Chapter 34: Emotional Trigger
Harvey's Point of View
CANTEEN
Tahimik akong nakaupo sa pahabang upuan katabi si Mirriam at Haley samantalang na sa harapan namin si Kei, Jasper, at Reed kabilang si Irish. Nakatayo lang sa gitna si Reed dahil pang tatlo-han lamang na tao ang upuan namin na ito.
Nagku-kwentuhan lang sila pero dahil ngayon lang sila nagkakakilala ay medyo hindi pa ganoon kaingay kaya medyo nakakakuha pa ako nang kaunting peace kahit papaano.
Kinuha ko ang mainit na kape na binili ko kani-kanina at napatingin kay Irish nang ipasa niya sa akin ang tanong. "H-hindi ba, Harvey?"
Hindi talaga ako nakikinig sa pinag-uusapan nila dahil hindi rin naman ako interesado. Pero, hindi na rin masama. Pa-simple akong ngumisi na medyo nagpakunot yata sa noo ni Irish. "Magkakilala kayo? Hindi pa naman binabanggit ni Harvey 'yung pangalan niya." Sambit ni Jasper.
Nautal naman si Irish at pilit na natawa. "A-ah! Hindi! Hindi, nabanggit n'yo kasi kanina 'yung pangalan niya kaya nalaman ko." Sagot ni Irish saka humagikhik.
"Oh! Bilis makatanda ng pangalan, ah? Crush mo 'no?" Pang-aasar ni Jasper kay Irish na may kasamang pagsiko dahil magkatabi lang din naman sila kaya napatingin na si Kei kay Irish.
Umiling si Irish. "No, not really." Sagot niya. Medyo na-insulto ako ro'n.
Ipinatong niya ang kanyang chin sa pinag intertwine na likuran niyang palad. "But I am more interested in this guy." Tiningnan ko naman 'yung tinitingnan ni Irish. Si Reed.
Medyo nag-iba ang reaksiyon ni Haley pero pilit din nitong hindi pinapakita dahilan para ilayo ko ang tingin ko.
"M-me?" Naguguluhang wika ni Reed. Tumayo na nga lang ako para mauna, nagpaalam lang ako kina Kei at sinabing huwag na muna silang umalis at may pupuntahan lang ako. Binilin ko na rin kay Jasper na dalhin ang bag ko kung sakaling pupunta na sila ng classroom.
Ipinasok ko ang mga kamay ko sa bulsa ko nang 'di pinagtutuunan ng pansin ang mga estudyante sa Enchanted University. Kung hindi nila ako susundan ay patago naman silang nagtatago para kuhanan ako ng stolen picture. Pag-uusapan ako at pagtitilian. Ako lang naman 'yung hindi nila malapitan masyado.
Pumunta ako sa library para roon tumambay, may mga babae pa rin na sinusundan ako ng tingin subalit dumiretsyo lang ako sa book shelves matapos kong mai-scan ang ID ko sa Monitoring system bilang record.
Naghahanap ako ng pwedeng mabasa nang may magsalita. "Quite popular, huh?"
Pasimple kong tiningnan ang babaeng na sa tabi ko at ngiting napaismid. "Sinusundan mo ba 'ko?" Panimula ko at humarap sa babaeng iyon. "You disappoint me, tingin mo sapat na 'yung ginawa mo kanina, Irish?"
Nagsalubong ang kilay ni Irish kumpara kanina, gusto na niya akong tirisin base sa mukhang pinapakita niya sa akin ngayon. "Damn you, Harvey Smith. Nagsisimula pa lang tayo, atat ka?" Naaasar niyang sambit. "At paano mo malalaman 'yung ginagawa ko kung wala ka sa scenario na 'yon, ha?"
Muli akong tumagilid ng tayo kasabay ang paghalukipkip. "I don't need to be there all the time to see your efforts, do I?" Cool lang na sabi ko at naglabas ng hangin sa ilong. "Huwag mong kakalimutan na ayan lang ang pinapagawa ko sa 'yo, kaya ayusin mo 'yung trabaho mo."
She tsked. "Hindi ko naman ginusto 'yung pagbangga sa kotse mo, eh. Ikaw ang humarang kaya bakit ako pa ang may kasalanan?" Naguguluhang tanong ni Irish.
Muli akong naglabas ng hangin sa ilong. "How many times do we have to talk about that before you get it?" Walang ganang tanong ko. "Ikaw ang na sa likuran ko, kaya kasalanan mo." Saad ko.
Huminga siya ng malalim. "Law is truly unfair." Nanggigigil na sabi niya habang nakapikit nang mariin.
Last 3 days ago bago ang pasukan nung magkita kami ng babaeng ito.
Flash Back
Naka-park ako sa harapan ng Cafe Aroma at kakabalik ko lang sa loob ng sasakyan dahil nabili ko na ang dapat na bilhin para kay Kei na humingi ng pabor sa akin na bilhan siya ng Frappuccino dahil nagke-crave kamo siya. Pinagbigyan ko dahil may pinuntahan din naman talaga ako kaya isinabay ko na.
Pinaandar ko na 'yung makina ng kotse at umaalis na sa pwesto nang magulat ako sa biglaang pagbangga ng kung sino sa likuran ko. "Sh*t." Nasabi ko at dali-daling lumabas ng kotse para tingnan ang likuran. "F*ck." Napamura na lang ako dahil may nakikita akong gasgas doon.
Inis kong tiningnan ang nakabangga only to see a stupid woman na hindi alam kung paano magmaneho ng simpleng bisekleta.
Nakaupo siya sa simento kasama 'yung bike niyang umiikot pa ang gulong. Inis niya akong tiningnan. "Bulag ka ba?!"
Napaurong ako sa biglaan niyang pagbulyaw. Eh?
Tumayo siya sa pagkakaupo at pinagpagan ang pwet-an bago iangat ang tingin sa akin para tapunan ako ng masamang tingin. "Mag sorry ka!" Malakas na tinis na sabi niya.
A-ako magso-sorry? Ako ba ang may kasalanan?
"Hey, woman. Ginasgasan mo 'yung kotse ko, hindi ba't dapat ikaw ang humingi ng pasensiya sa akin?" Taas-kilay kong tanong sa kanya.
"Huh? Hindi ako ang may kasalanan niyan. Kanina pa ako bell nang bell, bigla kang umandar!" Turo niya sa akin. Nakatingin ako sa hintuturo niyang nakaturo sa akin nang mapa-bored look ako.
Seriously. Hindi ako makapaniwala na may taong sisigaw sigawan nanaman ako maliban kay Haley at Mirriam.
Napangisi ako. Interesting.
"Hindi mo yata alam na naka-hazard ako? Naka-on din ang right indicator blink." Sambit ko at tinuro ang aking sasakyan sa likuran gamit ang aking hinlalaki. "Rear-end collisions. Whatever your reason is, if someone hit your car from behind. Hindi 'yon magiging kasalanan ng driver na nasa harapan. A basic rule of the road requires a driver to be able to stop his or her vehicle safely. A driver who cannot stop cautiously is not driving safely." Paliwanag ko at ibinaba ang aking kamay.
"What--"
"Don't tell me you didn't know that?" Nakasimangot kong tanong. "Also, you should be able to gauge when to slow down to avoid a collision. Since ikaw ang nakakakita sa harapan, even though hindi ko rin talaga magiging kasalanan dahil naka-hazard nga ako." Dagdag ko kaya bigla siyang nanahimik. Pero nakasimangot siya nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
This woman knows how to stop, I guess? Compare to Haley before. Ayaw talagang magpatalo ng babaeng iyon.
Bumuntong-hininga ako. "Okay, fine. Huwag na nating ipunta 'to sa korte o kay pareng Tulfo. How about you pay the damage instead para mabilis ang usapan?" Tanong ko at nagkibit-balikat.
"M-magkano ba?" Kinakabahan niyang tanong.
"P50,000" Sagot ko na parang nagpaguho sa mundo niya. Ngunit mas nagulat ako nang kuwelyuhan niya ako.
"Don't mess with me, you scumbag! Ganyan ba talaga kayong mga mayayaman? Sa tuwing nagkakaro'n lang nang KAUNTING gasgas ang mga sasakyan n'yo. Palagi n'yo rin kaming sisingilin ng malaki. Hindi talaga kayo makuntento sa dami ng pera n'yo, ano?" Nanggigigil na sambit niya na mas nagpasimangot sa akin.
"What do you expect, woman? Mahal 'yung kotse, mahal din ang pagpapaayos niyan."
"I'll beat you to death!" Nanggagalaiti niyang sabi at kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig.
Nag-iisip ako ng pwede kong ipagawa, hindi naman pwedeng hayaan ko lang na magasgasan 'yung kotse ko at maging libre. Hindi nadadaan sa mercy ang lahat sa mundong ito. Kung babalewalain, baka ulitin.
Hmm...
Nag-iisip lang ako nang may pumasok sa utak ko. "Saan ka nag-aaral?" Biglang tanong ko na nagpatigil sa kakadakdak niya.
Nagdikit pa lalo nag mga kilay niya. "E.U." Sagot niya ng walang pag-aalinlangan.
Namilog ang mata ko. "E.U? Enchanted University?" Banggit ko. "Then bayaran mo 'yung P50,000" Cool lang na sabi ko subalit nanginig ang mga kamay niya at mas lalo pang nagalit sa akin.
"Hindi ako nag-aral sa E.U para lang bayaran 'yung buong P50,000 sa 'yo! Saka scholar lang ako!" Malakas na sigaw niya.
May mga taong dumaan at nilagpasan kami.
"Nag-aaway ba sila?"
"Lover's quarrel yata."
Rinig naming sabi kaya binitawan na ako ng babaeng ito. "Tss, bakit mo ba 'ko tinatanong? Saka kahit na ano pa 'yan. Hindi ako makakapagbayad ng gano'ng halaga, wala kaming sapat na pera o an--"
"Sagot ko na buong tuition fee mo. Wala ka ng ibang babayaran, mayro'n ka ring P10,000 allowance once a month." Wika ko na nagpagulo sa utak niya. Umatras siya ng ilang hakbang at inangat ang kamay sa tapat ng mukha niya't iwinagayway.
"Sandali, sandali. Hindi kita gets. Pinapabayaran mo 'ko ng P50,000, 'tapos bigla mong sasabihin 'yan sa akin? May saltik ka rin talaga, 'no?"
Pumikit ako. "Moron. Hindi ako magbibigay ng ganyang offer kung walang kapalit." Panimula ko na nagpaawang-bibig sa kanya. Iminulat ko na ang mga mata ko. "Pumili ka. Babayaran mo ang buong P50,000 bukas na bukas din."
"Huh?!" Gulat na reaksiyon niya.
"O, gagawin mo ang iuutos ko." Dugtong ko sa sinasabi ko kanina.
Nanahimik siya sandali. Pero ilang minuto rin siya nakatitig sa kawalan kaya sumandal na ako sa likuran ng sasakyan ko't nagpamulsa. "Dalian mo ng mag desisiyon. Baka matunaw na 'yung Frappuccino sa loob ng sasakyan." Pagmamadali ko.
Nakita ko ang pag kuyom ng kamao niya. Tumungo rin siya nang kaunti habang nanginginig ang mga kilay na nakatingin sa akin. "Y-you're not going to ask me to have s*x, right?"
Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "How cheap. Mayro'n akong girlfriend." Nakasimangot kong wika at tumayo ng maayos saka napangisi.
End of Flash Back
"Forcing the memories of Haley Miles Rouge to return is absurd! Ba't hindi n'yo na lang hayaan na bumalik ng kusa 'yung alaala niya?" Tanong ni Irish kaya napalunok ako.
"Kung hindi namin 'yun gagawin. She will be lost forever, and will never find the track that she's looking for." Having no memories of the past is so mixed up, I know. Just looking at her-- Haley made me realize that she's already suffering. She's moving forward to keep her pace in the right path but still, bumabalik pa rin siya sa starting point. Palingon-lingon sa kaliwa't kanan.
The memories are her light, without them, darkness will consume her heart of confusion.
Seryoso lang ang tingin niya sa akin ng bumaling siya. "Fine. Tutal, nabawasan na 'yung problema ng mga magulang ko sa mga gastusin at hindi naman gano'n kahirap 'yung pinapagawa mo. I'll help."
Ibinaba ko ang tingin kay Irish. Mukhang magkakasundo na kami.
"Pagseselosin ko lang naman si Haley para ma-trigger siya, 'di ba?" Tanong niya at humalukipkip. "And by that, pwedeng bumalik ang memorya niya dahil sa emotions na maidudulot sa kanya nung puso niya dahilan para balikan niya 'yung feelings niya sa past." Dagdag niya at inilipat ang tingin sa akin. "Gagawa rin ako ng conversation na pwede niyang balikan without her blaming you."
Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Exactly."
Malalim itong napabuntong-hininga. "You're making me a bad person."
"Sagarin mo na." Sambit ko kaya lumabas na 'yung ugat sa sintido niya. Naglakad na nga lang ako para bumalik sa classroom.
Pero bago ako umalis sa library ay lumingon ako kay Irish. "Secret lang din natin 'tong dalawa at walang pwedeng makaalam kundi ikaw at ako." Saad ko at itinabingi nang kaunti ang ulo ko. "Naiintindihan mo?"
Nakita ko ang paglunok ni Irish pero inis din akong nilagpasan. "Naiintindihan ko. Tsk! Buwisit na buhay 'to." Nagmartsa na nga siya paalis ng library at nauna na.