwi siya rito galing E.U.

Ibinaba ko ang tingin sa pagkaing na sa lapag na inihanda nila manang kanina para sa kanya 'tapos muling kumatok sa pinto.

"Hoy, Harvey. Hindi makakatulong 'yang ginagawa mo kung mananatili ka lang na nakakulong diyan. Buksan mo 'to." Udyok ko pero wala pa rin akong naririnig na kahit na anong sagot.

Huminga ako ng malalim 'tapos ibinaba na muna ang dala-dala kong pagkain para sa kanya.

Ang hilig-hilig n'yo talagang pahirapan ako…

Bumwelo na muna ako. Balak ko kasing sirain 'yung pinto ng impaktong ito nang makita ko kung ano na ba 'yung nangyayari sa kanya sa loob.

"I have no choice, so…" Handa na sana akong sirain ang pinto niya pero binuksan niya 'yon bigla.

Tumambad sa akin si Harvey na nangingitim ang eye bags. Magulo rin ang buhok nito, at gusot na gusot pa ang damit. Mukhang hindi pa naligo ang isang ito base sa itsura.

"You look ugly." Kaagad na sabi ko pero kumamot lang siya sa ulo niya.

"What do you want?" Iritable niyang tanong.  

Kinuha ko 'yung bago niyang pagkain sa lapag at inabot sa kanya. Tiningnan lang niya iyon at umatras. "Hindi ako gutom--"

"Hey, Harvey." Panimula ko. "Iyong kinukwento mo ba sa akin noon na fraternity na sinalihan mo long time ago…"

Nag-iba na ang ekspresiyon niya kaya itinuloy ko na ang dapat at kailangan kong sabihin. "Kasama ka ba sa organisasyon kung saan kabilang si Ray?" Tanong ko dahilan para lumabas na ang gulat at takot sa mukha niya.

  1. Review TJOCAM 2 chapter 19 to refresh your mind.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag