Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 23 - Unwitting

Chapter 23 - Unwitting

Chapter 22: Unwitting 

Miles' Point of View 

"Wow!" Salitang lumabas sa bibig namin nang makalabas kami sa airport ng Japan. 

Pasadong 4:00 ng umaga na kami nakarating at namamangha ako dahil mabilis umaakyat ang araw kaya nakikita namin ang paligid.  

Sa sobrang linis nung kapaligiran dahil itong bansang ito ay kasama sa mga top disciplined country. 

Parang ang luwag huminga. Ni candy wrapper wala ka talagang makikita at nakaayos pa 'yung mga trash bins. Marami ring vending machine sa paligid kung saan nakikita ko 'yung favorite kong softdrinks-- Dr. Pepper. 

"Konnichiwa" 

[Konnichiwa = Hello] 

Magalang at magandang pagbati nung dalawang babaeng Japanese nang madaanan kami. Binati rin namin sila sa pamamagitan ng pag bow, sinundan nga rin namin sila ng tingin dahil ang gaganda rin talaga nila. 

Binatukan lang din ni Mirriam si Jasper na halos naglalaway na ro'n sa mga babae.  

"Bakit mo 'ko binatukan?" Naguguluhang tanong ni Jasper pero nginitian lang siya ni Mirriam. 

"Pervert." 

"Wha--?!" Reaksiyon ni Jasper na animo'y hindi makapaniwalang sinabihan siyang manyak ni Mirriam. Bumuntong-hininga na nga lang ako't nagtulak ng maleta noong mapatingin ako kay Jin na biglang inagaw sa akin. 

Nginitian niya ako. "Ako na lang magdadala." offer niya at naunang naglakad para magtawag ng grab kasama si Harvey. Napahinto na lamang ako dahil sa biglaang pagtibok ng puso ko. 

Ang gentleman niya talaga. 

Huminto rin si Kei sa tabi ko't siniko ako. "Nafo-fall ka na ba kay Jin?" Tanong niya kaya ako naman itong napatingin sa kanya na may mapulang mukha. 

"F-fall? H-hindi! Wala pa sa isip ko 'yan!" Namumula ko pa ring wika. Totoo naman, mabait si Jin at napaka caring niyang tao lalo na sa kapatid niya pero hindi ko siya gusto in a romantic way.   

Bahagyang ngumiti si Kei. "I see, but how 'bout Reed?" Tanong pa niya kaya kumpara kanina ay mas namula ang mukha ko. Tumawa naman siya at kinindatan ako. "Your secret is safe. No worries." Pagtapik niya sa balikat ko at sumunod na kina Harvey. 

"B-but it's not like that!" Pagtanggi ko pero nag gestured lang siya kaya sumunod na nga lang din ako sa kanya.  

Nang makatabi ako kina Harvey ay pasimple akong napatingin kay Reed na naglalakad pa rin papunta rito. Nag-uusap sila ni Mirriam na parang may sarili silang mundo. Na sa likuran lang si Jasper at hindi lang pinapansin nung dalawa. 

Malay ko pero parang may biglang tumusok sa dibdib ko? 

Humawak ako ro'n at pinakiramdaman. Jealousy?

Bumaling na lang ang tingin ko't napailing ng isang beses. No, bakit naman ako magseselos kung wala namang 'sila' ni Mirriam? And it doesn't concern me, does it? 

***

NAKAKUHA NA KAMI ng grab pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit nakaupo ako sa pagitan ni Reed at Jin. Eh, ang ayoko pa naman sa lahat ay 'yung na sa gitna ako 'tapos puro mga lalaki ang katabi ko. 

And what's wrong with these two? Ang sama ng tingin nila sa isa't-isa. Hindi ba talaga sila magkasundo?

Inilipat ko ang tingin kay Mirriam. Na sa kabilang grab kasi si Kei, Jasper at Harvey samantalang kami namang apat dito nila Reed.

Nakabaling ang tingin ni Mirriam pero makikita mo ang ngiting nakaguhit sa kanyang labi. 

Palihim akong nagbuga ng hininga nang tawagin ako sa pangalan ni Jin. "Ano pala ang gusto mong puntahan dito, Haley?" Ngiti niyang tanong. 

Nginitian ko rin naman siya. "H-hindi ko sure, basta kahit saan kayo. Doon ako." sagot ko. 

Umismid si Reed. "Hoy, Jin. Huwag mo ngang tinatanong tanong si Haley. Wala rin naman siyang pwedeng puntahan kung hindi kasama ang lahat, eh. Hindi rin siya pwedeng sumama sa 'yo kung kayong dalawa lang." Iritableng sabat ni Reed kaya ngumiti rin ako ng pilit. Ano ngang problema niya? Bakit nga siya naiinis? 

Ngumiti na nga lang ako ng pilit at tiningnan si Jin. "Pagpasensiyahan mo na talaga si Reed. Hindi lang talaga siya honest pero hindi siya galit sa 'yo." Sabi ko na lang para hindi lumaki. 

Aangal pa sana si Reed pero pinandilatan ko siya ng mata pagkalingon ko sa kanya. 

Muli kong ibinaling ang tingin kay Jin na may matamis na ngiti sa aking labi. 

Nakatitig lang siya sa akin nang nginitian niya ako't tinanguan. "If you say so, Haley." Tugon niya at nilingon si Reed. "Huwag mo na 'kong awayin, magagalit na si Haley sa akin." 

Tumaas ang kilay ni Reed. "Huh?!" Maangas na reaksiyon ni Reed kaya tinulak ko na nga lang sila palayo sa isa't isa. 

"Kung hindi kayo titigil, bumaba na lang kayo." Sambit ko. 

Napatingin na rin ang driver sa amin. "何か問題はありますか?" Parang patanong niyang sabi na 'di ko naman maintindihan kung ano ang nasabi. 

***

MAYAMAYA LANG nang huminto na ang grab sa building or should I say an hotel, may hiragana/kanji ding nakalagay roon sa poster. 

"Koko ni Ita." 

[Koko ni Ita = Were here] 

Alam ko 'yung word, kasi nga nanonood ako ng anime at naririnig ko ang mga language na ginagamit nila so no need to check my book na 'Learn how to speak Japanese'  

Mahihirapan lang din akong magbuklat.

Inilabas na nga namin ang mga gamit at sa pagkakataon na ito ay si Reed ang umagaw sa maleta ko imbes na si Jin na buhat-buhat ang gamit ng kapatid. Nag-aaway pa nga sila sa likuran namin kung sino ang dapat na magdala ng gamit. 

"A-ako na lang ang magdala." Aagawin ko pa lang ang gamit ko pero nilayo na niya kaagad sa akin. 

"Pero si Jin, 'di mo tinaggihan? Ganito lang ako, pero hindi ako lampa. 'Di ako magpapatalo." Hindi pa rin naaalis sa kanya ang pagka-iritable pagkasabi niya no'n. Itinabi lang niya ang mga maleta namin. 

Si Jasper nagbayad ng grab namin saka umalis ang mga sasakyan. Mga nagtabi-tabi kaming pito pagkatapos habang nakatingala ang tingin sa hindi ganoon kalakihang building-- hotel. 

"Dito tayo?" Tanong ni Jin kay Harvey.

Binigyan siya ng walang ganang tingin ni Reed. Nagsisimula nanaman siya. "Huwag ka ngang magtanong kung obvious naman 'yung sagot" Pamimilosopo nito. 

Lumingon na si Jin kay Reed na may ngiti sa kanyang labi. "Hindi ba uso sa 'yo ang pagrespeto sa upperclassman mo? Reed?" Tanong ni Jin kaya pare-pareho kaming mga umatras nila Jasper dahil sa paglalaban ng tingin nila Reed sa isa't isa.

Umismid si Reed at nagpamulsa. "Ay, bastos na ba 'ko sa paningin mo, Jin? Saka talaga nga bang upperclassman kita? Parang hindi." Pangmamaliit ni Reed kung saan namuo na ang kaunting tensiyon.  

Pumagitan na nga lang ako sa kanilang dalawa. "Stop. Ano ba kasi 'yang pinag-aawayan n'yo at nagkakaganyan kayo?" Naguguluhan kong tanong. 

Namilog ang mata ni Jin samantalang nagsalubong naman ang kilay ni Reed. Sina Kei naman, kaunti na lang ay mapunit ang pisngi dahil sa kakangiti nito. 

Narinig ko ang malalim na pagbuga ng hininga ni Reed. "Shut up. Kung ang pag i-stay-an ang pinag-aaway n'yo, hindi itong hotel na nasa harapan natin tayo magche-check in. Doon." turo ni Harvey sa kaliwang bahagi ng lugar na sabay-sabay naming sinundan ng tingin. Laking gulat na nga lang din nang makita kung gaano kalaki itong tinuturo ni Harvey. 

"Diyan tayo." Dagdag ni Harvey at nagsimulang mag martsa. "Let's go." Aya niya at naunang naglakad. Patalon namang sumunod si Kei samantalang tiningnan lang namin nila Mirriam at Haley ang isa't isa. 

Reed's Point of View 

Nakakainis talagang maging torpe. 

Kung anu-anong katangahan na lang 'yung ginagawa ko 'tapos pakiramdam ko napaka walang kwenta ko. Napapahiya rin ako sa mga ginagawa ako and you know kung ano ang nakakaasar? 

'Yung feelings na gustong gusto ko na talagang ilabas at sabihin sa kanya. 

Ngunit pa'no ko gagawin 'yun kung wala akong lakas ng loob? Hanggang kailan ba 'to magtatagal? Palagi na lamang ba akong magiging ganito? 

Lalo na kung nakikita ko ngayon si Jin at Haley na masayang nagtatawanan sa sala? 

Pagkatapos na pagkatapos nilang mag-ayos ng mga gamit nila, pumunta kaagad sila rito para makipag kwentuhan sa isa't isa. 

Ang sh*t lang. I feel so hopeless. 

Nasa hotel na kami't lahat-lahat. Hind ba't dapat magpahinga na lang sila?

"Mayroon bang course na BS Falling in love Major in You?" Banat ni Jin. Kita ko ang pagpula ng mga pisngi ni Haley, iniipit pa nga niya ang hibla ng buhok niya sa kanyang tainga na animo'y nagpapabebe pa sa tukmol. 

Napailing na lang ako't kumuha ng coke-in-a-can sa refrigerator na nasa tapat ko. Inis kong isinara ang refrigerator gayun din ang softdrinks na hawak ko. Ito 'yung dala nila Jin, eh. Kaya walang charge 'to. 

Tutunggain ko na sana nang dumating si Mirriam. "Reed, expired na 'yan!" naibuga ko na lang ang aking iniinum sa mukha ni Mirriam dahil sa malakas niyang saad. Nabilaukan ako na halos maluha na talaga ang aking mga mata kakaubo.

"What the hell! Ang baboy mo!" Sigaw ni Mirriam sa akin at hinampas ang braso ko. Aray, aray! Pati ba naman paghampas, masakit pa rin! 

"Eh, paano ba naman? Sabihin mo ba naman 'yon sa akin?" Wika ko. 

Tinaasan niya ako ng kilay. "Anong gusto mong gawin ko? Hintayin ko munang maubos mo 'yan bago ko sabihin?" Asar na sambit niya at padabog na kumuha ng tissue sa tabi. Ipinunas niya 'yon sa mukha niya na ayun namang ipinangbato sa akin pagkatapos. 

"Alam mo bang pumapatol ako sa babae?" Biro ko pero binibigyan ko siya ng masamang titig. 

Taas-noo niya akong tiningnan. "Try me." Hamon niya at pinitik ang buhok bago umalis sa harapan ko. Ewan ko kung sa'n punta ng babaeng iyon. 

Bumuntong-hininga ako. 

"Akala ko ba kay Haley ka? Bakit nakikipaglandian ka pa kay Mirriam?" Humarap ako kay Jasper na nakasuot ng sweater at jogging pants. 

Sinimangutan ko siya at hinampas ang kanyang ulo. Tarantado talaga. "Gag* ka ba? Kung nagseselos ka, galaw galaw." 

Hawak niya ang ulo niya nang mapanguso siya. "Makapagsabi ka niyan sa 'kin, eh, mukha ka nga ring natatalo kay Jin. Pa'no pa ako magtitiwala sa sinasabi mo?" 

Napaatras ako pero pinalitan din kaagad ng masamang tingin. "I'll kill you."  

Nagkibit-balikat lang siya't inilagay ang dalawang kamay sa ulo niya kasabay ang kanyang pagsipol paalis sa harapan ko. Sumunod lang ako ng tingin nang ibaling ko na lamang kina Haley na hindi pa rin natatapos sa pakikipag-usap sa isa't-isa. 

Ang hirap ng ganito. 'Yung pakiramdam na wala kang pag-asa sa taong gusto mong mapasayo. 

Kasi nandoon iyong thinking mo na, pa'no kung hindi pala kayo para sa isa't isa? 

We're the ones who is making our own destiny but, 

An ancient Chinese belief;

An invisible Red thread connects those who are destined to meet, regardless of time, place, or circumstance. The thread may stretch or tangle, but will never break.

There's no assurance but I hope one day... She'd feel the same way too, I'm always here for her even though it's one sided love.