Chapter 33: Things that She Won't Ever Tell
Reed's Point of View
Hawak-hawak ko ngayon iyong binili ko sa Japanese Store na
At isa pa, hindi naman ako makikipag-agawan kung may mga stock pa. May ibang plush toy chick design doon pero itong Yellow Chick kasi ang pumukaw sa pansin ni Miles kaya iyon din ang gusto kong kunin para sa kanya. Ngunit hanggang ngayon, hindi ko pa rin nagagawang iabot at ibigay ito sa kanya.
Tinatamaan ako ng hiya araw-araw sa tuwing nagbabalak akong ibigay 'to. Baka kasi kung anu-ano rin 'yung isipin niya, na kesyo baka may malisya o gusto ko siya kahit ang totoo nga ay talagang in love naman ako sa kanya.
Inangat ko 'yung Yellow Chick at mas tinitigan ito. Mukha itong susugurin ako dahil sa itsura, parang si Haley lang din noon.
Ipinasok ko na nga lang muli ang plush toy sa lalagyan. Umupo ako sa pagkakahiga tapos hinipan ang bangs na nasa noo ko. Tiningnan ko ang wall clock tapos muling tumayo para makaligo na.
Nang makaligo ay nagbihis na ako, inayos 'yung suot ganoon din ang aking buhok. Medyo ginulo ko lang ito nang kaunti para medyo magbago naman 'yung itsura ko.
Bumaba na ako sa hagdan matapos gawin ang dapat na gawin sa kwarto dala-dala ang bag ko.
Dumiretsyo ako sa dining room kung saan kumakain na rin pala si Miles.
Tinitigan ko muna siya sandali habang hindi pa niya ako napapansin, pagkatapos ay pasimpleng naglabas ng hangin sa ilong.
"Good morning." bati ko nang makaupo ako sa pwesto ko kaharap si Miles. Susubo pa lang siya nang mapatingin siya sa akin at ngitian ako.
"It's pretty rare for you to greet me like this." Sambit ni Miles na hindi ko lang din inimikan. Sa halip ay nilaro-laro ko lang 'yung buhok ko habang paiba-iba ang tingin.
Ano tingin mo sa buhok ko, Miles? Nakuha na ba nito 'yung atensiyon mo?
T*ngina, dapat lang. Nagpapogi ako sa 'yo kahit kaunti 'no?
"E-eh, gano'n?" Wika ko at tumingin sa kanang bahagi ng lugar. "N-nasaan sila Kei?" Hanap ko at tumikhim nang hindi inaalis ang paghawak ko sa buhok ko.
Nakita ko siya sa peripheral eye vision ko na tumingin sa hindi kalayuan. "Mukhang naliligo pa." Hindi siguradong sagot ni Miles at muling kumain. Napapikit ako dahil sa pagpipigil na hindi man lang niya pinansin 'yung new look ko!
Tss. Hindi bale na nga.
Humarap na nga lang ako sa pagkain ko't nagsimulang lumamon. Ilang minuto rin kaming tahimik na kumakain, isang kumportableng katahimikan.
Pasimple kong inangat ang tingin ko kay Miles na kalmado lamang ang pagsubo ng kanyang pagkain. Titig na titig lang ako sa kanya nang may mapansin ako.
Talaga bang nag mature 'yung mukha ni Miles? 'Tapos mas lalo yatang humaba 'yung mga pilik-mata niya. Ang mga mapupula niyang pisngi ay mas lalong nakikita.
Ibinaba ko ang tingin ko sa mga labi niya na talagang natural na mapula. Napatingin na si Miles sa akin. "What's wrong?" Tanong niya. Nanlaki ang mata ko't mabilis na ibinaba ang tingin sa mga pagkain ko.
"N-nothing." Nauutal kong sagot at mabilis na kumain para matapos na dahil hindi ko na alam kung ano 'yung sasabihin ko. The more that she is close with me, the more that I get nervous. Hindi ko alam kung saan ako titingin.
"Mauuna na ako" Sabay na paalam namin ni Miles kasabay ang pagtayo. Pareho kaming napatingin sa isa't isa. Tumitig sa akin si Miles nang nakaawang ang bibig.
Ako na ang unang naglayo ng tingin. "Mauna ka na." Pagpapauna ko sa kanya pero hindi siya umalis sa pwesto niya sa halip ay umalis lang siya sa pwesto niya para lumapit sa akin.
Na sa harapan ko siya ngayon kaya ibinaba ko ang tingin ko sa kanya. "What?" Taas-kilay kong tanong.
"Your hair." Bumuka ang bibig ko lalo nang bigyan niya ako ng matamis na ngiti. "It looks good on you." Salitang nagpatigil ng aking paghinga. Umalis na nga siya sa harapan ko samantalang nanatili lang akong nakatayo habang sinusundan siya ng tingin.
Nawala na ang kanyang imahe pero tulala pa rin ako. "It looks good on you." Naalala ko pang sabi niya kanina kaya nagtakip ako ng bibig gamit ang likurang palad ko't isinukbli ang bag sa aking balikat. Napahawak din ako sa buhok ko.
Hmm, hayaan ko munang maging ganito 'yung buhok ko. Takpan ko lang 'yung peklat sa noo ng bangs ko.
***
LUMABAS NA AKO ng mansion kasama sina Kei. Wala sa kwarto si Miles dahil malamang, nauna ng pumasok sa Enchanted University iyon. Tss, hindi man lang nag text sa amin na mauuna na siya, nakakaasar na babae.
"I-text mo na lang si Haley para sure." suhestiyon ni Kei na mas ikinatikum ng bibig ko.
May natitira pa naman ako kahit papaanong P1 load, kaso kailangan bang ako talaga 'yung magte-text?
Bakit ba palaging pinapasa sa amin ni Kei 'yung mga text messages na 'yan?
Isinara ni Harvey ang pinto samantalang tumigil ako sa paglalakad kasabay ang pagpapameywang na humarap sa bestfriend ko. "Look, kapatid mo iyon dapat ikaw ang mag text sa kanya."
Namimilog 'yung mata niya nang gumawa siya ng nakakalokong mukha. Nagkibit-balikat siya at tumalikod sa akin. "Pinagbibigyan na nga kitang dumamoves sa kapatid ko lalo na't new look ka pero hanggang ngayon, nagpapaka torpe ka?" Labas sa ilong na wika niya 'tapos bumuntong-hininga. "No wonder kaya wala pa rin kayong progress ni Haley."
May pumitik sa sintido ko. "Shuttup!"
Nauna na nga akong naglakad at nagpamulsa. Nakita ko si Miles sa labas ng gate kaya muli nanaman akong tumigil sa paglalakad at tinuro siya. "Nandoon lang pala siya, oh?"
Sumilip naman si Kei. "Hindi pala siya nauna." Wika niya at patakbong pumunta kung nasa'n ang kapatid niya. "Haley! Bakit hindi ka naghintay sa loo--" Nang makalabas siya ay bigla na lang naputol 'yung sasabihin niya.
Nagtaka kami ni Harvey kaya dali-dali kaming lumabas. Laking gulat nang makita ang ilang lalaki na nakahandusay sa simento. May mga taong napapatingin at natatakot kaya binalingan namin si Miles. "Ano'ng nangyari?" Tanong ni Harvey.
Nakita ko ang paniningkit ng mata ni Miles kaya napaawang-bibig ako. Ngunit nawala iyon nang matawa siya kasabay ang paghawak niya sa kanyang ulo. "Nakta ko lang sila riyan, eh." Sagot niya na nagpatitig sa amin. She's acting like nothing happened.
"Bakit hindi mo man lang tinulungan?" Tanong ko.
Tila bigla namang nag-iba nag aura ni Miles pero nanatiling nakangiti ang labi niya. "Tulungan? Pa'no kung masasamang tao sila?"
Umurong ako pero nagsalubong din ang kilay na pumaharap nang kaunti. "How could you say tha--"
Nawala na ang ngiti sa mga labi ni Miles. "If you want to help them, suit yourself." Malamig na tono na sabi niya at ibinaba ang mga tingin sa mga lalaking nakalupasay sa simento. "Pero kung ako sa 'yo. I won't do that at all." Parang babala ni Miles at ibinaba ang skateboard na buhat-buhat niya sa kaliwa. Ngayon ko lang napansin na dala-dala niya 'yun.
"S-sis. Saan ka pupunta? Alam mo na bang gumamit niyan." Turo ni Kei sa Skateboard ni Miles na madalas niyang gamitin nung 3rd year highschool kami. Tumuntong naman doon si Miles at nilingon ang kapatid niya bago siya ngumiti ng matamis.
"Kind of." Sagot ni Miles bago pumadyak at mauna umalis.
Naglakad naman ako palapit doon sa mga lalaking nanginginig ang katawan dahil sa nararamdamang sakit samantalang nag semi-squat ako habang na sa tuhuran ang dalawang kamay para tingnan silang maigi, tumabi naman si Harvey sa akin at nagpamulsa. "You think...?"
Seryoso kong ibinaling ang tingin sa papalayong si Miles na biglang kumanan ng daan. "Yeah. She's not willing to tell us what she's thinking."
***
BUMULABOG sa umaga namin sa matitinis na ingay ng mga kababaihan ganoon din ang mga sigaw ng mga lalaki pagkapasok pa lang namin sa campus. Hindi ko tuloy naiwasang kalukutin ang loob ng tainga ko. "Gimme a break already."
Humagikhik si Kei. "Ang energetic naman ng umaga nila." Ngiting sabi niya na hindi naman inimikan ni Harvey at tumingin lang sa hindi kalayuan.
Si Jasper naman ay patuloy lang sa pag flying kiss sa mga estuydante ng Enchanted University. "Flying kiss para sa mga magagandang binibini! Bigyan sana kayo ng inspiration ng charm powers ko! Muah!" Mas lumakas ang tilian ng mga babae dahil doon.
"Tigilan mo nga 'yan, p're." Saway ko na hindi naman nakikinig sa akin.
Sandaling napahinto si Kei. "Ah. Mirriam!" Tawag niya rito sa hindi kalayuan at tumakbo palapit sa kanya. Tumigil sa paglalakad si Mirriam at nilingon 'yung tumawag, lumapad ang ngiti niya nang makita kami. Niyakap siya ni Kei. "I miss you! Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Kei kasabay ang paghinto namin sa harapan nila.
Bumungisngis si Mirriam. "Para namang 'di tayo nagkita kahapon. Saka okay lang ako 'no?"
"Hindi ka yata nakatali ng buhok ngayon?" Tanong ni Harvey. Nakalugay lang ngayon si Mirriam pero hindi lang iyon. May clip ding nakaipi sa kaliwang buhok niya. Napahawak nanaman tuloy ako sa buhok kong bagong look din.
"Ah... Nawawala kasi 'yung Black Ribbon ko." Ngiting sabi ni Mirriam at kinuyom ang kamao na animo'y nanggigigil nang may maalala siya. "Buwisit talaga 'yung kuya ko. Alam ko talagang siya ang nagtago niyon, eh. Nag-away kasi kami kagabi."
Nalungkot si Kei. "You should talk to him soon when you get home."
Umismid naman ako. "Napaka immature ng kuya mo. No wonder kung bakit ako asar doon, eh."
Mahinang nagbuga ng hininga si Harvey. "Nagsalita ang immature." Cool niyang sambit kaya inis ko itong tiningnan.
"Ano'ng problema mo?!" Bulyaw ko pero napatingin kina Jasper at Mirriam nang mapansin kong medyo matagal-tagal din kung magtitigan silang pareho. Napangisi ako at mabilis na pumunta sa harapan. "Hehh...? What's that, love birds?" Mukha namang ngayon lang ako napansin nung dalawa dahil sa ginawa nilang reaksiyon. Medyo gulat kasi sila. "Alam n'yo bang diyan din nagkatuluyan 'yung great grandparents ko?" Pang-aasar ko pa.
Malakas akong binatukan ni Mirriam habang pulang-pula naman si Jasper. "B-baliw ka, ano'ng sinasabi mo?" Nauutal na sabi ni Mirriam na sinimangutan ko. Psh. Sakit nung batok mong babae ka!
"Nasa'n nga pala si Haley? Nauna na?" Tanong ni Mirriam na tinanguan ni Harvey.
"Sa classroom na lang tayo magkikita kitang lahat." Sabi ko at patakbong naglakad para makarating sa building namin.
***
SABI NGA NAMIN sa classroom kami pupunta pero nag text nga si Miles na wala nga raw 'yung magaling naming adviser dahil na sa kalagitnaan daw sila ng meeting kaya ngayon ay pupunta kami sa Canteen dahil nandoon daw siya.
Nakapasok na kami sa canteen at hindi naman kami nahirapan sa paghahanap kay Miles dahil nakita kaagad namin siya sa harapang table malapit sa mga kainan, may kasama siyang babaeng estudyante, ,ukha ring badmood si Miles dahil nakabusangot ito at medyo nagdidikit ang kilay. Sino iyon?
Lumakad na nga lang kami papunta sa kanya. "Umagang-umaga, nakasimangot ka. Ano'ng problema?" Bungad ni Jasper at mabilis na tumabi kay Miles. Tiningnan niya 'yung babaeng kaharap niya at napaturo rito. "Ah! 'Yung transfer student."
Huminto na nga kami sa harapan nila at nanlaki ang mata ko nang makita 'yung babaeng pumunta sa tambayan namin nung nakaraan para humingi ng direksiyon sa E.U.
"Ikaw..." Panimula ko. Hindi ko kasi alam 'yung pangalan niya dahil hindi ko na tinanong.
Ngumiti naman ang babaeng iyon at tumayo para ilahad ang mga kamay niya. "I'm Irish. Sorry, I didn't tell you my name."
She's really pretty...
Kinuha ko naman ang kamay niya. "R-Reed." Pakilala ko naman. "Reed Evans."