Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 37 - The Reasoning

Chapter 37 - The Reasoning

Chapter 35: The Reasoning 

Miles' Point of View  

Wala kaming pasok ngayon kahit pang-apat pa lang na araw ng klase. Nagkaroon kasi ng emergency meeting sa Enchanted University kaya ngayon ay nandito si Mirriam para tumambay rito sa kwarto ni Kei. 

Ngumuso si Kei. "Geez! Nandito lang ba kayo sa kwarto ko para magkalat?" Nakasimangot na sermon ni Kei habang nililinis ang kalat namin ni Mirriam. Kumakain kasi kami ng bisquit sa table n'ya na 'di na namin kinakailangang gamitan ng upuan dahil mababa naman ito. "And sis! Kanina ka pa kain nang kain! Gusto mong tumaba?" Tanong niya sa akin kaya inilayo ko na 'yung kinakain ko sa bibig ko. 

"I'm the type of person na 'di tumataba, so don't worry about it."  

"Same." Sagot naman ni Mirriam at parang squirrel kung kumain ng bisquit. 

"Mirriam!" Sita ni Kei at muling pinunasan ang lamesa. 

Pabagsak na ipinatong ni Mirriam ang noo niya sa kamay niyang nakapatong doon sa table. "Jasper already knew about how I disguised as a nerd. He protected me from that guy I mentioned before." Kwento niya at mabilis na inangat ang ulo at hinawakan ang mga kamay ko. "It's dangerous!" Parang nangingiyak niyang sambit. 

Ngumiti ako ng pilit. "B-Bakit-- Hey." Inilapit kasi niya bigla 'yung mukha niya sa akin. 

"Mas nai-in love ako sa kanya!" Honest niyang sagot na nagpahagikhik kay Kei samantalang inilayo ko naman 'yung tingin ko habang hindi ipinapakita sa kanila ang kaunting pagkairita ko.

"B-Bakit mo nga ba siya nagustuhan?" Tanong ko.  

Binitawan ako ni Mirriam kaya ibinalik ko na 'yung tingin ko sa kanya. Ipinatong ni Mirriam ang mga kamay niya sa kandungan niya at biglang naging seryoso. 

"Yeah, I wonder why." Panimula niya saka ko nakita ang sincere niyang ngiti na nagpaawang-bibig sa akin. "Maybe because he's not the type of person who would judge you not unless alam niya kung ano ang pinaka deep truth ng reasoning mo. He would do anything to help his friends, kahit na kasalanan mo. Siya at siya pa rin ang unang lalapit, and will also make you smile." Litanya niya at kinuyom ang kamao nang mamula ang mukha niya. "Siguro puro kalokohan na lang ang ginagawa niya sa buhay, malandi siya and all. But, he knows how to get serious kapag kinakailangan. He would take risk kahit alam niyang delikado 'yung gagawin niya." 

Nakikinig lang ako sa kanya nang mapangiti ako. "Yeah, I get you."  

Lumapad ang ngiti sa labi niya. "I know, right? Pero bakit kaya nag-iba 'yon ng number?" Takang-taka na sabi ni Mirriam na tinawanan ni Kei. 

"Oo nga, eh. Kung hindi ko pa siya tinawagan kahapon, 'di ko malalaman na nagpalit siya ng number." Nakasimangot na wika ni Kei. 

That night, iginiya ko si Jasper sa kwarto ko para makipag deal sa kanya. 

Flash Back  

"Jasper." May awtoridad na tawag ko sa pangalan niya habang papalapit ako sa kanya, lumingon siya sa akin. Tinawag din niya ako pabalik habang nagtataka na nakatingin sa akin. Dala-dala niya ang helmet niyang humarap sa akin nang hawakan ko ang pulso niya. 

Seryoso ang tingin ko sa kanya. "We.Need.To.Talk." Mariin at isa-isa kong sambit saka ko siya hinila papunta sa loob ng Smith Mansion. Na sa kanya kanyang kwarto ang iba pa naming mga kaibigan kaya hindi nila makikita na magkasama kami. 

"Haley, may problema ba?" Naguguluhang tanong ni Jasper na hindi ko lang pinansin. 

Hanggang sa marating namin ang kwarto ko't buksan ang ilaw. Naabutan ko pa si Chummy na natutulog sa ibabaw ng laptop ko. 

"Pasok." Udyok ko kaya ibinaba naman niya ang tingin sa akin na may pag-aalinlangan. 

Tinuro niya ang loob ng kwarto ko. "A-ano'ng gagawin--" Hindi ko na hinintay 'yung sasabihin niya at kinuha na lamang 'yung kwelyo niya papasok, isinara ang pinto at patulak siyang inihiga sa kama. 

Nagmartsa ako palapit kay Jasper habang napapasigaw na siya, namumula na rin ang kanyang mukha.  

"H-Haley! Sandali, hindi pa ako handa! S-saka hindi ba't may Reed ka na--" 

"Ang kapal talaga ng mukha mo na mag-isip ng kamanyakan sa mga oras na 'to, ano?" Marahan pero may diin na tanong sa kanya nang makatayo na ako sa harapan niya. Na sa ibaba ang mga paa niya. 

Napasinghap siya at tinakpan ang mga bibig. "The signature words! Haley! Bumalik na talaga 'yung memorya mo-- Acck!" Malakas ko siyang sinikmuraan gamit ang aking siko pagkatapos ay binuhat ang kalahati niyang katawan sa pamamagitan ng pagkuha ko sa manggas ng damit niya. 

"Sorry to disappoint you, pero iilan lang 'yung memoryang bumalik sa akin." Tugon ko na tinawanan niya. 

"Figured-- Aray! Nasasakal ako!" 

Galit na galit akong nakatingin sa kanya. "Hinihintay kitang magsalita pero ilang araw na ang lumipas, wala ka pa ring binabanggit. Hanggang kailan mo ititikum 'yang bibig mo?" Tanong ko sa kanya. 

Iminulat niya ang kaliwa niyang mata na nakapikit nang mariin kanina. "Hindi ko naiintidihan 'yung sinasabi mo--" 

"Ray." Pagkabanggit ko pa lang sa pangalan niya ay namilog na ang kanyang mga mata. "You're trying to communicate with him not even telling us about it. Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado 'yung ginagawa mo?!" 

Diretsyo lang ang tingin niya sa akin habang nanginginig ang mga mata nito. "H-how did you know?" 

Nanliit ang mata ko. "I saw you." Sagot ko na nagpabuka sa bibig niya. 

Iyong araw noong medyo nagkasagutan sila ni Mirriam matapos ang klase. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa cellphone ni Jasper na nandoon sa desk niya tutal magkatabi lang sila ni Kei.  

Magkita tayo sa Citrus street, malapit sa Green Park gaya ng napag-usapan. 

Basa ko unintentionally sa text na nasa screen. Mabilis namang kinuha iyon ni Jasper at tiningnan iyon. Medyo nag-iba ang itsura niya pero kaagad ding ibinalik sa dati na parang wala lang at mabilis na nagpaalam sa amin. 

"Bakit ba ganyan 'yung dalawa 'yon?" Parang nalulungkot na sambit ni Kei at tukoy kina Mirriam at Jasper. 

Kinuha ko naman ang bag ko. "Sorry, pero mauna na kayo. May gagawin lang ako sandali." Paalam ko at lumabas na nga sa classroom. Tinawag pa nga ako pero sinundan ko lang si Jasper. 

Buti nga lang at hindi pa siya nakakalayo kaya palihim akong sumunod sa kanya. 

Citrus Street 

Luminga-linga ako sa paligid habang na sa hindi kalayuan kong sinusundan si Jasper. 

Ngayon ko pa lang napupuntahan ito, 'di ko alam na may ganito pa lang lugar. Ang dami kasing stores, may mga videoke 'tapos maingay rin sa lugar na ito-- in a good way. 

Inangat ko ang tingin at napasimangot. Pagabi na, sa'n pa pupunta itong si Jasper? 

Saka sino ba 'yung taong ime-meet niya? Though hindi ko na dapat pinapakielaman. 

"Good evening, Miss. Baka gusto mong subukang makipagkantahan sa amin." Aya sa akin nung lalaki na medyo may tama na. 

Umurong naman ako at pilit na ngumiti. "S-Sorry. Hindi ako marunong kumanta." Palusot ko dahil kailangan ko na ring umalis. 

"Sige na, minsan lang kami magpakanta sa babaeng maganda katulad mo." Puri niya sa akin na kulang na lang ay magkaroon ng puso ang mga mata. 

"T-Thank you. Pero kailangan ko ng umali--" Naputol ang sasabihin ko dahil sa biglaang pagtili nung babae sa may bandang bentahan ng mga mansanas. Kasabay ang pagtalsik ng isang lalaki mula sa eskenita na 'di ko aakalain na makikita ko ulit. 

Ray?! 

Tumili pa ulit 'yung ale noong lumabas si Jasper sa eskenita kung saan tumalsik si Ray kanina. Galit na galit siyang nakatingin kay Ray nang maglabas na siya ng baril kung saan nanlaki pa ang mata ko't malakas na tumibok ang puso. 

Napahawak din ako sa ulo nang may lumitaw sa utak ko kung saan may isa ring lalaki ang tangkang gumawa niyan sa akin noon. 

"Sh*t. Ngayon pa talaga..."  Paanas kong sambit. 

"Hoy! Kayo!" Dumating ang isang police kaya napatigil si Jasper at Ray sa ginagawa nila at mabilis na tumakbo paalis. At dahil sa natural sprinter si Jasper ay mabilis siyang nakatakas sa mga paningin ng police na humahabol sa kanila. 

Si Ray, hindi ko alam kung saan na napunta pero nawala rin siya bigla sa paningin ko. 

Tulala 'yung mga tao sa lugar na 'to habang tulala lang akong nakatingin sa pwesto nila kanina't napakuyom ang kamao. 

*** 

HIGPIT KONG HINAWAKAN ang manggas ng damit niya. "Bakit nakikipagkita ka sa taong 'yon? Pa'no kung may mga kasamahan pa siya na 'di pa natin alam? Pa'no kung may mangyari sa 'yo--"

"It's better that way." Bigla niyang sabat kaya mas nanggigigil ako kay Jasper ngayon.  

"Alam mo ba kung ano 'yang sinasabi mo?" Paanas pero sapat lang para marinig niya. 

Kumukulo iyong dugo ko, gusto ko siyang sapakin dahil sa ginagawa niya ngayon. Pinagmumukha niya kaming hindrance. "Why are you acting like a hero?! Don't tell me para hindi kami mag-alala? What's the point of it? Iisa lang 'yung buhay natin Jasper--" 

"Haley." Panimula niya na nagpatigil sa akin sa pagsasalita dahil maliban sa tono ng pananalita niya ay kita ko sa mata niya kung gaano siya nawawala ngayon. "I'm not worthy. Nakasaksak ako." Sambit niya kung saan lumitaw sa utak ko 'yung pagsaksak niya sa lalaking humagis kay Mirriam. 

Kapag naaalala ko kung paano nasaktan si Mirriam ng mga araw na iyon, may kung anong mabigat na tumutusok sa kaliwa kong dibdib. Naiinis ako dahil wala rin akong masyadong nagawa nung mga oras na 'yon. 

Mas nagsalubong ang kilay ko kaysa kanina. "You only did that to defend yourself, to protect Mirriam--"  

"How can you be so sure? I did it due to selfishness. Because I was mad. It's like I'm craving to kill to satisfy myself not even thinking the consequences. Paano kung maulit pa iyon? In fact, kung ano man 'yung mangyayari sa akin ay kabayaran sa mga ginawa ko. I deserved all of it--" Malakas ko siyang sinampal para bumalik siya sa katinuan niya.  

Nanginginig ang mga mata niyang nanlalaki. Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa manggas ng damit niya kasabay ang pag-angat niya ng kanyang ulo para tingnan ako. Nakaupo lang din siya sa edge nung kama ko samantalang 'di nawawala 'yung tingin ko sa kanya. 

Seryoso lang ang tingin ko habang na sa both sides lang ang mga kamay kong nakakuyom.  

"Wala akong idea sa kung ano man ang nararamdaman mo para magkaganyan ka. But," I paused. "...what you're doing right now is already cruel. If you die here, sino sa tingin mo ang sisisihin namin? Ikaw ba? Hindi." Pag-iling ko. "We'll only blame ourselves. Mabubuhay kami habang may mananatiling guilt sa puso namin. And that is also selfishness!"   

'Di naman siya nagsalita at nakatitig lamang sa akin. Ngunit napayuko rin matapos ang ilang minuto. "Sorry." Tanging nasabi niya. 

Lumuhod ako sa harapan niya at tipid na ngumiti. "Huwag mong isipin na ginawa mo iyon para sa sarili mo. You protected her-- Mirriam. I can't blame you for stabbing that person. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo." Tumungo ako sandali. "But if, if you had your other reason kaya nagawa mo iyon, at mayroon kang galit sa puso mo na 'di mo magawang mailabas dahilan para magawa mo 'yung mga bagay na hindi dapat." Ipinatong ko ang mga kamay ko sa kanan niyang kamay na nakapatong sa tuhod niya saka ko muling inangat ang tingin ko sa kanya.

"Don't hesitate to tell us. I know it won't help you or anything, nabubuhay tayo sa mundong 'to para hanapin ang sagot sa sarili natin pero," Inangat na niya ang tingin sa akin kaya ngumiti ulit ako. "...hindi man 'yung tao sa paligid mo ang sagot pero pwedeng sila ang maging dahilan para mahanap 'yung sagot na hinahanap mo para sa sarili mo. Ikaw lang din ang makakatulong sa sarili mo. Ikaw pa rin ang magde-desisyon sa huli." 

*** 

HINATID KO si Jasper sa labas ng gate ngayong pagabi na. 

Napakamot-ulo siya bigla habang nahihiyang humahagikhik. "Hindi ako makapaniwala na masasampal mo 'ko ng gano'n. Nagising talaga ako." 

Napasimangot ako. "Hindi ka naman kasi dapat nag-iisip ng gano'n." Suway ko at humalukipkip. "Pero ano ang plano? Sasabihin mo ba kina Reed 'yung tungkol kay Ray?" Tanong ko. 

Sumeryoso na rin ang ekspresiyon niya at bumaling sa Smith Mansion. "Mas maganda siguro na huwag na muna para hindi sila masaydong mag-isip." Sagot niya at ibinalik sa akin ang tingin. "Pag-iisipan ko na muna kung ano iyong pwedeng gawin bago pa man ulit gumawa ng aksiyon si Ray." 

Tumingin ako sa hindi kalayuan. "Wala naman tayo sa isang organisasyon para mag plano plano ng mga ganito." Wika ko at ibinaba ang tingin sa simento. Pero alangan namang tumawag kami  ng police kung isa rin naman sila sa hindi makakatulong sa amin. Hindi pa nga nila natatagpuan 'yung killer ni Rain, eh.  

Ipinatong ni Jasper ang kaliwa niyang kamay sa ulo ko kaya umangat ang tingin ko para makita siya. Nakangisi siya. "Thank you, ah?" Pagpapa-salamat niya. "Nakakawala ng galit 'yung ginawa mo. Pakiramdam ko, worth it naman akong tao para sampalin ako ng gano'n."  

Nawalan na ng gana ang mukha ko. "Hoy, masochist ka ba--" Ibinaba niya ang mga kamay na nakapatong sa ulo ko. 

"You see. Pakiramdam ko kasi na hindi ako naging importante sa mga tao sa paligid ko." Panimula niya dahilan para mapabuka ang bibig ko. "Palaging may kulang sa akin na hindi ko maintindihan kung ano iyon. Hindi nila ako pinapahalagahan at palaging naiiwan sa isang tabi not until you slapped me." Pagngiti niya na hindi ko inimikan. "Nagising ako sa makasariling mundo kung saan nakita ko na may mga kaibigan nga pala ako na malulungkot kapag nawala ako. Na mayro'ng sasampal sa akin dahil nag-aalala siya." 

Natawa siya nang pilit. "Ang assuming ko siguro kung sinabi ko iyon 'n--" Mabilis ko siyang niyakap kung saan iyon ang nagpatigil sa kanya. 

Umiling ako. "You're not. Best friend kita, of course mag-aalala ako." Naramdaman ko naman ang pag react niya dahil sa bigla siyang gumalaw nang kaunti. Humiwalay ako sa kanya at sinuntok ang dibdib niya. "Pahalagahan mo rin 'yung mga tao sa paligid mo, huwag mong ilagay 'yung sarili mo sa komplikadong sitwasyon." Nagpameywang ako. "Okay?" 

Ngumisi siya. "Got it." 

End of Flash Back 

Bumuntong-hininga ako ng wala sa oras. Kung iisipin ko rin naman iyon, medyo nakakahiya rin pala 'yung gabing iyon. 

"What? Sigh of longing for love ba 'yan?" Biglang pang-aasar ni Mirriam na nakangisi sa akin. 

Baliw 'tong babaeng ito. 

Tumayo na nga lang ako. "Baliw hindi 'no." Sagot ko at tumuro sa may bandang pintuan gamit ang hinlalaki. "Gusto n'yo bang kumain ng Ramen?" Aya ko sa kanila.

"Eh? Iyong malapit lang dito?" Tukoy ni Kei sa lugar kung saan kami kumain noon ni Jin. Tama ba? 

Lumabas na nga kami ng kwarto nang pumayag na sila. Nangunguna ako sa paglalakad nang bigla kong maalala si Ray. 

Wala kaming ideya kung kailan ulit kami aatakihin, at sa susunod na magpapakita siya. Baka iyon na 'yung pwedeng magpahamak sa amin. 

Seryoso lang akong nakabaling nang ipikit ko ang mga mata ko. 

I will need your help, Haley.  

Kei's Point of View

Nakatayo ako sa harapan ng poste na papatay-sindi ang ilaw. Hindi naman ako lalayo sa bahay malapit sat nandito lang ako sa pangalawang kanto. 

Tumungo ako matapos niyang ipaliwanag 'yung gusto niyang sabihin. "I understand." Huling sinabi ko bago umalis sa harapan niya na nakita ko pang ngumisi. 

"Don't fail me, Keiley." Sambit niya na nagpatigil sa akin. 

Pumikit ako at humarap sa kanya. Subalit nawala na siya sa kinatatayuan niya kanina dahilan para mapaseryoso ang aking mukha.