Chereads / TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 21 - Say A Word

Chapter 21 - Say A Word

Chapter 20: Say A Word 

Mirriam's Point of View  

Maulap na umaga ang tumambad sa akin noong makalabas ako ng bahay para gawin ang daily routine kong mag jog. Alanganin pa 'kong lumabas dahil sa takot na baka mayroon nanamang mangyari na hindi maganda pero kung magpapatuloy lang ang pagkulong ko sa kwarto. Baka manibago ang muscles ko at 'di na ulit makakapag coordinate ng maayos 'yung katawan ko sa susunod na laro. May paligsahan kami next month, kaya kailangan ko ring igalaw-galaw ang katawan ko. 

"Mirriam." Tawag ni Mama sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Inabot niya sa akin ang tumblr ganoon din ang sandwich na nakabalot sa tissue. "Nakalimutan mong kunin." Ngiting wika ni Mama kaya humarap ako sa kanya at kinuha ang kanyang inaabot. "If there's something on your mind. Tell us, okay?" 

Namilog ang mata ko habang hindi inaalis ang tingin sa simento. Nakahalata kaya si Mama? 

Inangat ko na ang ulo ko para ngitian siya. "Kung mayro'n, dapat sinabi ko na." Pilit pa akong natawa niyan para hindi siya mag-alala. 

"Sinasabi ko lang. Baka mamaya may tinatago ka na sa 'ming importante, hindi mo sinasabi." Sambit niya kaya pasimple akong napalunok. Ipinasok ko rin 'yung mga kamay ko sa bulsa dahil baka mahalata ni Mama 'yung gesture ko na nagsisinungaling ako.  

Hindi ko talaga ugaling magtago sa mga magulang ko. Lahat alam nila dahil nagku-kwento ako. 

Pero ngayon, 'di ko alam. Sometimes, kailangan talagang gumamit ng white lies in order to protect someone-- by not making them worry and suffer.

"I'm fine, Ma! Sus. Alis na po 'ko!" Paalam ko at mabilis siyang hinalikan sa pisnge. Patakbo akong lumabas sa gate para magsimulang mag jogging. Ipinasok ko lang 'yung bigay ni mama sa maliit kong bag.  

Napahawak ako sa aking likuran kung saan nakapwesto ang namuong pasa dahil sa pagkaka-untog niyon noon sa pader pagkahagis sa 'kin ng lalaki. Iyon ang araw na dinakip kami ng mga kasamahan ng nagngangalang si Ray. 

Nasabi nga ni Harvey na nakatakas siya and we don't know where he is. I'm just hoping na manahimik na lang siya't huwag na magparamdam. 

Pabagal nang pabagal ang pag jogging ko dahil sa mga naiisip kong what if's. 

Paano kung bumalik ulit iyong lalaking iyon at atakihin ang isa sa amin? Paano kung this time, may mamatay na talaga? 

Nakaka-paranoid sa totoo lang. Ganito pala ang nararamdaman ni Haley noong na-kidnapped siya ng Redecio siblings. Nakakatakot. But unlike sa nangyari sa akin--sa amin nung nakaraan. Walang wala pa ito sa ginawa kay Haley. 

Ilang araw siyang nag suffer sa isang kwarto na walang masyadong kinakain at puro pambubugbog lang ang ginawa sa kanya. No wonder kung bakit nawala ang memorya niya. Sa sobrang stress at exhausted ng katawan niya, na-apektuhan ang utak niya't nagkaroon ng error ang pag-iisip. 

Pero hanggang kailan magtatagal na gano'n si Haley? 

Wala na ba talagang pag-asang bumalik ang alaala niya? 

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay mayroon na akong nabangga na babae kahit naglalakad na lamang ako. Napaatras ako at mabilis na nag bow kahit hindi naman din ako Korean o Japanese. 

"P-pasensiya na! 'Di ako nakatingin!" Pahinging pasensiya ko. 

Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin kaya unti-unti ko ring inaangat ang ulo ko. "It's fine. No worries." Halos kuminang ang mata ko nang makita ang babae. Talagang bumuka ang bibig ko pagkakita ko sa kanya.

Ang ganda niya! Matangos ang ilong at color hazel ang mata. Hindi naman ito naka contact lense kaya baka may lahi ang isang ito. Saka blonde rin 'yung shot hair niya't mukhang silky kung hahawakan. Nakakawala ng iniisip. 

"But are you okay?" Tanong niya na may paglapit sa akin at hawak sa aking braso. Sa sobrang ganda niya, hindi kaagad ako nakapagsalita at bumubuka sara lamang ang bibig ko. Natawa siya. "Sorry, do I look weird?"  

Mabilis naman akong umiling. "N-no! I-it's just that you're so pretty." Namimilog pa rin ang mata ko habang sinasabi ko iyon. Hindi ko alam kung magta-tagalog ba ako o ano.   

Natawa ulit siya kaya mas nakikita ko 'yung kagandahan niya. Hindi ako lesbian pero parang crush ko na 'tong babaeng na sa harapan ko. "You're flattering me, thank you!" Kinikilig niyang sabi at napatingin sa phone niya na biglang nag ring. "Oops, I gotta go." Bumaling ang tingin niya sa akin. "Take care of yourself next time, okay?" Tumagilid siya ng tayo sa akin. "See you around." Paalam niya't tumalikod na para maglakad paalis. 

Sinusundan ko lang din siya ng tingin hanggang sa mawala na ang kanyang imahe sa aking paningin. 

Medyo nakatulala pa ako noong mapailing ako. Masyado na akong nape-pre occupied. Mag jogging na nga lang ulit ako. 

Kei's Point of View 

Nanatili akong na sa kwarto at nakaupo sa stool.

Titig titig ko ang kasusuot kong bracelet na binigay ni Haley noong birthday ko. Hindi ko na talaga ito sinusuot ito simula noong magkaroon siya ng amnesia. I don't know, there's a part of me na sinasabing dapat tanggalin ko 'yung bigay niya at suotin na lang ulit kapag bumalik siya sa dati. 

Masama na ba ako kung ganoon ang isipin ko? 

Napabuntong-hininga na lamang ako't humarap sa computer desk ko kung saan nag a-upload pa rin 'yung video vlog na ginawa ko para sa 'ming anim.  

Wala akong balak magpasikat through vlog dahil mayroon naman talaga akong ibang passion-- photographing. Not nature but its people including animals and travel.  

Tumayo ako mula sa pagkakaupo para kunin ang charger ng laptop ko dahil malo-lowbat na rin pala. Eh, kaso may kumatok. Huminto ako't bumaling ang tingin sa pinto, pinuntahan ko rin iyon para pagbuksan ang taong iyon only to see Harvey with his usual expression.  

"Harvey." Pagtawag ko sa pangalan niya. 

"I want to talk to you." Seryosong sabi niya na hindi kaagad nagpaimik sa akin. Ewan ko kung ano ang sasabihin niya kaya nakakagawa siya ng ganitong ekspresiyon. Kahit kabado ay nagawa ko pa rin siyang papasukin.  

Hindi ko na isinara ang pinto at humarap lang sa kanya nang marating niya ang loob ng kwarto ko. 

"Ba't ang seryoso mo naman?" Tanong ko. Nakatalikod lang siya sa akin kaya hindi ko nakikita kung anong mukha ang ginagawa niya ngayon pero tumungo ito at narinig ko pang naglabas ng hangin sa ilong. Pumikit ako sandali bago maimulat ang aking mga mata. "You're not going to break up with me, are you?"  Duda ko. 

Lumingon ito sa akin habang salubong ang kilay. "Idiot, as if I'm going to do that."  

"Then what do you want to talk about?" Tanong ko at lumapit pa sa kanya. Hindi nanaman siya nakapagsalita. Parang nag-aalanganin siya kug itutuloy pa ba niya 'yung gusto niyang sabihin o hindi na. 

Nakikita ko na hesitant siya kaya mula sa kanyang likuran ay ipinulupot ko ang mga kamay ko nang mayakap siya. "If you're not going to tell me, it's fine. Mahaba pa ang oras, don't rush." Ibinaba ko ang ulo ko. "Kung ano man 'yang sasabihin mo, huwag mo muna ituloy." Itiningala ko ang tingin para makita siya. Nakalingon siya sa akin kaya nginitian ko siya. "Even though we are so close, there are things that you can't say. But I am willing to wait. As long as you're going to be honest with me."  Sambit ko. 

Yumuko siya nang kaunti 'tapos humarap sa akin kaya napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. 

Niyakap niya ako at ibinaon ang mukha sa balikat ko. "I'm sorry, nai-stress lang ako and I don't want to keep things to you. But swear, I'll tell it to you soon. Just give me time." 

Tiningnan ko siya. "Huwag mo lang patagalin, Harvey. Baka mamaya, mayroon ka na pa lang sakit tapos hindi mo sinasabi sa akin." Wika ko 'tapos nagulat nang kagatin niya na lang ang balikat ko. 

First time niyang gawin 'yun sa akin kaya napaatras talaga ako ng bonggang bongga. "Harvey!" Pulang pula ang mukha kong sita sa kanya. 

Tumayo siya nang maayos at nagpamulsa. Luminya rin ang ngiti sa labi niya habang direkta na nakatingin sa mata ko na animo'y tutunawin ako sa paraan ng pagtingin n'ya. "I love you."  

Napaawang-bibig ako 'tapos natawa na lamang. "That's too unexpected." Napapailing kong sabi at binigyan siya ng maganang ngiti. Muli ri akong naglakad palapit sa kanya. Tumingkayad ako para hawakan ang dalawang pisngi niya't hilahin siya palapit sa akin. Inilapat ko ang aking labi sa kanyang labi matapos kong isara ang aking mga mata.  

Hindi rin 'yun inaasahan ni Harvey kaya nang imulat ko ang mata ko't humiwalay sa kanya ay nanlalaki pa rin ang mata niya. 

Ngunit laking gulat ko nang kunin niya ang pulso ko't itulak ako sa kama. Inilagay niya ang dalawa kong kamay sa itaas ng aking ulo gamit lamang ang isa niyang kamay. Samantalang inilapit naman niya ang mukha niya sa akin kaya ngayon ay nararamdaman ko ang bawat paghinga niya. Hinawakan din niya ang chin ko paangat para magkapantay kami ng tingin. 

"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa 'kin just now? Pa'no kung hindi ko mapigilan ang sarili ko?" Tanong niya ng hindi inaalis ang tingin sa akin. 

Hindi ako natatakot, sa halip ay natutuwa ako dahil nakikita ko na talaga ang isang side ni Harvey na 'di ko aasahan na ipapakita't gagawin niya sa akin ngayon.

Humagikhik ako. "Atleast alam ko na talagang malakas ang tama mo sa 'kin." 

Tumaas ang dalawang kilay niya bago pa man lumuwag ang pagkakahawak niya sa pulso ko't ibinaba ang tingin sa labi ko. "Sobrang lakas na halos ikabaliw mo gabi-gabi." Paanas pero sapat lang para marinig kanyang boses. 

My heart is beating so fast, parang lalabas na 'to anytime kung titingnan pa ako ni Harvey. 

"But I want to do it with you when we get married. Just like what you said to me last time." Umalis na nga siya sa pagpatong sa akin at tumayo nang maayos habang nakatingin lang ako sa kanya.  

Nakatingin lang siya sa 'di kalayuan noong sumulyap siya sa akin at umalis sa kwarto. 

Inangat ko ang kalahati kong katawan habang isinasara niya ang pinto. Mayamaya pa noong mapahawak ako sa labi ko't mapakagat dito. "I... still want to kiss him." 

Wa-wait a minute! 

Napatayo ako ng wala sa oras. "Ngayon ko lang napansin. Okay na 'yung Gynophobia niya?!"  

Harvey's Point of View 

Walang gana kong tiningnan ang sarili ko sa salamin kung saan sunod-sunod ang pagbaba ng dugo sa ilong ko. "Dammit."