Kierzelle Sakura M. Kawai
Naririto ako ngayon sa kwarto ko kasama si Collin. Nakatambay na naman dito. Nanunuod siya ng Attack on Titan sa flat screen TV ko at nakaupo sa sofa ng kwarto ko habang kumakain ng cake. Feel at home talaga ang loko.
Ako naman nagtingin ng facebook ko gamit yung laptop ko.
Aiy! Di ko pa pala friend si Aeron sa facebook. Hahaha. Parang ewan lang.
Nag-add friend ako sa kanya at agad naman niyang in-accept.
"Iiiiiih!! OMG!! INACCEPT NIYA FRIEND REQUEST KO SA FB!!!! WAAAAHHHH!! KINIKILIG AKO!!" sigaw ko.
"Sinong nag-accept sayo?" tanong ni Collin.
"Si Aeron! HAHAHAHAHA. Kinikilig ako Collin!!"
"Sus. Mas gwapo pa ako dyan eh! Kinikilig ka pang nalalaman dyan!" Sabi ni Collin.
Nag-log out na ako tapos lumapit ako kay Collin. Hinarap ko siya sa akin.
"Uy! Bakit?" Tanong niya.
Tiningnan ko siya sa mata.
"B-bakit n-nga?" Tanong niya.
Nilapit ko pa yung mukha ko sa kanya napaatras naman siya.
"U-uy" sabi niya.
"Collin" sabi ko.
"A-ano?"
Nilapit ko pa yung mukha ko sa kanya na halos two inches na lang yung distance.
Napatingin ako sa mata niya na gulat na gulat na sa mga pinaggagawa ko.
Ang sarap nitong asarin!
"Ang panget mo! HAHAHAHAHAHA!!!" sabi ko sabay humagalpak ako ng tawa sa sofa.
"Baliw ka! Pasalamat ka @#$%&* ~'=^°€ [mahal kita]"
"Ano? Pasalamat ako dahil?"
"D-dahil n-nakatambay ak-o dito sa kwarto mo"
"Ahhhh... Penge nga ako ng cake!" Sabi ko sabay kinuha ko yung kutsara na ginagamit niya at ipinangsubo ko ng cake.
"Ehhhh?!! Bakit mo ginamit yung kutsara ko?" Sabi niya.
"Ha? Arte mo ah!" sabi ko sabay tingin ko sa kanya na kasalukuyang tinitingnan yung kutsara na ginamit ko.
Ah! Alam ko na iniisip nito.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!! Tanda mo na Collin! Ang indirect kiss ay uso na sa college!" sabi ko sabay inom sa baso na iniinuman niya.
"Ang sama mo!" Sigaw ni Collin.
"Bakit ako naging masama?" Tanong ko.
"Wagas ka kasing makahila eh" sabi niya.
"Makahila? Kailan ba kita—"
"Nahulog tuloy ako sayo" sabi ni Collin.
Ang... ang ........
"CORNY FRE!!! HAHAHAHAHA!!" sabi ko sabay hagis sa kanya ng pillow ko.
"Grabe ka Hon! Ang sama mo talaga hon!"
---****---
THIRD WEEK.
Pagkapasok ko ng room si Collin pa lang yung tao.
"Collin, ang aga mo pumasok ah" sabi ko.
"A-ano... Oo eh" sabi niya.
I just nod at him.
"Hon" tawag niya sa akin.
"Oh?" sabi ko sabay tingin sa kanya.
May inaabot siyang box sa akin na nakabalot pa ng gift wrapper.
"Para sa akin?" Tanong ko.
He nod. Tapos kinuha ko yung box.
"Sa bahay mo na lang buksan" sabi niya.
"Okay" sabi ko naman.
"Hon" tawag niya ulit.
Tumingin ako sa kanya pero nakayuko siya.
"Bakit Collin?" Tanong ko.
Bigla niyang itinaas yung mukha niya na namumula na.
Bakit kaya?
"Hon, I will court you." Sabi niya ng nakatingin sa mata ko.
Nabigla ako sa sinabi niya.
"S-seryoso ka?"
"Oo hon. M-mahal na kasi kita. S-sobra" sabi niya.
Okay liligawan daw ako ng CRUSH ko.
JAW DROPPED.
---***---////
"Uy! Hon! Seryoso ako na liligawan kita ah" sabi ni Collin sa akin habang nakaupo kami sa seats namin at naghihintay pa din ng instructor.
"Oo na Collin! Statement naman yung sinabi mo kanina. May magagawa pa ba ako?"
"Grabe ka hon! Parang ayaw mo naman" sabi niya.
"No comment" sabi ko.
"My loves!" Nakangiting sigaw ni Aeron papasok ng room.
Napangiti rin ako.
Pero.. my eyebrows furrowed.
"Bakit may nakapalibot na gauze dyan sa ulo mo?" tanong ko pagkaupo na pagkaupo niya sa upuan niya.
"Ah eto ba? May sugat pala. Si mommy yung nakapansin. So, whether I like it or not they need to put this gauze around my head and it really sucks" sabi ni Aeron.
"So, okay ka lang? Naku, sorry talaga Aeron. Kasalanan ko pa kung bakit may gasa ka sa ulo" sabi ko.
"No be. I'm okay lang naman. Don't worry" sabi ni Aeron.
"Hon, sabay tayo mag-lunch ah?" sabi ni Collin.
"Okay, sige"
"Bakit kayo sabay kakain?" Tanong ni Aeron sa akin.
"Care to know?" Sabi ni Collin kay Aeron.
"Shut up. I'm not talking to you" sabi ni Aeron.
"I'm courting her" sabat agad ni Collin.
Nak ng kulay pink naman!
"Oh well, good luck" sabi ni Aeron kay Collin then he smirked.
Grabe sila! Parang wala ako sa gitna nila oh!
Pagkatapos ng usapan ng dalawa hindi na ulit sila umimik.
Maya-maya may biglang tumawag kay Collin.
"Hello... Oh?.... Meeting?..... Oo..... Anong oras?..... 12noon? Bakit lunch time?... Oo na..... Oo nga pupunta na nga eh.... Pupunta ako Julri... Bye" - Collin
"Kaynis! Hon, next time na lang tayo sabay na mag-lunch. May meeting kasi lahat ng president ng bawat department sa president ng student council" sabi ni Collin ng medyo naiinis.
"Okay lang naman" sabi ko.
"Baliw na Julri" sabi ni Collin.
"Grabe ka ah" sabi ko naman.
--***---
"Loves" tawag ni Aeron sa akin habang naglalakad kami sa corridor pauwi.
"Bakit?" Sabi ko.
"Ano? Yung binder mo?"
"Nandito sa bag. Bakit?"
"W-wala be." Sabi niya.
"Okay" sabi ko then I shrugged.
"Loves.." sabi ni Aeron.
Ako naman dire-diretso maglakad kaya nagulat ako ng wala ng nakasunod sa akin. Tumingin ako sa likod ko at nakita kong nakatayo lang siya dun at nakayuko.
Problem nito?
"Aeron! Uy! Bakit ka huminto?"
"Uy! Aeron!"
Naglakad na ako palapit sa kanya.
"Aeron.... bakit?" Tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.
Itinaas niya yung ulo niya at tiningnan ako sa mata...
Ehhh?
"Bakit namumula mata mo? Umiiyak ka?" Tanong ko.
"Wala lang to Loves. Masaya lang ako" sabi niya sabay punas ng luha niya.
"Ano bang problema mo Loves?" Tanong ko sa kanya.
Bigla naman siyang ngumiti ng malapad. At naglakad palayo.
"Tara na" sabi niya.
Anlayo na niya sa akin. Di man lang niya inalam kung nakasunod pa ba ako sa kanya. Nakakainis! Bakit kasi ako na-inlove sa kanya? Bakit sa kanya pa? Nakakatanga.
"AERON!!" Sigaw ko.
Lumingon naman siya.
"Chottomatte-ne!!" Sigaw ko.
Nanatili naman siyang nakatayo sa pwesto niya at tumakbo na ako papunta sa kanya.
"Bakit mo ako iniwan ha?!" Sigaw ko sa kanya pagkadating ko sa pwesto niya.
"I did not, kung iniwan kita eh di sana wala na ako ngayon sa harap mo" sabi niya.
"Oo nga naman" sabi ko.
"HAHAHAHAHAHA! Ikaw talaga loves! Ang kulit mo talaga"
"Bakit?"
"Wala. Nakakatuwa kasi dalawang beses mo na akong tinawag na 'loves' eh" sabi niya ng nakangiti.
Napangiti naman ako.
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
"Ik haw fan ye" sabi niya.
"Ano??"
To be continued...