Chapter 42: The Future that I Want To Reach
Jasper's Point of View
Katatapos ko lang magpalit sa sports uniform ko. Dismissal na namin kaya dumiretsyo na kaagad kami sa field para sa training gayun din sa ia-announce ni coach na magiging team captain.
The other part of me wants to be the team captain dahil ito na 'yung huling taon namin sa Highschool at para naman kahit papaano ay may maipagmalaki naman ako sa mga magulang kong parang walang pakielam sa akin. Pero may nagsasabi rin sa akin na 'di ako ang karapat-dapat kahit na ako 'yung pambato sa sports na 'to. Kung ako ang tatanungin, si Mirriam 'yung nakikita ko na worth it maging Team captain namin.
Umupo ako sa bench dahil wala pa naman 'yung iba kaya nakipagdaldalan muna ako sa freshmen na nandoon lang sa tabi. Ilang minuto pa nang makita ko ang kapapasok na si Mirriam kasama sila Catarina at Chinky. Silang dalawa naman kasi 'yung madalas na kasama ni Mirriam sa club namin.
Nagtatawanan sila nang ilipat bigla ni Mirriam ang tingin niya sa akin. Binigyan ko siya ng malapad na ngiti at kinawayan.
Nanatili siyang nakaawang-bibig nang bumaling na lang ang tingin niya at nagtuloy-tuloy sa kanyang paglalakad.
Napababa tuloy ako ng kamay 'tapos tiningnan ang paligid ko. 'Di ba niya ako nakita?
O galit nanaman siya sa akin?
Humalukipkip ako't napatingala. Hindi naririnig 'yung mga sinasabi ng mga babaeng freshmen dahil iniisip ko 'yung ginawa ko kaya galit nanaman si Mirriam sa akin. 'Tapos ibinaba ang tingin sa mga babaeng hinihila ang damit ko pababa.
Hindi naman siguro dahil sa kanila, 'di ba?
Narinig na namin ang pito nung coach namin na si Coach Rosario kaya mabilis kaming pumunta kung nasaan siya.
Nakaposisyon kami at nakatuon ang tingin sa kanya, samantalang tiningnan naman niya kami isa-isa. "Siguro alam n'yo na kaya ko kayo pinapatawag, 'di ba?" Tanong niya na tinanguan naming lahat. "Magkakaroon kasi tayo ng championship next month, at bago 'yun…"
Nag a-announce lang si Coach Rosario sa mga susunod na activities at sa mga dapat na gawin lalo na sa mga players na palakol ang grades dahil talagang mahihirapan kaming makipag compete kung may bababa sa 85 ang kahit na anong subject namin.
Gusto kong umiyak.
Kailangan ko ng tulong ni Harvey, o kaya si Mirriam. Mas madaling magturo si Mirriam kaysa kay Harbeh, eh.
Sabay tingin kay Mirriam na nakikinig lang sa coach namin. Bumaling ulit ako kay Coach noong bigla niya akong mapansin. "Ikaw, Villanueva! Hindi ka nanaman nakikinig sa akin at nakatingin ka lang kay Garcia!"
Parehong napatingin ang lahat sa akin samantalang namula naman ako lalo na noong tuksuin na ako ng mga ka-team ko. "Ligawan mo na kasi, kuya Jasper."
Siniko naman ako ng katabi ko habang nakangisi. "Bagay kayo."
"B-Baliw." Nasabi ko na lang.
Pinapagalitan na ni coach 'yung mga ka-team ko dahil umiingay na rin sila at nawawala na 'yung dapat na i-announce niya. 'Yan, ako pa napansin mo, ah?
Muli akong napatingin kay Mirriam. Seryoso lang 'yung tingin niya sa harap habang sinusubukan siyang kausapin nila Catarina.
Naglabas ako ng hangin sa ilong at bumaling na nga rin ang tingin. Mukhang may problema nga siya sa akin.
"Ano ba naman kayo! Nag-aaral kayo sa Enchanted University pero wala kayong mga self-discipline. Line up! Mag 50 push-ups kayo!" May awtoridad na udyok ni Coach pero imbes na sundin namin siya ay pare-pareho lamang kaming mga tumahimik at nag-ayos ng tayo sa mga pwesto namin.
Napakamot sa ulo si Coach at nagpameywang. "Gaya ng sabi ko, nakapag desisyon na kami ni Coach Ben," Isa sa Coach namin 'yung binanggit niya. "…sa susunod na Team Captain dahil graduated na si Elisse at kailangan na nating ipasa 'yung tingin naming pwedeng makapagdala ng recognition sa sports na 'to." Ngiti niyang sabi pagkabanggit pa lang niya sa pangalan nung team captain namin noon.
Maganda rin 'yung upperclassman namin na iyon, matalino pa at talagang maaasahan mo sa lahat ng bagay. Iyon nga lang, 'di namin aakalain na ititigil na pala niya 'yung sports na iyon dahil gusto niyang mag focus sa pag-aaral ng biology.
Akala ko nga pupunta siya sa Shin Juk Sports University dahil narinig din namin na binigyan siya ng opportunity ng school maging exchange student.
Nnggh! Gusto ko! Gusto kong pumunta sa university na 'yun para hindi ko na kailangan pang mag-aral at puro sprinting lang. Pero kung gagawin ko 'yon, pa'no iyong gusto kong maging psychologist?
"Jasper." Rinig ko sa pangalan ko sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ng kung anu-ano. "Si Jasper 'yung magiging Team Captain sa taong ito." Announced ni Coach Rosario kaya umangat ang ulo ko para tingnan siya.
"A-Ako?" Hindi makapaniwalang tanong habang turo ang aking sarili kaya mga nagpalakpakan ang mga ka-team ko't naghiyawan.
May mga kanya kanya silang reaksiyon at mga nilapitan ako para ibigay ang mga puri nila.
Napahawak ako sa ulo ko't napakamot. "S-Salamat." Pagpapa-salamat ko at napatungo.
Tuwang-tuwa ako, pero hindi ko magawang maipakita. Gusto kong maiyak sa saya dahil ang ibig sabihin nito ay may oportunidad na naghihintay sa akin.
Karamihan sa mga Team captain ay nabibigyan ng isang proposal ng school na maging exchange student sa Shin Juk Sports University o ang SJSU pagka-graduate ng Higschool. Magte-training ka ro'n ng ilang taon para mapasama ka sa mga malalaking kompetisyon ng Sports.
Napatingin ako kay Mirriam dahil lalapitan ko rin talaga sana siya pero nang mapansin ko ang nangingilid niyang luha. Hindi ko na itinuloy, lalo na noong umalis siya bigla.
Tinawag siya nila Katarina pero hindi niya ito nilingunan.
Flash Back
"Ano ba 'yung gusto mo kapag naka-graduate ka na?" Tanong ko kay Mirriam. Katatapos lang naming mag training, gabi na rin pero nandito pa rin kami sa bench at nakatingala para tingnan 'yung mga maliliwanag na bituwin.
Nagkaroon din kasi kami nang kaunting paligsahang dalawa na kung sino ang matatalo o mahuhuli sa pagtakbo ay may 40 na push ups. Eh, dahil sa natalo ko siya, edi siya 'yung nag push up. Ngayon, sinasamahan ko lang magpahinga.
Ayoko pa naman ding umuwi, mabo-bored lang din ako sa bahay. Pero bibili rin ako ng dog treat para kay Sam.
"Ako? Gusto kong makapasok sa SJSU." Sagot niya kaya ibinaba ko 'yung tingin para tingnan siya.
"SJSU? Shin Juk Sports University?" Tanong ko. Hindi ko kasi sure kung iyon nga iyon. Baka kasi mali ako.
Dito lang din sa bansang iyon ang University pero hapon ang nagma may-ari ng skwelahan na iyon. Napaka yaman pa.
Tumango si Mirriam kaya lumapit pa ako sa kanya kaysa kanina.
"Eh? Ayaw mo ng mag-aral?" Tanong ko sa kanya.
Umurong siya at sinimangutan ako. "Hindi naman sa ayoko ng mag-aral o ano. Sadyang wala rin naman kasi akong ibang gusto kundi ang sports ko na 'to ngayon. Buti nga kayo, may mga pangalawang choice pa kayo, eh. Ako, wala na talaga." Pagkibit-balikat niya.
Umayos ako ng upo. "Unexpected." Sambit ko pero hinampas niya ako sa likod kaya halos mapaubo naman ako. Ang lakas kaya!
"Bakit? Gusto mong maging Team captain?" Tanong niya habang magkasalubong ang mga kilay.
Inubo ko na muna ang dapat na iubo bago siya lingunin. "S-Sakto--" Umurong ako noong ilapit niya ang hintuturo niya sa mga mata ko.
"I won't lose." Determinado niyang wika habang nakatingin lang ako sa daliri niya palipat sa mukha niya na seryoso talaga sa kanyang naging saad.
Ngumiti ako. "Got it." Pagtango ko.
End of Flash Back
Haley's Point of View
Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama ko habang yakap yakap ang aking mga hita. Patingin-tingin din ako sa oras-an ng phone ko at pagkatapos ay ibababa rin.
Hinihintay ko lang talagang umuwi 'yung Jasper na iyon dahil hindi talaga ako mapakali at gusto kong sabihin sa kanya 'yung nangyari.
'Di na nga ako pumunta ng ospital para magpa-check up dahil sa sobrang disturbed ako sa nakita at nalaman ko kanina.
Bakit mas pinili pang manahimik at gawin ni Kei 'yung sinasabi ng gag*ng 'yon kaysa ang magtiwala sa amin?
Nakakainis, pero ayoko munang madagdagan 'yung pag-aalala ni Kei kaya wala akong babanggitin sa kanya na may nakita o naringi ako.
Kung ito ang gusto ng Ray na iyon, pagbibigyan ko siya pero sisiguraduhin kong makakatikim talaga siya sa akin ng hindi niya inaasahan.
Kumatok ang kung sino sa pinto ko kaya napabaling ako ro'n. "Pasok."
Nagbukas ang pinto at pumasok si Harvey na walang sinusuot na kahit na anong ekspresiyon. Blanko lang 'yung mukha niya.
Nakatingin lang ako sa kanya nang ibaba ko ang mga paa ko't sumandal sa pader. "What do you want?" Tanong ko.
Tumaas ang kilay niya sa paraan ng pagtugon ko pero lumapit pa rin siya papunta sa harapan ko. "Can I talk to you?"
***
NAGLABAS AKO ng hangin sa ilong pagkarinig ko pa lang sa sinabi ni Harvey. Nandito lang kami sa balcony, tutal dito talaga kami madalas mag-usap kapag may problema ang isa sa aming dalawa.
"I can't help you." Sagot ko sa hinihingi niyang pabor. Gusto kasi niyang kausapin ko si Kei na kumbinsihin siyang bumalik sa kanya. And that isn't how it works at all.
I may know the real reason kung bakit nakipaghiwalay si Kei sa kanya pero hindi dapat ganito ang paraan ni Harvey.
"Bakit?! Hindi ba't kaibigan kita? Kapatid mo si Kei, you guys are close. So, I'm sure you--" Pinutol ko 'yung sasabihin niya.
"But still, no." Simpleng sambit ko na nagpaawang-bibig sa kanya. "If you're a real man. Ikaw mismo ang maghahanap ng solusyon para bumalik siya sa 'yo. She's worth it, Harvey. There's no reason for you to give up, nandito lang naman kami para sa inyong dalawa. Pero 'yung sinasabi mong ako ang kumausap? Not possible, mas maganda kung ikaw ang lalapit sa kanya to clear things out."
Yumuko naman siya pagkasabi ko niyon, at dahil sa naalala ko nanaman 'yung nangyari kanina between Kei and Ray. Napayukom ako ng kamao.
"Please, do realize it." I paused, hindi siya nagsasalita at nakikinig lang sa akin. "Hindi lahat ng mga nakikita o naririnig mo sa isang tao ay katotohanan." Pagbibigay ko sa kanya ng pwedeng maging sagot.
Alam kong napaka unfair sa part ni Harvey ang hindi ko pagsabi tungkol sa totoong nangyayari kay Kei. Ngunit malaki ang risk kung sasabihin ko sa kanya, pwedeng mapahamak 'yung isa sa amin dahil knowing this guy.
Napaka aggressive kahit na sabihin nating mukha siyang kalmado.
Kung si Kei na kasi ang pag-uusapan, hindi malabong hahanapin niya si Ray.
And without us knowing it, baka patay na kami.
Sa ngayon, Si Jasper lang ang pwede kong pagkatiwalaan sa ganitong sitwasyon.
Ilalabas ko na rito si Reed, ayoko na talagang nadadagdagan 'yung mga iniisip nila.
Nauna na akong naglakad ngunit bago pa man din ako pumasok ay nilingon ko muna si Harvey na nakatingin pa rin sa akin. Lumuluha na pala siya, 'di ko na napansin.
Wala lamang akong ibinibigay na kahit na anong reaksiyon sa kanya at pumasok na nga lang sa loob.