Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 25 - Rain of Cherry Blossom Petal

Chapter 25 - Rain of Cherry Blossom Petal

Chapter 24: Rain of Cherry Blossom Petal

Jin's Point of View 

Kasalukuyan kaming umaakyat ngayon sa pagkahaba-habang hagdan papunta sa Shrine. Magtatanghalian na pero marami-rami na rin ang naigala namin. 

Minsan lang talaga kami makapunta ni Mirriam sa mga ganitong pasyalan kaya masasabi kong enjoy ako. 

Lalo na't kasama ko pa si Haley? 

Makikita ko 'yung paraan ng pagngiti't pagtawa niya. Kumbaga nasisilip ko kahit papaano 'yung side niya na hindi ko madalas makita. 

Parang iyong version ni Haley ngayon ay 'yung soft side ni Haley nung wala pa siyang amnesia kaya hindi ko maiwasan na mas magustuhan ang babaeng ito. 

Tutuntong siya sa isa pang hakbang nang kamuntik-muntikan na siyang madulas. Mabuti na lang at nahawakan ko kaagad 'yung braso niya. "S-Sorry."

Inalalayan ko siyang maigi saka siya tumayo nang maayos. Nauuna na ang mga kasama namin samantalang tumigil lang kami sandali ni Haley. "Are you tired?" I asked her.

Umiling siya't binigyan ako ng matamis na ngiti. "No. Malapit na rin naman tayo." Pagtingin niya sa itaas bago ibinalik ulit sa 'kin 'yung tingin. "Thank you, Jin." 

Wala akong imik na tumitig sa kanya hanggang sa mapahawak ako sa batok ko't humagikhik. Dammit. I want to hold her hand. 

"Jin, what's wrong? Tara na." Anyaya niya sa akin. Tumingala ako para tingnan ang mukha niya. 

Maglalakad na ulit sana siya nang hawakan ko ang kamay niya dahilan para mapatingin ito sa hawak ko bago sa akin. "Eh?" Gulat nitong reaksiyon niya. 

Seryoso lang ang tingin ko sa kanya nang hindi pinapansin ang mga taong dumaraan at nilalagpasan kami. Pakiramdam ko, kami lang talaga ang tao rito. 

Kakaiba 'yung atmosphere. She's also looking straight to my eyes. Lumakas bigla ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko 'yung pagpintig nito. 

Iba talaga ang tama ko sa babaeng ito. Sobrang lakas.  

"Ya'know, I really like you a lot. And I want to go out with you." Pag-amin ko na nagpabilog sa mata ko. 

"But, Jin--" I cut her off. 

"Nasabi ko na 'to noon sa 'yo, pero gusto kong ulitin dahil ngayon na ako magsisimula. Don't rush, Haley. Gusto ko lang malaman mo kung ano 'yung nararamdaman ko." Paliwanag ko na may pag ngiti sa aking labi bago ko siya bitawan. Umakyat na akong muli, napahinto lang nag magtanong siya. 

"Pero bakit ako?" Taka niyang sabi kaya nilingon ko siya. Nakaangat din ang tingin niya sa akin na may seryosong tingin sa kanyang mukha. "There's nothing special about me. Kaya bakit?" Dugtong na tanong. 

Nakaawang-bibig ako nang luminya ang ngiti sa aking labi't dahan-dahang bumaba para pumunta sa kanyang harapan. Nagpamulsa ako't ibinaba ang mukha ko sa kanya para magkapantay kami. 

"Who knows?" Sagot ko at kumindat sa kanya bago ko pa man marinig ang pagsigaw ni Reed. 

"Gag* kang lalaki ka! Ano'ng ginagawa mo kay Haley?!" Nanggigigil na tanong niya. Nakababa ang kanan niyang paa sa ibabang hakbang ng hagdan samantalang 'yung isa, na sa itaas. 'Kala niya siguro hinahalikan ko si Haley dahil sa posisyon namin. Tumayo ako ng maayos at umurong nang kaunti paharap kay Reed.  

"I didn't do anything, really." Sagot ko 'tapos inilipat ang tingin kay Haley. "But if ya'want." Idinikit ko ang index at middle finger ko sa sariling labi at pagkatapos ay biglaang idinikit iyon sa labi ni Haley. Kaya ang nangyari ay para kaming nag indirect kiss. 

Nagulat si Haley ganoon din ang mga kaibigan niya sa ginawa ko. "Kuya!" Sita ni Mirriam. 

Tumawa naman ako nang tumawa at muling nagpamulsa. 

"Okay! I won't do it again." Tugon ko 'tapos umakyat na nga. Pa-simple kong sinulyapan si Haley na pulang pula ang mukha ngayon kaya 'di ko naiwasang mapangisi. 

Nang marating ko kung nasa'n si Reed na ngayon ay naiinis sa ginawa ko ay huminto ako sa tabi niya. "Too slow." Pang-aasar ko't nilagpasan na siya. 

Naririnig ko pa 'yung mga nakakairita niyang sigaw ngunit hindi ko na lamang pinansin at ibinaling na lamang ang tingin. 

***

NARATING NA NAMIN ang Shrine. Hindi naman gano'n ka-crowded sa kinatatayuan namin ngayon pero kung papasok pa kami. Medyo siksikan na rin. May mga booths pa sa gilid-gilid bago marating ang mismong Shrine nila rito.

"Ang daming tao, makikipagsiksikan ba tayo riyan?" Tanong ni Mirriam.

"Siyempre. Sayang naman kung hindi tayo makakapag wish." Wika ni Jasper na inirapan naman ng kapatid ko.  

"Yep, gusto ko ring humiling. Baka magkatotoo." masigla namang ani Keiley na inilingan ni Reed. 

"Wish don't come true, Kei" pangbabasag trip ni Reed.

"Humph, bitter" nakasimangot na sabi ni Keiley at hinampas sa tiyan ang kaibigan na si Reed. 

Lumakad na nga lang kami para dumiretsyo na muna sa kainan. Marami-rami kasing tao kaya baka mamaya maya na kami pupunta sa harap para magdasal.

At isa pa, nakakaramdam na rin kami ng gutom dahil mahaba-haba 'yung nilakad namin makarating lang dito. 

"こんにちは (Kon'nichiwa)タコヤキを買う(Takoyaki o kau!)" [Hello, buy some takoyaki!]

Napahinto si Haley sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. "Ito na lang siguro ang kakainin ko" Tukoy ni Haley ro'n sa Takoyaki na hinintuan namin. 

Tumigil din sa paglalakad si Keiley para lumapit kay Haley. "Baka ito na lang din 'yung sa akin. Gusto kong tikman 'yung mismong Takoyaki ng Japan." Pagngiti ni Keiley kay Haley saka sila parehong humagikhik. Magkamukha sila-- Ay, oo nga pala. No wonder, magkapatid nga pala talaga sila by half.  

Bumili na nga sila Haley nung Takoyaki ganoon din si Mirriam. Kaya pati kaming apat nila Harvey ay iyon na lang din ang binili. Mura naman siya at malalaki kaya sulit naman. 

Kukunin na sana ni Haley yung pambayan niya nang unahan ko siya. Ibinigay ko 'yung bayad namin ng kapatid ko at ni Haley kay Oba-san. [Elder]

Napatingin si Haley sa 'kin. "You don't need to do that"

Kinuha ko na muna ang sukli bago ko ngitian si Haley. "I know, gusto ko lang." Tugon ko and patted her on her head. Pagkatapos ay pumunta na ako sa gilid dahil mayroon pang bibili. 

"Bakitnag bayad kayo? Ako nga 'yung magbabayad, eh?" Walang ganang sabi ni Harvey. 

Grabe, may bagay pa ba siyang hindi nakukuha sa buhay niya? Ang yaman talaga, wala akong masabi.

Nagpameywang ang girlfriend niyang si Keiley. "Harvey, you don't need to treat us all the time. Ano pang silbi ng mga pocket money namin kung hindi din naman magagamit?" Suway niya na tinanguan ni Mirriam.

"Hindi naman porke magkakaibigan tayo, ite-take advantage ka namin. That isn't how it works." Pagkibit-balikat ng kapatid ko na tinanguan ni Haley at Reed.

Nag thumbs up si Jasper. "Harbe, kung gusto mo ng may malilibre, ako na lang. Wala na akong pera kaya bayaran mo 'yung akin, dalian mo" pagmamadali ni Jasper habang sinusubo ang Takoyaki niya. 

Tinalikuran siya ni Harvey at inismidan. "Hindi bale na lang." Balewala na tugon niya bago lumakad. "Tara ro'n." Tukoy ni Harvey sa hindi kalayuan. "Hindi masyadong ma-tao." Dagdag niya. Sumunod na si Keiley ganoon din ako. 

Sa paglalakad ay hinanap ng mata ko si Haley pero noong lumingon ako ay hindi siya makita ng mga mata ko. Ganoon din si Reed. 

Where are they? 

Reed's Point of View 

Nang sundan ni Jin sila Kei ay napatingin ako kay Miles na enjoy na enjoy kumain nang Takoyaki sa may tabi. 

Hindi ba siya naiilang kumain sa ganitong lugar? 

"Hoy, ano pa'ng ginagawa mo riyan? Tara na, baka maiwanan pa tayo, eh?" Papalayo na rin kasi sila Harvey. Mahirap na kung maghahanapan pa kami. 

Hindi sumagot si Miles at kain lang nang kain. Tapos napapahawak pa siya sa pisngi niya sa tuwa dahil sa nilibreng Takoyaki ni Jin sa kanya. Tsk! Ganyan talaga siya nag e-enjoy, ano?

Mabilis lang naubos ang pagkain ni Miles bago niya itinuon ang pansin sa akin.

"Ba't hindi ka pa sumunod sa kanila?" Tukoy kina Jasper. 

Napahawak ako sa ulo ko't nagbuga ng hininga. "What the hell are you even doing? Alangan naman kasing iwan kita rito?" Nakasimangot kong sabi at hinawakan ang pulso niya para ihila sa akin. Naiirita kasi talaga ako sa Jin na 'yon. Ginagawa na lang niya 'yung gusto niya sa babaeng na sa harapan ko. 

Mas nagkakaroon ako ng rason para 'di pwedeng malayo sa kanya.  

"Let's go. Hinahanap na rin tayo ni--" Napahinto ako sa pagsasalita. Naramdaman namin ang pagnginig nung lupa. Hindi siya lindol kundi tila bang may naglalakad na dambuhala.

Nanliit ang tingin ko sa paparating sa hindi kalayuan. "What's tha-- Eh?" Reaksiyon ko na lamang nang makita ang tumatakbong hapon. Hindi lang iisa, kundi talagang marami sila! 

Mga nagsitabi ang mga taong na sa gitna,kapag hindi pa sila umalis doon ay mababangga sila ng mga hapon na paparating.  

"Sh*t!" Hinila ko na lamang si Miles paalis sa lugar na ito. Wala na kasi kaming oras para maghanap ng pwesto dahil puno na ang mga gilid gilid, hindi na kami kasya.

Mabilis lang kaming tumatakbo para hindi mabangga ng mga taong nandoon sa likod namin, natatapon na nga 'yung sauce ng Takoyaki ko, eh?   

"Reed. Sa'n tayo pupunta?" Sigaw niya dahil maingay na rin sa lugar na ito. 

"Basta sa lugar na walang pwedeng mang-isturbo." Ikaw at ako lamang. Pero joke, basta sa lugar na hindi masyadong crowded. Pambihira naman kasi at ang daming tao. 

Bakasyon kasi, eh.  

Nakarating na kami sa hagdan kung saan kami umakyat kanina. "Ga-Grabe, ngayon lang ulit ako nakatakbo ng ganoon kabilis" Hinihingal kong sabi.

Bale huminto na kaming dalawa dahil nakahanap na kami ng pwedeng space na hindi mabubunggo ng mga hapones kanina. Nakakapagod kaya kumuha kami ng maraming hangin habang nakahawak sa aming mga tuhod. 

At nung makahinga na ako ng maayos ay tinignan ko na siya nang nakapikit ang kaliwa kong mata. "Ano, Miles? Kaya pa? Hanggang doon na lang ba ang kaya mo, ha?" Tanong ko sa kanya na may halong pang-aasar. 

Hinihingal pa rin siya pero nagawa naman niyang ngumisi. "Don't underestimate me, Reed. Wala lang akong exercise." Sambit niya nang hindi tinatanggal ang tingin sa akin. Mayamaya pa noong matawa na lang kami sa isa't isa.  

Wala namang nakakatawa pero habang tinititigan namin ang isa't isa. Natawa na lamang din kami. 

"Nahiwalay na rin naman tayo kina Kei, gusto mo bang maglibot-libot na muna?" Tanong niya sa akin.  

Nginisihan ko siya. "Gusto mo talaga akong ma-solo, ano?" 

Nginitian naman niya ako. "Sino nga ulit 'yung kumaladkad sa 'kin dito?" Tanong niya to remind me why we're here. 

Kumamot ako sa ulo ko't nag-iwas ng tingin. "Well, that's because..." Ibinaba ko nang kaunti ang tingin ko't naglabas ng hangin sa ilong. Pagkatapos ay salubong ang kilay na tiningnan si Miles. "You're annoying. Dinala lang kita rito because of the reason na mababangga tayo ng mga hapones na 'yon." Paliwanag ko pero tumalikod lang siya't pinag intertwine ang mga daliri niya pagkalagay niyon sa kanyag likod. 

"Now, you're making excuses. Don't you really want to be with me just for an hour?" Tanong niya na nagpaawang-bibig sa akin. Hindi pa siya lumilingon pero nakikita ko na hindi lang basta't pang-aasar 'yung pagkakasabi niya niyon. 

Tinikum ko ang bibig ko. Hindi ba pwedeng mag assume ako ngayon na gusto rin niya ako? 

Nakakatawa pero kahit napaka impossible ay nandito pa rin ako't umaasa. 

Ano ba kasi 'tong ginagawa ko? Bakit hindi ko na lang aminin sa kanya nang hindi naman ako nagkakaganito? 

Seryoso ko siyang tiningnan. "Malapit lang ang Sakura Tree rito. Okay lang ba kung sumama ka sa 'kin?"

Nag-iba ang naging reaksiyon ng mukha niya. Parang hindi niya inaasahan 'yung naging mukha ko ngayon bagama't tumango lang ito bilang pagpayag. "Mmh. Sure." 

***

TAHIMIK KAMING naglalakad papunta sa Sakura Tree na malapit lang dito. 

Kinakabahan ako sa totoo lang dahil hindi ko rin naman talaga alam kung ba't ko siya inayang pumunta sa Sakura Tree. 

Pero ayun kaya ang magandang pagkakataong umamin? 

Sumulyap ako kay Miles na nasa tabi ko't nakabalik lang ang tingin. Kanina pa kami naglalakad pero wala pa rin kaming mapag-usapan. Hindi ko rin naman kasi alam ang pwedeng i-topic. 

Sa totoo lang, para ako nanghihina kapag kasama ko siya. Ang bagal mag process nung utak ko. 

But...! 

When you're with the person you like, you will try to think of any topic.

It doesn't matter if it's silly, random, or if it doesn't make any sense as long as you can talk to and spend time with them. 

Inilayo ko ang tingin ko't ipinasok ang kanan kong kamay sa bulsa. "Bakit bilog ang buwan?" Simpleng tanong pero bigla siyang natawa.

Napatingin tuloy ako sa kanya ng wala sa oras. "Seryoso ka ba sa tanong mo?" Naluluha niyang tanong. Tawa talaga siya nang tawa. Ang ganda talaga niyang patawanin, ano? 

Huminto na kaming dalawa nang matapatan namin ang Sakura Tree.

Tumingala kami sa malaking puno kasabay ang pag-ihip ng hangin. Napatingin akong muli sa kanya na iniipit ang hibla ng buhok sa tainga. "Ang ganda!" Manghang sabi niya habang hindi inaalis ang ngiti sa kanyang labi.

"Oo nga, ang ganda." kumento ko nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. 

Umamo lalo 'yung mukha niya. "Alam mo ba ang kasabihan sa Japan? Kapag naulanan daw kayo ng taong gusto mo ng Cherry Blossom Petals ay kayo raw ang itinakda para sa isa't isa" Litanya niya.

Tinignan ko siya't napasimangot. 

"Saan mo naman nalaman 'yang impormasyon na 'yan?" Tanong ko na tipid niyang nginitian. Medyo nalungkot din ang mukha niya. "From this particular guy?" Hindi niya siguradong sagot at mas inangat ang tingin sa Sakura Tree. "Kay Lesley. Kay papa."  

Nanlaki ang mata ko. From her father?  

"I just dreamed about it. Iyon ba 'yung sinasabi ng iba na fragment memories from a lost memories?" Tukoy niya na hindi ko kaagad inimikan. So, she remembered something?  

Ibinaba niya ang tingin at humarap sa akin.  

"Reed. What do you think of me?" Tanong niya kaya bumilis ang pagtibok ng puso ko. 

"What?" Natanong ko na lang kasabay ang paghulog ng mga petals sa Cherry Blossom noong lumakas ang pag-ihip ng hangin. 

Parehong nanlaki ang mata namin ni Miles habang nakatitig sa isa't isa. It's raining of Cherry Blossom Petals... 

Sinundan ko naman ng tingin 'yung isang petals na papunta sa akin. I opened my hand.

Landing softly on my palm. This might be a small, and single petal but I know that it'll bloom again. 

Just like how she'll drawn to my heart. 

Dahan-dahan kong inililipat ang tingin kay Miles na pulang pula ang mukha. "Reed..." Tawag niya sa akin. 

But, I guess this isn't the time to tell her how I really feel. 

I want her back, the Haley I know. 

Tumawa ako nang pilit. "I-impossible naman siguro 'yon, ano?" 

Pinaglaruan niya ang mga daliri niya at tumagilid ng tayo. "Oo, b-baka nga." Pagsang-ayon niya kaya tumagilid na lang din ako ng tayo't napahawak sa batok ko. Napangiti na lang din ako ng wala sa oras.  

We still have to confirm our memories of radiant. Someday, I wish you may have feelings that you cherish the euphoria. I wish you sense my feelings that kept on screaming your name, Haley. 

 Feel my heart that is pulsating like an airstream.