Nasa cafeteria kami ngayon ni Kheyq at malamang kumakain. Libre niya daw eh. Bawal tanggihan ang grasya kaya sumama ako. Kaso may isang bagay kasi nakapagpapabagabag sa akin kaya di ako makakain ng maayos.
Collin is too nice. Ang effort niya masyado. Ayoko namang umasa siya sa akin. Pag pinatagal ko lang yung panliligaw niya sa akin tapos bandang huli babastedin ko siya alam kong masasaktan siya, ayoko naman ng ganun. I can't bear to lose a friend like him.
Bakit mo kasi babastedin yung tao?
Kasi nga hindi ko kayang ibigay yung pagmamahal na tulad ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin.
Hindi naman niya sinabi na mahalin mo siya pabalik gaya ng pagmamahal niya sayo.
Kahit na!
Hay! Ang hirap mambasted. Sobra! Pero.. kasi naman eh! Bakit kasi ako minahal ni Collin?
Juice Colored! Jan Collin Lei Diaz Reyez! Nakakaloka ka!!
Hindi ko na kaya pang patagalin 'to.
Buo na ang desisyon ko.
Kakausapin ko na siya ngayon.
Sakto namang nakita ko si Collin.
"Kheyq! Wait lang!" sabi ko sabay takbo palabas ng cafeteria.
Naglalakad pa rin si Collin, teka papunta sa Annex II? Anong gagawin niya dun? Sa pagkakaalam ko kasi isinara yung Annex II dahil inaayos pa yung mga building doon eh.
Masundan na nga lang siya. Saka sakto naman yung environment dun sa Annex II, makakausap ko siya— "Privately".
Pumunta siya sa likod ng Building 1 sa Annex II. Sumunod naman ako. May kakausapin yata siya. Nagtago ako sa may malaking puno.
"Ano Collin? Okay na ba?" sabi nung isang lalaking naka-cap.
"Oo Lenar. Malapit na akong matapos. Nararamdaman ko ng may pag-asa ako sa kanya... Pero..." sabi ni Collin.
"You have to finish that dare in two weeks because if you don't you'll have to pay us" - Lenar
Dare daw? Anong dare?
"Kailangan mong mapasagot yung babeng yun tandaan mo yan Collin." sabi nung lalaking may baller.
"Lou, alam ko naman ang bagay na yun. I'll do my best to win her..." sabi ni Collin.
"And after that makipag-break ka" -Lou
What does it mean?
"Kierzelle Sakura Manangan Kawai. Your prospect. You have to let her fall for you at alam mo na ang mangyayari pag di mo nagawa yun"
"Yeah I know but....."
Nagsalita pa si Collin sa kanila pero wala na akong maintindihan. Bakit ganun? Parang bumigat yung mata ko. Umalis na ako sa Annex II. Umagos na ng tuluyan yung luha ko. Nakayuko lang akong naglalakad sa corridor at marami na rin akong nababangga na estudyante.
Bakit ganun si Collin? Pinagkatiwalaan ko siya eh. Tinuring ko na siyang close friend ko eh. Nag-c-crush na nga ako sa kanya sa sobrang bait niya at effort niya. Pero bakit niya ako ginamit? Ang galing niyang magpanggap na gusto niya ako! Ang galing ng taktika niya para mapalapit sa akin!! Takte!! Effort-effort pa siya!! Ogag naman pala siya eh!! Buset siya!!! Ang sama-sama niya!! Tanginis siya!!! Nakakainis!! Pakiramdam ko nawalan ako ng kaibigan!! Ang kapal ng face niya!! Bakit ganun siya?! Arghhhh!!!
Nakakainis ka Collin! Alam mo yun? Ang galing mo talaga! Ang galing mo manloko. At sa dinami-rami talaga ng estudyante dito, ako pa yung napili mo? Aba! Ayos ka din eh!
////
Unti-unti ng nawawala yung mga tao sa corridor. Ako na lang yata yung naglalakad. Tapos bigla pa akong natapilok kaya napaupo na lang ako sa sahig. Naka-flat shoes na nga lang ako eh, natapilok pa. Tatanga talaga. Tatayo na sana ako dahil late na ako sa isang subject namin kaso ansakit nung paa ko. Di ako makatayo.
Itetext ko na lang si Kea na sunduin ako dito. Kinapa ko na yung phone ko sa palda ko. Nasaan? Sheeezz! Naka kay Kheyq pala!
Paano na 'to?
Masama ba akong tao? Bakit puro bad karma yung natatanggap ko? Unrequited na nga ako kay Aeron eh tapos malalaman ko niloloko lang ako ng kaibigan ko na crush ko at ngayon natapilok ako dito sa corridor, di makatayo at walang mahingan ng tulong. Ano bang mali yung nagawa ko?? Ano??
Mali na minahal ko si Aeron. Mali na kinaibigan ko si Collin. Mali na naglakad pa ako sa corridor na 'to na bihirang daanan ng mga tao.
Nakakaiyak. Yung luha ko wala ng pag-tigil sa pagtulo. Anrekwited + Naloko = Kierzelle "Stupid" Kawai.
Hahahaha. Ang saya! Buset! Ang tanga ko pala no? Sobra! Natatawa ako sa sarili ko.
Tumatawa ako ngayon habang umiiyak dito sa corridor. Wala namang makakakita eh. Lahat nagka-klase na.
Nakaupo pa rin ako dito sa sahig sa kadahilanang hindi ko talaga kayang tumayo. Bukod dun nanlalambot talaga ako.
"Kierzelle?"
Agad akong napalingon sa taong tumawag sa akin.
Oh si Loves ko! Nandito! Hahaha. Takte yan! Ang saya ko eh! Nandito siya diba? Hahaha. Oo nga! Siya nga! Hahahaha. Nababaliw na ako.
Natapilok, naloko at anrekwited! Wahahahaha. Ang saya ng tadhana!
May bigla naman akong nabasa sa wall ng corridor na nakaframe pa.
'Choice, not chance, determines human destiny'
Hmmm! Oo nga naman!!
Napansin ko namang nasa harap ko na pala si Aeron.
Lumuhod siya para maging ka-level niya ako.
"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sabay punas ng luha ko gamit yung kamay niya.
Tumatawa na nga ako sa isip ko eh where in outside umiiyak pa din pala ako. Teka parang baliktad?
Bigla kong niyakap si Aeron kaya napaupo siya. Umiyak lang ako sa kanya. Walang patid na pag-iyak. Isa siya sa iniiyakan ko yet sa kanya ako umiiyak. How ironic.
Di siya nagsalita habang nakayakap ako sa kanya, he just hugged me back while tapping me. Ang sarap sa pakiramdam na yakap ko si Aeron ngayon. Kahit papaano kumakalma ako. Wala eh, mahal ko talaga 'to.
Siguro yung nararamdaman ko kay Collin, crush lang talaga.
Pagkatapos ng ilang minuto kong pag-iyak sa kanya tinanggal ko na yung pagkakayakap ko sa kanya.
"Bakit ka ba umiyak Loves?" tanong ni Aeron.
"Dahil sayo" sabi ko.
"Ha?" Gulat niyang tanong.
"HAHAHAHA. Joke lang"
Tumawa din siya at tumawa din ako at tumawa kaming dalawa. Ang sarap tumawa kasama ng taong mahal mo.
Minsan kahit gaano kasakit yung dulot ng taong mahal mo sila pa rin ang nagiging dahilan ng pagngiti mo.
"Tara na sa room?" Sabi ni Aeron.
"H-hindi kasi ako makatayo eh"
"Ahhhh! Kaya kanina ka pa nakaupo dito ganun?"
I nod while smiling.
Bigla siyang tumalikod sa akin.
"Bakay ka na" sabi niya.
"P-pero mabigat a—"
"Dali na! Choosy pa be?"
"Oo na eto na! Sabihin mo lang kung mabigat ako ah? Ibaba mo lang ako"
"Okay lang"
Tapos yun nga naka-piggy back ride ako kay Aeron, isinandal ko yung ulo ko sa likod niya at pumikit.
Ang sarap matulog dito sa likod niya.
"Uy! Kierzelle" sabi niya.
"Hmmm??" sabi ko habang nakapikit pa din ako.
"Nandito na tayo sa room" sabi niya.
"Labas muna ulit tayo" nakapikit ko pa ring sabi sa kanya habang nakasandal pa rin yung ulo ko sa likod niya.
"Hahahaha. Adik kang babae ka" sabi niya.
"Oo. Adik sayo" sabi ko ng hindi pa rin dumidilat.
"Hahaha. Pinagtitinginan na tayo ng nga blockmates natin" sabi niya.
"Yaan mo sila. Bagay naman tayo eh" sabi ko.
I heard him giggled.
"Ang galing mo mag-joke ah" He said.
"Oo naman. Ako pa ba?"
"Hon" napadilat ako ng wala sa oras at tumingin kay Collin, nasa harap pala kami.
"Bumaba ka na sa kanya" sabi ni Collin na nasa gilid namin ni Aeron.
"Kahit na hindi mo sabihin bababa talaga ako 'no" tapos bumaba na ako kay Aeron.
"Thanks Ron" sabi ko tapos susubukan ko sana na maglakad nang makalimutan kong na-sprain pala ako kaya natumba na naman ako.
Aww! Bigla namang lumapit yung dalawa sa akin.
"Uy! Hon! Anong nangyari sayo? Okay ka lang?" sabi ni Collin.
Binigyan ko siya ng blank expression. Gusto ko siyang sapakin ngayon. I swear.
"Kierzelle" sabi ni Aeron tapos itinayo niya ako, iniakbay niya yung kamay ko sa balikat niya tapos tinulungan ako maglakad ng konti.
"Saan ka uupo?" Tanong niya.
"Sa likod na lang, ayoko makatabi si Reyez eh" sabi ko.
"Bakit? Siya ba yung dahilan?" Tanong niya.
Hindi na lang ako sumagot, binigyan ko lang siya ng bitter smile at tinabihan ako ni Aeron sa likod kung saan walang nakaupo.
"Ay be, yung phone mo pala pinabibigay ni Kheyq, di ka kasi nila mahanap kanina" sabi ni Aeron sabay abot ng phone.
"Salamat" sagot ko.
Saktong pagkaupo namin dumating na yung instructor namin sa Psychology101.
Nasa kalagitnaan ng klase nang biglang nag-vibrate yung phone ko.
From: Collin Reyez
Hon, bakit di ka tumabi sa akin? May problema ba? :(
To: Collin Reyez
Usap tayo mamayang uwian. Don't text me again
Tapos in-off ko na yung phone ko. Tinanggal ko pa yung battery.
Hinilot-hilot ko naman yung paa ko baka sakaling matanggal yung konting sprain niya. Tapos tumayo na ako kung okay na.
Medyo ok—
"Yes! Miss Kawai"
Nagulat ako nung tinawag yung surname ko at napatingin agad ako sa harapan.
"Ang bilis mo mag-volunteer ah" sabi ng instructor namin.
"Mam?" Sabi ko.
"So, what college or university in the Phillipine that first offered the Psychology?"
Ano daw?
"Ma'am sa ano po....."
Saan ba? Di ko naman alam 'to no! Kaynis!
"Saan?" - instructor
"University of Sto. Tomas" bulong ni Aeron na saktuhang maririnig ko lang.
"Ma'am sa University of Sto. Tomas" po" sabi ko
"Okay! Very good"
Tapos umupo na ako.
"Thanks, Aeron" sabi ko sa kanya.
He giggled "Bigla ka kasing tumatayo dyan. Your welcome anyway, ikaw pa loves"
Nginitian ko lang siya.
Naalala ko na naman si Collin. Naiiyak na naman ako ulit. Oo, dahil nasaktan talaga ako.... bilang kaibigan niya na may crush sa kanya. Ansakit lang. Naluluha na ako. Ginamit niya lang ako... at fuschia masakit yun men! Yung taong pinagkatiwalaan mo niloloko ka lang pala. Tae!
"Yeah. I know he truly loves you but... uhhh nevermind"
Posibleng alam kaya ni Julri?
Baka.
"Hon, grabe napakasama kong tao. I'm really really a bad guy. Sa sobrang pagkakamali ko, gusto ko ng umiyak. Pero okay lang, hon. Kaya ko 'to"
"Wala 'to. Basta hon, lagi mong isipin na totoo talagang mahal kita. Sobra. At lagi akong nandito para sayo"
So pahiwatig yun Collin?
...lagi mong isipin na totoo talagang mahal kita. Sobra....
....lagi mong isipin na totoo talagang mahal kita. Sobra....
....lagi mong isipin na totoo talagang mahal kita. Sobra....
Di ko alam kung maniniwala pa ako Collin.
"Loves" tawag ni Aeron sa akin habang nagka-klase.
"Ang lungkot mo" sabi niya ng naka-pout.
"Di nga?" tanong ko.
"Ang lungkot mong tingnan. Hindi ko alam kung dahil nakikita ko yun sa mata mo o dahil sa lakas ng sad aura mo" sabi niya.
"Loves, nandito lang ako ha. Pwede mo akong sabihan ng problema mo" sabi niya ulit.
Napangiti na lang ako.
To be continued...