Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 31 - Class 4-A

Chapter 31 - Class 4-A

Chapter 29: Class 4-A   

Miles' Point of View 

Tumambad kaagad sa amin ang mga freshmen pagkapasok pa lang namin sa Enchanted University habang tuloy-tuloy pa rin kaming anim sa paglalakad na pinagtitinginan lamang ng mga estudyante. 

"Kumikinang sila!" 

"Trinity 6 na sila ngayon, 'di ba?" 

Tumungo si Mirriam at nahihiya na napatingin kina Reed. "Pwede bang sa susunod, huwag tayo sa Main Entrance pumasok-- Eh?" 

Tulad ko, mukhang nakikita rin yata ni Mirriam kung gaano kaliwanag 'yung pagkinang ng original Trinity 4 lalo na't nilalagpasan lang din namin 'yung mga nagtitiliang estudyante ganoon din ang mga naghihiyawan na lalaki na majority na sinisigaw ang pangalan ni Kei. 'The Chic one' 

Ngiti siyang nilingon ni Kei. "Ano 'yung sinasabi mo, Mirriam?" Tanong niya na parang hindi makabasag pinggan, hindi rin yata niya narinig ang sinabi ni Mirriam kanina.

Ngayon ko lang ba napansin o sadyang ang blooming talaga nilang apat?! 

Tiningnan ko si Mirriam, nag-iba rin 'yung itsura niya at tila parang isang astiging babae sa isang Shoujo manga. 

Isa rin siya sa kumikinang! O baka naman nakukuha ko na 'yung mata ng mga fans nila kaya nagkakaganito ako? 

"Oh my gosh, Haley! Kumikinang ka!" Turo sa akin ni Mirriam nang makalingon sa akin. 

Tinuro ko rin siya pabalik. "I-ikaw rin!"  

 

Dumiretsyo kami sa bulletin board sa High school building kung saan namin pwedeng makita ang mga sections namin. 

Medyo marami-raming tao para silipin ang mga class sections nila kaya mula sa malayo na lang namin sinilip 'yung mga pangalan namin. Kaso dahil mukhang lumalabo na 'yung mata ko ay pinauna ko muna sila. 

"H-hindi ko makita 'yung pangalan ko." Paghanap ni Reed sa pangalan niya kaya pasimple akong tumitig sa kanya. 

We fought, we argue and get mad at each other. But I still want him to stay close with me. 

I still want him to be my classmate. 

"Hoy!" Nagulat naman kami sa biglaang pagsigaw ni Jasper habang nakaturo ro'n sa bullet board. 

Pinaltukan siya ni Reed. "T*ngina mo, bibig mo." Suway ni Reed pero siya naman ang sinimangutan ni Kei. 

"Baka marinig ka ng prefect, mapapagalitan ka." si Kei.  

"Nakikita ko 'yung pangalan natin sa iisang papel!" Ngiting sabi ni Jasper kaya mas tinitigan nila 'yung tinuturo niya. Nanatili lang din akong nakatingin sa likuran nila habang nakalinya ng ngiti ang labi ko. 

I'm glad. Mas mapapalapit pa kami ng husto nito. 

*** 

SUMUSUNOD ANG mga tingin ng mga freshmen sa amin ngayong diretsyo kami sa bago naming classroom-- ang Class 4-A. 

Samantalang 'yung mga nakakakilala sa amin ay laking tuwa noong makita kami at mga binati kami. 

"Whassup! Magiging kaklase n'yo rin ako!" Ngisi ng lalaki na pumaikot-ikot na nilagpasan kami habang turo ang sarili. Mukhang siya 'yung isa sa magiging class clown, hindi ko pa kasi siya naging kaklase ever since kaya hindi ko rin siya kilala. 

"Good morning." Bati sa amin ng mga babaeng nakangiti at dali-daling pumunta sa kanilang mga classrooms. 

Isinuklay ni Jasper ang bangs niya paitaas. "Ang gaganda ng mga binibini sa lupain na ito!" Iniba pa niya 'yung tono ng boses niya. "I'm so lucky guy! Ang gwapo gwapo ko, azure ~!" Pag-iling niya nang hawakan ang kanyang noo't huminto sa paglalakad. Iniwan na nga lang namin siya. "Ah! Huwag n'yo akong iwan!" 

Binuksan ni Harvey ang sliding door ng Class 4-A kung saan, 'yung kaninang kinabi-busy-han ng mga kaklase namin ay nagsabay-sabay na huminto sa kanilang ginagawa. Lahat ng mata nila ay nakatingin sa amin. 

Karamihan sa kanila ay mga naging kaklase ko na last year, 'yung iba naman ay mga bagong faces. 

Pumasok si Harvey na animo'y walang pakielam sa nakikita niya samantalang dahan-dahan namang pumasok si Kei.

"H-hi?" Bati ni Kei saka pare-parehong mga naghiyawan ang mga kaklase namin. 

"Kaklase ulit namin kayo!? Wow!" Hindi makapaniwalang sambit ni Ricky. Isa sa naging PIO namin noon. 

"Swerte! May mga kaklase akong magaganda!" Sabi ng babae naming kaklase na kulang na lang ay maging bituwin ang mga mata sa sobrang tuwa. 

"Sana magkasundo tayo!" Ngisi naman nung isang lalaki na nakaupo sa dulo. 

Umakbay si John kay Jasper. "Take care of me, baby." Panlalandi ni John kunwari. Inakbayan din siya ni Jasper at marahan na inilapat ang labi sa pisngi nito. 

"Choke me, daddy." ani Jasper saka sila mga nagtawanan.  

Lumapit naman ang ilang babae kay Mirriam na kung hindi ako nagkakamali ay mga ka-team nila sa sprinting.  

Lumapit na rin ang ilan sa akin. "Hello, Haley!" Pagkaway nung babaeng twin tailed ang buhok. "Hindi mo siguro ako napapanisn noon, pero ako nga pala si Kimberly." Pagpapakilala ng bago kong kaklase. 

"A-ah..." Nauutal kong reaksiyon at nginitian siya. "Nice to meet you." 

Hinawakan naman ng lalaki kong kaklase ang kamay ko at concern na tinitigan ako sa mismo kong mata. "Nakakaalala ka na ba? Okay ka na?" 

Umurong ang ulo ko at pilit na ngumiti. S-sino nga 'to?  

Inilalapit na nung lalaki ang kamay ko sa kanya ganoon din ang mukha niya sa akin. "Naalala mo ba ako--" Naputol 'yung sasabihin niya dahil biglang inalis ni Reed 'yung kamay niyang nakahawak sa akin. Mukha namang nagulat ang nakararami dahil bigla silang nanahimik at lahat sila'y nakatuon ang atensiyon sa ginawa ng lalaking na sa harapan ko ngayon.  

Parang nag slowmo ang pangyayari kung saan naririnig ko ang sarili kong heartbeat. 

"Reed..." 

"Whoa! Na-miss kita, pare! Ako ba naalala mo?!" Inakbayan pa ni Reed 'yung lalaking iyon at malakas na tinapik-tapik ang likuran habang tumatawa ng malakas. 

Naglayo ako ng tingin. Akala ko pa naman, inilalayo niya ako sa lalaking iyon. 

Tumayo mula sa silya si Rose-- ang class president namin nung 3rd Year. Inayos niya 'yung suot niyang salamin. "Ako'y natutuwa na ang aking minamahal na kaklase ay muling nagtipon-tipon!" She said that in a quirky way.

Walang ganang nakatingin si Reed at Mirriam sa kanya samantalang nanatili lang na nakangiti si Kei. 

Si Jasper naman ay tuloy-tuloy pa rin sa pakikipagdaldalan kay John kaya nakatikim siya ng lumilipad na kwaderno mula kay Rose. 

Ibinuka ni Rose ang mga braso niya. "Nagbabalik ako bilang pangulo ng bagong yugto ng ating buhay! Tayo'y magkasundo at--" 

Nagpameywang ang kaklase naming lalaki. "Alright, we get it, Class President. Ikaw lang din naman ang fitted maging president ng class, eh. 'Di ba, Classmates?" Tanong niya sa amin kung saan sumang-ayon talaga ang lahat saka namuo ang magaganda't masiglang tawa sa lugar na ito. Lalo na noong buhatin si Rose ng mga kalalakihan ganoon din si Jasper na nakisali at tuwang pinaghahahagis ang president sa ere. 

Namilog ang mata ko habang nakatingin sa mga magiging kaklase ko ngayong taon. 

Ang weird sa pakiramdam. May kung anong soothing na aura ang mayro'n sa lugar na ito at 'di ko magawang makaimik kaagad. Ang calm at comfortable na mapapangiti ka na lang kahit makita mo pa lang 'yung mga ngiti sa labi nila.  

Are you really sure about that? 

Nanlaki ang mata ko't napanganga. 

Hindi ba noon? Kung tingnan ka nila, para kang naiiba? Halos itakwil ka na nga lang, 'di ba?

Lumunok ako sa sarili kong laway at pasimpleng humawak sa tainga ko.  

Naging mabait lang naman sila sa 'yo dahil napunta ka sa grupo ng mga nakatataas sa eskwelahan nila. Pero kung hindi mo sila kaibigan, tingin mo ganyana ng ituturing nila sa 'yo? 

Huminga ako nang malalim. Ano ba 'tong naririnig ko? Ako ba talaga 'yung nag-iisip niyan?

Muling nagbukas ang sliding door kung saan bumungad ang grupo noon ni Tiffany at Shane. 

Pumasok sila nang mapatingin sila sa akin.  

Umismid si Kath. "I can't believe this." Parang nandidiri na sabi niya bago nagmartsa papunta sa magiging pwesto niya. 

"Akala ko sila Jasper lang 'yung magiging kaklase namin. Kasama ka pala." Segunda naman ni Aiz. 

Tumingin muna si Trixie-- kaibigan noon ni Mirriam at Tiffany, sa mga kaklase namin bago niya inilipat 'yung mataray niyang tingin sa akin at inirapan ako. Sumunod siya sa dalawa. 

Ipinatong ni Kimberly ang kamay niya sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Nag thumbs up siya. "Don't worry about them. Ako ang bahala sa 'yo kung inaway ka nila." ani Kimberly to make me feel at ease. 

Tumango na lang ako bago tumingin sa hindi kalayuan.  

*** 

NAKAUPO NA KAMI sa mga pwesto namin. Na sa dulo lang kaming anim malapit kina Kath kaya talagang nararamdaman ko talaga 'yung masasama nilang titig sa akin na kulang na lang din siguro ay patayin nila ako. 

"Yuck, feeling emo." Pang-aasar ni Jasper kay Harvey na tinapunan lang ng middle finger ni Harvey. Hindi iyon nakita ni Kei dahil nakikipagkwentuhan siya kay Mirriam na nandoon sa harapan niya't nakaupo sa simento.

Bale na sa tabing bintana si Harvey na katabi ni Kei na katabi ni Jasper na katabi ni Mirriam na katabi ni Reed na katabi ako. Oo, katabi ko si Reed kahit si Mirriam naman talaga 'yung gusto kong makatabi. 

Inilabas ko na nga lang muna 'yung cellphone at earphone ko, medyo bothered kasi ako sa paligid ko. Tutal, wala pa naman 'yung homeroom teacher nami-- Speaking of, nandito na pala siya. 

Ibinulsa ko na lamang ang phone at earphone.  

Dala-dala ni Sir Santos ang isang record book at padabog na ipinatong iyon sa teacher's table nang makahinto siya sa gitna.  

Tiningnan niya kami isa-isa, pero nang ihinto niya ang tingin sa akin ay medyo na-surprised siya at matagal-tagal din bago inilayo ang tingin. Napabuntong-hininga siya pagkatapos. "Brats. Kayo nanaman pala ang makikita ko araw-araw?" Parang disappointed niyang sabi. 

"Grabe ka, sir! Hindi nga kami nagreklamo na ikaw 'yung adviser namin, eh!" Pang-aasar ni John kaya lumabas ang ugat sa sintido ni Sir Santos sa sobrang pagkapikon sa estudyante niya. 

Tumawa naman ang lahat gano'n din ako na patago lang kung gawin. Baka ako pag-initan, eh. 

May kumatok sa pinto at pumasok si Miss Kim na may kakaibang aura sa kanya. Kumpara noon, mas humaba ang buhok niya at nagmukhang bata. Nakaka lighten up din 'yung ngiti niya na kahit na sino pa mang tao ang makasalubong niya ay talagang mamamangha sa ganda niya.

Halos mangiyak ang mga dati niyang anak na lalaki at pare-parehong mga lumapit sa kanya. "Miss Kim! Ikaw na lang 'yung adviser namin! Ayaw naman ni Sir Santos!" 

"Wha--" Reaksiyon ng Adviser namin at isa-isang pinagbababatok 'yung mga kaklase ko. "Umupo kayo sa mga upuan n'yo!" Asar na sabi nito. 

Ngumiti ng pilit si Miss Kim. "Be gentle to them." 

"Child abuse 'yan, Ma'am!" Turo ni Jasper kay Sir Santos kaya pinanlisikan na nga siya ng tingin ni Sir. 

May binigay lang si Miss Kim na folder kasabay ang pagpasok ni Miss Tim. Lukot ang mukha niya habang nagmamartsa palapit sa adviser naming si Sir Santos. Sinusundan lang din namin ng tingin nang magulat kami noong kwelyuhan niya si Sir Santos.  

"Alam mo kung ano 'yung mangyayari kapag hindi mo pa ibinalik sa akin 'yung magazine kong hinayupak ka!" Nanggigigil na wika ni Miss Tim. 

Napapanganga na lamang kami sa mga nakikita namin. Seryoso, ano ba 'tong nangyayari sa classroom na 'to?  

Dali-dali namang pumunta si Miss Kim palapit kila Sir Santos na ngayon ay inaalog-alog ni Miss Tim.

"Dalian mo! Ngayon mo na kunin at ibalik sa 'kin!" Malakas na udyok ni Miss Tim at lumingon sa aming lahat para kawayan at ngitian. "Hi." Bati niya pero muli ring bumalik ang raging mode niya pagkaharap sa adviser namin.  

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero mukhang masaya 'yung Class 4-A." Sambit ni Reed kaya ngiti kong inilipat ang tingin sa kanya without him perceiving it. 

Now that you're right beside me, ano pa ang ie-expect ko? Lots of fun will come our way. 

Pasimple ko namang nilingon ang grupo nila Trixie na masama pa rin kung tingnan ako. Nalungkot ang mukha ko at iniyuko na lamang. 

And at the same time, maraming hahadlang sa masayang bagay na pwedeng maramdaman sa hinaharap.