Tatlong araw ng nanliligaw si Collin. Napapangiti naman ako sa ginagawa niya. Hindi naman ako naiirita. Sana nga ma-fall na lang ako kay Collin. Kung pwede lang.
Nandito ako ngayon sa garden tutal break time naman namin at ako ay nagbabasa ng manga. Attack on Titan Volume 10.
Wala si Aeron. May inaasikaso sa isang subject course namin. At buset yun! Hanggang ngayon di ko pa din malaman kung ano yung sinabi niya sa akin. Kung igu-google translate ko naman yun walang lalabas dahil dapat tama yung spelling! Tokwa naman! Ano ba kasing salita yun? Kaynis!
"Hon!" Patakbong lumapit si Collin sa akin.
"Ano yung dala mo?" tanong ko.
"Flute. Tutugtugan kita" sabi niya.
Tapos bigla siyang tumugtog. Woaaahh! Ang ganda nung tunog. Relaxing. Peaceful. Kaya naman napapikit ako. Then I just feel the music. It chills me to the bones.
Actually this music came from the OST of my favorite animé. Catch You Catch Me yung title.
"Oh ano hon ganda ba?" Tanong niya.
"Hindi! Ansakit nga sa tenga eh! Ano bang talent yan Collin! HAHAHAHAHA." pagsisinungaling ko.
"Ang hard mo kamo talaga sa akin hon! Pasalamat ka mahal kita" sabi ni Collin.
"Thank you. Hahaha"
"Hon oh" sabi ni Collin sabay abot ng isang maliit na box sa akin.
"Chocolate yan. Ako mismo gumawa niyan!" Pagmamalaki sa akin ni Collin.
"Salamat dito Collin. Effort mo masyado!" Sabi ko.
"Syempre naman para sayo Hon!"
"Siya nga pala Collin, ikaw ba yung nagtahi at gumawa ng teeddy bear na nakabox na binigay mo sa akin nung isang araw?" tanong ko.
Yumuko siya.
"Oo hon. Kasi yung sa Cardcaptor Sakura... sabi nila yung ginawa mong teddy bear dapat ibigay mo sa taong mahal mo" sabi ni Collin sabay taas ng ulo niya and he shyly smile with matching kamot pa ng ulo.
Napangiti naman ako. Ang effort niya. Pinaghihirapan niya lahat ng ibinibigay niya sa akin.
"Sige hon! Bye! Sabay tayo uuwi mamaya ah!" Sabi niya sabay takbo paalis nang may bigla siyang makabangga na babae at napaupo ito sa ground, hindi man lang niya tinulungan. Alangyang lalaki 'yon! Kaloka!
"Reyez eh. Ganun talaga" napalingon ako sa biglang nagsalita.
"Julri" nakangiti kong sabi.
Ngumiti naman siya pabalik sa akin at umupo sa bench na kinauupuan ko.
"Alam mo ba nagpuyat pa si Collin para matutunan yung chords ng kantang yun? Nung magkakasama kami kahapon halos mabingi na kami dahil piyok ng piyok yung tunog ng flute, tinatawanan na nga siya nila Anshel but still he managed to master it."
"Effort niya talaga... sa akin"
"Yeah. I know he truly loves you but... uhhh nevermind"
Nanahimik lang ako sa sinabi ni Julri.
"Kierzelle, I know you like him but you love someone else right?"
Napatingin ako kay Julri. Paano niya nalaman? Observer ba siya o mind reader?
Ngumiti sa akin si Julri.
"See you around Kierzelle" sabi ni Julri at naglakad na paalis habang nakapamulsa.
-**-
"Loves" sabi ni Aeron
"Oh?"
"Lagi lang akong nandito para sayo"
"Ehh? Bakit ang drama mo dyan?"
"Wala lang. Sinasabi ko lang naman na importante ka sa akin" nakangiti niyang sabi.
Importante daw ako sa kanya! Importante daw! Napapangiti tuloy ako ng wala sa oras. Sheeeemmayy!! Kinikilig ako. Gusto kong tumalon-talon dito at tumili kaso nakakahiya naman.
"Aeron! Pinapatawag ka daw ni Mam Edañol!" sigaw ni Ate Crain.
"Wait lang be ah" sabi niya tapos umalis na.
Pagkaalis ni Aeron sakto namang dumating si Collin at umupo sa tabi ko nasa room kasi kami.
"Ohayo Kierzelle-chan!" Nakangiti niyang sabi niya pagka-upo niya.
"Ohayo" I respond.
Inusog niya yung upuan niya sa akin kaya para na kaming magkadikit. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan yung kaliwa kong kamay, he intertwined it actually. Tapos sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. Tapos nakita kong pumikit siya.
"Hon, grabe napakasama kong tao. I'm really really a bad guy. Sa sobrang pagkakamali ko, gusto ko ng umiyak. Pero okay lang, hon. Kaya ko 'to" sabi niya ng may malungkot na boses.
"Bakit? Ano bang ginawa mo?"
"Wala 'to. Basta hon, lagi mong isipin na totoo talagang mahal kita. Sobra. At lagi akong nandito para sayo" sabi niya ulit sa malungkot na tono.
"Anong meron at ang drama niyong dalawa ni Aeron?" Sabi ko.
"Oh nasama pa yung kupal na yun sa usapan natin! Hayaan mo siya. Basta ako mahal kita, eh siya ba, mahal ka niya?"
"M-mahal ko siya.." sabi ko.
"Alam ko" sabi ni Collin.
"Paano mo nalaman?"
"Sabi ni Julri sa akin"
"Paano nalaman ni Julri?"
"Ewan ko sa kanya. Admirer mo din yata yun eh. Hahaha"
"Ewan ko sayo. Tanggalin mo na nga yung ulo mo sa balikat ko. Ang bigat" sabi ko.
Tinanggal naman niya at umupo na siya ng maayos.
"Ikaw talaga hon..."
"Ano?"
"Mahal ko" nakangiti ulit na sabi ni Collin.
Napapangiti ako. Parang tanga lang. Fuschia yan! Parang adik si Collin. Bumanat ba naman ng ganun? Siomai talaga.
To be continued...