*Kierzelle Sakura M. Kawai*
Two weeks ko na ring kasama si Collin. Pero napansin ko hindi na niya ako sinusundo kaya di na kami sabay na pumapasok, pag-uuwi na lang kami sabay.
Pagkapasok ko sa room nandito na si Collin at Aeron.
At umupo na ako sa gitna nila since dito naman talaga ang seat ko.
"Collin" tawag ko sa kanya.
"Bakit hindi mo na ako sinusundo?" Tanong ko sa kanya.
"Ha? Bakit mo natanong? Namiss mo na ba akong makasabay pagpasok?" Tanong niya.
"Una, good news sa akin na hindi tayo magkasabay na pumapasok dahil walang makulit around pero oo, tama ka, namiss kitang kasabay pumasok" sabi ko sabay inubob ko yung ulo ko sa armchair at ipinikit ko ang mga mata ko, inaantok ako eh.
Nagsulat lang kami ng essay sa Communication101 at ngayon wala pa rin yung next instructor namin kaya lumabas na muna kami.
"Loves, may ipapanuod ako sayo" sabi sa akin ni Aeron habang nakatambay kami sa garden ng school.
"Ano na naman yan! Mamaya kung ano na naman yan ah"
"Hindi ah. Ito na oh" sabi niya sabay abot sa akin ng phone niya, nilagay niya sa tenga ko yung isang earphone tapos yung isang earphone sa tenga niya.
T-trailer ng.....
"The Sealed Card!!!" Sigaw ko ng tuwang-tuwa sabay niyakap ko siya ng mahigpit actually hindi na yakap ito sa ginawa ko eh halos kargahin na niya ako eh, yung naka-cling na yung paa ko sa bandang thigh niya.
Kaso....
Nawalan siya ng balance kaya natumba kami at napapikit na lang ako. Buti na lang makapal yung maliliit na green grass dito kundi patay si Aeron.
At buti! Buti talaga! Naitungkod ko yung dalawang kamay ko.
Unti-unti kong binuksan yung mata ko.
At nakita kong nakapikit pa rin si Aeron. Umalis ako sa pagkakadagan sa binti niya at umupo sa gilid niya.
"Aeron..." niyuyog ko siya.
"Uy!" Yugyog ko ulit sa kanya.
"Hoy! Aeron!"
Tokwa 'to! Kinakabahan na ako ah! Naiiyak na din ako.
"Anong nangyari?" Tanong ni Ate Crain.
"L-loves naman eh" sabi ko sabay may biglang tumulong maliit na luha mula sa nakapikit kong mata.
"Yun naman! Yun lang naman yung hinihintay ko eh" sabi ni Aeron kaya napatingin ako agad sa kanya na kasalukuyang naka-upo na sa grass.
"Aeron!" Sigaw ko sabay niyakap ko siya, yung mahigpit na mahigpit.
"Daijoubo desuka?" tanong ko ng mahina sa kanya
"Hai so-desu"
"Yogata" sabi ko at napangiti ako.
"Hontouni arigato gozaimasu" sabi niya.
"Arigato"
Confirmed! Mahal ko na talaga siya. There's no turning back. I'll take the risk. I know this thing will cause me a bigtime pain but it's inevitable anyway. It's inevitable not to be hurt.
I hope at the end of this I won't regret falling inlove.
---***---
•~• Jan Collin Lei Reyez •~•
Nandito ako ngayon sa garden. Sinundan ko si Kierzelle.
Nakakabaliw na! Bawal akong ma-inlove eh. Bawal!! Takte naman!
"You can't stop yourself from falling inlove"
Napatingin ako sa nagsalita. Sino pa ba ang mapagbasa ng mga ideya?
"Julri, anong—" napatigil ako dahil...
"Julri! Bakit mo naman ako iniwan?! Tumalikod lang ako sandali nandito ka na!" sigaw ni Anshel.
My eyebrows furrowed.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.
"Obviously, nakatayo ako" sabi ni Julri.
Tss. Tokwa 'to! Wala yata si Zanne? Sa pagkakaalam ko, kambal tuko na sila nitong ni Julri eh.
"Namiss ka lang namin Insan!" Sabi ni Anshel na may dala-dalang junk food sa kamay niya. Large size pa. May hawak pa siyang isang eco-bag na malamang puro pagkain. Mag-bestfriend nga sila ni Kierzelle—matakaw in a good way. Buti di sila tumataba.
"Kain tayo?" Alok ni Anshel.
"Wag na baka kulang pa sayo yan" sagot ko sa kanya.
"Uy hindi ah! My parents thought me how to share my blessings! Kuha ka na lang kung gusto mo!"
Napatingin ako kay Julri, himala wala yata siyang dalang libro ngayon.
"Wala na akong mabasa eh. Natapos ko na lahat ng libro sa bahay at sa library then unfortunately di pa ako nakakabili ng bago" sabi ni Julri na nakatayo sa tabi ko.
"Eh di wow" sabi ko.
"Julri, anong iniisip ng lalaking yun?" Tanong ko sa kanya sabay turo kay Aeron.
"Saan?" Tanong niya.
"Yung may hawak na phone na kulay pinky peach" sabi ko.
"Ah ayun."
"Oo"
"May ipapanuod siya kay Kierzelle" sabi ni Julri.
"Basahin mo nga yung gagawin niya in the nearest future" sabi ko kay Julri, gifted kasi tong second cousin ko. He was born with that.
"Nabasa ko na pero bawal kong sabihin sayo. Masama pag sinabi ko sayo. Privacy yun ng isang tao. At dapat secret lang yun at ang secret hindi ipinagkakalat"
Namo talaga 'to. Kulang na lang sa kanya ay big white wings at halo eh. Kaya nga siya may ganyang powers eh para gamitin! Sayang naman! Sana ako na lang yung may powers. Hahaha.
Powers talaga eh no? Eh, sa yun yung term naming magpipinsan doon eh.
Nakita ko naman na bigla ngang lumapit si Aeron kay Kierzelle. Binigay niya yung phone niya at biglang....
"The Sealed Card!!!" Sigaw ni Kierzelle sabay yakap kay Aeron na halos kargahin na siya.
Babaeng 'to! Kainis!! Hindi man lang uso sa kanya yung salitang demure! Makayakap pa kay Aeron wagas! Pwede namang ako na lang! Nakakainis! Sarap manapak!!
"Selos ka lang eh" sabi ni Julri.
"Tsk! Binasa mo na naman isip ko? Kainis lang Julri!" Sabi ko sa kanya.
"Sorry. Can't help to read your mind. Wala akong libro eh"
"Bibilhan kita ng isang truck! Wag mo lang basahin yung iniisip ko!" Sabi ko.
"Inlove ka pala kay bestfriend eh!" Sabi ni Anshel sabay akbay sa akin.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko.
"Eh kung ice pop lang yan si Bestfriend ko tunaw na yan sa titig mo" sabi ni Anshel.
"Ohh! Tumba. Sinasabi ko na nga ba eh." Sabi ni Julri.
"Kierz----/Best----" pinutol ni Julri yung sasabihin namin ni Anshel.
"Wag niyong puntahan" sabi ni Julri.
"Bakit?" I asked as my eyebrows furrowed.
"Just do it. It's for the best." sabi niya with his legendary cold eyes at pag naka-turn on yan dapat sumunod ka nalang. He is the Absolute Prince.
Kaya ito wala kaming nagawa ni Anshel kundi tumayo dito at tingnan na lang yung mga pangyayari.
Biglang niyakap ni Kierzelle si Aeron.
"She loves him" sabi ni Julri.
"What?" Tanong ko.
Tiningnan lang ako ni Julri at naglakad na siya palabas ng garden. Bakit parang apektado rin siya sa sinabi niya?
Umiling-iling na lang ako. Baka namalikmata lang ako.
"Ang tawag diyan AnrekwitedLav" sabi ni Anshel.
"Ano? Hindi ah" Inis kong sabi.
"AnrekwitedLav nga yan. Anrekwited. An-rek-wi-ted Lav." Sabi ni Anshel.
"Ipamukha mo pa" sabi ko.
"Spell unrequited love? J-A-N space C-O-L-L-I-N space L-E-I space D-I-A-Z space R-E-Y-E-Z. Hahahaha. Akalain mo yun Insan? Ikaw biktima ng ANREKWITED LAV? Wawa ka naman. HAHAHAHA!!" sabi ni Anshel sabay umalis na din.
Isang yun! Maka-asar akala mo hindi nagse-serve sa simbahan eh!
To be continued...