Chapter 34 - Mira

Chapter 32: Mira

Jasper's Point of View 

Pabato kong inilagay ang bag ko sa single sofa at patalon na humiga sa pahabang sofa. 

Kauuwi ko lang at hindi pa rin natatanggal sa utak ko si Mirriam. Matagal ko ng iniisip na mayro'n talaga siyang problema pero hindi ko lang masyadong pinagtutuunan ng pansin.

Naglabas ako ng hangin sa ilong 'tapos tiningnan 'yung wrist watch ko. Ganitong oras talaga 'yung  club namin, sadyang wala lang si coach kaya diretsyo uwi kami. 

Kinuha ko 'yung phone ko mula sa bulsa para ipunta iyon sa message. Gusto kong i-text si Mirriam. 

Ngunit sa tuwing magta-type naman ako ay madalas ko rin namang burahin. Napasimangot na lang ako't napaupo mula sa pagkakahiga kasabay ang pagkamot-ulo ko. "Kaasar." 

Hindi ako mapakali. 

I want to see and talk to her. I wanna apologize to the things that made her mad. 

Napatungo ako. Hindi naman magiging gano'n ang treatment niya sa akin kung wala akong nagawang masama. Pero sana naman sinabi na lang niya sa akin nang hindi kami parehas nagkakaganito. 

Hindi mo maintindihan minsan ang mga babae, eh.  

Tumitig na nga lang ako sa kisame at kumanta ng tahimik. 

"Pag ako'y umibig

Laging nakatitig

Sa iyong mata, sa sa iyong mata

Di maipakita

Sa iyo'y mahina

Oh anong kaba, oh anong nadarama

Gulong gulo ang isip ko (ang isip ko)

Ika'y minamasdan(ika'y minamasdan)

Nanghihinayang ba ako?

Na hindi ka mahagkan

Takot ang puso kong kumapit, aawit na lang

Takot ang puso kong umibig, di mapigilan

Hanggang tingin na lang sayo'ng mga mata

Nauunahan ng kaba

Hanggang tingin na lang talaga--"

"Broooooom!" Napatigil ako sa pagkanta nang marinig ko ang maingay kong kapatid sa labas at mukhang pinapakielaman nanaman yata ang motorsiklo ko. 

Kaagad-agad akong lumabas para puntahan ang garahe, at nandoon nga si ate Yiah at pinaglalaruan ang makina nung baby ko. 

"Hey! Where did you get my key?" Malumanay kong tanong pero hindi niya ako pinakinggan. "Ate! Stop it! Wala ng gas 'yan sa ginagawa mo, eh!" Lumapit ako sa kanya pero patuloy lang siya sa ginagawa niya at pinaingay pa nito ang tambucho. 

Lumingon siya sa akin at matamis na ngumiti. Nakahinto na ako sa harapan niya't sinimangutan siya.

"Aren't you going to G.Shop today? Sama ako, JV." 

Sino may sabing pupunta ako ro'n? Hindi ko pa nga tapos 'yung nilalaro ko, eh. 

Inalis ko naman 'yung susi sa motor key lock at nagpameywang. "I'm not." Sagot ko. "Baba, ate. Madudumihan 'yung baby ko." 

"That's insulting." Walang gana niyang sabi at umiling. "Humph. No, I want to use this." Tukoy niya sa motorsiklo ko. 

"Ba't hindi ka na lang bumili ng sarili mong motorsiklo?!" Bulyaw ko. 

"What? I'm not going to stay here for too long, so, bakit pa?" Taka niyang sabi at nagkibit-balikat. 

Napaawang-bibig ako. Aalis din pala kaagad si ate? 

Maiiwan nanaman pala akong mag-isa rito. 

Nagbago 'yung mood niya pagkatapos ng ilang segundo. "But if you're going to call me pretty, then maybe, I'll consider." Pagtapik niya sa manibela ko. Ano 'yung tinutukoy niya? Iyong pag-alis niya rito o 'yung paglubay niya sa baby motor ko? 

I growled. "Ate, masasayang lang 'yung laway ko kung tatawagin kita no'n. You're not even pretty." Pang-aasar ko kaya umalis siya sa motorsikli at hinampas ako sa braso. Aray ko! 

Kailangan talagang hampasin ako?! 

"I'll tell this to our parents, arasho?!." Parang bata nitong sabi at umalis sa harapan ko para pumasok sa loob ng bahay. Walang gana lamang akong nakatingin sa dinaanan niya nang ibalik ko sa motorsiklo. 

***  

SA HULI, nagpasya na nga lang akong magliwaliw. Pero ang totoo, kina Mirriam talaga 'yung punta ko. Dumaan lang muna ako sa isang cake shop para bumili ng rolled cake para sa pabebeng babae na iyon.

Ewan ko lang din kung bakit ganito na lang 'yung naging epekto niya sa akin. Basta nandoon lang 'yung pakiramdam ko na gusto ko siyang makausap. Kasi kung ite-text ko lang siya, baka hindi rin niya ako reply-an kahit na ba sabihin nating i-message ko na lang siya. 

Tss, knowing that girl. Mataas-taas din 'yung pride niyon kapag galit. 

At dahil babae siya, wala siyang laban kung ibibigay ko sa kanya itong cake. Pero hindi ba magiging weird tingnan? Hindi naman din niya ako boyfriend? 

Napasimangot ako sa thinking na iyon at napailing. "Tss. As a friend lang naman. Wala namang malisya iyon." 

Huminto ako sa tapat ng bahay nila. Inalis ko ang helmet ko't umalis sa pagkakaangkas ko sa motorsiklo. 

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa rear mirror ng motor ko para tingnan kung magulo ang buhok ko o ano. Nakakahiya kasi, baka makita akong pangit nung magulang niya. Kahit kaibigan lang ako ni Mirriam, dapat pogi pa rin ako. 

Nag pogi sign ako sa at ngumisi nang hindi tinatanggal ang tingin sa salamin. "Ang pogi mo, boy." 

"Kuya Jasper?" 

Nagulantang ako at humarap sa taong tumawag ng pangalan ko. Namuo ang ngiti sa labi niya. Ang pang-apat na anak ng Garcia na si Airiam. "Ikaw nga!" Laking tuwa niyang sambit at nilapitan ako. Mukhang kauuwi lang din niya galing sa school dahil buhat pa rin niya ang bag at nakasuot siya ng uniporme. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong niya at ibinaba ang tingin sa hawak ko. Gumuhit ng ngisi ang labi niya. "Hehh...? Nililigawan mo si ate Mirriam?" 

Kaagad ko namang inilagay sa likuran ko 'yung cake. "H-hindi sa gano'n." Nauutal kong sabi. 

Kung hindi ako nagkakamali, Airiam ang pangalan ng batang ito. Wow, pareho sila ng mata ni Mirriam-- siyempre. Magkapatid, malamang. 

Humawak ako sa batok at umiwas ng tingin. Nahihiya kasi ako. 

"N-Nasaan nga pala si Mirriam?" Tanong ko at bumaling sa bahay nila. "Nakauwi na ba?" Dagdag ko. Nakita ko ang pag-iling ni Airiam sa peripheral eye vision ko. 

"Mamaya-maya pa ang uwi no'n. Kasama niya sila Kuya Jin." Sagot niya sa tanong ko kaya bumaling ulit 'yung tingin ko sa kanya at napatango na lang. Mukhang hindi ko na nga siya makakausap ngayon. 

Tumingala ako sa kahel na kaulapan.  

Mag gagabi na. Hindi naman pwedeng magpagabi si Mirriam para lang makausap ako. 

May bukas pa naman, kaya kong maghintay. 

Inabot ko kay Airiam 'yung binili kong Cake na ikinabilog naman ng mata niya saka ko siya nginitian. "Para 'yan sa inyo." Sabi ko bago tumalikod at pumunta sa motorsiklo ko. 

"Ayaw mo ba munang mag stay sa loob, Kuya Jasper?" Tanong niya sa akin. Kinabit ko na muna 'yung strap nung helmet ko bago siya lingunin. 

Humagikhik ako. "Dadalaw na lang ako sa susunod." Wika ko at kinindatan siya bago ako umangkas sa motorsiklo ko't paandarin ang engine. 

"Ingat!" Rinig kong sabi ni Airiam kaya binigyan ko siya ng thumbs up bago ko paharurutin ang motorsiklo. 

Mirriam's Point of View 

"Sigurado ka? Ayaw mo talagang sumabay? Mamamasahe ka pa niyan." Paninigurado ni Kuya Jin nang matapos kaming mag duty. Tumulong siya sandali sa G.Shop dahil wala naman daw siyang gagawin. 

Si Ate Jean, nandoon sa NBI. Kumuha lang ng clearance para ro'n sa Passport niya. Iyon kasi talaga ang aasikasuhin niya.  

Bumuntong-hininga ako at lumingon sa kuya ko. Papasok kasi ako sa Convenience store, mananatili muna ako ro'n para kumain ng kung anu-ano. Ayaw kasi ni Dad na nagkakakain kami ng mga walang kwentang pagkain kaya more on healthy food lang ang laman nung refrigerator. 

Kung magkakaro'n man ng bisquit, hindi ko rin naman gusto. 

"Don't treat me like a kid. Ilang taon na ba ako sa tingin mo, ha?" Nakasimangot kong tanong. Ipinatong niya 'yung siko niya sa pinto kung sa'n nakababa ang window shield.  

"It's not about your age. Baka nakakalimutan mong babae ka?" Tanong niya pero inirapan ko lamang siya't hinarap. 

"Kaysa naman maghintay ka? Isang oras ako rito madalas, you know that." At nagpameywang pa ako niyan. Napakamot na nga lang siya ulo niya, hindi malaman kung hihintayin ba ako o aalis na lang. 

Muli akong nagbuga ng hininga at humarap na nga lang doon sa Convenience store.

"I'll just text you if wala akong masakyan" Sabi ko nang hindi siya tinitingnan saka ako pumasok sa Convenience store. Amoy kaagad ng kape 'yung naamoy ko, available ba 'yung French Vanilla nila rito? 

Pumunta ako sa Coffee Dispenser Machine nila at laking tuwa na mayro'n pa nga sila nung Coffee na gusto ko. 

Kumuha ako ng cup at inilagay sa ibaba nung Dispenser. Pipindutin ko pa lang 'yung button nung coffee na gusto ko ay may malakas na tumulak sa akin. Natumba ako at medyo napahiga. Ang lakas niyon, ah?!

Tinapunan ko ng masamang tingin 'yung lalaking feeling gangster. May Red hair streak siya sa gilid at may mga piercing. Humph! Kung nandito lang 'yung dating Haley at kasama ko ngayon, taob ka! 

Ibinaba niya ang tingin sa akin at humarap. "Ano'ng tinitingin tingin mo riyan, huh?!" Malakas na sigaw niya na nagpapukaw sa atensiyon ng ibang customers. 

Hahh... Mga tao talaga nowadays. Hindi ka talaga papansinin kapag pangit ka. Palagi ka rin nilang pag-iinitan kapag may nakita silang katawa-tawa sa 'yo. Aminin natin, karamihan na talaga sa mga tao rito, ganyan. 

Oo, naka nerdy disguise pa rin ako ngayon. 

Pero hindi dahil sa "rason" na iyon. Mas kumportable lang kasi ako sa lagay na ito dahil hindi ako masyadong pinagtutuunan ng pansin. 

Ayoko namang magmayabang, pero rumarami na rin ang bilang ng mga lalaki sa tabi-tabi na pilit kunin ang contact number ko. 

Geez, people. Bakit ba palaging ganda ang habol ninyo? Kukulubot din naman 'yung balat n'yo. 

"Excuse me." 

Pumaharap 'yung lalaking nagsalita kanina para harapin 'yung gangstah. "Hindi naman siguro tama na gawin mo 'yan sa babae, 'di ba?" Tanong niya ro'n sa gangstah. 

Nanlaki ang mata ko. Ngayon lang yata ako naka-encounter ng mga ganitong eksena. 'Kala ko nag e-exist lang sila sa mga pelikula or something. 

"Tsk!" Nasabi na lang nung gangstah na iyon bago kami lagpasan. Sinundan ko naman siya ng tingin na ngayon ay papunta sa counter. 

"Okay ka lang?" Tanong nung lalaki at haharap na sa akin. 

"T-Thank you sa pagtulong sa a-" Naputol ang sasabihin ko dahil nang makaharap 'yung lalaking iyon sa akin ay laking gulat kong muli ko nanaman pa lang makikita ang taong ito. 

Nagtama ang mata namin sa isa't-isa, nagkita nanaman kami ni Dexter.

"Mirriam?" Banggit niya sa pangalan ko na nagpasinghap sa akin. Lumapad pa ang ngiti sa labi niya. "Ikaw nga!" 

Tumayo kaagad ako at umalis sa Convenience store na iyon para lumayo sa kanya. Hindi ko naman inaasahan na hahabulin niya ako.

Bumusina ang truck nung kamuntik-muntikan na akong mabangga dahil sa biglaan kong pagtawid. Dumiretsyo ako ro'n sa daan na wala masyadong sasakyan. 

"Mirriam! Ba't ka ba palaging umiiwas?! All I want is to talk to you!" Paghahabol ni Dexter sa akin na hindi ko nililingunan. Ibinaba ko ang tingin sa simento at mas matulin na tumakbo. But knowing him, palaging siya ang nauuna kaysa sa akin.

Humarang siya sa harapan ko bago pa man ako pumasok sa eskenita. Ibinuka rin niya ang mga braso niya kaya tumigil na ako. Hinihingal ako hindi dahil sa pagod kundi sa sobrang kaba. "What do you want from me? I thought we're done."

Nalungkot ang mukha niya. "Naiintindihan ko naman ang naging usapan natin noon." Noong pumaabante siya ay bigla rin akong napaatras. "But, now that I got to see you again, ayoko na 'tong palagpasin. Gusto kong mabigyan mo 'ko ng isa pang pagkakataon. Kasi 'di natin alam. Baka mayroon, 'di ba?" napuno ng tensiyon ang buong katawan ko. Wala akong ideya sa kung ano ang pwedeng sabihin.

Dexter was my middle school classmate. Mabait siya at isa sa tinitingalaan sa E.U noon. I guess until now, ganoon pa rin sa bago niyang school. He's talented, kind, caring, and good-looking. But what I didn't like about him, was his density.

Also, the way he kept on pestering me. Sa sobrang bait niya, palagi lang siyang nandiyan to stay. He also confessed his love to me, though I just turned him down in a nice way.

He accepted it, I think? But the thing was, it hurts me. Lalo na't alam kong ipinapakita niya sa akin na okay lang siya pero deep inside, he's not. He's still expecting.

And now that he's in front of me which is what I really fear. Hindi ko magawang hindi manginig. 'Cause I'm thinking, paano kung pumayag ako sa gusto niyang mangyari nang dahil sa pressure? 

Boys are scary. 

Naramdaman ko ang presensiya mula sa aking likod. "Uhm . . ."

Pagkarinig ko pa lang sa boses ni Jasper ay mabilis ko siyang hinawakan sa kamay kasabay pa ro'n ang pag-intertwine ko sa mga daliri namin. Hindi talaga ako ayos sa kanya but I should do this. Wala na 'tong atrasan. Tutal, si Mira naman itong kasama ni Jasper ngayon kaya hindi niya malalamang ako si Mirriam. 

Hindi naman makapaniwala si Jasper na napatingin sa akin, ganoon din si Dexter na nakabuka ang bibig. Tila hindi makapaniwala sa kanyang nakita.

Itinaas ko ang kamay namin ni Jasper na magkahawak ang kamay. "It's a no. I already have my special someone."

Hindi nagtanong si Jasper at para namang nakukuha niya iyong nangyayari. Bumaling siya sa lalaking nasa harapan namin. Umiling-iling si Dexter at tipid na ngumiti. "Alam ko. Ginagawa mo lang 'to para layuan kita. Please, don't do this to me. Nahihirapan ako, eh."

Kumuyom ang kamao ko na pati iyong paghawak ko sa kamay ni Jasper ay hindi ko na rin namalayang humigpit na rin. This isn't what I wanted, we already talked about this before.

"Am I not enough for you?" Tanong ni Dexter na nanlulumo na ang mukha. "Look. Tell me kung ano pa ang kulang sa akin. I will change for you."

Pumikit ako nang mariin kasabay ang aking pagtungo. "You don't have to change to make me love you. It's not how it works," sambit ko saka siya muling tiningnan.

Muli sanang magsasalita si Dexter pero biglang sumabat si Jasper. "I don't know what's going on pero 'tol . . ." Mahigpit na hinawakan ni Jasper ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya mula sa peripheral eye view. "Hindi pa ba sapat 'yung sinabi niya sa 'yo? We're in a relationship."

Dexter smiled bitterly. "You're a good friend, aren't you?" Ani Dexter pagkatapos ay nagbuga ng hininga. "I see," sabay lipat ng tingin sa akin. "Kung mahahalikan mo 'yung lalaking na sa tabi mo, titigil na ako." 

I blushed. 'Yan ang hinding-hindi ko magagawa!

"Jasper, tama?" Pagbanggit ni Dexter sa pangalan ni Jasper. Magkakilala na sila, pero hindi sila nagkaroon ng chance mapunta sa iisang team.

Para namang napansin ni Dexter ang pag-iiba ng reaksiyon ko nang ibaling niyang muli ang tingin sa akin. Ngumiti siya ng bahagya. "Oh. 'Di ba? Hindi mo magawa? I know what kind of person you are." Tukoy niya sa akin. 

Medyo nainis ako roon. Why was he acting like he knew everything about me? Ano iyon? Mas kilala pa niya ako kaysa sa sarili ko? Now, he's pissing me off.  

"Loo—"

Naputol ang sasabihin ko sa muling pagsasalita ni Jasper. "Not all people can manifest their love in public. Love can be expressed in so many ways, except being forced by a third party whose not actually involved in the love of two person." Inalis ni Jasper ang pagkakahawak-kamay namin at saka ako inakbayan. Hindi siya ngumingisi tulad ng madalas niyang ginagawa. Seryoso lang ang tingin niya kay Dexter. "I want you to stay away from my woman."

Paunti-unting nawawala ang ngiti sa labi ni Dexter at labas sa ilong na ngumiti. Tiningnan niya si Jasper at ipinagsalubong ang kilay. "I see, that is how you show your love to her." 

Tumayo na ng maayos si Dexter at humawak sa batok, humagikhik din siya nang kaunti kung saan makikita mo pa rin 'yung kaunting pait sa mga labi niya. 

"Okay, fine." Sabi niya na tila parang sumusuko na. "Pumunta lang talaga ako sa lugar na 'to para hanapin ka. I didn't even expect that I would see you here, I thought nakauwi ka na." Sabi niya at inilagay ang kanang kamay sa beywang. "You see, pupunta na kasi ako sa California." Pagbabalita niya na medyo nagpa-surprised sa akin. "I also want to ask for a chance, na baka pwede tayo? Pero ito na siguro talaga 'yung sinasabi nilang good-bye."  Pagkasabi niya nung huling salita ay tumingala siya na para talagang nawalan ng pag-asa.  

Nakaramdam din ako ng lungkot kaya hindi ko na napigilan ang mapatungo. "I'm sorry." Tanging nasabi ko. 

Umiling siya. "No, don't say sorry." Sambit niya. "Right now, I found a reason to let you go," sabay lipat ng tingin kay Jasper. "Love her more than I do."

Sa hindi malamang dahilan, namilog ang mata ni Jasper. Ewan ko pero bigla tuloy akong na-curious kung bakit para siyang nagulat sa simpleng salita na binitawan ni Dexter.

Pero mas lalo akong naintriga dahil sa paraan ng pagguhit ng ngiti sa labi niya. "Yeah. I will."

I know nakikisama lang siya sa trip ko pero bakit parang totoo? Ano ibig sabihin niyan? Ako lang ba 'tong nagbibigay ng meaning just because I like him?

Tumango si Dexter at tumalikod na nga sa amin. Pero bago pa man siya maglakad, may sinabi pa siya. "Pero kapag nalaman kong sinaktan ka niya . . ." sabi ni Dexter sa akin. 

Lumingon ito at binigyan ako ng malapad na ngiti. "Kukunin kita sa kanya," sabi niya bago siya naglakad paalis. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na sa paningin ko ang kanyang imahe.

Akbay-akbay pa rin ako ni Jasper kaya mabilis kong inalis 'yon habang mabilis na lumayo sa kanya. "T-thank you. Alam mong magbasa ng sitwasyon." At humalukipkip ako para hindi niya mahalata na nahihiya ako.

Dinaan niya sa ilong niya ang hinlalaki niya. "Sus! Nasulit mo naman ang sandali nating mag-on."

Humarap ako sa kanya dahil doon. "Ang kapal! Hindi naman kita gusto." Inirapan ko siya pagkatapos para tumingin-tingin na nga lang ng Tricycle. Uuwi na ako.

"Wala bang kiss diyan kapalit ng pagtulong ko? Mirriam?" Biro ni Jasper. Napapikit naman ako ng mariin dahil kahit kailan talaga, ginagawa niyang biro ang lahat! 

Inis kong ibinaling ang tingin sa kanya. "Alam mo, napaka--" Napahinto ako dahil sa na-realized ko.

Nagpameywang siya at mas nginisihan ako. Eh? Bakit niya binanggit 'yung pangalan ni Mirriam? 

Lumingon-lingon ako sa kaliwa't kanan. Baka may ibang Mirriam siyang tinatawag.

Pero wala naman! O baka natanggal 'yung fake pimples ko? 'Yung salamin ko naman, suot ko pa! Hala! 

Humalakhak si Jasper kaya mabilis akong lumingon sa kanya, pagkatapos ay napapikit na lang ang kaliwa kong mata nang guluhin niya ang mata ko. "Ikaw, tinatawag ko. Mirriam." Paglabas ngipin na ngiti niya. 

Nanlaki ang mata ko. "B-but how did you--" 

"Para naman kasing hindi kita makikilala 'no? Ilang taon na rin ba tayong mag kaibigan sa tingin mo?" Sa sobrang shook ko, hindi ko magawang makapagsalita. "Nagulat nga ako kung bakit kailangan mong mag-nerd disguise simula noong una kitang nakita sa G-Shop," sabay baba ng kamay niya na nakapatong sa ulo ko't nagkibit-balikat. "But I get it. There are things you can't say to me no matter how close we are—"

"We-we're not close!" bulyaw ko bigla dahil sa sobrang kahihiyan. Eh, 'di mula umpisa pa lang,  alam na niya na ako iyong kahera sa G-Shop at nakisabay lang siya sa akin?!

"B-bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? Bakit nanahimik ka lang?" sunod-sunod kong tanong.

Hindi talaga ako makapaniwala! Jusko! Hiyang-hiya talaga ako ngayon kung alam lang niya! 

Pero kung alam niyang ako si Mira... 

Iniba ko ang ekspresiyon ko at seryosong tiningnan si Jasper. "Kung alam mong iisa lang si Mira at Mirriam. Ano ang ibig mong sabihin sa sinabi mo noon sa kanya? Kay Mira na nakausap mo?" Tanong ko. 

Sumandal siya sa gilid ng poste na nasa tabi lang niya at tiningnan ako. Nagpamulsa rin siya. "Sabi na nga ba at iyon ang dahilan kaya ang cold mo sa akin, eh." Expected niyang sabi.

"Just tell me." Udyok ko. 

Namimilog ang mata niya nang ngumiti siya. "Iyong araw matapos mong tumakbo?" Tanong niya at tumawa. Nag walked out kasi ako dahil masakit din sa tainga kung itutuloy ko ang pakikinig sa sasabihin niya. I'm a sensitive person especially kung si Jasper ang pag-uusapan.

Of course, I like him. Ano ba'ng magagwa ko?

"Mirriam. Minsan kasi, patapusin mo muna 'yung sinasabi nung tao--" 

"Shut up! Kung may problema ka kasi sa akin, dapat sinabi mo na lang ng diretsyo! Bakit kailangan mo pang sabihin 'yun kay Mira kahit alam mong ako rin iyon!?"

"Eh? Hindi ba't tinanong mo 'ko kung ano ang tingin ko sa 'yo? Kay Mirriam?" Tinanong niya 'yan na parang inaasar pa niya ako. Napapahiya ako sa ginagawa mong gag* ka! 

"Shut up! Basta ang unfair mo! Sobrang unfair mo!" Naiinis kong sigaw kaya pati 'yung mga dumadaan na tao ay napapatingin sa amin. 

Hindi umimik si Jasper at nakatingin na lang din sa akin. Mayamaya pa noong marinig ko ang mahina niyang pagbuntong-hininga bago maglakad para lumapit sa akin. 

Nakatungo na lang ako ngayon. I don't wanna see him, he's just pissing me off. 

"She's terrible." 

"Shut up" Pagpapatahimik ko sa kanya.  

"Ma-pride." 

"Shut up..." Nanggigigil kong sabi. 

"Akala mo nanay ko kung makapag demand sa akin, kaya nakakaasar na lang din minsan" 

"Shut up--" 

"But that is the thing that I really like about her. Her stubborness and how she acts the way she wants to. And how she cares for her friends, how manly she is than I do."

Unti-unting nanlalaki ang mata ko dahil sa naririnig ko. "She can act really mature but is really immature deep inside. Saka ang cute rin ni Mirriam kapag nahihiya siya." 

Namumula na ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Lalo na noong bigyan niya ako ng ngiti na hinding hindi niya gagawin sa akin.  

"All of it. Gusto ko." 

Nanginginig ang aking mga labi, wala akong ideya kung ano ang sasabihin ko kaya napayuko na lang ako't kinuyom ang kamao. "Why are you telling me those things as if parang si Mira ang kasama mo? At paano ko masasabing totoo 'yang mga binibitawan mong salita, ha?" Duda ko.  

Kumurap-kurap siya 'tapos tumawa nang tumawa. Ako naman itong na weird-uhan sa kanya kaya inis akong tumingala para tingnan siya. "Buwisit ka, Jasper. I'm being serious about this!" 

"Ihh! Seryoso ka ba? Ayoko, nakakahiya. Nandito tayo sa labas." Sinabi niya 'yan na parang kiti-kiti na hindi mapakali sa pwesto niya. 

"Huh?" Naiirita kong reaksiyon. Hindi ko siya maintindihan.  

Lumuhod siya sa harapan ko kaya para namang bumagsak ang baba ko sa sahig. Ibinalik ko lang at sinipa ang tuhod niya. "Aray." 

"What are you doing?! Tumayo ka nga!" Udyok ko kaya mas pinag chi-chismisan nanaman kami ng mga kapit-bahay-- este mga tao sa daan.  

Hindi pinagtuunan iyon ng pansin ni Jasper at nginitian lang ako. "I'm being a loyal dog. Honest din sila, 'di ba?" Tanong niya sa akin na nagpataas sa kilay ko. "Good enough to believe me?" Dugtong niya. 

"You're talking nonsense." Walang gana kong sabi at napangiti. Natawa na lang din ako sa itsura niya, mukha kasi talaga siyang aso lalo na ngayong umaarte nga siya na parang ganoon.   

*** 

UMUPO KAMI ni Jasper sa upuan dito sa labas ng Convenience store. Tutal, kakaunti na lang din kasi nung tao kaya nakakaupo rin kami ng maayos. 

Lumabas si Jasper mula sa loob dahil bumili siya ng makakakain namin habang nandito kami. 

"Sigurado ka, ah? Hindi ka papagalitan ng papa mo." Paninigurado niya. 

Kinuha ko naman 'yung libre niyang doughnut at kumagat. "Oo nga, ang kulit nito. Saka takot ako sa magulang ko, kaya as much as possible. Alam dapat  nila kung nasa'n ako, lalo na't palagi tayong napupunta sa panganib." Pag bring ko ulit sa topic na iyon. Hindi man alam ng pamilya ko 'yung totoong nangyari sa akin recently dahil hindi ko nga sinabi. Nagkarooon sila nang kaunting trauma dahil sa nabalita nila tungkol kay Haley. 

Binuksan ni Jasper ang takip nung bottled juice niya bago iyon ipinatong. "Hindi kita pipilitin, ha? Pero ano ang rason mo kaya kailangan mong mag disguise? As Mira?" curious na tanong niya. 

Pinunasan ko ang icing sa labi ko at nilingon siya. "Why are you curious about it?" Tanong ko. 

Inilayo niya ang tingin niya. "Well, just because." 

He's lying. 

Napangiti ako nang wala sa oras at tiningnan 'yung padilim na ulap. Pinapakiramdaman 'yung hangin na tumatama sa balat namin. "Actually, dahil iyon kay Dexter," panimula ko kaya napatingin na siya sa akin.

"I don't want him to recognize me dahil palagi lang siyang nasa tabi-tabi. Kapag nagkikita kami no'n, he's trying to get near me nang hindi man lang iniisip kung ano ang nararamdaman ko. Madali lang kasi talaga akong makonsensiya. Unintentionally, may nasasabi siya sa akin na pwedeng mag-pwersa sa akin na bigyan siya ng chance . . .na ligawan ako. And that's why, as much as possible, lumalayo talaga ako sa kanya," litanya ko at ibinaba ang tingin para makita ang reaksiyon niya. Nakikinig lang din siya sa akin.

Tumangu-tango siya. "Then bakit minsan pati sa E.U. kailangan mong mag-disguise?" tanong niya na nagpataas sa dalawa kong kilay sabay iwas ng tingin at pasimpleng ngumiti.

Because I thought, if I did that, magagawa kong tingnan ka kahit sa malayo lang without anyone's judging me kesyo gusto kita o ano. Hindi naman nila kilala ang nerd na nakikita nila kaya, I kept on wearing that, lalo na't alam kong hindi mo pa napapansin na gusto kita. That's the only thing I am sure of. 

"Secret. Bawal sabihin." Tumayo na nga ako at nagmartsa. Bahala kang ma-curious diyan. 

Sumabay siya sa paglalakad ko at sinisimulan na akong kulitin. "Aww. Bakit? Suot ka na lang ng pang-nerdy. Ang cute mo ro'n, eh," puri niya sa akin na hindi ko malaman kung inaasar ako o binobola.

Itinulak ko siya palayo sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" Inis kong pagpapalayo sa kanya pero ang ginawa niya? Inakbayan ako't ginulo-gulo ang buhok ko. "Ano ba, Jasper?!"

Tumawa lang siya nang tumawa. 

Jasper's Point of View 

Hinatid ko na si Mirriam sa bahay nila pagkatapos naming kumain sa Convenience store. Okay na kami at balik sa normal kaya nawala talaga 'yung bigat sa dibdib ko. Whoo! Ang saya, ayain ko nga siya minsan lumabas.

Wala naman sigurong masama, 'di ba? 

Nakauwi na ako pero imbes na i-park ko 'yung motor ko sa garahe ay iniwan ko na muna 'yung motorsiklo sa labas. Baka lumabas pa ako dahil nakalimutan kong bumili ng shampoo ni Sam. 

Papaliguan ko pa 'yun bukas ng umaga.  

Kinuha ko ang helmet ko at papasok na sana sa loob nang may tumawag sa pangalan ko. 

Lumingon ako sa kanya. "Haley?" Taka kong sabi sa seryosong si Haley. Eh?

Nagmartsa siya palapit sa akin at hinawakan ako sa pulso. "We.Need.To.Talk." Mariin at isa-isa niyang sabi bago ako iginiya sa kung saan.  

"B-bakit?!"