Monday na naman! As usual pumasok ako. Hindi kami sabay ni Collin ngayon at good news yun para sa akin.
Hanggang ngayon di ko pa binubuksan yung facebook account ko. Yaan na!
Pagkaupo ko pa lang sa upuan ko. Nagtanong na agad sila Ate Crain at sila Kheyq sa akin ng....
"Kayo ba ni Aeron?" Sabay-sabay nilang bulong.
"HA?!"
Nagulantang naman ako sa tanong nila.
"Hindi kami no."
"Eh bat parehas kayo ng DP pati ng Caption?" Tanong ni Kheyq.
"Oo nga" Sang-ayon naman ng iba.
"Ano kasi... trip niya lang yun" sabi ko.
"Oo nga. Wag na kayo makulit. Bumalik na kayo sa proper seat niyo" sabi ni Collin sabay upo sa upuan niya na nasa tabi ko lang.
At nagsibalikan nga sa upuan nila sila Ate Crain at sila Kheyq.
At biglang umupo si Aeron sa tabi ko.
Eh? Ba't feeling ko ang awkward?
Wala pa naman yung instructor namin kaya nag-basa na lang ako ng Otakuzine Issue 99. Waaahhh!! Ang ganda nung cover—Charlotte! Ang gwapo-gwapo ni Yuu Otosaka! Wahahaha.
"Kierzelle" sabay nilang sabi.
"Hmmmm?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanila dahil sa kasalukuyang naga-gwapuhan talaga ako kay Yuu.
"Hon/Loves" sabay ulit nilang sabi.
Binaba ko yung magazine na hawak ko. At nabigla ako dahil nasa harapan ko na silang dalawa.
"Bakit?" Tanong ko.
"Paturo" sabi ni Collin.
"Ng?" Tanong ko.
"Ng topic sa Natural Sciences" sabi ni Aeron.
"Eh? Bakit ako?"
At ayun nga nandito kami sa Student Lounge at tinuturuan sila ng latest lesson namin sa Natural Sciences.
"Ang tsunami is a japanese word na ang meaning ay harbor wave." -ako
"Bakit tinawag na harbor wave?"- Collin
"Kase, napaka-visible niya sa coastal areas"
"Anong kinaibahan ng tsunami sa storm surge at normal waves?" -Aeron
"Ang normal wave ay cause ng wind. Ang storm surge ay cause ng hurricane at ang tsunami ay cause ng earthquake, volcanic eruption, meteor impact at landslide. Okay na ba?"
"Very good" napatingin ako sa nagsalita.
"T--Sir Mico? You're listening?" -ako
"Yes. Actually napadaan lang talaga ako. Ina-announce ko din kasi na suspended na ang klase ngayon araw" sabi niya.
"Bakit po?" Tanong naming tatlo.
"Because we instructors and deans all over the city have an urgent general assembly at city hall. So, see you around. Bye!" Sabi ni Tito Mico sabay umalis na siya.
"Loves una na ako. Bye!"
"Bye!" Sabi ko.
"Uy! Collin. Antahimik mo?" Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng college.
"Wala hon. May iniisip lang ako"
"Sino?"
"Ikaw. HAHAHAHAHAHA!!" Hagalpak po ang pagtawa niya to the point na pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng naglalakad din palabas..
But at some thought...
........napangiti ako.
"Ewan ko sayo Collin! Baliw ka na naman!"
"Oo. Baliw sayo. HAHAHAHA!"
"Tumigil ka na nga"
"Eh di pag tumigil ako, hindi ka na makakahinga?"
"Ha?"
"Kasi ako ang oxygen mo at hindi ka mabubuhay ng wala ako."
Bumanat siya. Kaya....
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!" tawa ko.
Halos mapaupo na ako sa kinalalakaran ko eh. Inalalayan niya lang ako.
"Buset ka Collin! Ang corny mo talaga fre! HAHAHAHA!! Saan mo ba namana yang kamaisan mo? Kay Tito Troy? Sa pagkakaalam ko si Tito Nico ang tatay mo eh! HAHAHAHAHA!!" Pahayag ko habang sinusuntok ko ng mahina si Collin sa braso niya.
"Grabe ka naman talaga Hon. Seryoso kaya ako dun" sabi niya.
"Ha? Seryoso ka dun? Anak naman talaga ng mais!! HAHAHAHAHAHAHA!!"
"Hon naman eh" -Collin
"Hon, ang corny mo po kase" sabi ko ng medyo natatawa-tawa pa habang patuloy na naglalakad.
Pagkatingin ko sa gilid ako... Asan na si Collin?
Tumingin ako sa likod..
Eh? Bakit nakatayo lang siya dun? Ang dami kayang estudyanteng lumalabas. Baliw talaga.
Binalikan ko pa tuloy siya.
At ayun nakangiti at nakatulaley sa kawalan.
"Oy! Collin!" Sabi ko sabay pitik sa noo niya kahit mas matangkad talaga siya sa akin.
"Anyare?" Tanong ko.
He just blinked and shrugged. Then, he also smiled. A smile that I had never saw since I met him.
"Wala. Hon. Tara na" sabi niya at hinila na niya ako ng tuluyan palabas ng college.
--**--////
•~•Aeron Shaun Takeshi•~•
Hay! Salamat naman! Nakita ko din sila Crain, Shannen, Rain, Laine, Kheyq, Klaire at Kea. Actually lahat sila may mga boyfriend na, yung iba M.U.
"Crain!" Tawag ko para mapansin nila ako.
"O! Aeron?! Sasabay ka sa amin lumabas ng school" - Crain
"Hindi be. Hindi ako sasabay sa inyo kaya hinanap ko pa kayo" sarcastic kong sabi.
"Ewan ko sayo!" - Crain
"Ang gwapo mo talaga Aeron!" - Laine
"Uy! Aeron! Musta kayo ni Loves mo?" Tanong ni Kheyq habang naglalakad kami.
"Anong kamusta?" Tanong ko.
"We mean, ano ba talagang pakay mo kay Kierzelle ha?" -Klaire
"Oo nga naman!" - Kea
"Wala naman akong pakay sa kanya ah" sabi ko.
"Wala kang gusto sa kanya?" - Rain
Ano ba 'to? Interrogation?
"Aeron!" - Shannen
"Ano?" Sabi ko.
"May gusto ka ba kay Kierzelle?" - Crain
I heaved a sigh.
"Wala. Wala akong gusto sa kanya. Ano ba naman kayo" sabi ko sa kanila ng nakangiti, pekeng ngiti.
"So pa-fall ka lang ganon?" - Klaire
"Hindi ah"
"Then stop calling her 'loves'." -Kea
"OMG! Naiwan ko phone ko sa room!!" - Laine
"Samahan niyo ako!" -Laine
Lahat naman sila sinamahan si Laine maliban sa akin at kay Crain.
"Wait na lang namin kayo sa exit ng school!" Sabi ko.
"Okay!" Sigaw nila.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Crain.
Tapos may narinig kaming tumatawa. Ang lakas kasi. Kaya sinilip ko kung sino, medyo harap lang naman namin eh.
Si Kierzelle saka si Collin magkasama. Tapos pinapalo-palo pa ni Kierzelle si Collin habang tumatawa siya. Muntik pa siyang mapaupo.
Bigla akong nainis. Naiinis ako. Sh*t! Alam ko naman kung ano 'tong nararamdaman ko eh. Ayoko lang tanggapin kasi baka hindi niya ako tanggapin bilang ako. Nakakatakot umamin.
"Alam mo Aeron, hindi ko alam kung kanino ka nag-seselos eh. Nagseselos ka ba kay Collin kasi parati niyang kasama ni Kierzelle? O nagseselos ka kay Kierzelle kasi parati niyang kasama si Collin?" Tanong ni Crain.
"Basta nagseselos ako" sabi ko.
"Kanino nga?" tanong ni Crain.
"Basta nga" sabi ko.
"Ay nako! Sinasabi ko sayo ngayon pa lang! AnrekwitedLav yan!" sabi ni Crain.
I don't care. I don't really care. Basta, mahal ko siya. Period!
"Grabe ka naman Crain! Wala ka bang tiwala sa karisma ko?"
"I trust that charisma of yours but look at them. Collin and Kierzelle makes a good couple. Kung saka-sakali, I will really root for them. Bagay sila eh"
Sakit naman sa feelings ng sinabi ni Crain. Tinitigan ko naman yung dalawa sa harap ko at napangiwi ako. Masakit mang tanggapin ang katotohanan pero tama si Crain, bagay sila.
"Nga pala, kamusta kayo ng boyfriend mo ngayon?" Tanong ni Crain sa akin na medyo ikinabigla ko.
"O-okay lang naman"
"Okay lang naman? 'Wag nga ako Aeron! Makipag-break ka na lang dyan sa jowa mo dahil alam kong may gusto ka ng iba!"
Parang ang dali namang makipag-break. Kahit naman hindi ako gaanong seryoso sa mga karelasyon ko, ayokong nakikipag-break. Hahayaan ko na sila ang makipag-break sa akin.
To be continued...