Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 20 - Wrecking Emotion

Chapter 20 - Wrecking Emotion

Chapter 19: Wrecking Emotion 

Miles' Point of View  

Yesterday. Kinausap ko si Reed ng kami lang tungkol kay Harvey. 

Tinanong ko siya kung ano ang koneksiyon niya sa nagngangalang si Ray kaya kung mag-usap na lang silang nung isang araw ay parang matagal na silang magkakilala.

Wala ring alam si Reed pero nasabi nga niya sa akin na marami ngang nakakaaway si Harvey noon kaya baka ayun din ang naging dahilan kung bakit kami ang naging target nung Ray na iyon. Siya ang boss sa grupo nila. Ngunit narinig ko rin sa isa sa mga kasamahan niya na mayro'n pa raw talaga isang pinaka lider sa grupo.  

Flash Back 

"Maganda siguro kung hihingi na tayo ng tulong." Saad ko kaya umangat ang tingin ni Reed na kanina'y nakatungo. Nandito kami ngayon sa sala at bumaba mula sa tapat ng kwarto ni Kei kanina. 

"NO! If you do that, it will lead us to seperation!" Pag-iling niya bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko. That's true, kapag sinabi namin sa magulang namin ang nangyayari, posible nga na mangyari ang seperation at baka hindi na ulit kami magkita-kita dahil sa kadahilanang natatakot na sina mama na mapahamak pa ulit ang isa sa amin. Nakakalungkot pero hindi naman pwedeng hayaan ko na maging ganito kami palagi.   

"Reed. Kaysa naman hintayin pa natin na may mamatay sa 'tin." 

"Why are you thinking that we're dying?" Naguguluhang tanong ni Reed. 

"Nakita mo ba 'yung nangyari kay Mirriam? Kay Kei? Kay Harvey. Hindi malabong maulit pa iyon kung saan pwede na tayong mamatay." Pag-iling ko dahil nandoon iyong bigat at hirap sa puso ko. 

Ang hirap ring huminga, 'di ko maintindihan. 

Umangat nang kaunti ang tingin ni Reed. "No, selfish na kung selfish but," Hinawakan niya bigla ang kamay ko na nagpagulat sa akin. "Hindi ko hahayaan na malayo kayo sa 'kin dahil lang sa kanila. Kung pwede lang ibuwis ko ang buhay ko para protektahan kayo. I'll do it. Huwag lang kayong malayo sa 'kin."  

Napaawang-bibig ako sa sinabi niya ngunit itinikum ko rin at medyo ibinaba ang ulo ng hindi inaalis ang tingins sa kanya. "How can you be so sure that you could protect us? It's not easy. Masyado na tayong hinahabol ng disgrasya." Naglayo ako ng tingin. "Isama mo pa na hindi pa nakikita ang killer ni Rain. 'Di mo ba alam kung gaano ka-risky 'yung gagawin natin?"  

Napahigpit ang hawak ni Reed sa kamay ko. "Sa hirap at ginhawa. Lalagpasin natin 'to. Sa ngayon," Tumingin siya sa hindi kalayuan. "Hahanapin muna natin si Ray bago pa man niya matagpuan ang isa sa atin." 

End of Flash Back  

Titig na titig lang ako sa kisame habang hinahayaan ko lang si Chummy na pumatong sa dibdib ko. Tutal, wala naman akong dibdib-- este hindi naman gano'n kalakihan kaya hindi masakit. 

Kumatok ang kung sino sa pinto ko kaya napaupo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. "Come in." 

Binuksan nito ang pinto saka nagpakita si Harvey na wala pa ring reaksiyon ang mukha. 

Ibinaba ko ang mga paa ko't sinuot ang mga tsinelas. "Harvey. Bakit?" Tanong ko at saka lumapit sa kanya. 

"Pwede ba kitang kausapin?" Tanong niya nang seryoso ang tingin sa akin. 

*** 

NANDITO KAMI SA balcony at tinatanaw ang mga malalaking puno sa hindi kalayuan na sumasabay sa ihip ng hangin. Sinabi na ni Harvey 'yung gusto niyang sabihin sa akin at 'di ko inaasahan na ganoon pala ang nangyari noon. 

"Bakit sa akin mo sinasabi?" Tanong ko ng hindi siya tinitingnan. 

Nakita ko sa peripheral eye vision ko ang pag ngiti niya nang kaunti. "What do you expect? She's your sister. I want to consult to you first before I talk to her. So," Humarap siya sa akin. "Kung nalaman mo na gano'n ako in the past. Would you still accept me?"  

Harvey told me about his darkest past and he didn't tell it to anyone including Jasper and Reed even to his girlfriend-- Kei. Harvey was part of the fraternity a long time ago due to his friends' influenced and left 2 months after. Hindi rin siya nagtagal because that was also the time when he realized kung gaano kahalaga ang kapatid ko. He doesn't want to hurt her so bad that it made him stopped doing things that against the rules. 

Hindi siya nagre-rebelde. Influenced lang iyon, at his young age. He didn't know what he was doing. 

Nakatingin ako sa kanya ng 'di siya nililingunan nang mapapikit ako sandali at humarap na sa kanya. "I believe that love doesn't care who you are in the past nor what you do in the present. 

My sister loves you the way you are now, the YOU from the past was no longer here. You changed. 

And even if you tell that to her, her love will always stays in her heart." Mahabang litanya ko at nginitian siya. "Actually, you don't need to worry anything but I'm not saying na maging kampante ka just because she loves you. You still need to prepare-- W-why?" He laughed as if I'd just said something funny. 

"Seriously, hindi nga ako nagkamali na kinausap ka." Ngumiti siya sa akin for the first time! 

Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.

Tumagilid siya ng tayo sa akin. "That's the only thing I want to hear from you." Nilingon niya ang ulo niya sa akin at tumango. "Thank you, Haley."  

Nakaawang-bibig lang ako nang gumuhit pa lalo ang ngiti sa labi ko. "Yep."   

***  

PUMASOK NA akong muli matapos naming mag-usap ni Harvey. Dumiretsyo kaagad siya sa kwarto ni Kei dahil ang alam ko ay nag e-edit din talaga siya ng video namin. May ginawa siyang vlog na 'di ko alam and I think ia-upload niya iyon sa Youtube kahit wala raw'ng manonood. Ginawa lang niyang album just incase mawala raw sa files niya. 

Bumaba ako ng hagdan para kumuha ng cake. Ang alam ko, may binili ang kasambahay noong nagpabili si Harvey sa kanya. 

Gusto ko lang ng matamis ngayon dahil magbabasa na ako ng Manga mamaya. 

Nakababa na ako at padiretsyo na ng kusina. Papaliko na 'ko nang mabangga ko si Reed. 

Napahawak ako sa ilong ko at inangat ang tingin kay Reed na nakababa lang ang tingin sa akin. 

Bigla siyang ngumisi. Doon pa lang, pumasok kaagad sa utak ko... 

Magsisimula nanaman siya.  

"Sinadya mong banggain ako para mapansin kita, 'no?" Biro niya at umabante. Umatras lang din ulit ako hanggang sa mapansandal ako sa railings nung hagdan. Ipinatong niya ang kamay niya sa malaking bilog na nandoon sa dulo ng railings samantalang ipinagpameywang niya ang kaliwa nitong kamay. "Aminin mo, crush mo 'ko, ano?" Dagdag niya kung sa'n hindi ko napigilang mapaismid. 

It's kind'a pissed me off for some reason. 

Not because I talked to him first, gaganito-hin niya ako. Fine, if he wants me to show the other side of Haley Miles Rouge. It will leave me no choice. 

I gave him a cool smirked "Really? Me? Has a crush on a little sh*t like you? Who always keep on pestering me to ask for my attention with Senpai notice me attitude? You're a joke, Reed."  Mukha namang 'di niya inaasahan ang mga litanya ko. 

Even me, I don't usually say those words matapos kong magising sa ospital na iyon. But after it came out from my mouth. Parang naginhawaan ako. Medyo gumaan din ang pakiramam ko which is weird. 

Binawi rin ni Reed ang ngisi sa labi niya na animo'y wala sa kanya. "Well, at least you noticed how I pestered you. 'Di ako nawawala sa isip mo in that way." I smelled his breathe, malamig-lamig siya at amoy Strawberry. Ayun ba 'yung binili na cake?!  

Inalis ko ang kamay niya na nakapatong doon sa marble kung saan kamuntik-muntikan pa siyang ma-out of balance. "Sometimes, hindi rin naman masamang mangarap. But I advice na huwag masyado para 'di ka ma-disappoint." Sabi ko saka siya binigyan ng ngiti bago ako umalis sa kanyang harapan para pumunta na nga sa kusina.

But after ng ilang minuto, napasandal na lang din ako sa pader nang wala na akong makitang Reed Evans. Humawak ako sa dibdib ko na ang O.A kung tumibok ng malakas.

Huminga ako nang malalim at tumungo. "He's always wrecking my emotions. He doesn't know what I feel."

Stupid me.