One week ko na ring kasama si Collin—pagpasok at pag-uuwi. Tumatambay pa sa bahay minsan.
Kaya medyo naging close ko na din siya. Mahilig din siya sa animé. Katulad ngayon nanunuod kami ng "The Last Wizard of the Century".
"Waaahhh. Huhulihin ni Shinichi si Kaito! Di ako makapapayag!! Waaahhh!" Sigaw ko
Nag-pout si Collin.
"Bakit ka naka-pout dyan?" Tanong ko sa kanya
"Shinichi Vs. Kaito kase. Sa tingin mo sinong mananalo sa kanila— ang magician o ang detective?" Tanong ni Collin
"Wala! Never silang magiging magkalaban no!" Sabi ko kay Collin
"Bakit?" Tanong niya
"Kasi.... uhmmmm... kasi mahal nila akong dalawa. HAHAHAHAHA!!!" sabi ko sabay tawa ng malakas.
Tapos binato niya ako ng unan. Binato ko din siya. Wahahaha! Akala niya ah!
Pinagpatuloy namin yung panunuod.
Ang ganda naman ng Easter Egg na yun! Nakaka-amaze.
Yan na!
Aamin na si Conan kay Ran na siya si Shinichi.
Kaso....
Biglang dumating si Kaito at nagpanggap na Shinichi. Waaahhh!!
On time ka talaga Kaito!!!
Patapos na yata.. nang biglang nagsalita si Collin.
"Kung papipiliin ka sinong pipiliin mo— si Kaito o si Shinichi?"
"Syempre si Kaito! My Loves ko yun eh! HAHAHAHAHA!!" sabi ko
"Eh ano mo si Shinichi?" Tanong ni Collin
"Hon ko siya. ASTIG ba? HAHAHAHA!" sabi ko
Napatingin ako kay Collin, di na kasi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin na parang malungkot (?)
"Oy! Collin bakit?" Tanong ko
Bigla siyang kumurap tapos umiling-iling.
"Labas lang ako sandali" sabi niya sabay lakad palabas ng kwarto ko.
Anyare dun? Napatingin ako sa tapat ng inuupuan niya kanina. Eh? Bakit basâ? Wala naman siyang dalang tubig dito sa kwarto.
Hindi kaya... Imposible naman!
I stopped the DVD Player and stormed out of my room.
Pagkalabas ko ng bahay.
Asan na ba si Collin? Tokwa namang lalaking yun!
Nakita ko si Tito Nico sa labas ng bahay.
"Tito Nico? Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko
"Dad? What are you doing here?" Tanong ni Collin
"Saan ka galing Collin?" Tanong ko kay Collin
"Ah. Dyan lang sa park. Nagpahangin lang" sabi ni Collin sabay iwas ng tingin sa akin
"Collin" tawag ni Tito Nico
"Nande?" Tanong ni Collin
"May pupuntahan kayo nila Anshel at Ricky ngayon diba? Kanina pa naghihintay yung mga pinsan mo" sabi ni Tito Nico
"Tsk. I almost forgot" sabi ni Collin
"Go first dad, I'll follow" sabi ni Collin
Tito Nico nod and walk away.
"Collin bakit ka umalis kanina?" Tanong ko
Bigla siyang lumapit sa akin.
At niyakap niya ako.
Anong meron? Ano bang nangyayari kay Collin?
He's so weird.
After almost three minutes niyang pagkakayakap, he break the hug.
"Collin, saan kayo pupunta nila Anshel at Ricky?" Tanong ko
"Family matters" sabi niya sabay ngumiti at umalis na.
-***-
Saan kaya pupunta sila Collin? Makapunta na lang nga sa Mall.
Ano namang gagawin ko dun? Shemay. Wala akong matinong magawa.
Bahala na.
Naglalakad ako sa mall patungo sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.
Halos 30 minutes na din akong naglalakad nang mapahinto ako sa isang bookstore.
Nagpunta ako sa magazine section.
*kinang-kinang ng mata*
May Otakuzine Issue No. 101 at 102 na!! Kaso... walang 100? Halos baliktarin ko na yung buong magazine section kaso wala pa rin. Bakit ganun? Out of stock na ba? Excited pa man din ako sa issue 100.
Kaynis! Palabas na sana ako ng bookstore.
"Loves!!"
May tumawag ba sa akin o hallucination ko lang yun? Imposible namang nandito si Aeron diba?
I was about to push the door when someone hold my wrist..
Kaya napatingin ako sa taong yun..
"Aeron?"
-**-
•~•Jan Collin Lei D. Reyez•~•
[Writer's Note: Lahat po ng kasama ni Collin sa POV niya na ito ay kanyang mga pinsan at second cousin na "BOYS". Yun lang. Arigato]
"Anong ireregalo natin?" Tanong ni Anshel
"May ganito-ganito pa kasi eh!" Sabi ko
"Grabe andaming Reyez mamaya" sabi ni Ricky
"Julri" tawag ni Zanne
"Oh?" Sabi ni Julri
"Ano sa tingin mong magandang iregalo?" Tanong ni Zanne
"Ewan" sabi ni Julri sabay nagbasa ulit ng librong binabasa niya
Nandito nga pala kami sa mall, naglalakad at di namin alam kung saan kami tutungo. Wedding Anniversary ni Grandpa Takeru at ni Grandma Haruna.
At ito di namin alam kung anong ireregalo namin. Sa dinami-rami ng Reyez na darating mamaya mahahalata pa ba nila na wala kaming dalang regalo. Baka di na mapasok yung bahay nila sa laki ng mga regalo na dala ng ibang Reyez. Hahaha. Joke lang.
Siomai naman!
Motor kaya iregalo ko kay Grandpa?
"Seriously? Gusto mo magregalo ng motor kay grandpa?"
Bigla akong napatingin ako kay Julri.
Bigla nagtawanan sila Ricky, Zanne at Anshel.
"HAHAHAHAHA!!! MOTOR TALAGA ANG NAISIP MO COLLIN? HAHAHAHA!" -Anshel
"Kureiji!"- Zanne
Sinamaan ko lang sila ng tingin.
Ano bang pwede? Kwintas kaya?
"Tss. Common" sabi ni Julri.
Tsinelas kaya? Para maiba naman. Hahaha.
"Ogag. Ang galing mo mag-isip ng panregalo no?" Sarcastic na sabi ni Julri.
"Julri kasi! Stop reading my mind!" Sabi ko.
"Sorry. Can't help it" sabi ni Julri.
"Privacy naman" sabi ko.
"Bakit kailangan mo ba ng ganun Collin?" Tanong ni Ricky sabay tawa
"Oo nga! Hahaha!!" - Anshel
"Saka saan mo nalaman yung word na privacy?" Tanong ni Zanne sabay tumawa ng slight.
"Ang hahard niyo ah! Masasapak ko kayo eh!" Sigaw ko sa kanila.
"I know a gift that is something extraordinary.." sabi ni Julri.
"Ano?" Tanong namin.
"Music"
To be continued...